webnovel

Supporter

CHAPTER 7

Ilang buwan na rin ang lumipas ng magkausap kami ni damon at ganun parin kami. we celebrate each other's achievements dahil pareho rin kaming academic achievers, kahit pa maliit na bagay yan ay pareho namin cinicelebrate ito.

"May laro ka?" tanong ko sakaniya na ngayon ay naka suot na ng jersey.

Mas matanda siya saakin ng isang taon at gr. 12 na ito ako naman ay gr. 11 pareho kaming STEM student kaya naman mag kakalaban din ang section namin sa section nila.

Ngayon ay intramurals namin kaya naman wala na rin klase ng isang buwan dahil laro namin iyon. tumango naman siya bago humarap saakin.

"Gwapo na ba ako?" saad niya sabay tingin saakin at kumurap kurap pa. umakto ako na parang nag iisip at kinagat pa ang isang daliri ko at inikot ang tingin sakaniya.

"May kulang" saad ko sabay kuha ng bandana para sa ulo niya, rubber iyon at makapal para makapag laro siya ng maayos kapag babagsak na ang buhok niya ay hindi tatama sa mata niya.

Yumuko naman siya para ako na ang mag suot sakaniya. inayos ko ang buhok niya bago tumingin sakaniya.

"Ayan.." saad ko tumingin naman siya sa maliit na salamin bago tumingin saakin. kinuha ko ang tumbler niyang lightblue bago kunin din ang panyo niya para sumama sakaniya manood.

"Gwapo na ba?" ulit niya habang pinapantayan ang tingin ko, tumango ako sakaniya bago umiwas ng tingin ng kumindat ito.

Sinimulan ko na mag lakad at iniwan siyang ganon bago lumabas ng pinto. rinig ko ang mahinang tawa niya ng sumunod din ito saakin para pumuntang court.

Nag stretching na ang mga kampi niya ng pumunta kami sa court, naka upo naman ang iba sa upuan.

"STEM~ STEM~ S.T.E.M!" sigaw ng mga kaklase niya, napaangat naman ako sakanila dahil ang ganda talaga ng kulay ng jersey nila.

"Hoy! damon mag stretching kana dito!" sigaw ng kaibigan niya kaya kaagad naman ito lumingon sakin kaya tumango ako.

"Goodluck!" saad ko sabay tingin sakaniya. isang ngiti naman ang binigay niya saakin bago hawakan ang buhok ko at hinaplos ito, umupo naman ako sa upuang medyo malapit sa kaklase niya para maki halo.

Nilabas ko ang phone ko bago picturan ang court. ilang minuto lang ay napuno na rin dito at ang iba pa ay may hawak pang lobo at banners.

"Chiara marie!" napapikit ako ng marinig ko ang sigaw na iyon, ang iba naman ay napalingon din kaya tinakpan ko ang mukha ko para sana mag tago.

"Eto naman hindi kami inaaya" ibinigay ni joy saakin ang pop corn na dala niya at tag iisa kami noon.

"Pogi talaga ni shan" parang akin na akin na sabi niya, sumisigaw na ito kahit hindi pa naman nag sisimula.

Nakita kong naka upo rin sila beatrice sa isang gilid at may kausap naman itong lalaki, kunot noo ko naman itong tinignan at lumalandi ah

"Hindi papatalo! S.T.E.M~" sigaw ng team niya habang pumapalakpak pa at ako naman ay naki sigaw na rin doon. binigyan nila ako ng lobo kaya naman kinuha ko iyon at sinimulang sumigaw.

"Valderama, 3 points" napasigaw ako nung na shoot niya ang bola. palihim naman itong ngumiti kaya tumayo ako tsaka tumalon.

Nakita kong pinasadahan niya ng tingin at napatigil din ito saakin, ngumiti ako bago mag thumbs up sakaniya. inakbayan naman siya ng kaibigan niya bago igulo ang buhok.

"Halimaw talaga sa court!" sigaw ng isang kaklase niya, napalingon ako doon at mukhang masaya naman sila kaya hinayaan ko na.

Nandito rin ako malapit samay upuan nila kaya naman ng mag pahinga sila ay inabot ko na ang tumbler niya.

"Galing mo" sabi ko sabay palakpak pa na parang bata, ngumiti naman ito saakin bago uminom.

Kinuha ko ang towel na puti bago ibigay sakaniya iyon, maliit lang na towel pang punas lang niya ng kaniyang pawis sa katawan.

"Thank you pretty" ngumiti ito saakin bago ibigay ulit ang tumbler at towel, kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang ngiti.

"Haharot!" pabiro akong tinulak ni joy bago taasan ako ng dalawang kilay na para bang inaasar niya ako.

Napa iling nalang ako bago umupo ulit, nag simula ang laro kaya naman napatingin ako sa score.

STEM - 46

HUMSS - 43

Mag kalapit lang ang score nilang dalawa kaya naman napapikit nalang ako, nakuha ni shan ang bola bago ipinasa sa isang kampi pa.

"Rosmo, 3 points" napahiyaw ang kabilang section ng pumasok ito, nakita ko naman na pagod na umupo si damon sa sahig ng matapos ang dalawang game.

Last game na to nila kaya naman nag stretching siya ng leeg bago ang paa, nakita naman niyang naka tingin ako sakaniya kaya ngumiti ito saakin.

"Kaya mo yan" pabulong kong saad kahit hindi niya naman narinig iyon ay alam kong naintindihan niya dahil tumango lang ito.

Nag simula na ulit ang laro at papalapit parin ang score nila, kinakabahan kong hawakan ang lobo dahil ang oras ay paubos na, lamang ng tatlong puntos ang kabila.

"Valderama, 3 points!" sigaw kaya napahiyaw ako kaagad. kinuha ko ang phone ko at sinimulang nag video.

Lumingon si damon saakin bago kumindat at ngumiti, hawak na niya ang bola bago i shoot ito.

"Valderama, 3 points!" sigaw ulit ng matapos na ang laro ay nag hiyawan ang lahat. hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya napasigaw din ako.

Kinuha ko ang phone bago picturan si damon ng naka talikod at hawak din niya ang bola kaya maganda iyon, nang lumingon siya ay kaagad siyang tumakbo papunta sa pwesto ko.

"Ih ang galing galing!" saad ko sabay kuha ng towel at pinunasan ang mukha niyang pawis.

"Mabaho ata ako.. I'm sorry pawis" saad niya na parang gusto niyang umalis ngayon at umiwas saakin.

Hindi naman siya mabaho para parin naman siyang naligo sa pabango kaya umiling ako, ibinigay ko sakaniya ang tubig niya at uminom naman siya.

"Cute" saad niya ng makita ang picture kong nakatayo ngayon, hindi ko rin alam kung bakit meron ako noon sa phone niya.

"Sinend sa gc namin picture mo, ang ganda talaga ng supporter ko" biro sabay hawak sa ilong ko.

Umiling nalang ako sabay lapag ng towel sa balikat niya, kinuha niya ang phone niya bago ako picturan ngayon habang pinupunasan siya.

"Sweet naman ng baby na yan" pareho kaming napalingon ni damon kay kelly na ngayon ay nasa likod namin. hawak hawak niya ang camera ko kaya naman ngumiti ako dahil alam kong pipicturan niya kami.

"Tara kain tayo.. dahil nanalo ka, ako ang manlilibre" saad ko sabay tingin sakaniya, hinawakan niya ang buhok ko bago inipit iyon sa likod ng tenga ko.

"Okay, let's eat later" saad niya sabay tingin saakin.

Tinawag siya ng coach niya kaya naman nag paalam na ito para pumunta muna doon, kinuha ko ang tumbler niya bago umupo.

"Hi," napalingon ako sa lalaking naka tayo ngayon sa harapan ko, napataas din ang kilay ko dahil hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o ano.

"Ako ba?" tanong ko sabay turo sa sarili ko, tumango naman ito at nag lahad ng kamay sa harap ko.

"Nakikita kasi kita kanina, ang ganda mo kaya hindi ako makalapit" kumamot pa ito sa ulo niya kaya naman tipid ko nalang ito nginitian.

"Gusto ko sana ibigay sayo to" saad niya sabay bigay ng shake na strawberry, hindi ko alam kung kukunin ko ito o ano.

"Sana wag mo tanggihan" nahihiya niyang sagot, tipid ko naman siyang nginitian bago kunin ito.

"uh.. thank you ha" saad ko, sumilay ang ngiti sa labi niya.

HUMSS student siya dahil sa jersey na suot niya, nakita ko naman ang seryosong naka nguso ngayon na si damon.

"Mauuna na pala ako" tumango ang lalaki bago siya tumabi para maka daan ako, bumaba ako ng hagdan bago salubungin si damon.

"Tapos na kayo?" hindi niya ako pinansin at diretsyo lang ang lakad niya, kinuha niya ang bag niya bago lumingon saakin.

"Let's go chiara" seryoso ang boses niya ng hintayin ako, nag lakad na rin ako kaagad para maabutan siya.

________________________________________________________________________________