webnovel

Dark Glazer Academy [COMPLETED]

Athena Brix Alexandro is a 20-year old girl who wants to find the justice for her older brother's death. Napag-alam n'yang Dark Glazer Academy ang huling pinuntahan ng kanyang kapatid bago ito mamatay, at dahil do'n, napag-desisyonan n'yang mag-enroll sa nasabing eskwelahan at natanggap naman s'ya, ngunit kailangan n'yang magpanggap na lalaki para masagawa ang paghihiganti n'ya.

Ellaine_Mojado · Lainnya
Peringkat tidak cukup
27 Chs

Chapter 5

-Athena Brix Alexandro-

Pagkatapos kong mag-hugas ng mga plato ay dumiretso ako sa kwarto at may hinalungkat sa bag. Picture ni Ereya. Hays, miss ko na ang bestfriend ko.

"Sino 'yan? Girlfriend mo? "

"Ay palaka! " sigaw ko nang bigla na lang sumulpot si Kean mula sa likuran ko.

"Nagulat ba kita? Pasensya na ha? " sabi nya saka nag-peace sign.

Ngumiti na lang ako.

"Okay lang. "

"So, sino nga 'yang babaeng tinititigan mo? Girlfriend mo ba? " tanong nya ulit. Umiling naman ako.

"No, she's not my girlfriend, she's my bestfriend. " sagot ko habang nakatingin sa picture ni Ereya.

"Ohhhh. Sus, magiging girlfriend mo din 'yan. Haha. "

"Imposible. " sabi ko saka bahagyang tumawa.

"Bat naman imposible ha? "

"Ah.. kasi ano, mahilig sya sa gwapo. E-eh hindi naman ako gwapo. " sagot ko saka kinamot ang likod ng ulo ko.

Ingat-ingat kasi Athena.

"Anong hindi gwapo? Gwapo mo kaya pre! Sa sobrang gwapo mo nga eh mukha ka nang babae. Hahahaha! " nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

"A-ano? H-hindi ba ako mukhang lalaki ah? " tanong ko with my manly voice.

"No, that's not what I mean pre, pasensya ka na kung na-offend kita. Anyway, sige, punta na akong kwarto. Gabi na eh, tulog na ako. " sabi nya kaya nag-taka naman ako.

"Ha? I-i thought ikaw 'yung room mate ko? " nakakunot-noo kong tanong.

"Ah.. hindi. Si Khal 'yung ka-room mate ko. " sagot nya.

"Eh sinong kasama ko dito sa kwarto? " tanong ko.

"Si koryanong masungit. O sya, alis na ako. Matulog ka na din. Goodnight! " sabi nya at umalis. Ako naman ay naiwang naka-kunot-noo pa din.

Si Jerix 'yung ka-room mate ko?! 'Yung masungit na 'yun?!

"Still awake? " napatingin ako sa may pintuan at tumambad sakin ang naka-sandong si Jerix.

Napa-lunok naman ako ng tatlong beses.

B-bat ang hot nya?

Wait, what? A-ano bang sinasabi ko?!

"Hey, I'm talking to you. Don't be so rude. " he said after he snapped his finger in front of my face kaya napabalik ako sa ulirat.

"S-sorry. Ah yeah, I'm still awake. Hindi ba obvious? " tanong ko.

"Akala ko kasi tulog ka eh. Nakadilat kasi mata mo. " sabi nya at alam kong sarcastic 'yun.

"Sige, tulog na ako. " sabi ko at akmang hihiga na sana ng bigla syang mag-salita.

"May nasalihan ka nang grupo? " tanong nya.

"Grupo? "

"Yup. Oh well, wala pa siguro kasi bago ka palang naman but I'm sure, pag-aagawan ka ng malalaking grupo dito sa DGA. Goodluck sayo. " sagot nya saka umakyat sa taas nitong deck.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at natulog na lang.

• K I N A B U K A S A N •

"Good morning, world! " sigaw ko saka bumangon at nag-unat-unat.

Nakita kong wala ng tao sa kama ni Jerix kaya lumabas na ako. Naabutan ko naman silang kumakain.

"Yo, Brix, pre! " bati sakin ni Harry.

"Yo! " sabi ko at nakipag-apir sa kanya.

Dumiretso ako sa lababo at nagmumog saka nag-tungo sa hapag-kainan.

"Ah.. mga pre, itatanong ko lang, hindi ba nagka-klase dito? " tanong ko.

"Minsan kapag nasa mood 'yung mga teacher. Hahahaha! " sagot ni Kean.

"Ahh. " pati ba naman teacher wala ding kwenta? Hays.

"Anyway, gusto mong sumama samin, Brix? " tanong ni Zef.

"Uh.. saan? " tanong ko habang kumakain.

"Sa ilalim nitong school. " sagot nya. Napatigil naman ako sa pag-kain.

"Ilalim ng school? " tanong ko.

"Oo. Doon nagla-laban-laban ang lahat ng mga gangs dito sa DGA. Masaya dun! " sagot nya ulit.

Kaya siguro kahapon ang ingay pag-pasok ko pero wala namang tao sa may entrance kasi nasa ilalim pala ng eskwelahang 'to. Napaka-misteryoso talaga. Tsk.

"Sige lang. " sagot ko saka ngumiti at pinag-patuloy ang pag-kain.

Pag-tapos naming kumain ay kanya-kanya nang gawain ang iba. Ako naman ay nag-huhugas at iniisip kung pano ko mahahanap 'yung pumatay sa kuya ko. Akala ko madali lang ang pag-pasok dito, hindi pala.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah? " napatingin naman ako sa nag-salita. Si Funky na naman.

"Hindi naman. " pag-sisinungaling ko.

"May nasalihan ka nang grupo? "

Bat ba lahat sila tinatanong kung may nasalihan na akong grupo? Big deal ba talaga 'yun?

"Wala pa. Kailangan ba talaga 'yun? " tanong ko at nagulat ako ng bigla syang tumawa. Naka-drugs ata 'to eh.

Napansin nya sigurong nakatitig lang ako sa kanya kaya bigla syang huminto.

"Ofcourse, kailangan 'yun. Sa susunod kasi na papasok ka sa isang sitwasyon, siguraduhin mong alam mo ang mga nangyari, nangyayari at mangyayari palang. " sabi nya saka umalis.

Ayun na naman sya sa "words of wisdom" nya. Ano bang sinasabi nya? Tsk.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pag-huhugas pagkatapos ay naligo na lang. Sa CR na ako nag-bihis para sure na walang makakapansin nang tunay kong katauhan.

Pagkatapos kong mag-bihis ay lumabas na ako sa CR at nakita ko silang nag-hihintay. Ako na lang pala hinihintay nila?

"Sorry guys kung ang tagal kong maligo ah? " pag-hingi ko ng paumanhin.

"Okay lang, Brix. " nakangiting sagot ni Gray. Mabuti naman at hindi na sya naka-hubad ngayon.

"Tara na at ayokong mahuli tayo sa baba. " walang-emosyong sambit ni Jerix saka naunang nag-lakad.

"'Wag mo na lang pansinin 'yung koryanong 'yun. Red flag ata eh. " bulong ni Khal saka bahagyang tumawa.

"Sira! Haha. " sabi ko na lang saka sumunod na kay Jerix.