webnovel

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)

It appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter episode of his life. After befriending warm and kind-hearted Kristoff and eccentric yet insightful Timothy, he managed to cross paths and gain the wrath of one of the school's most eligible bachelor and popular figure, Sloane. Little did he know, that fateful day will not only change his life forever, but will also lead him to the answers of the question he left hanging on the past...

PhyllonHeart92 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
12 Chs

CHAPTER SIX

SLOANE'S POV

Aminado ako na medyo kinakabahan ako sa first performance namin ng banda, pero mas nangingibabaw sa'kin ang excitement na ipakita sa lahat ang kaya kong gawin.

​Halos 'di na ako makarinig sa lakas ng sigaw ng audience, lalo na ng mga babae at feeling babae nang lumabas na kaming apat sa stage. Pati mga professors, nakihiyaw na rin. Kanya-kanyang sambit sa pangalan naming tatlo ang mga tao, maliban sa isa...

​"Ay, sino ba 'yang naka-colored na glasses?"

​Napanting ang tenga ko sa narinig. May isa pang babae na nilait ang hitsura ni Cilan. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang uminit nang husto ang dugo ko sa mga namintas sa binata.

Mahigpit kong kinuyom ang kanan kong kamao. Parang gusto kong manuntok!

​Magsisimula na ang kantahan kaya pumwesto na kaming apat. After a few quiet whispers among ourselves and the introduction from Xavier, sumenyas na ako using my drumsticks.

​'Oh don't you dare look back, just keep your eyes on me... I said you're holding back, she said "Shut Up and Dance with Me!"'

​Rinig na rinig ko ang pagkamangha ng mga tao sa boses ni Cilan. Lihim naman akong napangiti. Sabi ko na nga ba, kakainin ng mga pintasero ang mga panlalait nila oras na kumanta na ito.

​'This woman is my destiny, she said "Ohhh..., Shut up and dance with me!'

​Uminit na naman ang dugo ko nang marinig kong sumabay na si Kristoff sa pagkanta. Maraming fans ng lalaki ang napatili. Kung tutuusin, complementary ang boses ng dalawa, pero tingin ko 'yun mismo ang mas ipinagmamarakulyo ng kalooban ko.

​Teka nga sandali! Bakit ba ako nagkakaganito? Paki ko ba sa kanila?

​Nagsimula nang magkumpulan sa dance floor ang mga tao para sumayaw. Naiinis pa rin ako sa hindi ko maintindihang dahilan kaya pinilit ko na lang mag-focus sa pagtugtog. I closed my eyes and tried to concentrate on nothing but my drums and my music.

​The song was about to end when I decided to open my eyes again. Una kong nasilayan si Cilan. Kahit nakatalikod ang lalaki sa'kin, kita ko ang enjoyment niya habang kumakanta.

​As I diverted my gaze, muling kumulo ang dugo ko seeing Kristoff all-eyes on our lead vocalist. Ang sarap niyang batuhin ng drumstick. Grrr...

​Natapos na rin ang first song. It's now Xavier's turn to second voice.

​'Sunday morning rain is falling...'

​Naging mas magaan na ang pakiramdam ko sa second song number. Though medyo may inis akong nararamdaman kay Xavier, hindi na ito kasing tindi tulad kanina kay Kristoff.

​Sa wakas, ang pangatlong kanta na ang ipe-perform namin. Ewan ko ba, pero biglang bumalik ang excitement na nararamdaman ko kanina. Siguro dahil 'Gitara' ang isa sa paborito kong Pinoy romantic song. Ito kasi ang theme song ng parents ko.

​Cilan opened up the song. 'Bakit pa kailangang magbihis? Sayang 'din naman ang porma. Lagi lang namang may sisingit, sa t'wing tayo'y magkasama...'

​Time for me to blend in. 'Bakit pa kailangan ang rosas, kung marami naman ang mag-aalay sa'yo? Uupo na lang at aawit, maghihintay ng pagkakataon...'

​Halos walang tigil ang tilian ng mga tao, but the only sound that seemed to matter to me at that moment was Cilan's voice magically polymerizing with mine.

​'Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sa'yo... Idadaan na lang kita sa awitin kong ito... Sabay ang tugtog ng gitara, ohhh...'

​Cilan went for the finisher. 'Idadaan na lang... sa gitara...'

​Pagkatapos na huli naming kanta, maugong na palakpakan ang isinukli ng mga estudyante at propesor ng academy. Marami pa nga sa audience ang umiingit na isa pa raw.

​Napatawa si Kristoff. "Sorry guys, but that's all we have for the night."

​"But you'll be hearing from us soon, very soon. Promise," Xavier added with a smile.

​Pagkababa namin ng stage ay agad kaming binati ng Third Harmony members.

​"Good job, guys! You were simply amazing!" papuri ni Kithara.

​"Agree. Can you hear the loud cheers of the crowd kanina?" dagdag naman ni Oliver.

​Napangiti kaming apat at nagpasalamat sa grupo. Okay na sana lahat, nang makita kong nakadikit ang mukha ni Kristoff sa tenga ni Cilan. Tila may ibinubulong ito sa binata. In return, tumawa ang lalaki at mahinang hinampas ang kanang braso ni Kristoff.

​Ew, ano bang ginagawa nila? Are they flirting? The f-ck!

​Masyado nang mabigat ang ulo ko so I decided to slip out, nang mahuli ako ni Xavier.

​"Sa'n ka pupunta, Sloane?" usisa sa'kin ni Xavier.

​"Ah... sa men's room lang ako," palusot ko na lang. Xavier just nod and went back to casual talking with random people.

I walked past fans giggling and screaming my name. Mabilis kong tinungo ang kotse ko sa carpark. As I went inside, I sighed heavily. Hindi ko talaga naiintindihan ang sarili ko ngayon. Why am I thinking and acting strange? Sa huli, pinaandar ko na ang kotse and drove away.

CILAN'S POV

​Our debut performance was a great success. Since then, marami na ang mga estudyanteng bumabati at nagpapa-picture sa'ming apat. Oo, kahit sa'kin.

Our band eventually became one of the most known groups in the campus. Katunayan, nakalatag na ang schedule ng mga performances at gigs namin. Ibig sabihin, magiging mas busy ulit kami sa mga practice sessions.

​Ibig sabihin, mas madalas kung makakasama sina Xavier, Kristoff, at Sloane.

​Napabuntong-hininga ako, habang tahimik na pinagmamasdan ang school fountain mula sa inuupuan kong bench. Well, okay lang naman si Xavier. He seemed much nicer now, though he sometimes turns aloof. Isa pa, he keeps himself away from my business kaya okay na okay siya sa'kin.

​Ang dalawang engot ang iniisip ko. Una, si Kristoff. Lately kasi, napapansin kong mas nagiging malambing ang kaibigan. Dumadalas din ang pagsasalita niya ng mga talinghaga, 'yung tipong nase-stress na ang utak ko sa mga pinagsasasabi niya. Hay, ang sakit na ng ulo ko...

​Isa pa 'tong si gorilla, este si Sloane. Naalala kong after ng performance namin nung Acquaintance Party ay biglang naglaho ang lalaki. Magmula noon, mas naging mainitin ang ulo nito, lalo na sa'kin at kay Kristoff. Seriouly, ano bang problema ng kumag na 'to?!?

​"Cilan!" malakas na tawag sa'kin ng isang lalaki. Sana naman wala sa tatlo!

​Napalingon ako sa tumawag, at nakahinga nang maluwag. "Tim, ikaw pala."

​Tumabi sa kinauupuan ko ang kaibigan. "Nabasa mo na ba?"

​"Ang alin?" nagtataka kong tanong. "Tungkol saan ba 'yan?"

​Hindi sumagot si Timothy, instead may inilabas itong papel mula sa bulsa ng pantalon nito. May mga pangalang nakasulat sa papel, 21 lahat. Nakagrupo ang mga pangalan into sets of three. Napansin ko ang pangalan ko na nasa Group F.

​"Ano 'to, Timothy? Bakit nandito ang pangalan ko?" tanong ko ulit dito.

​Napailing ang kaibigan. "'Di ba obvious? 'Yan ang magiging groupings ng Qualifier round ng Dark Intramurals bukas. Magkagrupo tayo in case na hindi mo napapansin."

​"Ha? Bukas na pala 'yun?" natataranta kong tanong. "Pwede pa bang umatras?"

​"Bakit ka naman aatras?" tila walang malay na usisa ni Tim.

​"Bakit?" I resounded his cluelessness. "It is a battle to the death! I need to get past and rub elbows with countless magic wielders and their God-only-knows-what powers, experience real pain, wounds, and bruises, and place my life in grave danger. 'Yun lang naman ang dahilan."

​Napatawa si Timothy. "Ano ka ba? Bawal ang patayan sa Dark Intramurals."

​"How can you laugh like that? Seryoso ako!" nanggagalaiti kong sigaw kay Tim.

​Napabuntong-hininga bigla ang lalaki. "Alam mo ba kung bakit ginaganap ang Dark Intramurals?"

​Napatahimik ako. I let Timothy continue with his story.

​"More than five milleniums ago, isang napakalakas na wizard ang sinubukang masakop ang buong mundo sa pamamagitan ng pagkuha sa anim na Mystical Relics, items that when completed can wipe out an entire planet. Nagtagumpay siya, at muntik na niyang mawasak ang Earth. Sa kabutihang-palad, may walong magic wielders na lumaban sa masamang wizard. Natalo nila ang kalaban at naibalik ang kapayapaan sa mundo. Magmula noon, itinatag na ang Dark Intramurals para sanayin ang mga batang magic wielders, para pagdating ng sandali na muling malalagay sa alanganin ang mundo, maipagtatanggol natin ang sangkatauhan."

​Napatanga ako. May mas malalim pa palang dahilan kung bakit isinasagawa ang Dark Intramurals. Akala ko kasi, puro tagisan ng lakas lang ang pinaglalaban ng kompetisyong ito.

​Okay na sana, nang may bagay na dumaan sa'king isipan.

​"Timothy! Hindi pa pala ako nakakapag-ensayo gamit ang powers ko!"

​I saw Timmy's eyes bulged. "Talaga? Naku paano 'yan, mga malulupit pa naman ang karamihan sa mga kalahok ng Dark Intramurals. Walang pakundangan kung gumamit ng kapangyarihan ang mga wielders manalo lang. At 'di ka 'kamo nakapag-ensayo? Naku anong gagawin mo... tiyak na bubugbugin ka nila nang todo, Cilan. Baka mapilayan ka pa at... baka 'di ka na makalakad!"

​Natakip ko ang mga kamay sa bibig ko. At sinabi niyang walang patayan?!?

​"O, Cilan. Ba't wala ka nang imik 'diyan? May problema ba?"

​Umiling ako nang mahina bago ngumiti nang tabingi. "Wala naman, Tim. Okay na okay ako."

SLOANE'S POV

​Kanina pa mainit ang ulo ko. Bukas na ang pinakahinihintay kong araw, ngunit sa malas ay mukhang may sisira pa nito . Kung bakit naman kasi...

​"Handa ka na ba para bukas, Sloane?"

​Mahigpit kong kinuyom ang kanan kong kamao. Kasalukuyan kaming nakatayo sa pinakasulok na bahagi ng school plaza. Kung gusto ko siyang bugbugin, now is the perfect time.

​"Look, Sloane. Hindi ako nandito para maghanap ng gulo—"

​"Ang pagpunta mo sa'kin ay paghahanap ng gulo, Kristoff."

​Napailing ang lalaki. Pareho kaming nakatayo lang, magkaharap sa isa't isa. Kanina ko pa gustong tustahin nang buhay ang lalaki. E sa nakakainis talaga siya!

​"Sloane, I know you have bad blood with me. You'd rather grill and toast me alive each and every time you'll have a chance. Pero bukas, magkakampi tayo, Sloane. And I'm here to ask you if we can temporarily set aside our differences, kahit para lang sa Qualifier round," Kristoff pleaded.

​"Tsk," naiinis kong asik. "I don't need you and your help. Mananalo ako at magiging parte ng Zodiac Stars. Now, if you're not sure that you are capable of getting a spot on the team, it is none of my business. Spare me your drama. Hindi kita kailangan."

​"Tama si Kristoff, Sloane," sabad ng isa pang asungot. Biglang lumitaw si Xavier mula sa likuran ko. Kaming tatlo ang magkakagrupo sa Team A, ang powerhouse team ng Qualifiers para sa taong ito. A team of three Elemental Magic wielders will definitely not be a pushover.

​I sighed. "Xavier, hindi ako galit sa'yo. Pero kung—"

​"Listen first, Sloane," sansala ni Xavier sa mga sasabihin ko pa sana. "You see, madalas na kailangan ng team effort ang challenges sa Round 1, kaya whether you like it or not, we need each other to pass. Now, if you two really want to go heads on and the beat the pulp out of each other, I suggest that you do that sa Round 2. For now, cooperate muna para makalampas tayo sa sunod na round."

​Napaisip ako sa sinabi ni Xavier. Oo nga't isa akong Elemental Magic user, pero hindi pa rin iyon guarantee na invincible ako sa lahat ng posibleng obstacles at challenges na ilalagay nila sa Qualifiers. And Xavier is right, may second round pa naman for me to crush Kristoff.

​"Fine," I conceded. "Sige, makikipagtulungan ako sa inyo sa Round 1. Pero sa Round 2, humanda ka sa'king Koreano ka. Kill will be a euphemism sa gagawin ko sa'yo."

​Umalis na ako sa lugar na 'yun. I drove back home right away. My feet was sure where to go— sa basement. Dito ko unang natutunang kontrolin ang taglay kong Fire Magic, at dito ko rin sinasanay ang aking kapangyarihan.

I smirked. I've waited long for this, so they better watch out for me.

KRISTOFF'S POV

​Araw ng Sabado. This is the day.

​Nagtipon-tipon kaming dalawampu't isang kalahok para sa First Round ng Dark Intramurals Qualifiers. Lahat kami ay pinagsuot ng simpleng plain white shirt at maong pants. 'Di ko mawari, pero may kutob akong kung ano man ang inihanda ng commitee para sa araw na 'to, hindi bagay ang suot namin ngayon.​

​Nasa stage na si Prof. Ricafort, kasama ang piling professors ng Celesticville na hula ko ay mga Magic wielders din. Nasa stage rin sina Hyacinth, Charlemagne, Kithara, Oliver, at Jacob. Sa pagkakaalam ko, silang lima ang mga natirang senior Zodiac Stars mula sa team last year kaya automatic na silang kasama sa labindalawang representatives ng school this year.

​"Welcome, Magic wielders," masiglang bati ni Prof. Ricafort. "How are you doing?"

​"Fine, except that we looked so ROTC with our OOTD," maarteng sagot ng isang babae mula sa Group B. Napaismid pa ito na tila diring-diri ito sa suot namin.

​"Arte, 'kala mo naman kagandahan," bulong ng katabi kong babae mula sa Group E.

​"Well, I know your outfit looks rather boring, but we will address that later," anang nakatatandang lalaki. "For now, ipapaliwanag ko muna ang mechanics ng activity sa Round 1."

​Nagpatuloy ito. "Lahat kayo ay papasok sa loob ng virtual reality simulation na nilikha ni Prof. Archer Evangelista. Babagsak kayo sa random zones ng virtual Earth. Ibig sabihin, maaaring hindi ninyo makakasama ang team mates ninyo sa pagharap sa challenges."

​Nagbulungan ang mga kalahok. Kung ganun, individual game rin pala ang labanan.

​"Para makalampas sa unang round, bawat isa sa inyo ay kailangang makakuha ng isang Celesticville Zodiac star na nakakalat sa battlefield. But it wouldn't be easy, maraming magiging hadlang sa inyo sa pagkuha ng Zodiac star. It could be a puzzle, an obstacle, a wild monster, or one of the very faces you are seeing right now. The first 14 to complete the task gets to proceed to Round 2."

​Napasinghap ako. It's my first time to engage in a brawl, at sa mga magic wielders pa!

​"Magic wielders of Celesticville, goodluck sa inyong lahat," bati ng propesor.

​Tumalikod na si Prof. Ricafort nang tila may maalala ito. "Siyanga pala. This is Prof. Mildred Swarovzki, Dean ng College of Fashion Arts. Alam niyo na siguro kung ano ang maipaglilingkod niya. Prof. Swarovzki, please take charge."

​Tumango ang magandang propesorang tantiya ko ay nasa mid-thirties yata. Sa suot nitong gown na revealing ang cut, magagarang jewelry pieces, at brim hat na puno ng balahibo, hindi maipagkakamali na mahilig nga sa fashion si Prof. Swarozki, pero hindi naman siguro niya kami pagsusuotin ng gowns at suits, tama ba ako?

​"Wielders, magiging mahirap ang mga pagsubok na kakaharapin ninyo sa Dark Intramurals Qualifiers," panimula ng babae. "Kaya naman, I will make sure that you'll be wearing outifts that will not only make you look fabulous but will allow you to battle in style. One, two, three... Stylus Magic!"

​Itinaas ni Prof. Swarovzki ang kaliwang kamay niya. Nagliwanag ang mga kasuotan namin. Ilang sandali pa'y humupa na ang nakakasilaw na liwanag at nakita kong nagbago ang aming mga suot. Chinese-style training outfits ang ipinalit ng propesora sa ROTC attire namin kanina, pero magkakaiba ang mga designs. Gold ang outifit na napunta sa'kin with matching lightning accents. Blue ang kay Xavier na may water designs, habang red na mayroong apoy sa mga gilid ang kay Sloane. Napalingon ako sa Group F. Ang cute ni Cilan sa suot na green training outfit na may leaf embroidery. Black and white naman ang kay Timothy na may yin-yang logo sa likod.

​Pagkatapos ng aming 'pagbibihis', pinalabas muna kami ng Carina Room ng Celestic Magistrate Building. Kalalabas pa lang namin nang halos mabingi ako sa sigawan ng mga estudyante. Nandito pala sila para mag-cheer sa mga Magic wielders.

Karamihan sa mga nagchi-cheer ay mga babae at may mga bitbit na poster ko, ni Xavier, at ni Sloane. Napangiti ako nang makita kong may nag-cheer din for Cilan, at may ilan din na may dalang posters naming apat na members ng 'The Four Elements'. Pero ang talagang ikinagulat ko ay nang may mapansin akong babaeng dala ang malaking picture ni Timothy. Ang isang fan pa nga ay hindi maitago ang sobrang kilig.

​Nag-wave sa'min si Monique, kaya ngumiti rin ako sa kaibigan. May hawak itong mini-tarpaulin na may picture naming tatlo nina Cilan at Timothy.

​"Cilan, Kristoff, Timmy... galingan ninyo, ha?" nagpipilit lakasan na sigaw ni Monique.

​Pagkatapos ng humigit sa limang minuto ay pinabalik na kaming lahat sa loob ng Carina room. Agad na tumambad sa amin ang isang kakaibang makina. Tila isa itong malaking hexagonal screw na lampas ten feet ang taas. May antenna na nakakabit sa platfrom, dalawa, na nakadikit naman sa outer sides ng hexagonal na bagay. Ano kaya ang isang 'to?

​"Isang dimensional shift simulator," bulong ni Timothy na tila nabasa ang nasa isip ko. "Gamit ang napakalakas na boltahe ng kuryente at controlled matter-antimatter collisions, nagagawa nitong gumawa ng isang computer-simulated virtual environment na kayang magparamdam ng virtual stimulus sa mga tao na para bang totoo ang mga ito."

​Napamulagat ako. "At paano mo nalaman 'yan?!?"

​Napangiti ang kumag. "Animo Magic ang taglay ko. Kung gusto kong maging isang effective na Magic wielder, dapat kong pag-aralan lahat ng bagay na pwede kong magamit sa laban. It can spell the difference between victory and defeat, you know."

​"Celesticville Magic wielders, this is the moment. This is your first step to become one of our school's representatives for this year's National Dark Intramurals. Fight safe, fight fast, fight hard," paalala ni Prof. Archer. "Remember, get that Zodiac star and let it lead you back here. Before I forget, may tatlong oras lang kayo para maisagawa ang misyon. Now get ready, in 3, 2, 1..."

​Isang marahas at nakakasilaw na liwanag ang inilabas ng dimensional shifting machine. Then a violent force lorded the area and seemed to stir out throughout my body. Para akong nawalan ng malay... or so I thought.

Either ways, nagbalik ang gunita ko sa isang napakatuyong lugar. I scanned the vicinity. Isang disyerto. Wala akong ibang makita kundi mga cactus, bato, at mga bundok na ilang kilometro ang layo mula sa kinatatayuan ko.

I surveyed the land once more. Ako lang mag-isa. Ayon sa nabasa ko, mas mahina ang daloy ng electric current sa maiinit na open spaces. Baka madehado ako sa anuman o sinumang pwede kong makalaban dito.

​"Kristoff..." mahinang tawag ng isang boses, seemingly from a distance.

​I stiffened, clenching my right fist. Wrong, hindi pala ako nag-iisa...

​TBC