webnovel

Desliz del Tiempo (Filipino) COMPLETED

After a long arduous day, Alexa found herself in an old 'greasy-spoon'. Habang tahimik siyang kumakain ay bigla na lang lumindol nang malakas at gumuho ang buong gusali, lahat ng taong nandoon ay natabunan pati na siya. Nagising si Alexa sa lugar na kahit sa panaginip ay hindi pa niya napuntahan. Pati ang mga taong nakapaligid ay hindi niya kilala, katawa-tawa din magsalita at manamit ang mga ito dahil animo'y nasa isang dula. Naisip niya na lahat ng iyon ay isa lamang kakatwang panaginip. Sa panaginip niyang iyon ay nakilala niya si Juan Diego Velez, the oldest son of familia Velez , ang mortal na kaaway ng Monserrat, ang kanyang pamilya. Despite the rumors and undeniable family feud, she could not bring herself to fear him, let alone fall inlove at ganoon din ito sa kanya. Ngunit dahil sa komplikadong relasyon, they were forcefully separated by her family. Nasaksihan niya kung paano nagwakas ang buhay nito. That was when she suddenly woke up from a deep slumber ngunit bakit ang lahat ng emosyon lalo na ang sakit na kanyang nadama ay tila totoo? Lalo lamang siyang naguluhan nang makilala ang presidente ng bago niyang pinagtatrabahuhan. The man possessed the very face of Diego.

AuraRued · Fantasi
Peringkat tidak cukup
21 Chs

Chapter 4

"BAKIT hindi ko nakikita si Alessandra sa salon? Hanapin ninyo siya at dalhin ninyo pabalik sa kasiyahan!" rinig ni Alexa, base sa nanggigigil na tono ng salita ng Doña ay mukhang kanina pa ito naghahanap sa kanya.

May something talaga sa ugali ng babaeng iyon. Mas lalong ayaw niyang magpakita at bumalik sa boring na party.

Angat ang mahabang palda, nagmartsa siya paalis ng bahay mula sa nakitang pintuan malapit sa kusina. Kung hindi siya nagkakamali ay likod-bahay na ang gawi na iyon.

Hindi maiwasan ni Alexa ang mapapikit at punuin ng malinis na hangin ang baga nang makalabas sa mansyon. Mas pipiliin niyang harapin ang mga damo at puno kaysa makiharap sa mga taong ngayon lang niya nakilala.

Sa pagdilat ng kanyang mga mata ay nahuli ng paningin niya ang puting paruparo na dumaan sa kanyang harapan. Tila masaya itong bumabati sa kanya sa pamamagitan ng paglipad sa itaas ng kanyang ulo.

"Magandang hapon naman sa 'yo."

Sinundan niya ng tingin nang lumayo ang kaakit-akit na nilalang patungo sa mababang pader, ilang metros mula sa kanyang kinatatayuan. Napukaw ang curiosity ng babae nang mapansin na may espasyo na nakatago sa likod niyon. Pagkatapos magpalinga-linga at masigurong walang ibang taong nakakakita ay tinungo niya ang bagong natuklasan.

"Garden?"

Roses with different colors were scattered on the ground, kaso halos kinain na ang buong lugar ng mga damong ligaw. Mukhang tuluyan nang pinabayaan ang garden na iyon dahil wala siyang nakikitang bakas ng tao. Pinagala ni Alexa ang paningin at excited na nilapitan ang kahoy na gate. May malaking kadenang tadtad sa kalawang ang basta nalang inikot. Dahil wala namang padlock, walang kahirap-hirap na kinalas niya iyon at pinabayaan lang sa lupa. Nahagip ng paningin ni Alexa ang lumang rake na nakatayo sa gilid ng gate kaya ginamit niya iyon para panghawi ng damo.

Tantiya niya ay nasa kulang-kulang fifty square meters ang laki niyon, masyado nang luma at nagkasira-sira, tinakpan na nga lang ng lumang drum ang butas ng likurang bahagi ng garden.

'Sayang naman kung mamamatay lang ang lahat ng bulaklak dito. Kaya na namin ni Sofia 'to.'

Nagtagpo ang mga kilay ni Alexa nang may maulinigang animo ay lagaslas ng tubig. A faint sound na kung hindi pagtutuunan ng atensiyon ay halos hindi na mapapansin.

Napalingon siya sa gubat na nasa kabilang bahagi ng pader.

"May sapa?"

A stubborn grin stretched her lips, nakakatuwa talaga ang bukid. "Pero pupunta ako sa sapa nang ganito ang hitsura?" tanong niya sa sarili habang niyuko ang suot na damit, but then shoved away the thought. "Sisilipin ko lang naman."

Dahil sa sirang pader ay hindi nahirapan si Alexa na tawirin ang kabila niyon, tinumba niya lang ang lumang drum.

It took her eternity para bagtasin ang kakahuyan. Mabuti na lang at hindi gaanong mahaba ang mga damo sa parteng iyon. Siguro dahil dikit-dikit ang naglalakihang punong-kahoy kaya hirap makapasok ang sikat ng araw. Hindi gaanong nakakatanggap ng sustansiya ang mga halaman. Akala talaga niya ay malapit lang ang narinig na sapa, gusto na niyang sisihin ang sarili kung bakit pa sumuong sa lugar na iyon. Idagdag pa na mas lalo siyang pinagpawisan sa klase ng damit na suot niya.

Pagkatapos ng ilan pang minutong lakaran, a few more meters and she could guess the water is next to her. Kaya kahit hinihingal at pagod na ang mga paa--huwag nang banggitin pa na lumulubog na ang araw--she indulged herself and carry on with her adventure.

Napangiwi si Alexa dahil habang lumalapit siya sa sapa ay nagiging malambot at madulas na ang lupa. Delikado ang paa niya sa two inches heels na suot na sapatos.

She carefully took her steps, grabbed some twigs to support herself when a sound of water splashes made her jolt and stop.

'May tao!'

She could feel her eyes popped out as she hastily gasped some air. Frozen as a figure suddenly emerged from the waters--it was a man covered on little to no clothing as droplets of water fell down from his glistening bronzed skin; tracing it. His broad back was facing towards her direction, allowing her to see such form of masculinity down to his bottom. Tanging binti lang nito ang naiwang nakalubog sa tubig.

Aside from his godly plumped buttocks and shapely yet mascular waist, umagaw sa atensyon niya ang napakaitim at lampas balikat nitong buhok. Nag-aagaw man ang liwanag sa kadiliman pero malinaw pa rin sa paningin ni Alexa ang paggalawan ng mapipintog nitong muscles dahil sa dilaw na ilaw na nanggaling sa batuhan malapit nito. Literal na napaawang ang bibig ni Alexa nang hawiin nito ang buhok patalikod.

"Wow. . ."

The man was breathtakingly beautiful. Perpekto ang hubog ng katawan at tangkad nito. Wari ay nakatitig siya sa live portrait ng isang greek god.

Alexa's knees went weak by the scandalous sight, kaya napahawak siya sa baging na nakalambitin sa punong-kahoy. Ngunit bago pa niya maisipan na malaking kamalian iyon ay nawalan siya ng balanse at dumausdos sa lupa. Sumabit pa ang laylayan ng damit niya sa nakausling ugat at napunit. She could just squeak in terror.

"Sino iyan?" sigaw ng lalaki. Kahit ang boses nito ay lalaking-lalaki, puno ng awtoridad. Narinig niyang umalis ito sa tubig kaya natakpan niya ang kanyang bibig ng kamay.

"Lumabas kang pangahas ka! Walang kuwenta ang iyong pagtatago dahil nasa teritoryo kita." Saglit itong tumahimik pero nariringgan ni Alexa ang mga kaluskos. "Kung hindi ka susuko ngayon ay sisiguraduhin kong papatawan ka ng matinding parusa!" banta nito na epektibo sa kanya dahil ano lang naman ang lakas niya kumpara sa isang malaking lalaki. Baka katayin siya nito na parang baboy damo, walang makakaalam.

Takot man ay dahan-dahan siyang tumayo nang nakapikit, habang pilit kinakapa ang puno na nasa tabi para huwag uling mabuwal.

"S-sorry, Mister. Hindi ko naman alam na may naliligo pala dito at. . . hubo't hubad."

Alexa could hear her heart pounding inside her throat. Nagsimula nang uminit ang kanyang katawan sa hindi siguradong rason. Kung dahil ba sa nasaksihan o dahil sa pagkakadulas. She slowly opened her one eye nang walang tugon na narinig mula dito. Nabawasan ang pagkaasiwa niya dahil nagawa na pala nitong magsuot ng pantalon pero napaatras siya nang makita ang hawak nitong itak.

"T-teka. . ."

Sa liwanag na nanggaling sa ilaw na gamit nito ay nakita ni Alexa ang pagtaas ng labi ng lalaki sa isang nakakabighaning ngiti. Wari ay nagwawala na naman ang puso niyang ngayon lang nakatagpo ng nilalang na ubod ng ganda.

"Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon tayo unang magtatagpo, Binibing Alessandra."

Kilala siya ng lalaki? Sino pala ito? Kamag-anak niya? Empleyado? Kumalma ang kalamnan ni Alexa nang makitang ibinalik nito ang itak sa lalagyan at ibinaba sa bato.

"S-sino ka?" Hindi pa rin siya makagalaw sa kinatatayuan, hinahanda ang sarili sa pagtakbo.

"Paumanhin kung hindi ko kaagad naipakilala ang aking sarili. Ako si Juan Diego Velez," anitong nilagay ang kamay sa dibdib at bahagyang yumuko.

"K-kilala mo 'ko?"

From sexy to charming, how dumbfounding he can be as he looked coy when he tilted his head and posed an amused smile.

"Sino ba ang hindi nakakakilala sa ganyan kagandang binibini? Ikaw ang prinsesa ng familia Monserrat. . . Maaari ko bang malaman kung bakit ka narito?" Humakbang ito palapit sa kanya kaya napaatras siya. "Natatakot ka ba?"

Hindi siya sumagot pero nanatiling nakatitig lang dito. Kahit ang boses nito ay kaysarap sa pandinig. Baritono pero swabe, at ang pananalita nito ay diretso ngunit magalang.

"Wala akong gagawin na labag sa iyong kagustuhan, Binibining Alessandra. Ngunit mukhang nasaktan ka kanina," anitong sinulyapan ang palda niyang napunit na pala at hantad ang kalahati ng hita niya. Agad niyang iyong tinakpan. "Kung mamarapatin mo ay nais kitang tulungang linisin ang iyong sugat nang sa ganoon ay hindi na lumubha."

Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip ay inabot ni Alexa ang nakalahad na kamay ng lalaki. Masakit pa rin ang balakang niya. Bakit ba lagi na lang siyang naaaksidente sa panaginip na iyon?

Maingat siya nitong inalalayan sa isang malaking bato at pinaupo katabi ang isang malaking gasera. Doon pala nanggaling ang liwanag na kanina pa niya nakikita

"Gaya ng itinanong ko, bakit ka naririto?"

"N-narinig ko kasi ang tubig kaya pinuntahan ko."

"Ganoon ba?. . . Nasugatan ka." Nakatingin si Diego sa kamay niyang dumudugo. Gasgas lamang iyon pero mukhang napalalim nang kaunti. "Halika, linisin natin."

Tila may kuryenteng naglakbay sa braso niya nang hawakan siya ng binata kaya nahila niya pabalik ang kamay.

"Paumanhin. Hugasan mo ang iyong sugat sa batis at siguraduhin mong malagyan kaagad ng gamot iyan pagdating mo sa inyong bahay."

She can't take her eyes off of him. Mas lalo niyang nakumbinsi ang sarili na panaginip lang ang lahat dahil sa hindi kapani-paniwalang anyo ng kaharap. The man was quite huge and very toned, wala pa rin itong damit pang-itaas kaya kaharap niya ang malapad nitong dibdib. Mula sa dibdib ay dumaloy ang titig ni Alexa sa impis na tiyan. Dahil naka-squat ang lalaki sa harap niya ay nasisilip ng babae ang umbok ng abs niyo. Masyadong malinaw at totoo ang features na nakikita niya para sa isang panaginip lang. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ano ang pakiramdam niyon sa balat niya. Masarap kaya itong yumakap? Uminit ang pakiramdam ni Alexa sa pilyong naisip.

Pilit niyang hininto ang harap-harapang pagpapantasya bago pa mahalata iyon ng lalaki at nilingon ang daan na pinanggalingan.

"A-ako na'ng bahala, gusto ko nang umuwi. Wala bang short cut mula dito pauwi sa mansyon?"

"Sa pagkakaalam ko ay wala."

Bumahid ang pag-aalala sa mukha ni Alexa. "Ibig sabihin maglalakad uli ako nang ganoon kalayo?"

"Matatandaan mo pa ba ang iyong daan?" Mahinang umiling ang dalaga.

Tumangu-tango itong tila nag-isip. "Walang problema, ihahatid kita."

"Talaga? Salamat. . . Juan Diego."

"Diego," nakangiti nitong sabi.

"Diego. . ."

"Sa isang kondisyon." Napakunot ang noo niya sa huli nitong sinabi. "Magpunta ka muli dito bukas ng hapon, alas kuwatro."

"Bakit?"

"Siyempre, dahil gusto kitang makita." Nasorpresa si Alexa sa kaprangkahan ng kaharap. Mukhang babaero pala.

"S-sige." She can't help it, napakalakas ng atraksiyon niya sa lalaki at ayaw din niyang tapusin lang nang ganoon ang pagtatagpo nila. Napangiti ito sa sagot niya kaya lumitaw ang isang biloy sa gilid ng kaliwang labi.

"Kung gayon ay umalis na tayo," pagkuwa'y saad nito na tumayo at inilahad ang kamay sa kanyang harap.

Binagtas nila ang daan pabalik sa hardin sakay ang isang kabayo. Nakatagilid siyang naka-upo sa harap nito kaya langhap niya ang natural na amoy ng lalaki sa suot nitong cotton shirt.

"Matatandaan mo na ba ang daan na ito patungo sa batis bukas? Kung hindi ay maaari kitang sunduin sa mas malapit."

"Mukhang matatandaan ko na. Hindi naman pala ganoon kalayo, sa una lang."

Ilang hakbang mula sa hardin ay huminto sila at ibinaba siya nito.

"Mag-iingat ka, Señorita."

"Salamat ulit sa paghatid, Diego."

"Bukas, maghihintay ako sa iyo," saad nito bago tumalikod at pinatakbo ang kabayo.

"Alessandra, saan ka nagtungo? Hinanap ka ng mga bisita kanina at. . . bakit ganyan ang anyo mo?" puno ng pagtataka ang mukha ni Claudia nang makita ang palda niyang punit.

"Naglakad-lakad lang po ako sandali diyan sa labas, tapos sumabit po sa sanga ng kahoy ang palda ko. Wala po ito."

"Ilang beses kang pinaaalahanan na huwag basta-bastang magliwaliw kahit saan at ilang beses ka ring sumusuway. Ganyan ba talaga ang kinalakhan ng mga tao sa Amerika?" Napabuga ito ng hangin. "Sofia, tulungan mo ang iyong Señorita sa pag-aayos."

"Masusunod po, Doña Claudia."

Nagpatiuna si Sofia na umakyat sa kuwarto niya at sumenyas sa kanyang sumunod dito.

"Saan mo nakuha ang mga duming ito, Señorita? At nasugatan ka pa," pagkuway tanong sa kanya nang sila na lamang dalawa.

"Habang hinihintay kitang matapos, nagpunta ako diyan sa likod at may nakita akong garden. Teka, bakit ganyan lagi ang Doña? Parang laging galit sa akin."

"Huwag mo nang alalahanin iyan, masasanay ka rin."

"Iyong garden nga pala, sayang naman kung pabayaan na lang iyon, ayusin natin."

"Ang garden na iyon. . . ay pagmamay-ari ng yumaong Doña Felistine at simula nang nawala siya ay hindi naasikaso ng mga tao. Pinasara na rin mismo ng Don ang lugar na iyon."

"Bakit naman?"

"Hindi ko alam, Señorita."

"Mukha ngang wala nang napupunta doon, may butas na nga ang pader sa kalumaan. Siya nga pala, Sofia"--Alexa leaned towards the woman and lowered her voice--"nagpunta ako doon sa likod ng garden, may batis pala doon?"

"B-batis?"

"At, at alam mo ba, may nakilala akong pogi--no--gwapo!" namimilog ang mga matang hinarap niya ang babae. "Siya na siguro ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko sa tanang buhay ko."

"A-ano ang. . . pangalan niya, Señorita?"

"Diego. Juan Diego Velez, iyon ang pagpapakilala niya. Kilala mo ba siya?"

Napaangat ng tingin si Alexa nang maramdamang natigilan ang kasama. Hilakbot ang nakikita niya sa maamo nitong mukha, parang nakarinig ng nakakatakot na balita.

"S-Sofia, bakit?"

"Nagkita kayo ni D-Diego, Señorita?"

"Oo. . . bakit? Ano'ng problema? Bakit parang takot na takot ka?"

"Ano'ng ginawa niya sa inyo?" Nabigla si Alexa nang hawakan siya ng babae sa magkabilang balikat. "Sinaktan niya ba kayo? Binantaan? Sabihin ninyo sa akin ang lahat at sisiguraduhin kong mananagot ang lalaking iyon! Kapag nalaman ito ng Don at Señor Jose ay hinding-hindi nila palalampasin ang pamilyang iyon!" Mababanaag ang matinding pagkabahala sa anyo ng dalaga. Hinagip nito ang braso niyang may sugat, "Siya ba? Siya ba ang may gawa nito?"

"Teka lang, relax! Okay lang ako. Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?"

"Señorita, binantaan ka ba niya para hindi ka magsumbong? Ano ang ginawa niya sa inyo?"

"Wala kaya huminahon ka. Actually, meron. Tinulungan niya ako kasi nadulas ako at hinatid niya ako dito pauwi. Iyon lang naman ang ginawa niya, bakit parang takot na takot ka d'yan?"

"Sigurado kang hindi ka niya sinaktan?"

"Yes. Ang bait nga niya, e," saad niyang may ngiti sa labi. "Teka, bakit ganyan ka maka-react? Kilala mo ba siya? Umupo ka nga muna." Hinila niya ang babae sa tabi niya.

"Sino ba ang hindi nakakakilala kay Diego, Señorita? Siya ang panganay na anak ng mag-asawang Socorro at Ricardo Velez. Ang pamilyang mortal na kaaway ng pamilya ninyo."

"Mortal na kaaway? Bakit mortal, ano'ng nangyari?"

"Hindi ko din alam ang buong detalye. Ang narinig ko lang ay agawan sa lupa ang simula."

"Gaano kalala?"

"Noong isang beses na nagharap ang ama mo at si Diego, nagbitiw ito ng banta na kung sino man ang yayapak sa lupain ng mga Velez ay hindi nila hahayaang makalabas nang ligtas. Kaya labis ang pag-aalala ko sa inyo, Señorita." Ramdam ni Alessandra ang takot nito para sa kapakanan niya.

"Pero totoong wala siyang ginawang masama sa akin, Sofia. Napakabait niya at magalang." Hindi na niya binanggit sa kausap na may plano silang magkita ulit kinabukasan ng lalaki.

"Siguradong magagalit ang lahat lalo na ang Don kapag nalaman nila ang nangyari sa iyo."

"Shhh! Siyempre hindi mo sasabihin kahit kanino 'yon. Dahil wala din namang masamang nangyari. Lihim nating dalawa ito, okay?"

"P-pero, Señori--"

"Sofia, trust me."

"Hindi mo kilala ang mga Velez."

"Basta, 'wag mong sabihin, kahit na kanino ang tungkol dito."

Walang sagot na natanggap si Alexa mula sa babae. Naiintindihan niya ang takot na nararamdaman nito pero nahihinuha din niya na hindi ito basta-basta magsasalita sa kung sino. She could sense her loyalty to her, instict perhaps.

Gaano ka-totoo ang kuwento ni Sofia sa kanya? Base sa salaysay at reaksiyon nito ay tila matindi ang hidwaan ng dalawang pamilya, para umabot sa punto na magbantaan. Dapat ba niyang katakutan si Diego? Kung ganoon ang pagkakakilala ng lahat dito, kataka-takang maganda ang pakitungo nito sa kanya. Nararamdaman niya sa mga banayad na hawak ng lalaki ang isang mabuting kalooban. Magiging ligtas pa ba sa kanya ang pagkikita nilang muli ng binata?