webnovel

Operation Separation

Nag-usap ang dalawa sa loob ng kanilang mga panaginip tungkol sa plano nila sa nangyayari sa kanila. Di nila namalayan ay umaga na at nagising ang dalawa. Natuklasan nila na kaya nilang mag-usap sa isa't-isa sa pamamagitan ng telepathy na kung saan ay nag-uusap sila sa isa't-isa sa loob ng kanilang mga pag-iisip.

Sa umaga na pagkagising at bangon nila ay agad-agad nilang sinubukan na tanggalin ang mga singsing ngunit, hindi nila ito matanggal. Sinubukan na nila ang lahat ng mga paraan upang matanggal ang mga singsing ngunit, ayaw parin talaga na matanggal ng mga singsing mula sa kanilang mga daliri. Ang worst pa ay, nailipat ang mga singsing sa ring finger nila. Buti nalang ay mukhang hindi eto nakikita ng iba. Ngayon ay pumunta na sila upang um-attend ng mga sari-sarili nilang klase.

{Basta Aria, tandaan mo lang palagi na always act natural. Itago mo din ng maigi yung mga singsing sa daliri mo. And tuwing mag-uusap tayo through telepathy ay wag na wag ka masyadong mag-re-react. Just hold on for a bit. Makakahanap rin tayo ng paraan!}-Allen

{OO NA! Oo na! Geez…Naka ilang ulit kana Allen. Hindi mo ba alam na nakaka-sawa din pag paulit-ulit…okay that was cringey…}-Aria

{Hugot ka ng hugot… Yun yung nakakasawa Aria. For goodness' sake. Eto pa, Mag-ingat ka na wag mabasa, matapilok or whatever na pwedeng masaktan ka. Para walang damay-damay.}-Allen

{Allen…This is the fifth time na sinabi mo yan…For crying out loud!}-Aria

{UGH…Right…}-Allen

{Calm down Allen wag ka nang mataranta please lang. KANINA PA EH! TAMA NA PLEASE LANG. NAGKLAKLASE KAMI AT KAILANGAN KO NA MAG CONCENTRATE. BUTI SANA KUNG KASING TALINO KITA NOH?}-Galit na galit na sinabi ni Aria sabay nya kinagat yung kamay nya.

"Ahhh!" Napa tayo at sigaw si Allen sa loob ng kanilang classroom.

"Mr. Rivamare. Is there anything that matters?" Tanung nong teacher.

"Uhh…Nothing sir!" Sagot ni Allen sa teacher saka bumalik sa kanyang pagkaka-upo.

Ilang oras na din ang lumipas at lunch break na nila. Si Aria walang pinagbago, eto parin at isolated siya mula sa lahat. Pati mga dati niyang mga kaibigan ay iniwan siya. Pasimpleng lumapit si Audrey upang mang-inis.

"Aw…Kawawa ka naman Aria but, I must say that Shawn deserve someone better at ako yung better na iyon hahaha." Sabi ni Audrey sabay tumawa ang mga kaibigan ni Audrey.

{Bruh… Damn this girl…}-sabi ni Allen na nasa malapit na table kay Aria.

{Yep…Ugh…Gusto ko lang naman ng peaceful na lunch time. Mahirap ba na maibigay yun??? P*tang ina}- Sabi ni Aria

{W-wow… First time hearing you curse, Aria.} Sabi ni Allen

{Ahahaha Mukha ngang ganun.}-Aria