webnovel

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)

It appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter episode of his life. After befriending warm and kind-hearted Kristoff and eccentric yet insightful Timothy, he managed to cross paths and gain the wrath of one of the school's most eligible bachelor and popular figure, Sloane. Little did he know, that fateful day will not only change his life forever, but will also lead him to the answers of the question he left hanging on the past...

PhyllonHeart92 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
12 Chs

CHAPTER ONE

MONIQUE'S POV

"Bestie! Dahan-dahan naman! Ba't ka ba kasi sobrang nagmamadali?"

"Hindi ako nagmamadali, Monique. Ikaw lang 'tong ubod nang bagal."

Meet Cilan Luigi Yap. A certified nerd. Best friend ko siya since High School. How did it happen? Apparently, nakiupo ako sa table kung saan ito kumakain mag-isa inside the school cafeteria and presto! Naging BFF ko na ang tahimik, suplado, pero deep inside super-bait na bestie ko ngayon.

"Sungit mo talaga. Magpatigin ka na nga, baka nagme-menopause ka na."

Tumigil ito at matamang tumitig sa akin, 'yung titig na parang tumitingin sa baliw. "Monique, lalaki ako. Babae lang ang nagme-menstrate kaya kayo lang ang nagme-menopause. Mura lang ang Science books, bili ka naman paminsan-minsan."

I rolled my eyes. "Wow, ha. Biro ang tawag dun, bestie. 'Di mo alam ang ibig sabihin ng 'biro'?"

"Kung magbibiro ka Monique, 'yung malapit naman sa katotohanan," seryosong turan nito.

"Kaya nga biro kasi hindi totoo— Hoy! Sandali, hintayin mo ako!"

Bigla na lang kasing naglakad ulit ang BFF kong baliw. Ito pa ang isa sa mga ipinagmamarakulyo ko. Sa dami kasi ng magagandang schools sa Manila, dito pa talaga sa Celesticville naisipang mag-enroll ni Cilan. Hello, e nasa tuktok ng Baguio lang naman ang school na 'to! Pero siyempre, bilang best friend, maaari ko bang hindi samahan ang kumag na 'to?

Habang naglalakad kami, naisip kong itanong kay Cilan ang isang bagay na 'di ko pa naitatanong dito.

"Cilan, ba't ba dito sa Celesticville mo naisipang mag-aral?"

He stiffened, making me almost burst in laughter. Sa more than five years naming magkakilala, I already knew what the reaction meant. He was uncomfortable with the question, o baka sa sagot dito.

​"It's an international school. My Mom wants me to enroll in one so... I'm here," he responded.

​Napataas-kilay ako. "International schools are everywhere, bestie. But why in Baguio?"

​He sighed. Sumuko na sa pagsisinungaling. "Gusto mo talagang malaman ang totoo?"

​I nodded non-stop. "Kaya nga ako nagtatanong, 'di ba?"

​"Sige. Ang totoo Monique, gusto ko dito dahil... nagsasawa na ako sa ingay at kadaldalan mo. I was hoping that I can escape you by enrolling here. Apparently, I was wrong," sagot nito.

​"At... Ano? Hoy, Cilan Luigi! Pasalamat ka at nakakapagtimpi pa ako sa'yo!"

​He smirked. "Monica Ellise dela Calzada, that's my line copycat!"

​"Ikaw na baliw ka! Humanda ka kapag nahuli kita! Hmmmph!"

​Cilan dashed as I tried to chase him and give him the punishment of his life. Nasa open field kami ng school nang bigla akong makabunggo ng isang matigas na bagay.

​"Aw!" daing ko bago ako bumagsak sa grass-carpeted na lupa.

​"Watch your step next time, young lady," wika ng isang di-pamilyar na boses. Before I knew it, a tall figure towered over me, offered his right hand, and smiled with his white pearls.

​Kiyeme ko namang tinanggap ang kamay ng binata. "Thank you."

​"Okay ka lang ba, Monique? 'Di ka ba nasaktan?" humahangos na usisa ni Cilan.

​Buti naman at nakunsensya ang kumag. Kasalananan niya kaya kung bakit ako natumba!

​"Miss, you look dizzy. Tara, I'll walk you to the clinic para ma-check ka."

​I shook my head. "No, I'm fine. Na-disorient lang ako, but that's all."

​Tumayo na ako at pinagpag ang damit. Nakalapit na rin si Cilan sa'kin.

​"I may sound too inquisitive, but I haven't seen you around before. Freshmen?"

​Tumango ako. "Actually, incoming pa. Mage-enroll pa kami, err..."

​"Charlie," pakilala ng binata. "Charlemagne Villareal. And you're..."

​Nag-alok ako ng kamay. "Monique dela Calzada. And this jerk is my BFF, Cilan Yap."

​Tinanggap ni Charlie ang kamay ko, then shook hands with Cilan. "Nice meeting you both. Wait, did you say you're still enrolling? Perhaps I can help, para makabawi man lang ako sa nangyari."

​"Naku, baka makaabala pa kami," pakunwari kong tanggi sa alok ni Charlie.

​"Nonsense. I'd be glad to help, and wala naman akong urgent na gagawin," the guy replied with a wicked smile.

​Napayuko ako. "Sure ka ha? O sige na nga, total mapilit ka."

​Lalong lumapad ang ngiti ni Charlemagne. "Great! So, follow me."

​Nauna nang humakbang si Charlie, kasunod ako habang medyo nagpahuli si Cilan.

​"Kunwari pang tatanggi-tanggi, kilig na kilig naman,"mahinang bulong ni Cilan pero narinig ko pa rin.

​I raised an eyebrow. "Narinig kita, Cilan. Pakiulit nga ang sinabi mo."

​"Narinig mo na, 'di ba? Ba't ko pa uulitin? Engot," wika ng kaibigan bago ako birahan ng lakad.

​I clenched both my fists. Hmppphhh... humanda ka talaga sa'king baliw ka!

SLOANE'S POV

"Balita ko, dito ka na raw sa Celesticville mag-aaral, Sloane?" bungad ni Elixir, pinsan ko.

​I nodded. "Pinilit ako ni Dad. Alam kasi niyang less ang bars dito..."

​"Ang sabihin mo, para mabawasan 'yang pagiging chickboy mo!" pumapalatak na alaska ni Jeanne. He has been a close friend ever since. Classmate ko siya since preschool days and right now, sabay kaming mage-enroll sa Celesticville University, one of the most elite international schools in the country, as Freshman Civil Engineering students. Meanwhile, third year na si Elixir sa parehong kurso.

​Needless to say, we also belong to the wealthiest of clans in the Philippines. Jeanne Montefort's clan owns one of the top coffee chains in France. Elixir's parents, my Tito and Tita, are into the fashion retail industry. Our family naman is into hotels and resorts. With that, and our God-given good looks, it's no wonder why girls swarm towards us like bees to a honeycomb.

​Pabiro kong sinapak sa braso si Jeanne. "Sira. Time out na ako sa pambababae."

​"Bakit, lalaki na ba ang trip mo ngayon, 'insan?" gulantang na tanong ni Lix.

​I shot a dagger stare to my cousin. "One more joke like that at tutustahin na talaga kita."

​Elixir raised his hands, as if surrendering. "'Wag ka namang magbiro nang ganyan, Sloane."

​Napangiti ako. "Ang corny mo, Lix. Mukhang hindi ako ang nababakla, kundi ikaw!"

​Nagtawanan kaming tatlo. Napatingin ako sa relo. Nine a.m. na pala.

​"Sorry guys, but it's time for my exam. Kita na lang tayo mamaya."

​"Think you can pass the exam, bro?" Jeanne taunted, palibhasa tapos na itong mag-take.

​"I ain't Sloane August Ramirez for nothing, brother," I snapped, before heading to the exam room. I find these tests an insult to my intellect, but nevertheless I got to take it. I stand corrected, I will ace it.

Napangiti ako. This will be a piece of cake.

CILAN'S POV

"This is the exam room," imporma ni Charlemagne sabay turo sa isang nakasaradong pintuan made of opaque fiber glass. The room looked huge. "This will be the venue for your first examination."

​"First? Ibig sabihin, may kasunod pa 'to?" gulat na usisa ni Monique.

​Tumango si Charlie. "The first examination is what we call the 'I.Q. test'. As the name suggests, ito ang susukat sa intellectual aptitude niyo. The other exam is what we call as the 'Blind Test'."

​"Blind test?" naguguluhan kong tanong sa lalaki.

​Charlie chuckled. "Yeah, the name sounds intriguing. Sorry though, because hindi ko siya ma-explain accurately. You'll have to see it for yourself."

​Sa sinabi ni Charlemagne, mas lalo akong na-curious tungkol sa 'Blind test'. Bubulagin ba kami, o 'di kaya'y may ipapagawa sa amin sa isang madilim na kwarto? Bakit kasali 'yun sa entrance exam?

​"Cilan, tawag na tayo. Magsisimula na raw ang exam," Monique called, cutting my thoughts.

​Pumasok na nga kami sa loob ng exam room. It has a capacity of around sixty examinees. It was painted all white and gold. Lahat ng desk, equipped with a detachable tablet. Swivel din ang mga upuan, at imbes na pisara ay isang malaking screen na may digital stopwatch na naka-flash ang oras ang nasa harap. Nakasulat ang tingin ko'y mga pangalan ng mga examinees. Napatingin ako sa bandang kanan na bahagi ng monitor kung saan nakalagay ang 'Yap' at 'dela Calzada', both having a time of 120 minutes.

​"Mr. Yap and Ms. Dela Calzada, seat nos. 29 and 30, please," the proctor instructed.

​Agad kaming tumalima ni Monique. As I seated, I grabbed the tablet. The screen flashed a 'Start' button. I pressed it and a question popped up. May apat na choices. Muli akong lumingon sa digital monitor sa harap. As I guessed, it showed how much time I have left.

​Isa-isa kong sinagotan ang mga tanong. All were basics from high school (or even lower grades) so I cruised as I took the exam. The screen said 'Thank You and Well Done!', indicating that I am through answering. I gazed at the monitor again. Hmmm, a little more than 30 minutes consumed.

​Pagkalabas ko ay nakita ko ang gulat sa mga mata ni Charlemagne.

​"Tapos ka na ba sa exam mo, bro?"

​I nodded. "'Di ko nga maintindihan kung bakit two hours ang allotted time, eh 150 questions lang naman ang tinanong."

​Charlie smiled, though the smile looked skewed. "Ah... I see. Si Monique?"

​I shrugged. "Maybe taking her time. Maingat kasi sa pagsagot ang isang 'yun."

​Naghintay kaming dalawa na matapos si Monique. It was already 11:47 a.m., eleven minutes bago maubos ang oras nang sa wakas ay lumabas na ang kaibigan ko. She looked harassed.

​"Ba't ang ang tagal mo?" usisa ko rito.

​To my surprise, pinandilatan ako ng maldita. "Ba't ang tagal ko? Kasi mala-demonyo sa hirap ang exam na 'yun! Kung 'di lang talaga ako na-stress nang todo ay uubusin ko talaga ang oras!"

​"Ha? E mga basic lang naman ang mga tanong, a," nagtataka kong tanong.

​"E henyo ka naman! 'Wag mo nga akong i-compare sa level mo, Cilan," inis nitong wika.

​"O, bago pa kayo tuluyang mag-away, mabuti pa kumain muna tayo. Come, I'll treat you to the all-day dining resto here in the school," anyaya ni Charlie.

​Agad na kumapit sa braso ng lalaki si Monique. "May point ka 'diyan, Charlie. Gutom na rin ako, e."

​"Good! So... tayo na? You'll surely be amazed with Omnibono,"pagmamalaki pa ni Charlie.

​Mabilis pa sa alas-kwatrong tumalilis ang dalawa, habang nakasunod akong iiling-iling.

SLOANE'S POV

Three-seventeen p.m. After a day's work, finally enrolled na ako sa Celesticville.

​"Musta na, Sloane? Bumagsak ka ba, cousin?" pang-aasar na bungad ni Elixir. Nasa Omnibono Cafe kami ngayon, ang five-star all-day dining restaurant ng school.

​Jeanne munched his clubhouse sandwich before speaking. "It's okay, bro. Don't take it too seriously."

​I raised an eyebrow and smirked. "On the contrary, idiots." I drew something from my pocket and show them my clenched fist. Slowly, I opened my hand for them to see what I'm hiding.

​"Whoa! Congrats, 'insan! I knew you can make it," masayang bati ni Elixir sabay yakap.

​"The white and gold 'C star' badge of Celesticville. Welcome to the club," dugtong ni Jeanne.

​"Thanks, guys. Honestly, from the start we all knew na makukuha ko 'to. No surprises."

​"The vintage storm-drawer Sloane," komento ni Elixir habang umiiling.

​Ngumiti ako. "Nope. Just stating a fact. Paano, uwian na ba tayo?"

​"Idiot!" alaska ni Jeanne. "This calls for a celebration. I saw a club, mga twenty minutes drive lang from here. Alam niyo na, it doesn't hurt trying something new."

​"Wala naman akong gagawin so... I'll give it a go." Bumaling sa'kin si Elixir. "Sloane?"

​I feigned a bored look, before flashing a wicked smile. "Tinatanong pa ba 'yan? Tara na!"

​Agad na kaming lumabas ng cafeteria, heading to another escapade.

CILAN'S POV

Sa paglilibot ko sa buong campus, napansin kong lahat ng labindalawang gusali ng school, pati ang mga gyms, ay dalawang palapag. Kulay brown na may green accents ang unang palapag habang puti na may golden accents ang second floor. May underground pass din papunta sa mga underground rooms na kulay asul naman.

​Maliban sa isang building, ang Celestic Magistrate Building. Sa lahat kasi ng buildings sa school, ito lang ang tatlong palapag at walang underground floor. Purong puti ang kulay ng building. Nakaadorno sa buong istruktura ang simbolo ng labindalawang zodiac signs at mga bituin. At dito, sa School Director's Office, magaganap ang huling entrance exam.

​"Ano ba ang gagawin namin sa loob?" usisa ni Monique.

​Charlemagne smiled. "Relax... interview lang ang gagawin dun."

​"Interview? Eh, bakit sabi nila madalas na dito bumabagsak ang mga enrollees?" usisa ko.

​Napakamot sa ulo nito ang binata. "Ang totoo... hindi ko rin alam, e."

​"Ms. dela Calzada, Mr. Yap, kayo na po ang susunod," imporma ng isang staff.

​Nilingon ni Monique si Charlie. "See you later na lang, Charlie."

​Muli na naman akong napailing. Mag-eenroll na lang, may time pang lumandi.

​Pareho kaming dumiretso sa iisang pinto ni Monique nang magsalita ang staff.

​"Ms. dela Calzada, sa room IV po kayo. Si Sir po sa room V."

​"Ha? Ba't kailangan pa tayong ihiwalay?" nagtatakang tanong ni Monique.

​"Basta, sumunod ka na lang para matapos na," sagot ko na lang sa kaibigan.

​Pumasok na nga kami sa kanya-kanyang room assignments. Bumungad sa akin ang kadiliman. I walked forward, only to hear the strong sound of the door shut. Alarmed, agad akong lumapit sa pinto nang biglang may nagliwanag. Hinarap ko ang pinanggalingan ng liwanag. Dalawang tao ang agad kong nakita. Ang matandang lalaki, mga nasa sixties na siguro, ay nakaupo sa swivel chair habang ang kasama nitong nakababatang lalaki, who was on his mid-twenties, ay nakatayo sa tabi nito.

​"Mr. Cilan Luigi Yap, ikinagagalak kitang makilala," bati ng matandang lalaki.

​Dahan-dahan akong lumapit sa kinalalagyan ng dalawa. "Kayo din po, Mr..."

​"Ricafort. Ako si Prof. Amadeo Ricafort III, CEO at apo ng original na founder ng school. Siya naman si Prof. Archer Evangelista, Secretary-General ng Celesticville Academy."

​Tumango ako at naupo sa silya katapat kay Prof. Ricafort.

​"Nakuha ko ang resulta ng IQ test mo, Mr. Yap," paunang wika ni Prof. Ricafort. "I must say, nakakagulat na sobrang taas ng nakuha mong marka. Very impressive."

​Napangiti ako. "Hindi naman, pero thank you po sa papuri."

​"Sabihin mo, Mr. Yap. Nung nag-labindalawang taong gulang ka na, may kakaiba ka bang naging karanasan? Like a paranormal or magical experience na hindi normal?" biglang usisa ni Prof. Ricafort.

​Bigla akong natigilan. Something very momentous happened to me when I was twelve, but it was neither paranormal nor magical. It was a nightmare, a memory I'd rather store in the netherworld.

​Umiling ako. "Wala naman po akong naa... alala..."

​"Okay ka lang ba, Mr. Yap? Bakit parang namumutla ka?" The old gentleman expressed concern.

​I massaged my temple. "Parang inaantok po ako... Pasensya na..."

​Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. My eyes shut close before my head slammed on the wooden desk. Afetr just a split-second, all of my consciousness escaped me.

MONIQUE'S POV

​"Ang tagal naman ni Cilan sa loob. 'Yung interview ko, 'di nga halos tumagal ng limang minuto. Pero siya, mag-iisang oras na 'ata sila sa loob," litanya ko habang hinihintay ang kaibigan.

​"Relax ka lang. Baka may mahalaga lang silang pinag-uusapan," pagpapakalma ni Charlie.

​"Gaya ng?" I asked, when I saw Cilan opened the office's door. "'Andito ka na pala."

​Lumabas na si Cilan sa opisina, pero tila pupungas-pungas ang kaibigan ko.

​"O, ba't parang nakatulog ka?" agad kong usisa sa lalaki.

​Umiling-iling si Cilan. "Ewan ko nga ba. Bigla na lang akong inantok sa loob, e."

​"Kaya pala," pumapalatak na sabad ni Charlie. "Akala kasi namin, napano ka na. Ah... Cilan? May itatanong sana ako sa'yo, kung pupuwede lang," biglang pahabol pa ng lalaki.

​"Ano 'yun, Charlie?" ganting-tanong ni Cilan.

​"Ah kasi... Itatanong ko lang kung bakit... may suot-suot kang sunglasses lagi?"

​Bahagyang napatawa si Cilan. "Lol. Eyeglasses 'tong suot ko. May congenital eye defect kasi ako."

​"Pero bakit colored?" maagap na follow-up ni Charlie.

​Natigilan ako bigla. Ipinagmamalaki kong best friend ko for five years ang lalaki, pero ang maliit na detalyeng ito sa pagkatao ng kaibigan ay hindi ko alam, o inalam.

Bahagya kong nilingon si Cilan, at nagulat dahil halatang naging uneasy ito sa isang kung tutuusin ay simple lang na tanong.

​"Ah kasi, may color blindness ako," sa wakas ay naisagot ni Cilan. "Without these, I can only see red."

​Napangiti si Charlemagne. "Ganun ba? Akala ko kasi, bampira ka."

​Napatawa ako. "Kung bampira 'yang si Cilan, 'di na sana tayo nagkita, Charlie."

​Napatingin si Cilan sa relos nito. "Four na pala. Charlie, kung wala ka namang gagawin, can you join us for some snacks? You know, as thank you sa pag-accompany sa'min."

​Charlie flashed a hesitant smile. "Hindi ba nakakahiya naman?"

​Napangiti ako. "Nonsense. We can take Cilan's c–"

​"Ano ka ba, Monique? Wala naman akong kotse," biglang putol ni Cilan sa sinasabi ko. "Ang hilig mo talagang magbiro. Ikaw na lang mag-drive ng kotse ni Monique, Charlie. May dala ka bang license?"

​Tumango ang binata. "Sa Verizon Cafe na lang tayo. Masasarap ang food nila dun."

​Nakasakay na kami sa kotse ko pero hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang mga bagay na nagpapagulo ng utak ko. Ang glasses ni Cilan. Kung bakit itinanggi nito na may kotse ito. Hello, e ang yaman-yaman kaya ng mokong na 'to, 'di nga lang ito showy na mayaman.

​I sighed. May isang bagay pa pala akong naalala. I have never seen his eyes...

PROF. RICAFORT'S POV

​"Sigurado ka ba sa desisyon mo, Prof. Ricafort?"

​Napangiti ako sa tanong ng batang propesor. "Walang bagay na sigurado sa mundo, Archer."

​"Pero Professor, alam mo kung gaano siya kalakas. Magiging ikaapat siyang Elemental Magic Wielder ng Celesticville. Tiyak na ang panalo natin sa Dark Intramurals kapag nagkataon," argumento nito.

​Tumango ako. "Alam ko, Archer. Nakakatuwa nga isipin. Sa loob ng lampas na isang siglong kasaysayan ng pamantasang ito, ngayon lang nagkaroon ng mga elementalists ang Celesticville... at apat pa! Pero, hindi ko pwedeng ipagpalit sa isang tropeyo ang kaligtasan ng mundo. Sa abot ng aking makakaya, kailangan ko siyang maprotektahan."

​"Pero hindi ba mas maipagtatanggol niya ang kanyang sarili kung matututunan niyang gamitin ang taglay niyang kapangyarihan?" muling giit ng binatang propesor.

​"Archer... magiging sentro lang siya ng ganid at interes ng mga masasamang loob. Ang totoo, alam kong darating ang panahong matutuklasan din niya ang buong potensyal ng kanyang lakas. Pero hangga't hindi pa siya handa, kailangan ko iyong pigilan, hanggang sa araw na maging handa na siya."

​Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ng binata. "Naiintindihan ko, Prof. Ricafort."

​Napangiti ako. "Sige na, Archer. Ilagay mo na sa database ang bagong estudyante."

​Nagsimula nang tumipa ang batang propesor. Cilan Luigi Yap, I-Accountancy. Earth Brown.

TBC