webnovel

Best Day

CHAPTER 6

The sunlight touched my skin through the window of my room, tumayo ako sa harapan ng salamin bago suklayan ang mahaba kong buhok. With each stroke, I felt the strands fall into place, their soft, silky texture a comforting sensation against my fingertips.

Nang matapos ko ng suklayan ang buhok ko ay kaagad ko naman kinuha ang nga make up ko sa drower bago tumingin ulit sa salamin, I lean closer to the mirror, I retouched my face slightly, smoothing out any imperfections and ensuring my skin had a natural, healthy glow. I smiled at my reflection, feeling a small surge of confidence.

I gathered the top section of my hair and pulled it back into a half ponytail, securing it with a small, blue ribbon. The ribbon added a playful touch, its color a soft pastel blue that matched the rest of my outfit. I took a step back to admire the effect, pleased with the simple yet charming style.

Nang matapos na ako ay kaagad akong lumabas ng kwarto at kinuha ang phone ko, ngayon ay birthday ko na at maya maya nalang ay mag sisimula na ang party.

"Happy birthday anak ko!" sigaw ni mommy na ngayon ay parang iiyak na ng makita ako, napangiti naman ako sabay yakap sakaniya.

"Thank you, my!" ngumiti ako ng makita ang kapatid kong nahihiyang lumapit saakin, ako na ang lumapit sakaniya bago siya yakapin.

Napasimangot ang mukha niya bago yakapin ako pabalik, si daddy naman ay nag hihintay na rin saakin na kunwari na bobored na dahil tumitingin pa ito sa relo niya at kunwaring hihikab.

Napatawa naman ako sakaniya bago lumapit at niyakap siya, nakita ko naman si mommy na natatawa dahil sa ginawa ni daddy kanina.

"Happy birthday chiara namin" saad niya sabay halik sa noo ko.

"Thank you daddy" saad ko sabay alis sa pag kakayakap. kinuha ko ang phone ko at makitang madami ang nag chachat.

mvrkdv_ :

sent sa video

Pinlay ko ang video na iyon at nakitang binato niya ang condom sa pinsan niyang tumatawa at naka ngising naka tingin sakaniya

"Thank you pre" saad niya sabay ngiti na para bang nanalo na sa loto.

Nakita ko rin ang kamay ni damon na naka taas ang middle finger niya sa pinsan niya at halos maihi naman ang pinsan niya sa tuwa.

mvrkdv_ :

happy birthday pretty! ☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚

Natawa naman ako doon bago siya replyan, hindi ko pala nasend sakaniya ang theme ngayon kaya napasend na rin kaagad ako.

chiaradv :

thank youu mav! ♡

Pinatay ko ang phone ko bago tumingin sa relo ko, dahil alam kong paparating na rin ang mga kaibigan ko.

"Chiara!" lumingon ako ng makitang nandito sa sila joy, naka suot sila ng asul na dress na ngayon ay nag mamatch sa outfit ko.

"Happy birthday ate ko!" rinig kong saad ni kelly na ngayon ay binibigay saakin ang paper bag, lahat sila merong dala kaya naman pinababa ko nalang muna sa isang mesa kung saan naka lagay ang mga gift nila mommy.

Lumingon naman ako sa mga tita ko na kararating lang, nag mano ako at bumeso sakanila. ibinigay din nila ang paper bag saakin at kinuha ko iyon bago mag pasalamat.

It's my 17th birthday today at hindi pa 18 dahil next year pa iyon. ang mga pinsan ko ay yumakap saakin na para bang miss na miss nila ako kaya naman natawa ako.

"Thank you!" saad ko dahil marami na silang ibinigay saakin, kadadating palang nila ay punong puno na ang table ko ng gifts

Napatingin ako sa relo ko dahil hindi pa dumating si damon, napaisip ako baka hindi siya pupunta dahil nandon din ang mga pinsan niya.

"Happy birthday, pretty" kaagad akong napalingon sa likod ng may bumulong saakin, nakita ko naman si damon.

Naka suot siya ng long sleeve na pastel blue na naka taas hanggang sa baba ng siko niya at trouser na beige na mas lalong bumabagay sa katawan niya, ang buhok niya ay naka gel pataas na humahati sa buhok niya sa gitna at may iilang buhok na bumagsak sa mukha niya.

"Pogi" ngumisi ako sakaniya kaya naman napaiwas siya ng tingin.

Ibinigay niya saakin ang bouquet ng peonies at napataas ang kilay ko ng makita ito, alam niya ang favorite flower at color ko kaya naman napangiti ako.

"Thank you mav!" saad ko, kinuha ko ito sa kamay niya bago amuyin. ngayon lang ako nakatanggap ng fav flowers ko

Nakita ko naman sila mommy na naka tingin saamin kaya naman ngumiti ko sakanila, hinatak ko ang kamay ni damon papunta kila mommy.

Nag mano naman siya sakanila at nakipag fist bump pa sa kapatid ko. nakita ko ang pang aasar na tingin ni mommy at daddy saamin bago sila mag apir.

"Hello po, Good evening" pormal na saad ni damon sakanila, binati rin siya ni mommy at daddy.

"I'm maverick damon po" tipid lang siya ngumiti bago ibaling ang tingin saakin.

"And?" saad ni daddy na para bang may kulang sa sinabi ni damon, napatingin naman siya saakin na para bang hihingi na ng tulong.

"Daddy, tama na yan" saad ko kaya naman tumawa na ito. nakita ko naman na naka hinga na ng maluwag si damon ng hawakan ni daddy ang balikat niya.

Nag simula na ang party, kainan lang naman tsaka ang ibang kaibigan ko at pinsan ay nag suswimming na rin ngayon.

"Chiara.." tawag saakin ng aking ninang, lumapit naman ako sakaniya bago siya yakapin. inilagad niya sa kamay ko ang isang sobreng pula bago ako batiin.

"Thank you ninang" saad ko sabay beso sakaniya. bumalik ako sa pwesto ko kanina at makitang kumakain lang ng tahimik si damon.

Ang sobre ay nilagay ko sa lagayan nito, may maliit na box kasi na lalagyan dito para roon bago ako mag alcohol at simulan muli kumain.

"Anak.. heramin lang namin ito ha" paalam ni daddy sabay tingin kay damon na ngayon ay katatapos lang kumain at uminom.

Isang tango lang ang ginawa ko bago simulan kumain ulit. lumapit saakin sila joy kaya naman napa irap nalang ako.

"Tanginang yan.. ambilis mo pala pre" ngiting saad ni jinx na ngayon ay naka upo sa tabi ko.

Ngumisi ako sakanilang lahat para sabihing 'ako lang to' bago sumubok ulit. lumingon ako kila daddy na kausap ni damon.

Tumatawa rin naman ito at nakikipag kwentuhan kila daddy kaya naman hinayaan ko nalang muna siya.

"Panis nanaman ba kayo?" mayabang na saad ko ng ikinatawa nila. wala si joy ay jerome dito dahil nag suswimming

"Kelan kasal?" singit ni beatrice ngayon ay naka tingin kila daddy.

"Ninang ako ha!" napalakas ang sigaw ni kelly kaya naman napa sapo ako sa noo ko, ang ibang pinsan at ninang ko ay napatingin sa gawi namin.

"Ninang din ako" medyo nilakasan ko ang boses ko sakto lang para marinig nila at tumingin ako kay beatrice na binabaling ko sakaniya ang attention ng iba.

"Namo talaga" saad niya sabay yuko dahil sa hiya.

Ilang oras din kami nag usap bago sila mag paalam na uuwi na raw dahil gabi na. may pasok din kasi bukas kaya naman maaga rin matatapos ito.

"Chiara.." lumingon ako kay damon na ngayon ay nasa harapan ko na, tinignan ko naman ang hawak niyang box.

Mukhang mamahalin ito kaya naman napa taas ang tingin ko. binuksan niya ito at tumambad saakin ang isang mamahaling kwintas, kulay silver ito at ang pendant niyang butterfly.

"Paano mo alam na gusto ang butterfly ha" naningkit ang bata ko ng ikinatawa niya. pumwesto siya sa likod ko para isuot iyon.

Tinaas ko naman ang buhok ko para hindi siya mahirapan at pag tapos pumwesto na siya ulit sa harapan ko habang tinitignan ang kwintas na iyon.

"Happy birthday ulit ganda" ngumiti ako sabay yakap sakaniya. amoy na amoy ko ang tamis ng pabango niya.

"Thank you so much, damon" saad ko ay siniil ang mukha sa dibdib niya.

Isa rin ito sa memorable na nangyari sa buhay ko, makasama ang lahat na importante saakin.

Ilang oras din ay natapos na ang party, nakita ko ang mga gift na binubuksan na ni marco pero sinamaan ko to ng tingin ng lumipad ang mata niya sa box namay sobre.

"May baon nanaman!" pag paparinig niya, natawa naman ako bago siya batukan.

dinala nila sa kwarto ko ang mga gifts and ang box, binuksan na rin naman ni marco kaya wala na ako magawa.

mga make ups, books at bags ang naroon kaya napangiti ako dahil mag magagamit na ulit ako.

"ah sarap sa mata ng 50k plus!" saad ko sabay amoy sa pera, nakita ko naman na sinilip ako ng kapatid ko kaya dinilaan ko siya.

________________________________________________________________________________