webnovel

Dark Glazer Academy [COMPLETED]

Athena Brix Alexandro is a 20-year old girl who wants to find the justice for her older brother's death. Napag-alam n'yang Dark Glazer Academy ang huling pinuntahan ng kanyang kapatid bago ito mamatay, at dahil do'n, napag-desisyonan n'yang mag-enroll sa nasabing eskwelahan at natanggap naman s'ya, ngunit kailangan n'yang magpanggap na lalaki para masagawa ang paghihiganti n'ya.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 4

-Athena Brix Alexandro-

"Sino ba 'to? "

"Hindi kaya mag-nanakaw 'to? "

"Mag-nanakaw na nagawa pang matulog? Wow! "

"Bago ata 'to eh. "

"Mukha nga, teka, don't tell me sya 'yung pinag-uusapan ng mga iba't-ibang grupo kanina sa canteen? "

"Pinag-uusapan sya? Wae? "

"Naging koryano ka na naman, Jerix. Anyway, oo, kasi magaling daw 'yang makipag-laban. "

Mga bulungan na naririnig ko kaya idinilat ko ang mga mata ko at agad akong napabangon ng tumambad sakin ang mukha ng pitong lalaki.

"Oh gising ka na pala, brod. Anyway, ako nga pala si Zef. " sabi nung may kulay ang buhok.

"Hindi ba halata, ref--este Zef? Ako nga pala si Harry. " sabi nung lalaking sobrang puti. Si boy gluta ba 'to? Hahahaha!

"I'm Jerix Han. " ahhh sya siguro 'yung kaninang nag-tanong kung bat ako pinag-uusapan.

"Kean Arevalo at your service brod! " sabi naman ng lalaking may subo-subong lollipop. Eh?

"Khalil. " sambit naman nang isa.

"Gray Lopez. " sabi pa nung lalaking naka-hubad. Err..

"Funky. " sabi naman ng lalaking may earings sa tenga saka umalis.

Ngumiti ako sa kanila at tumikhim.

"I'm Brix Alexandro mga bro's! Nice meeting you all. " pag-papakilala ko.

"I guess, ikaw 'yung newbie, tama ba ako? " tanong ni.. Khalil? Tama ba? Haha.

"Yeah. Kakarating ko lang kanina. " sagot ko.

"Ikaw din ba ang nag-linis ng dorm? " tanong naman nung naka-hubad na lalaki. Si Gray ba 'yun?

"Yep! Sa apartment ko kasi dati ay laging malinis kaya nasanay lang siguro ako. " sagot ko.

"Labas na, labas na at mag-hahapunan na tayo! " sigaw ni Jerix.

Wait. Hapunan na?! Ang tagal ko palang nakatulog?!

"Una na kami sa hapag-kainan, sunod ka na lang ah? Bilisan mo at medyo masungit ang koryanong 'yun. Hehe. " sabi ni Kean.

"Okay. " nakangiting sagot ko. Haha jolly sya 'no? Napansin ko lang. Mwehehe.

Umalis na nga sila sa kwarto na pinagtutuluyan ko at ako naman ay inayos ang pinag-higaan ko. Pagkatapos nun lumabas na ako at dumiretso sa lamesa.

"Oh, Brix, pasensya ka na pre ah? Hindi ka na namin naintay kasi gutom na kami eh. " sabi ni Harry nang maabutan ko silang kumakain na.

"It's okay. " sabi ko at umupo sa tabi ni Jerix, 'yun na lang kasi ang bakanteng upuan eh.

Kukuha na sana ako ng ulam at kanin ng biglang tabigin ni Jerix ang kamay.

"Mag-dasal ka muna. " walang-emosyong sambit nya. O-kaaaaaay. Creepy sya ah? For me lang okay?

"O-okay. " sagot ko saka nag-dasal pagkatapos ay tinuloy ko na ang pag-kuha ng pagkain.

"Haha. Pag-pasensyahan mo na 'yang si Jerix ha? Daig pa babae nyan eh, laging may PMS. Pfft. " sabi ni Zef kaya natawa naman ako ng bahagya dun.

"Can you please shut-up, Zef? Nasa hapag-kainan tayo diba? " pag-saway ni Jerix kaya natahimik na lang din ako kasi baka sitahin na naman ako eh.

"Opo, appa. " sabi ni Zef habang natatawa pa.

"I'm not your father so don't call me 'Appa' " sambit pa ni Jerix saka umirap.

Bat ba parang pasan-pasan nito ang mundo? Ang sungit, sus ginoo!

"Why are you looking at me? " tanong nya ngunit nasa pagkain pa rin nya ang paningin.

"Nothing. " sabi ko saka tahimik na kumain.

Nang matapos na kami ay nagsi-pagtayuan na ang anim na lalaki maliban kay Jerix dahil nag-liligpit pa sya ng mga pinagkainan namin.

"Tulungan na kita ha? " pag-papaalam ko.

"Okay. " sabi nya saka nilagay ang mga plato sa lababo. Pinunasan ko naman ang lamesa at sinilip saglit ang anim na lalaki.

Si Gray, as usual nakahubad habang nasayaw. Hindi ba sya naiilang?

'Bat naman sya maiilang eh puro LALAKI naman kayo dyan? Maliban sayo. '

Oo nga naman.

Si Kean naman ay inuubos ang lollipop nya.

Si Zef naman ay kumakain pa din. Food lover pala 'to. Haha.

Si Harry naman ay.. tulog. Kakakain lang, natulog na agad. Tsk.

Si Khalil naman ay nag-babasa ng libro. Maniniwala na sana akong nag-babasa sya ng libro kung hindi lang ito baliktad.

Napunta naman ang paningin ko kay Funky ngunit nagulat ako dahil nakatingin din sya sakin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Ah, Jerix ako na ang mag-huhugas. " pagbo-volunteer ko.

"Okay. " seriously? Ganyan talaga sya mag-salita?

Umalis na sya at pumunta sa mga kasamahan nya at tahimik lang na nag-susulat? Ano naman kayang sinusulat nya?

"Hi Brix. " halos mabitawan ko na ang platong hinuhugasan ko dahil sa gulat.

Si Funky kasi eh biglang sumulpot dito.

"H-hi. " bati ko din. Argh! Bat ba ako naiilang sa kanya? Dahil ba sa titig nya sakin kanina? O sadyang hindi lang ako sanay makakita ng lalaking naka-earings?

"I just want to give you a reminder. " sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"W-what reminder? " tanong ko. Why am I stuttering as fvck? Argh!

"Sa susunod na magpa-panggap ka, siguraduhin mong hindi ka nahahalata. " sabi nya saka tinapik ang balikat ko.

"W-what are you talking about? " tanong ko kahit na kinakabahan ako. Posible kayang alam nya?

"Nothing. Hindi naman sa nang-huhusga ako pero baka kasi pagpapanggap lang 'tong ginagawa mo para makuha ang loob naming lahat. Don't put another meaning on it. " sabi nya at tuluyan nang bumalik sa mga kaibigan nya.

Tinitigan ko sya ng mabuti. There is something wrong with that guy, I can feel it. Umiling na lang ako at tinuloy ang pag-huhugas ko ng mga plato.

__________________________________________________________________________________

Characters:

IU as Athena Brix Alexandro

Jeon Jungkook as Jerix Han

Jimin as Gray Lopez

Jin as Khalil Smith

Rapmon as Funky Hurler

Suga as Harry Anderson

Taehyung as Kean Arevalo

J-hope as Zeffrey Lockrem