KRISTOFF'S POV
"Astrapi Magic: Voltage Barrier!"
Bago pa ako maging taong pin cushion ay nagpalabas ako ng isang electric force field para protektahan ang sarili ko. Na-neutralize nito ang mga tinik ni Anthony hanggang sa tuluyang malaglag ang mga ito sa sahig. Nanlumo ang kalaban ko sa nasaksihan.
"It'll take more than mere pin missiles to defeat me, Anthony," I taunted back.
Nagtagis ang mga ngipin ng lalaki sa sobrang inis, bago walang sabi-sabi akong sinugod. I dodged quickly, pero mabilis itong nagbago ng direksyon kaya napilitan akong dumapa nang nakatihaya sa lupa para makaiwas. Napansin ko ang pagngisi ng kalaban gawa ng alanganin kong kinalalagyan.
"Pasensya ka na, Kristoff, pero mukhang hanggang dito na lang ang pangarap mong maging Celesticville Zodiac Star!" sigaw nito, sabay talon sa ere at rolyong parang bola.
Napabuntung-hininga ako habang pinagmamasdan ang human porcupine na malapit na akong daganan. "You left me with no choice, Anthony. Behold, Astrapi Magic: Lightning Wave!"
I clasped my hands together. Isang maliit na bola ng kuryente ang binuo ko, saka ito naging isang electric beam na diretsong tumama kay Anthony. Nangisay sa ere ang kaawa-awang lalaki bago ito bumagsak sa lupa, wala nang malay.
It's done. Tumayo na ako at pinagpag ang pantalon kong nadumihan.
"Hindi na makakalaban pa si Anthony. Ang panalo, si Kristoff Soo!" anunsyo ni Prof. Archer.
I walked to the sidelines habang ina-assist ng medic ang nakalaban ko. Nalulungkot akong isipin na kinailangan kong saktan ang isang taong itinuturing kong kaibigan para lang sa pangarap ko.
"Congrats, Kristoff! O, 'wag ka nang malungkot. Alam kong hindi mo naman sinasadyang masaktan si Anthony," nakangiting bati ni Cilan na nakalapit na pala sa kinatatayuan ko ngayon.
Napangiti rin ako sa kaibigan. "Thanks, Cilan."
And with him around, gumaan ang pakiramdam ko. Umupo na kaming dalawa para panoorin ang sunod na pares na maglalaban.
XAVIER'S POV
"Para sa ikatlong laban, it'll be no. 3 seed Xavier Reyes laban kay no. 12 seed Mars Hudgens."
Kampante lang akong nagtungo sa gitna ng battle arena. Madaling napatumba nina Sloane at Kristoff ang mga lampang kalaban nila, at bilang isang Elemental Magic wielder, I am expected to do the same.
"Ini-expect ko pa namang si Sloane o si Kristoff ang makakaharap ko. 'Yun pala ikaw lang ang makakalaban ko. Nakakadismaya talaga," mayabang na hayag ni Mars.
I just smiled. "Don't worry. I'll do my best to drown your disappointments away."
"Handa na ba kayong dalawa?" tanong ni Prof. Icarus. Tumango kami. "Simulan niyo na!"
Mars closed in our gap and aimed for a sucker punch. I took a leap back para makaiwas. Muling umaktong susuntok ang lalaki but this time I intercepted. Patagilid muna akong umilag sabay hawak sa balikat ng lalaki for some momentum, bago ko pinatamaan ng malutong na sapak ang mukha ng kumag.
"Hayop ka!" sigaw ng lalaki sabay bagsak sa lupa.
Napatawa ako. "Hindi ako madalas manapak, but I didn't realize it can feel this good!"
Umungol lang ang lalaki sabay tayo. Napansin ko si Mars na tila may nginunguya na kung ano sa bibig nito. Seconds past, bigla itong nagbuga ng berdeng likido. I managed to evade the attack, but to my surprise the spews that hit the ground melted it! Asido pala ang ibinubuga ng mokong!
"Don't worry, Xavier. I'll save your handsome face from my attacks," maangas nitong wika. Napansin siguro ang gulat ko sa powers niya.
I fell into deep thought. A direct water attack will do less damage to him. Isa pa, hindi ko pwedeng gamitin nang todo ang powers ko dahil nasa enclosed area kami naglalaban.
Muling bumuga ng asido si Mars. Medyo mabagal kumilos ang bakulaw kaya madali ko lang siyang naiilagan, but the acid takes time to evaporate, at unti-unti na akong nauubusan ng lugar na matatapakan. Kailangan ko na siyang tapusin, kung ayaw kong ako ang tatapusin ni Mars.
"Ano na, Xavier? Nasaan na ang angas mo dahil sa Hydrein Magic mo, ha?" taunt pa nito.
Plano ko na talagang lunurin ang ungas kong kalaban, nang may mas magandang ideya akong naisip. "Bakit naman ako magpapa-asar sa'yo, e hindi ka naman asintado? Isa pa, sa hina ng pwersa ng pagbuga mo, I doubt na matatamaan mo ako in a million years. Mahina ka na nga, sablay ka pa!"
Namula sa galit ang mukha ng pikon. "Anong sabi mo, Xavier?"
"And you got slow brain cells to boot. Perfect package ka talaga," pumapalatak kong alaska.
"Humanda ka nang mamatay, Xavier!" nanggagalaiting banta ni Mars.
"I'm always ready. Sana ikaw rin." Sabi na nga ba't kakagat agad ang uto-utong ito.
Bago pa makabuga ng asido ang lalaki ay inilabas ko na ang aking alas.
"Hydrein Magic: Aqueous Prison!"
Isang malaking water ball ang inilabas ko sa paligid ng kalaban at isinilid si Mars sa loob. The acid bounced on the water wall, at saan pa kaya ito papunta? Hmmm... I wonder...
"Xavier... Ilabas mo ako rito ngayon na! Wasakin mo na 'tong barrier!" pasigaw na utos ni Mars habang pinipilit nitong iwasan ang sarili nitong asido. Geez, his voice can penetrate through my prison!
Pasalampak akong umupo sa sahig. "And why should I do that? 'Pag pinabayaan kitang masunog ng sarili mong kapangyarihan, e 'di panalo na ako. All I have to do is sit here and wait for your demise."
"Oo na!" naiinis nitong sigaw. "Sumusuko na ako sa laban. Now get me out of here, right now!"
"Pathetic. You're not even immune to your own poison," nakaismid kong wika sabay irap.
"Ah!" narinig kong hiyaw ng lalaki. Must be the acid. "Please Xavier, iligtas mo ako!"
"That's exactly what I've been waiting for." I snapped my fingers, and the water prison burst.
Napalugmok si Mars sa sahig na basang-basa. I stood up and dusted my back. Boring, but a win is a win.
"Dahil sumuko na si Mars sa laban, ang panalo sa ikatlong match ay si Xavier Reyes!"
After Prof. Archer's declaration, I headed back to my seat. Bago ako makaupo ay nagkatinginan kami ni Kristoff. Our usual stare dares, just like the old times.
"Sadistic as always, aren't we, Xavier?" nang-aasar na patama ni Kristoff.
Napatawa lang ako. "Pretending to be the noble one as always. If I were you Kristoff, I would close my eyes and pray hard na sana manalo ang mga kaibigan ko rather than employing yourself as my personal critic free of charge. Learn to mind your own business," I replied, before I sat down to enjoy the other fights.
TIMOTHY'S POV
Alright, now's my turn. Time to formally clinch my status as a Zodiac Star...
"Ang ika-apat na maglalaban ay ang no. 4 seed Timothy Gatchalian at no. 11 seed Julius Castro!"
Napapangiti akong lumapit sa gitna ng arena. Turns out, rematch pala ang laban namin.
"Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa'kin sa gubat," galit na hayag ni Julius.
I smiled teasingly. "Good. At least, may idea ka na sa magiging resulta ng labang ito."
"The Fourth match ng 2nd Round Celesticville Dark Intramurals Qualifiers, laban na!"
Agad na nagpalabas ng apat na yoyo si Julius, adding one on each hand. From our previous encounter, alam ko na ang kayang gawin ng mga yoyo niya, but he could be hiding new tricks up his sleeve.
"Para sa pamamahiyang idinulot mo sa'kin, tanggapin mo 'to Timothy! Nentus Magic: Yoyo Slicers!"
Dalawang yoyo ang ibinato ng lalaki sa direksyon ko. Padapa akong umilag. Agad niya itong sinundan ng isa pang pag-atake gamit ang ikatlong yoyo. Gumulong ako sa sahig para hindi ako mahagip nito. It hit the floor, causing the cemented floor to have dents! Buti't naiwasan ko 'yun on time.
"Mukhang nasasanay na akong makita kang pagulong-gulong sa lupa, Timmy," alaska nito.
I chuckled. "Don't. You might get your head buried six feet underground if you do that."
Nagtagis ang bagang ni Julius. "Ang yabang mo pa ring mokong ka kahit na nasa lupa ka na! Puwes, ikaw ang ibabaon ko sa ilalim ng lupa! Tatapusin na kita! Nentus Magic: Yoyo Typhoon!"
Pinaikot-ikot ni Julius nang mabilis ang mga yoyo nito sa ere. Pabilis nang pabilis ang pag-ikot ng mga yoyo hanggang sa makabuo ang mga 'to ng dalawang maliliit na ipo-ipo.
"Any last words, my dear friend?" patuyang tanong ng kalaban ko.
Tumango ako habang tumatayo. "Wanna hear it now?"
"Bilisan mo," utos nito. "Baka 'di mo matapos sabihin 'yan oras na mabitawan ko 'to."
Napangiti ako. "Scary. Oops, I'm not referring to that miniature twister that you're conjuring above your head, but this little thing that I have literally under my sleeve."
Napaungol sa inis ang kalaban ko. "Grrr... I'll make you regret your choice of last words, Timmy!"
Pinakawalan na ni Julius ang dalawang yoyo whirlwinds na kinokontrol nito. I didn't flinch or bother to move. Tiwala akong kaya akong protektahan ng 'secret weapon' ko.
A big explosion ensued. Smoke scattered throughout the arena, restricting vision on the area. Pinakiramdaman ko ang sarili. As expected, nasangga nga ng 'kaibigan' ko ang atake. Now, time for some payback!
"Kumusta na, Timmy? Nakatulog ka ba nang mahimbing? O baka nadurog ka na—"
"Startled aren't we, Julius? Did you really think that I'll let you win that easily?"
As the smoke clears, naging visible na ako at si Siegle, ang favorite kong dragon action figure na binuhay at pinalaki ko gamit ang Animo Magic. Nginitian ko ang mukha ni Julius na hindi ko matantiya kung nahintatakutan o namamahangha kay Siegle.
Tila natulala pa ng ilang segundo ang kalaban ko, but then his game face returned shortly after. "Tingin mo ba na basta na lang akong magpapasindak sa'yo dahil lang may dragon ka?"
Umiling ako. "Of course not! This is a battle, remember? Things must be in a two-way process, so I'll have to do my share." Hinarap ko si Siegle. "Siegle, please help Julius be scared of me."
Siegle growled loudly before breathing fire. Agad na dumapa si Julius to dodge. He then tried to attack using his yoyos but my dragon blocked it effortlessly.
"Siegle, my MP is getting low. Kindly finish the fight now," utos ko sa dragon.
"How dare you! Ako ang tatapos sa labang ito!" galit na sigaw ni Julius.
Sabay na ginamit ni Julius ang kanyang apat na yoyos for a combination attack but Siegle toasted his weapons with fire. To his frustration, biglang nagsisigaw na parang ulol ang lalaki at akmang susugurin ako but Siegle whipped him hard with his powerful tail. Julius got slammed to the floor, unconscious.
I sighed. "I swear I wished that it would be a less painful defeat for you today, Julius."
"Hindi na makakalaban pa si Julius. It'll be Timothy Gatchalian to advance to the next round."
After Prof. Archer's announcement, I quickly reverted Siegle back into a toy. Pabalik na ako sa kinauupuan ng audience nang makaramdam ako ng panghihina at muntik na matumba.
"Ayos ka lang, Tim?" sabay na tanong nina Kristoff at Cilan na agad akong dinaluhan.
I smiled. "Yup, don't worry. Grabe lang talagang kumonsumo ng MP ang powers ko, but this time I'm prepared," sagot ko sa dalawa as I grabbed from my trusty messenger bag a pack of Orange Dutch Mill. Ngayon, si Cilan na lang ang kulang para makasali na kaming tatlo lahat sa Dark Intramurals.
CILAN'S POV
Natapos na ang naunang anim na mga laban. Nakapasok na sa Celesticville Zodiac Stars team sina Sloane, Kristoff, Xavier, Timothy, at ang dalawang kapwa namin rookies na sina Allison Lewis at Yvonne Altamirante. Kinakabahan na ako para sa huling laban ng Qualifiers, ang laban namin ni Rico.
"For our seventh and the final match of the Qualifiers, magtatapat ang no. 7 seed na si Rico Jacinto laban sa no. 8 seed na si Cilan Yap," pagpapakilala ni Prof. Archer na nagpasikip lalo sa dibdib ko.
"Cilan, ikaw na ang lalaban," untag sa'kin ni Xavier nang hindi pa rin ako gumagalaw.
Napailing ako. "Kung... mag-forfeit na lang kaya ako?"
"Ano?" gulat na sigaw ni Timmy. "Bakit? Kayang-kaya mo namang talunin si Rico, e."
"Pero... parang 'di ko yata siya kayang kalabanin, e..." naguguluhan kong tugon.
Kristoff suddenly grabbed me by the shoulders. "Cilan, listen to me. Do this for yourself. Always remember na ang dahilan kung bakit ka sumali rito ay para mas makilala mo pa ang iyong sarili."
I sighed, and then I nodded. "You're right. Thanks for reminding me, Kristoff."
"Ang dami pang arte, lalaban din pala," narinig kong bulong ni Sloane.
I chose to ignore him as I stood up and walk towards the arena. Nagtama ang mga mata namin ni Rico. Nakangiti na ngayon sa akin ang lalaki, but in his eyes I saw great determination.
"Tandaan mo 'to, Cilan. Akin ang huling Zodiac star," desidido nitong wika.
Pinili kong huwag nang sagutin ang kalaban.
"Para sa huling pwesto sa Zodiac Stars team, Rico vs Cilan: simulan na!"
"Yahhh!!!" hiyaw ni Rico habang sumusugod papunta sa kinatatayuan ko, aiming for a punch.
Agad akong kumilos para ilagan ang kamao nito. As he continued to aim for a hit, I also relentlessly went on evading. Super strength ang taglay na kapangyarihan ni Rico, at tiyak na mawawasak ang mga buto ko oras na masapol ako ng kamao niya!
Rico suddenly stopped and distanced himself. "Cilan, labanan mo ako!"
Napatingin ako sa mga mata niya, at umiling. "I'm sorry Rico, but I can't."
"Kailangan mo akong labanan! Hahhh!!!" galit na galit nitong utos sa'kin. To my surprise, he punched to the ground so hard, the vibrations were enough for me to lose my balance.
"Gustong-gusto kong maging bahagi ng National Dark Intramurals. It's my ultimate dream," panimulang turan ng lalaki. "I have tried twice before and always failed. Now is my last and the best chance to make it. But I am also a man of honor. Hindi ko matatanggap kailanman ang isang panalo mula sa isang kalabang hindi ako binigyan ng magandang laban. So Cilan, I beg you. Labanan mo ako nang buo mong lakas!"
Napaisip ako sa mga sinabi ni Rico. Tama ang mga kaibigan ko, at tama rin ang lalaki. My fight is not only for me to advance to the next round. Para ito sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa'kin, at sa mga tulad ni Rico na nakasalalay sa labang ito ang pangarap. Hindi ko sila dapat biguin.
Dahan-dahan akong tumayo, bago ako napatango. "Naiintindihan na kita. 'Wag kang mag-alala, Rico. Ibibigay ko na sa'yo ang laban na hinihiling mo."
Napansin ko ang paglawak ng ngiti sa mga labi ni Rico, but suddenly he charged forward for an attack. I guess it's time for me to show some of the things that I can do.
"Ang unang technique na na-master ko, sa'yo ko gagamitin. Phyllon Magic: Petal Hurricane!"
I released petals from my left hand and allowed them to encircle my entire body like a barrier. Sinubukan pa ring sumugod ni Rico pero nasugatan ito ng mga talulot na nahawakan nito, kaya bahagya itong napaatras.
"Razor-sharp petals. Tingin mo matatalo mo na ako gamit ito?" hamon ng kalaban ko sa'kin.
Ngumiti ako sabay taas ng kaliwang kilay.
"Why don't you see it for yourself?"
Rico screamed out a battle cry bago ito muling sumugod. Pinagsusuntok nito ang mg talulot na nakapalibot sa'kin habang patuloy ito sa paghakbang palapit. Nang halos isang dipa na lang ang distansya ng lalaki mula sa kinatatayuan ko ay pumosisyon na ito ng suntok sa aking mukha.
"Pasensya na, Cilan, pero tatalunin na kita ngayon!"
Bago pa ako matamaan ng kamao ng lalaki ay kinontrol ko ang mga petals para paligiran si Rico. Sa utos ng aking kanang kamay, dahan-dahan kong iniangat ang binata sa ere hanggang sa itinigil ko ito sa pinakatuktok ng kisama ng room.
"Ibaba mo ako, Cilan!" sigaw ng lalaki habang nakikipagbuno sa hangin.
"You asked for everything I've got, now I'll give it to you!" sagot ko sa kalaban.
Marahas kong ikinumpas pababa ang kanan kong kamay, at kasabay nito ay ang mabilis na pagbulusok pababa ng sumisigaw na si Rico hanggang sa tumama ito sa matigas na sahig.
"A... n-nanalo ka nang patas, Cilan... s-salamat..." wika ng kalaban ko bago ito nawalan ng malay.
"Tapos na ang laban," deklara ni Prof. Archer. "Ang nagwagi at ang pinakahuling miyembro ng Celesticville Zodiac Stars, si Cilan Yap!"
Napayuko ako habang pinagmamasdan ang nakalugmok na si Rico. "I'm sorry, Rico. I had to do it."
Tumayo na sina Kristoff at Timothy para salubungin ako, habang nakasunod si Xavier.
"Ang lupet naman ng atakeng 'yun, Cilan! Saan mo natutunan 'yun?" usisa ni Timmy.
"Congratulation, Cilan! Alam kong kayang-kaya mong manalo," masiglang bati ni Kristoff.
Tinapik ako ni Xavier sa balikat. "Welcome aboard, bandmate and co-Zodiac Star."
Ilang sandali pa ay tinawag na kaming pitong Magic wielders na nag-qualify bilang mga bagong members ng Celesticville Zodiac Stars, ang official team ng school para sa darating na National Dark Intramurals 201x, para sa isang photo op. After some shots, sumabay na rin ang limang seniors na sina Hyacinth, Kithara, Oliver, Charlemagne, at Jacob, pati sina Prof. Archer at Prof. Icarus.
Pagkatapos ng nakakahapong maghapon ay nagpasya na akong maunang umuwi. Habang naglalakad ako papuntang condo, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga pwedeng mangyari ngayong makakasali na ako sa Dark Intramurals, at ang mga bagay-bagay patungkol sa pagiging isang magic wielder ko.
Alam kaya nina Daddy at Mommy ang tungkol dito? Kanino ko kaya namana ang powers ko? At... may kinalaman kaya ang powers ko sa mga pangyayari sa nakaraan ko?
"Cilan, nasaan ka ba nung Sabado? Wala ka sa condo mo nung pinuntahan kita. Tapos nung tinawagan ko sina Kristoff at Timmy para magpasamang mamasyal, wala ring sumasagot sa phone. Sabihin niyo nga, lumalakad na ba kayo nang kayo-kayo lang?" nagtatampong litanya ni Monique habang pinaparusahan nito ang slice ng black forest cake.
It's a cozy Monday afternoon at napagpasyahan naming magkakabarkada na magpalamig muna sa Betelgeuse Cafe, total tapos na naman ang mga klase namin.
"May practice kami ni Cilan kasi tutugtog ang Four Elements sa opening ceremony ng Buwan ng Wika," salo ni Kristoff. Siyempre, alam naming pareho kung nasaan talaga kaming tatlo nung Sabado.
"Nagbakasyon kami ng parents ko sa Zamboanga on my uncle's beach resort," tugon naman ni Timothy, na muntik kong ikinatawa. It was partly true, but they had the vacation last Sunday.
Napalabi si Monique. "Ang akala ko talaga, iniwan niyo na ako."
Kinurot ko ang magkabilang pisngi ng kaibigan na ikinainis nito.
"Sus, at nagtatampo ka pa. Alam mo namang ikaw ang pinaka-best friend ko!" Saka ko napansing ang sama na ng tingin ng dalawang mokong sa'kin. "Siyempre, kayong tatlo nina Kristoff at Timmy."
Nagtawanan kaming apat nang tumunog ang phone ni Timothy, na agad nitong sinagot.
"Hello, who's this? Ah, ikaw pala Tanya. Yup, andito pa ako sa school. What is it about? Tungkol sa darating na Intramurals? You need my help to... What? Are you crazy? No way. A-yo-ko. Bye."
Pagkatapos ng tawag ay malakas na napabuntong-hininga si Timothy.
"O, sino ba 'yun? Ba't ang init ng ulo mo?" usisa ni Monique sa kaibigan namin.
Napasimangot si Timmy. "Si Tanya kasi..."
"O, ano si Tanya?" impatient na dugtong ni Kristoff. "Kung makapambitin ka naman."
Timothy sighed once more. Mukhang mabigat ang problema nito.
"Tanya called to talk about the upcoming events for this year's Intramurals, and she asked me—no, she commanded me to be our section's representative for the Mr. Celesticville 201x. That girl," he snarled.
Nagkatinginan kaming tatlo, bago sabay na nagkatawanan.
"Anong tinatawa-tawa niyo 'diyan?" naasar nitong tanong.
"Alam mo bang crush kita since our first meeting, Tim?" tila kinikilig na amin ni Monique.
"Oh, shut up Monique!" Timothy cringed as he said those words.
Napangiti ako. Kung tutuusin, sa tuwing hindi isusuot ni Timothy ang may kakapalan nitong eyeglasses, mapapansin ang ganda ng mga mata nito. Kahit maliit ng isang inch sa akin ang lalaki, he still exudes that handsome, authoritative look, 'yung tipong katatakutan at kakikiligan mo at the same time.
"Oh, c'mon Tim. Wala namang masama sa pagsali sa contest na 'yun, dagdag na rin sa life experiences mo. Susuportahan ka naman namin all the way," pang-eenganyo ni Kristoff.
Tim crumpled his face further, then his face suddenly brightened. Agad nitong kinuha ang smartphone at nag-dial. "Hello, Tanya! Yup, I got some good news for you. See, I can't join the contest kasi may severe stage fright ako. But Kristoff here volunteered to take my place."
"What?" gulat na reaksyon ni Kristoff. "You crazy? Timothy, no—"
"Yeah. Inform our adviser about it. Okay, ciao!" Then Tim called off the call.
"Timothy, you crazy jerk!" galit na galit na sigaw ni Kristoff.
"What?" painosenteng tanong ni Tim. "Wala namang masama sa pagsali sa contest na 'yun, right? And you need not to worry, kasi susuportahan ka naman namin all the way."
Lumingon sa amin si Kristoff, expecting to get some help.
"Kung ikaw ang magiging representative natin, sure win na tayo!" pakikisaya ni Monique.
"Cilan?" Kristoff begged with pleading eyes.
"Well... guwapo ka naman kasi talaga, Kristoff," pagsang-ayon ko sa dalawa.
Kristoff let out a desperate sigh, habang tawa nang tawa lang kaming tatlo.
Tumunog ang phone ni Monique. After she took the call, sinabi nitong may practice raw sila ng cheering squad kung saan member na ito. Nauna na itong umalis, while the three of us decided to stay and enjoy our comfort food and relaxing time together.
"Oy, napapadalas 'ata ang pagtunog ng phone ko. Hope not Tanya," aliw na wika ni Timothy.
He then seemed to read a text message. "Guys, i-vacant niyo na ang schedule ninyo this Saturday. May practice tayong mga Zodiac Stars, sa secret grounds pa rin."
"Sana may sparring sessions na," excited na sambit ni Kristoff.
Napaisip ako. Paano nga kaya kung paglabanin kaming lahat sa isa't isa sa darating na training? Okay lang naman siguro... puwera na lang kung si Sloane ang makakalaban ko!
TBC