webnovel

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)

It appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter episode of his life. After befriending warm and kind-hearted Kristoff and eccentric yet insightful Timothy, he managed to cross paths and gain the wrath of one of the school's most eligible bachelor and popular figure, Sloane. Little did he know, that fateful day will not only change his life forever, but will also lead him to the answers of the question he left hanging on the past...

PhyllonHeart92 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
12 Chs

CHAPTER TWO

CILAN's POV

​"Hindi talaga ako makapaniwala. Paano ka mapupunta sa Earth Brown, e ikaw na 'ata ang pinakamatalinong taong nakilala ko sa buhay ko? Tapos, ganito..."

​Napatawa ako sa pagtatalak ni Monique. Hindi na talaga nahiya. "Ang totoo, mas natutuwa nga ako, e. At least ngayon, makakapagpahinga na ako sa pagtatalak mo."

​"Sira ka talaga!" bulyaw nito, sabay sapak nang malakas sa kanang braso ko, nang biglang sumeryoso ang mukha ng kaibigan ko. "Paano ba 'yan? Mami-miss kita..."

​"Ang OA mo. Same school pa rin naman tayo," alo ko sa iyakin kong bestfriend. "O siya, pumasok ka na. Baka ma-late ka pa. Sige na, papasok na rin ako."

​"Sabay tayong uuwi mamaya, ha?" pahabol nitong bilin.

​"Oo naman. 'Di ako nagdala ng kotse e," biro ko pa. "Ciao."

​Nakalakad na si Monique pero hindi pa rin ako pumasok sa room ko. Tahimik kong pinagmamasdan mula sa lobby ang mga hindi magkamayaw na mga estudyante.

​"I've finally seen something deeper than the Marianas Trench—your thoughts."

​Automatic akong napalingon sa aking likuran. A tall guy in a glowing Sky White uniform flashed his killer smile. I'm not that short in 5'10", but he's even a bit taller than I am, around 6' or 6'1" siguro. He has striking Korean eyes, a perfectly sculpted nose, and pinkish-red lips. He has stunning good looks, I must say, but do we know each other?

​"Pardon my language, Mister, pero magkakilala ba tayo?"

​Lalong lumuwang ang ngiti ng lalaki, at sa tingin ko, pati yata ang mga turnilyo ng utak nito.

​"Nope. At least not yet." He offered his right hand. "Philip Kristoffer Soo. Kristoff na lang for short. Ah... kasi... gusto ko lang sanang makipagkaibigan sa'yo."

​I looked at his offered hand, and back to him. "Seryoso ka? E, Earth Brown ako."

​"Does it matter?" he asked with a smile. "I'm asking to be your friend, not your classmate."

​At pilosopo pa. Napabuntong-hininga ako. Confirmed, may sira nga sa ulo.

​To my surprise, Kristoff slowly lowered his hand as I saw his face gloomed. "I'm sorry kung medyo nakulitan ka sa'kin. Gusto ko lang makipagkaibigan. I happen to only have a very few."

​Nakapagtataka man ang sinabi nito, biglang bumaha ang awa sa puso ko. Alam ko kasing sincere ito sa pakikipagkaibigan sa'kin.

"Cilan Yap. Cilan ang palayaw ko," pagpapakilala ko sabay abot ng kamay.

​I saw his eyes glowed as he reached for my hand. "It's my pleasure to be your friend, Cilan."

​"Likewise, Kristoff," wika ko. Funny, para kasing nakilala ko na siya noon. De javu?

​Marami kaming napagkwentuhan ni Kristoff: sports, academics, school life, at siyempre, pati ang colored glasses ko. Sinabihan ba naman akong ang cool ko raw tingnan dahil dito. Baliw talaga.

​"Oy, nag-bell na pala. Pa'no, see you at lunch?" he asked with a hoping smile.

​"A, kasi... kasabay ko kasing kumain ang best friend ko. If you want, you can join us."

​"Wouldn't I be a third wheeler?" pagtatantiya ng binata.

​Napangiti ako. "Matutuwa pa nga 'yun dahil may bago na naman siyang lalandiin, este makikilala."

​"Excited na ako sa lunch natin mamaya. Sige, una muna ako, Cilan," pahabol nitong paalam.

​Pumasok na rin ako sa loob ng room assignment ko. As usual, naupo ako sa pinakahuling hanay. Sa row na 'yun, iisa lang ang katabi ko. Isang lalaking natutulog sa armchair desk nito.

​Biglang pumasok ang unang prof namin for the day, a lady in her thirties or so.

​"Good morning, class. It's great to see you today," kaswal na bati nito.

​"Good morning din po Miss," bati ng ilan naming kaklase habang nakaupo.

​Napalingon ako sa katabi ko dahil naramdaman kong tila gumagalaw na ito. Pupungas-pungas pa ito habang ikinukusot ang mga kamay sa mga mata nito. Maya-maya ay nagsuot na ito ng makapal na eyeglasses. Guwapo rin itong katabi ko. 'Yung tipong mala-anghel ang mukha pero halatang suplado. His eyes pierce like daggers craving for blood. Yikes!

​"Wala sa mukha ko ang lessons, Mister. Nasa whiteboard."

​I jerked as I heard his voice. Wala 'atang taong hindi matatakot 'pag narinig 'yun.

​"Ah... kasi, wala pa kasi akong kakilala sa mga kaklase natin. At bilang tayo ang magkatabi, naisip kong ikaw dapat ang pinakauna kong makilala," paliwanang ko sa katabi.

​He blinked his eyes several times. "I don't understand eye contact language, Mister."

​Naguluhan ako sa sinabi nito. "What do you mean?"

​"Mas maiintindihan ko ang gusto mong ipahiwatig kung magsasalita ka imbes na makikipagtitigan." He offered his right hand. "Timothy Titus Gatchalian. Timothy is my preferred name."

​Ang weird ng lalaking nito. He was scary one moment, tapos ngayon biglang...

​"Hoy, natulala ka na. Ang labo mo namang kausap. Tsk, tsk, tsk..."

​Natauhan ako at hinablot ang nakalahad nitong kamay. "Sorry. I'm Cilan Yap. Cilan na lang."

​Napangiti si Timothy. "Nice shades, but policy of the school prohibits wearing them inside the room."

​Napailing ako. Isa na namang dapat paliwanagan. "May color blindness kasi ako."

​"Kaya pala. Anyways, it's my pleasure to meet you, Cilan."

​Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Tim bago na-focus sa klase ang atensyon namin.

ALLISON'S POV

​"Nakakamiss talaga ang high school bestie, 'no?" tanong ko sa kaibigang si Yvonne.

​"Duh, ang sabihin mo namimiss mo lang 'yung crush mong lampa," hirit ng demonyita.

​"Nakakainis ka talaga, Yvonne! Ang aga-aga, sinisira mo ang araw ko!"

​Magkaklase kami ni Yvonne since high school sa Red Oak Christian Academy sa Parañaque City. Pareho kaming miyembro ng school pep squad, pero ang mga idols namin ay, sa kasamaang palad, nasa ibang schools. At 'yun ang madalas naming pagtalunan.

​"Oh my God, si Xavier ba 'yun??? Ibig sabihin, dito rin siya sa Celesticville mag-aaral?!?"

​Napukaw ng mga tili ni Yvonne ang diwa ko. Si Aaron Xavier Reyes ang valedictorian at basketball team captain ng Bellevue Academy sa Quezon City. Swimmer din ang gunggong na crush ng may sayad kong kaibigan. 'Kala mo naman kagwapuhan, hindi naman!

​"Allison, buti na lang talaga pumayag akong sumama sa'yo rito sa Celesticville! Talagang itinadhana ng universe na magkatuluyan kami ni Xavier, my loves! Ayyy!!!"

​Napangiwi ako sa kakerihan ng kaibigan. I decided to divert my line of sight elsewhere when I saw a face that I swear is worth every breath I have. "OMG, nandito rin si Kristoff!!!"

​Philip Kristoffer Soo. The man of my life. Valedictorian at basketball team captain ng Parklane Hillside Academy sa Alabang, Muntinlupa City. Take note, track and field athlete rin siya!

​"O 'di ba, Allison? Jackpot talaga ang paglipat natin dito sa Celesticville. Nandito rin ang crush mong mukhang daga, while si Xavier my loves ay sinundan pa ako hanggang dito!"

​Napatingin ako sa kaibigan. "Sinong mukhang daga? 'Yang crush mo nga, parang panis na salmon ang fez!"

​"Bawiin mo ang sinabi mo, maldita ka! Ang guwapo-guwapo kaya ni Xavier ko!"

​"'Di hamak naman na milya-milya ang lamang ni Kristoff sa kanya!"

​At nagpatuloy ang bangayan namin ng topakin kong bestfriend. 'Di ba kahit saang anggulo tingnan, mas lamang naman talaga si Kristoff ko kesa sa Xavier niya?

HYACINTH's POV

​"Hyacinth, ready ka na ba sa Freshmen's concert natin next month?"

​"'Di ka pakikinggan niyan. Lumilipad na naman ang isip niya ngayon."

​"Ah ganun? Puwes, wala siyang choice. Gaga! Sumagot ka 'pag kinakausap kita!"

​"Aray!" nasapo ko ang nasaktan kong ulo na binatukan ng best friend/bruha kong bandamate na si Kithara. "Ba't ka ba nambabatok? Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng physical injury?"

​"Kanina pa ako talak nang talak dito, hindi mo naman ako pinakikinggan. Ano ba kasi 'yang iniisip mo at tila six feet under the ground 'yang hugot mo, ha?"

​Nagulat ako sa tanong ng kaibigan. "Ha? Ano... iniisip ko lang 'yung tungkol sa Freshmen's party. 'Di ba magpe-perform tayo roon? So... ayun na nga. Iniisip ko 'yung party. 'Yun ang iniisip ko."

​"Lousy liar." Napangiti si Oliver, ang guitarist ng banda at malapit din naming kaibigan ni Kithara. "Kasi kung totoo 'yang sinasabi mo, sana narinig mo agad ang sinasabi ni Thara."​

​Agad akong napakunot-noo. "Anong sinasabi mo, Oliver?"

​"Kanina pa kita kinakausap tungkol sa party. 'Yan ang sinasabi ni Oliver."

​Napatahimik ako ng sinabi ni Thara, at napayuko. Magsisinungaling na nga lang, palpak pa.

​"Siya pa rin ba hanggang ngayon, Sis?" malumanay na usisa ni Thara.

​Umiling ako. "Thara... ayoko na siyang pag-usapan, ok? Hindi ko na siya iniisip."

​"Two lies in a row for Miss Hyacinth Zen Williams," natatawang-naiiling na bulalas ni Oliver.

​Sasagot sana ako, but I couldn't refute what he said. Dahil tama siya, sila.

​"E kanino ba kasing kasalanan mo 'yan? Niligawan ka. Sinuyo ka nung tao. Tapos binasted mo. Ayun, nasaktan 'yung tao't halos 'di makapag-aral. Then nung nagkaroon ng iba na magpapasaya sa kanya, iiyak-iyak ka kasi mahal mo pala, ang kaso naduwag ka. Ngayon, Hyacinth Zen Williams, sabihin mo sa'kin, kaninong kasalanan mo 'yan?" pagtatalak ni Kithara.

​"Thara... tama na 'yan. Lalo mo lang pinapasama ang loob ni Hyacinth," awat ni Oliver.

​"No need to worry, Oliver. Thara's right. It was all my fault. Ang tanga ko kasi," natatawa kong wika, pero isang butil ng luha na pala ang kumawala sa aking kaliwang mata, na sinundan pa ng isa, at isa pa. "Sinaktan ko siya kahit na mahal ko siya. So, I deserve this. Deserve ko ang masaktan nang ganito."

​"Don't be too hard on yourself, Hyacinth," comfort ni Oliver sabay yakap sa'kin. Nakiyakap na rin si Thara, habang ako ay tuluyan nang iniyak ang sama ng loob.

​Napatigil lang kami nang mag-ring ang phone ko. May nag-text. Kumawala muna ako sa pagkakayakap ng dalawang kaibigan at tiningnan kung sino ang sender. Nasurprisa ako.

​"Siya ba 'yan?" usisa ni Thara. "Go lang girl, basahin mo na."

​Tumango ako at sinunod ang wika ng kaibigan. I opened the message and read it with my eyes.

​Hi Hyacinth! 'Wag mong kalimutan ha? May meeting tayo with Prof. Ricafort mamayang 5:00 P.M. Pakisabihan mo nalang sina Kithara at Oliver. See 'ya! TC—

​Napabuntong-hininga ako, staring at nothingness. "Charlemagne..."

CILAN's POV

​"Cilan, ang swerte ko talaga na naging BFF kita!" impit at pigil na tili ni Monique.

​"At bakit na naman?" walang-gana kong tanong sa loka-loka kong kaibigan.

​"Kasi naman... ang guguwapo ng mga hombre mong acquaintances! Wala akong itulak-kabigin sa kanilang dalawa!"

​Napailing ako. Buti pa si Monique, kasi ako parang may gusto akong itulak ngayon... sa bangin!

​Sabay kaming nagla-lunch ngayon sa Omnibono Café: ako, si Monique, plus Kristoff at Timothy. Yes, my two equally weirdo new friends. Ipinakilala ko na rin ang dalawa sa BFF ko, na labis kong pinagsisihan. Eto't lumalandi na naman ang babaeng bakla.

​"Timmy, have we met before?" biglang tanong ni Monique.

​Timothy gave a puzzled look. "Haven't remembered. Bakit?"

​"Kasi, it seems that before we were born we were meant for each other— aray!!!"

​"Monique! Anong nangyari? May masakit ba sa'yo?" kunwari'y concerned kong tanong sa kaibigan. Ang totoo kasi, siniko ko siya sa tagiliran dahil hindi ko na maatim ang kahihiyang ginagawa niya.

​She answered with a death stare. Dahil kami ang magkatabi (with Kristoff and Timothy in front of us), alam kong mahuhulaan agad niyang ako ang nagbigay sa kanya ng 'warning shot'.

​Sa huli, napilitan itong ngumiti. "Okay lang ako, BFF. Bigla lang nag-cramp ang stomach ko."

​"Dysmenorrhea," maagap na hula ni Timmy, na agad naming tinanguan ni Monique.

​"You sure? We can take you to the clinic," concerned na anyaya ni Kristoff.

​"No need, Kristoff. Ok na 'yang si Monique, 'di ba BFF?"

​Isang tingin na kami lang dalawa ang nakakaintindi ang isinukli nito. Tumuloy na kami sa pagkain. We were half-done nang mag-crave ako bigla for dessert.

​"Gusto kong mag-apple pie. Kayo, baka may gusto kayo isabay nang i-order?"

​"Apple pie din sa'kin!" sabay na wika nina Kristoff at Timothy, na nagkatinginan pa.

​Umiling naman si Monique. "Pass muna ako sa sweets ngayon, Cilan."

​"Okay." Tumayo na ako at dumiretso sa food counter. Dala ko na ang tray na may tatlong serving ng apple pie nang makaramdam ako ng malakas na pwersang biglang bumangga sa'kin.

I lost my balance, fell to the floor, and let the tray slip off my hands. Next thing I knew, nakita ko na ang isang puting uniform na puno ng mantsa.

​Napaangat ang tingin ko sa mukha ng taong nakabungguan ko. He was also tall, probably as tall as Kristoff. He was not only good-looking, siya 'yung tipo ng gwapo na magsa-standout talaga. But his perfect set of jet-black eyes are blazing with rage as he stared back at me.

SLOANE's POV

​"How's your first day here, Sloane?" usisa ni Elixir while munching his sandwich.

​Napangiti ako sa tanong nito. "Ano pa? 'Di the usual, boring stuff."

​"Hindi ka ba pinapalibutan ng mga chicka babes?" malokong dagdag ni Jeanne.

​"Alam niyo na ang sagot 'diyan," pilyo kong sagot sabay kindat. "But I am behave now in handling them. Alam niyo na, I need to impress Dad kaya dapat focus ako sa studies."

​"Maniwala ako sa'yo," hirit ni Elixir na ikinatawa ng dalawang baliw.

​"Ewan ko sa inyo. Mabuti pa, oorder na lang ako ng chocolate mousse."

​"Kunan mo rin ako, dito na ang bayad," wika ni Elixir. "Ikaw Jeanne, pasabay ka na rin?"

​"Strawberry shortcake na lang ang sa'kin," sagot ng kaibigan.

​I stood up to order our desserts, pero hindi pa man ako nakakarating sa food counter ay may bumangga na sa'kin. Napalingon ako sa taong nakabanggaan ko.

I can't see his face totally because of his oversized, oddly-colored shades. But my interest on him vanished as I felt a wet, yucky sensation on my torso. I averted my gaze to my school shirt and grimaced. Ang engot, binangga na nga ako, minantsahan pa ang uniform ko!

​"You jerk!" galit kong sigaw. "Did you know what you just did?"

CILAN's POV

​"Ah..." God, bakit ngayon ko pa hindi mahanap ang dila ko?

​"Ano, bakit hindi ka magsalita?" galit na tanong ng lalaki. "Napipi ka na ba?"

​"Kasi... pasensya ka na," sa wakas ay nasabi ko. "H-Hindi ko 'yun sinasadya."

​"Pasensya?" he repeated sarcastically. "Maaalis ba ng pasensya mo ang dumi ng uniform ko?"

​"Pare, nag-sorry na 'yung kaibigan ko. 'Di mo na siya kailangan pang sigaw-sigawan," narinig kong pag-awat ni Kristoff. Nakalapit na pala siya, pati na rin sina Monique at Timothy.

​"Kinakausap ba kita? Hindi 'di ba, kaya 'wag kang epal," maangas na bira ng lalaki.

​"You're harassing my friend so I need to interfere," matigas na sagot ni Kristoff.

​"Kung hindi kasi siya isang malaking engot, wala sana tayong problema ngayon."

​"Don't you dare talk to my friend like that!" galit na banta ni Kristoff.

​"I will talk to him anyway I want because he's an idiot!" hirit uli ng lalaki.

​"Kristoff! Sloane! What is this commotion all about?"

​Lahat kami ay napalingon sa dumadagundong na boses. Lagot, si Prof. Ricafort!

​"Someone explain to me what this mess is all about!" muling utos ng propesor.

​"Siya po kasi!" sabay na turo ng dalawang lalaki sa isa't isa.

​Umiling-iling si Prof. Ricafort. "This is such a big disappointment. Pareho pa naman kayong Sky White students! I won't tolerate this. You two, I want you to head to my office right now!"

​Lumakad na si Prof. Ricafort. Sumunod agad ang dalawa. Timothy helped me get back to my feet and dusted my soiled uniform.

​"Ayos ka lang ba, BFF?" worried na tanong ni Monique.

​Tumango ako. "Guys sundan natin si Kristoff, please."

​Pumayag naman ang dalawa. Hindi kami pinayagang makapasok sa office ni Prof. Ricafort kaya we decided to wait for Kristoff outside. Naunang lumabas si Sloane at dinuro pa ako.

​"May araw ka rin sa'king loser ka!" galit na banta ni Sloane bago ito umalis.

​Sunod na lumabas si Kristoff. Agad naming dinaluhan ang kaibigan.

​"I'm very sorry, Kristoff. Nadamay ka pa dahil sa katangahan ko," guilty kong wika sa kaibigan.

​He smiled and shook his head. "Hindi mo naman kasalanan 'yun, Cilan. It was Sloane who overreacted."

​"Sino ba kasi 'yang Sloane na 'yan? Gwapo nga siya right, pero ang sama ng ugali," inis na tanong ni Monique.

​"Sloane is the valedictorian last year of Chesterfield Science Academy, a SciTech institute in Taguig City where I graduated. His clan owns the Ramirez Resorts and Hotels, a renowned hospitality corporation sa bansa. He also knows basketball, he plays the drums, and he dances," mahabang sagot ni Timothy.

​"Salutatorian ka last year sa Chesterfield Timmy, 'no?" biglang usisa ni Monique.

​Napakunot-noo ang binata. "Teka, paano mo nalaman?"

​Monique let out a giggling laugh. "Ang bitter kasi ng pagkakasagot mo sa tanong ko."

​"Basta Cilan. Please, lagi kang mag-ingat. Sloane is a dangerous guy, he might get back to you when you least expect it."

​Napaisip ako sa paalala ni Kristoff. Sloane is dangerous... sa paanong paraan? Kung pagbabasehan ang mukha nito, 'di nga malayong may gawin itong hindi maganda. Right, I need to be extra careful.

SLOANE's POV

​"Nakaka-bad trip talaga ang pangit na loser na 'yun! Kung hindi dahil sa kanya, hindi marurumihan ang uniform ko at hindi ako maba-bad shot kay Prof. Ricafort!" inis ko pa ring maktol habang tinutungga ang isang bote ng Tandauay Ice.

Tumatambay kami ngayon sa Kaleidoscope Bar dahil gusto kong bawasan kahit konti ang bad trip na nararamdaman ko.

​"Anong plano mo?" usisa ni Elixir before sipping his vodka.

​Shumat muna ng tequilla si Jeanne bago nagsalita. "Just get over it, bro."

​Napangisi ako, ngising-aso. "Ako, si Sloane August Ramirez, palalagpasin na lang ang ginawa ng loser na 'yun? Hell, no! Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa'kin kanina."

​"And how will you make the poor man pay?" nakangisi ring usisa ni Elixir.

​"Remember Art Martinez? 'Yung classmate natin Jeanne noong Grade Ten pa tayo?"

​Parehong nabahiran ng takot ang mga mukha ng dalawa. Art was the boyfriend of one of the girls na nahumaling sa'kin. Sinira niya ang basketball jersey ko, and as retribution to what he did, I made him experience something he will never forget all his life.

​"Pero Sloane..." tila nauutal na wika ni Jeanne.

​"I can still hear Art's screams as I let him relish in excruciating pain," sadista kong sambit. "Tiyak na mas malakas ang magiging sigaw ng loser na 'yun kapag nagkataon!"

​Sabay na napailing ang dalawa. "Hope hindi ka magsisi sa gagawin mo, Sloane," pahabol ni Lix.

​I ignored their warnings. Gagantihan ko ang loser na nagpahiya sa'kin, pati na si Kristoff. Ipapalasap ko sa kanila kung gaano katindi maglagablab ang galit ko. I'll make them regret the day they crossed paths with me.

TBC