webnovel

Desliz del Tiempo (Filipino) COMPLETED

After a long arduous day, Alexa found herself in an old 'greasy-spoon'. Habang tahimik siyang kumakain ay bigla na lang lumindol nang malakas at gumuho ang buong gusali, lahat ng taong nandoon ay natabunan pati na siya. Nagising si Alexa sa lugar na kahit sa panaginip ay hindi pa niya napuntahan. Pati ang mga taong nakapaligid ay hindi niya kilala, katawa-tawa din magsalita at manamit ang mga ito dahil animo'y nasa isang dula. Naisip niya na lahat ng iyon ay isa lamang kakatwang panaginip. Sa panaginip niyang iyon ay nakilala niya si Juan Diego Velez, the oldest son of familia Velez , ang mortal na kaaway ng Monserrat, ang kanyang pamilya. Despite the rumors and undeniable family feud, she could not bring herself to fear him, let alone fall inlove at ganoon din ito sa kanya. Ngunit dahil sa komplikadong relasyon, they were forcefully separated by her family. Nasaksihan niya kung paano nagwakas ang buhay nito. That was when she suddenly woke up from a deep slumber ngunit bakit ang lahat ng emosyon lalo na ang sakit na kanyang nadama ay tila totoo? Lalo lamang siyang naguluhan nang makilala ang presidente ng bago niyang pinagtatrabahuhan. The man possessed the very face of Diego.

AuraRued · Fantasi
Peringkat tidak cukup
21 Chs

Chapter 1

"...SANDRA."

Naririnig ni Alexa ang malabong tinig ng isang babae, may tinatawag ito.

"...sandra." Unti-unting lumakas ang pagsambit nito at mas malinaw sa kanyang pandinig.

"Alessandra!"

Nagmulat si Alexa ng mga mata sa pagyugyog sa braso niya.

"Dios Mio, Señorita! Salamat sa Panginoon at nagising ka." Namamasa ang mga mata nitong puno ng pagkabahala.

Napahawak siya sa noo niyang biglang kumirot. "Aaww. . ."

"Ano ang nangyari?" Mabilis ang mga hakbang na lumapit ang isang matandang lalaki sa kinaroroonan nila. Napasinghap ito nang makita siyang nakahandusay sa lupa. "Señorita Alessandra! Mahabaging Diyos, ano ang nangyari sa iyo?"

Dahan-dahang bumangon si Alexa sa tulong ng dalawang kaharap. Nabugbog yata ang kalamnan niya sa pagguho ng gusali.

"Ano ang nangyari dito, Sofia?" anang lalaki.

"Ilang beses ko na po siyang pinagsabihan na huwag magtungo sa lumang kuwadra na iyan ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nagpumilit siya." Mahihimigan ni Alexa ang inis sa likod ng nag-aalalang boses ng babae.

"T-teka, teka, sinong tinatawag n'yong Alessandra, ako?" Napapapikit pa rin si Alexa dahil bahagya pa siyang nakakaramdam ng pagkahilo.

Nagkatinginan naman ang dalawa, mas lalong gumuhit ang pag-aalala sa mga mukha nito.

"Siyempre, kayo ang tinutukoy ko," hindi makapaniwalang saad ng babae. "Ama, ano ang ating gagawin, mukhang nabura ang alaala niya nang dahil sa aksidente."

"Hey, hey! Walang nawalang memory, okay? Hindi Alessandra ang pangalan ko, Alexa." Inalalayan ulit siya ng mga ito para makatayo. "Teka nga, saan ba 'to?"

Pinagala niya ang paningin sa estrangherong paligid. The lawn was so spacious, napipinturahan ng berde ang buong paligid. Ang carabao grass na lumulukob sa buong lupain, ang matatayog na punong nakapaligid sa kinaroroonan nila at ang kagubatang nasisilip niya sa hindi kalayuan. Mayroon ding kalakihang bahay na gawa sa pinaghalong kongkreto at kahoy sa kaliwa.

Nalito ang babae kung paano siya nakarating doon.

Doon din niya napagtuunan ng pansin ang suot ng dalawa. Ang babae na tinawag na Sofia ay naka-beige colored chifon blouse. Pinaloob ang laylayan niyon sa mahabang palda na kulay brown, maayos na nakapangko ang buhok nito. Ang lalaki naman ay naka-white cotton long sleeves na may tatlong butones sa dibdib, nakapantalon ng kulay itim na parang slacks na nirolyo paitaas hanggang tuhod.

'Old fashion?'

Nilingon ni Alexa sa likod ang animo'y isang maliit na bahay na gawa sa kahoy na nagkasira-sira. Iyon yata ang sinabi nitong kuwadra.

"Nasaan ako? Sino kayo?" Napaatras siya at magkatagpo ang mga kilay na tinitigan ang mga kaharap.

"Huwag ninyo kaming pinapakaba nang ganyan, Señorita," ang babae.

"Señorita, kailangan nang malinis at malapatan ng gamot ang iyong sugat." Ngayon ang lalaki naman ang nagsalita, humakbang palapit sa kanya at aktong hahawakan ang kanyang braso.

Mabilis niyang iniwas ang sarili at mas lumayo pa. "T-teka, anong senyorita'ng pinagsasasabi n'yo? Bakit ako nandito? Bakit ganito ang damit ko?" tukoy niya sa puting bestida na hindi niya alam kung saan nanggaling. "Ngayon ko lang nakita ang lugar na 'to!" Nag-umpisa nang bumangon ang kaba sa dibdib ni Alexa.

Ang dalawa naman ay hindi parin nabubura ang matinding pagkabahala sa mukha. "Halika, kailangan na ninyo talagang magpasuri," saad ni Sofia.

"Magpasuri? Saan? Okay lang ako! Kayo, hindi ko kayo kilala at--at bakit ganyan ang suot ninyo? Huwag n'yo akong hawakan!" Pinandilatan niya ang dalawa nang magkasabay ang mga itong lumapit.

"Señorita, hindi ka namin hahawakan pero nakikiusap kami, sumama ka sa loob ng bahay nang magamot na iyang sugat mo, baka magka-impeksiyon iyan at lagnatin ka." Genuine naman ang nakikita niyang pag-aalala sa mga ito. "Walang mananakit sa iyo, pinapangako ko."

Kung hitsura lang ang pagbabasehan, mukhang harmless naman ang mga ito pero mahirap pa rin ang magtiwala kaagad lalo at hindi niya kilala. Pero ramdam niya ang paglala ng kirot ng sugat kaya mapipilitan na siyang tanggapin ang alok ng mga ito.  Matanda naman na ang lalaki, siguro nasa seventies na ito at payat. Ang babae naman ay mas maliit ang pangangatawan kumpara sa kanya, kapag nagkataon, kaya naman siguro niyang ipagtanggol ang sarili at tumakbo. Isang bagay din ay hindi niya alam kung saang parte na siya ng Pilipinas! Tanging ang mga ito lang ang makakapagsabi sa kanya.

". . .talaga? Gagamutin n'yo lang ako?"

"Oo, iyon lang," saad ng matanda. She hesitantly calmed her nerves and straightened up her back.

"Black belter ako sa judo kaya huwag n'yong tatangkaing saktan ako," pagsisinungaling niya at nagsimulang naglakad kasabay ang mga ito.

Nakapikit si Alexa at napabuga ng hangin, paulit-ulit niyang tinutuktok ang nakakuyom na kamay sa ibabaw ng kahoy na mesa.

"Panaginip lang ito, yes, nanaginip lang ako. Siguro napuruhan ang ulo ko kaya nag-collapse ako. Ito na, ito na ang resulta," tatangu-tango niyang bulong sa sarili. Mas lalo lang sasakit ang ulo niya kung pipilitin niyang labanan ang galaw ng utak.

"Ano na naman iyang pinagsasasabi mo, Señorita? Kanina pa ninyo ginagawa ang ganyan. Huwag mong sabihing nasisiraan ka na talaga ng bait," si Sofia.

"Ano? Siyempre hindi. Tama na 'yan, salamat," tukoy niya sa paglalagay ni Sofia ng gamot sa gasgas niya sa noo. "Sino kayo at kaninong bahay ito?"

"Mag-iisang buwan na simula nang dumating kayo mula sa Amerika, Señorita Alessandra at pangalawang beses mo na itong pagdalaw sa aming tahanan kaya imposibleng nabura na kaagad sa alaala ninyo," si Sofia ang sumagot.

"Siya, siya, baka nahihilo lang siya, pabayaan mo na. Señorita, ito ang aming munting tahanan. Ang pangalan ko ay Jose, at iyan ang aking nag-iisang anak, si Sofia."

"Kayo lang dalawa ang nakatira? Wala akong nakikitang ibang tao dito, e."

"A, ang totoo niyan, ako lang mag-isa dahil si Sofia ay nagtatrabaho sa mansion."

"Ang asawa n'yo po pala?"

Ngumiti ang matanda pero nakitaan niya iyon ng bahagyang kalungkutan. "Wala na po, pumanaw na."

"P-pasensiya na po." Napayuko siya, kagyat na nagsisi kung bakit nagtanong pa.

"Huwag po ninyong alalahanin iyon, matagal na na panahon siyang namaalam sa amin." Tumangu-tango na lamang siya, piniling huwag nang pahabain pa ang usapan kasi nagiging awkward na.

'Ang lalim ng salita nila, baka nasa Bulacan ako.'

"Anong lugar po ba 'to, Manong Jose? Puro kakahuyan kasi ang nakikita ko."

"Nasa Cordova po tayo, ito ang katimogang bahagi ng Isla ng Alabat."

"O--kay. . . saang probinsiya?"

"Probinsiya ng Quezon po."

"A, Quezon province, ang layo sa Cubao." Tukoy niya sa karenderyang pinanggalingan.

"At ang lahat ng nakikita ninyong lupain ay ang Hacienda Monserrat."

"Hacie--, Monserrat?! You mean, akin 'tong malawak na lupaing ito?!"

"A, masasabi kong, sa pamilya ninyo, Señorita."

"Whoa, whoa," nakakalula ang mga narinig niya tuloy napahawak siya sa ulo dahil parang bumigat iyon. "Panaginip nga talaga 'to." Hindi niya maiwasang magpakawala ng malutong na halakhak sa mga pangyayari. Puno naman ng pagtatakang nagkatinginan ang mag-ama.

Napapailing na lang siya, speechless. "P'wede bang makapagpahinga muna?" pagkuway tanong niya. "Gusto ko nang humiga, at matulog ulit."

'Baka sakaling bumalik sa normal ang lahat kapag nagising na ako.'

"Oo, siyempre! Ihahatid ko na po kayo." Tumayo ang matanda at kinuha ang sumbrerong nakasabit sa dingding.

"Ihahatid? Saan?"

"Sa bahay po ninyo, sa mansion."

'Oo nga pala, haciendera ako, nakakapagtaka naman kung nakatira ako sa kubo.'

"Halina kayo." Nagpatiuna nang lumabas ng bahay ang matanda.

"SEÑORITA, pakiusap, kung maaari iwasan ninyo ang kumilos nang ganyan pagdating natin sa mansion. Kapag nalaman ng pamilya ninyo ang nangyari sa iyo siguradong parurusahan kami ni ama."

"Sofia, makinig ka," sabi niya dito sa mahinang boses. Sinulyapan ang matanda na nasa unahan, sinigurong hindi nito maririnig ang anumang sasabihin niya sa babae. "Totoong wala akong maalala pagkatapos ng aksidente, hindi ko alam kung bakit. Ngayon, alam kong mahalaga sainyo ng itay mo ay trabaho ninyo at ayaw ninyo siyempre na maparusahan dahil sa nangyari, ako rin naman, ayaw kong may masamang mangyari sa inyo, kaya sasabihin kong nauntog lang ako kaya nagkasugat. Pero...tutulungan mo ako. Dapat hindi malaman ng kung sinuman ang pagkawala ng memorya ko, okay? Sasabihin mo sa akin ang lahat-lahat, ngayon."

Lubha ang pag-aalala na gumuhit sa mukha nito. "Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin ni itay kung mapaalis kami dito sa hacienda, Señorita. Nandito na ang buhay namin."

"Kaya nga, naiintindihan mo ba ako?" Patawarin sana siya ng Panginoon sa ginawang pangba-block mail pero iyon lang ang naisip niyang paraan.

Alanganing napatango ang babae. "Basta huwag lang makarating sa mga magulang ninyo ang lahat ng ito. Wala na po kaming ibang mapupuntahana kung paalisin kami dito sa hacienda, Señorita."

"Ang pilit kong sinasabi sa iyo ay magtulungan tayo. Tulungan mo 'ko at sisiguraduhin ko sa iyo na hindi nila malalaman ang nangyari sa akin."

". . . k-kung gayon ano ang sasabihin ko sa inyo?"

"Lahat."

"Lahat?"

"Oo, umpisahan mo na."

Iiling-iling na napabuntong-hininga ang dalaga. "A-Alessandra Salve Monserrat, iyon ang inyong buong pangalan."

"Sige, go on." Sa totoo lang, parang totoo ang lahat at nagiging curious na siya kung ano pa ang matutuklasan sa panaginip na iyon.

"Ang ama ninyo ay si Don Pablo Celestino Monserrat, ang iyong ina naman..." Napansin ni Alexa ang biglang pag-iba ng tono ng salita ni Sofia, may himig ng kalungkutan. "Pumanaw na ang inyong ina noong anim na taong gulang ka pa lang. Nag-asawa ng panibago ang Don, dalawang taon pagkatapos mawala ang Doña Felistine. At ngayon nga, ang namulatan ninyong ina ay si Doña Claudia."

'Ang bilis naman nakahanap ng kapalit ng Don.'

"Ang Doña Claudia ay may anak na lalaki sa pagkadalaga, si Señor Joselito Bueno, at siya ang katuwang ng inyong ama sa pamamahala ng hacienda," sabi nito.

"Kababalik lang ninyo mula sa Amerika, mag-iisang buwan na. Doon ka nag-aral simula noong labing-anim na taon ka pa lang at ngayon nga na natapos mo na ang iyong kolehiyo, nagbalik ka. Kaya magkasama tayo sa araw na ito dahil gusto mong libutin ang buong hacienda," si Sofia.

"Okay na, naiintindihan ko na. Basta, kailangan magkasama tayo sa bahay palagi, okay?" Tinitigan niya nang maigi sa mata ang babae. "Para kung magkahulihan nand'yan ka lang para sumalo sa akin."

"Dios Mio! Por favor!"

Napabuntong-hininga na lang siya at tinutok ang paningin sa madamong paligid.