webnovel

Cradled Hearts

Saint3D · Realistis
Peringkat tidak cukup
21 Chs

Chapter 4

RAFAEL could not see anything. Masyadong madilim ang buong paligid. Hindi rin niya alam kung naapektuhan ba ng nangyari sa mall ang pandinig niya at wala siyang marinig.

Isang bagay ang pumasok sa isip niya. He screamed angrily without making any noise. He's dead...

Hindi puwede! Not this time! Argh!

He could feel his heart breathing fast. Sa sobrang bilis ay parang gusto nitong lumabas sa katawan niya. And the next thing he knew, he was crying.

Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ng pamilya niya. Agnes was crying endlessly in front of his dead body habang yakap-yakap ni Alexandre na nagluluksa rin. His brother Eris was standing at the entrance of the chapel. Parang wala itong balak na pumasok sa loob. Pero kahit na ganoon, pansin niya ang pagdadalamhati nito. Ilang saglit pa ay tumalikod si Eris at naglakad palayo.

He removed the thought to his mind.

I'm not dead!

Mabigat ang mga paang naglakad si Rafael papunta sa kung saan. The far he could go, mas lalong sumisikip ang dibdib niya. Naghahabol siya ng hininga at kung anu-anong negatibong bagay ang pilit na lumalason sa isip niya.

You're not helping him, Rafael!

Masyado kang pabida, bro!

Wala kang kuwentang kapatid!

~•~

PARANG sasabog ang ulo ni Rafael sa sobrang sakit. Halos hindi niya maimulat mga mata nang magising siya at para siyang nahihilo na parang hindi. Pilit niyang ininda ang sakit ng ulo at ilang beses na kumurap hanggang sa muling luminaw ang paningin niya.

Napahinga siya nang maluwag. Hindi siya patay.

Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Naroon siya sa isang kuwarto na kasingputi ng ulap ang pintura. There was TV set on a corner, may bedside table na may nakapatong na isang basket ng prutas at bulaklak, at may set ng sofa sa kaliwang bahagi ng kama. Sa isang parihabang sofa ay mahimbing na natutulog ang isang matandang babae, siguro ay nasa limampu na ang edad. Nakatalikod ito sa kanya at humihilik pa na parang pagod. Bukod kay Elena, wala nang ibang tao sa loob.

The room was fully equipped with air conditioner kaya presko ang pakiramdam niya, though he felt a bit cold. Kung hindi siya magkakamali, nasa isang private room siya ng isang hospital ngayon.

Napatingin siya sa sarili. Napakagat siya sa ibabang labi nang makitang tadtad ng bandage ang kanyang katawan at may supporter ang kaliwang braso niya. Sa tulong ng mga gamot na nakaturok sa pulsuhan niya ay hindi na gaanong kalala ang kirot na nararamdaman niya hindi tulad noon na parang mamamatay na siya sa sobrang sakit ng mga balang bumabaon sa balat niya.

Sinubukan niyang umupo nang maayos pero sumuko rin siya. Hindi pa kaya ng katawan niya na kumilos.

He drew a deep breath. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga nangyari sa Reyvinson Mall. Maraming tanong ang pilit na gumugulo sa isip ni Rafael. Pero sa kabila ng lahat, tiwala naman siyang nagawa nang maayos ng mga kasamahan niya ang trabaho ng mga ito. Na nailigtas ng mga ito ang mga sibilyan nang wala ang tulong niya. Umaasa siyang ganoon nga ang nangyari.

Napalingon si Rafael kay Elena nang mapansing humarap ito sa kanya at humikab. Doon lamang niya napansin ang kalagayan ng matanda. Busog ang palibot ng mga mata nito na para bang ilang araw nang puyat. Napansin din niyang mas lalong dumami ang kulubot sa balat nito at puting buhok.

He was amazed by her loyalty to his family. Who would have thought na halos tatlumpung taon nang naninilbihan sa kanila si Elena sa kabila ng sitwasyon ng pamilya nila. Hindi tulad ng ibang mga kasambahay na natapos lang ang dalawang taong kontrata ay hindi na bumalik pa.

"Rafael! Diyos ko, salamat at gumising ka na!"

Muling bumalik sa kasalukuyan ang diwa ni Rafael nang marinig ang tila nasurpresang tinig ni Elena. With a delighted face, she stood up and went straight to the door. Binuksan nito iyon at halos pasigaw na tinawag ang mga magulang niya.

Napailing na lang siya nang nakangiti. Hindi na bago ang pagparoon niya sa hospital pero kung umakto ang mga ito ay parang iyon ang unang pagkakataon na tinamaan siya ng bala.

They have to be prepared...always.

Iyon ang lagi niyang bilin sa mga magulang niya. Ang tanggapin na hindi na niya hawak ang buhay niya. But they just couldn't. Mamamatay daw ang mama niya kapag nangyari iyon.

Her mother emerged from the door. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala habang hindi mapigil sa pag-iyak. Panay ang pagtawag nito sa pangalan niya. Halos patakbo itong lumapit sa kanya nang nakalayag ang mga kamay sa ere na para bang may yayakapin nang mahigpit.

Kahit papaano ay gumaan ang kalooban ni Rafael nang makitang ngumiti si Agnes. She sat beside him at hinawakan ang kaliwang kamay niya.

"How are you, Raffy? I'm glad you're finally awake!" Hinalikan ni Agnes ang kamay niya at idinikit iyon sa noo nito. "Muntikan na akong namatay dahil sa pag-aalala! Haven't I told you na mag-ingat ka lagi? Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala ng papa mo!"

Mas pinili na lamang ni Rafael na huwag nang magsalita pa. Hinayaan na lamang niya ang ina na ilabas ang saloobin nito. Parang patalim ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Agnes at tinatadtad ang konsensya niya na ibigay ang hiling ng mga ito na mag-retire na sa trabaho, pero para sa kanya, hindi pa puwede.

He tried to control his tears, pero bumigay rin si Rafael kinalaunan. Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang ina. Kahit na nahihirapan ay sinikap niyang abutin ang huli at niyakap. Hinaplos-haplos niya ito sa likod habang panay sa paghikbi.

"Raffy, please, huwag na huwag mo kaming iiwan ng papa mo. Hindi ko kaya."

Muli na namang lumalabo ang paningin ni Rafael at nakakaramdam siya ng kaunting pagkahilo. Hindi rin niya mapigilan ang muling pagsalubong ng talukap ng mga mata niya. Parang gusto niya ulit matulog.

"Raffy!"

Muling nabuhay ang sistema ni Rafael nang sumigaw si Agnes. Ilang beses siyang kumurap at kaagad na hinanap ng mga mata niya ang mukha ng huli. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

"Pakiusap, tama na ang apat araw na tulog."

Pasalita na si Rafael nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang kanilang family doctor na si Dr. Amaranthe Esguerra at dalawang nurse. Muli siyang sinuri ng mga ito.

"How's Raffy, Ammy?" May bakas ng pag-aalala ang tinig ng ina niya.

Napatingin siya sa doctor. He could see her lips curved into a smile.

"Base sa resulta ng mga test na ginawa namin, he's safe from any complications. Any time from now, puwede na siyang ma-discharge."

Gaya ni Agnes ay parang nawala ang tinik sa lalamunan niya.

"Thank, God!" Napa-sign of the cross si Agnes. Sa loob-loob ay hindi maitago ni Rafael ang pagkagalak na muling makitang masaya ang ina niya.

"But I advise you to take a rest, maybe a week, hanggang sa maghilom ang mga sugat mo," dagdag pa ng doctor na nakatingin sa kanya. "And drink your medicines on time. Agnes, if you have any more concerns, just approach me in my office. I'll have to go."

Agnes nodded at lumabas na rin ang doktor at ang mga kasama nitong nurse.

"Raffy, do you hear that? Huwag nang matigas ang ulo, okay?" There's a hint of sarcasm on Agnes' voice.

Napangiti nang tipid si Rafael. "Nasaan si Papa, 'Ma?" Napansin kasi niya na wala si Alexandre. Sinundan niya ng tingin si Agnes na lumapit sa bedside table at nagbalat ng prutas.

"He left the hospital an hour ago to meet Mr. Tan, Raffy." Ang ina na niya mismo ang nagsubo sa kanya ngisang piraso ng orange.

Napatango siya at napalingon sa may pinto nang bumukas iyon. Nakapamulsa at nakangiting pumasok sa loob si Liam. He raised his left eyebrow. Bakit nakapangsibilyan ang kaibigan niya gayong alas-singko pa lamang nang gabi at hindi pa tapos ang working hour nila.

"I'll just go see Amaranthe, okay?" sabi ng ginang at saka tumayo. "Don't stress yourself, Raffy, ha? If possible, huwag mo munang isipin ang trabaho. Magpahinga ka muna," sabi nito at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

"Good afternoon, Tita Agnes," bati ni Liam sa kanyang ina nang makasalubong nito ito.

"Good afternoon, too, hijo," nakangiting bati ng kanyang ina, saka nito binuksan ang pinto at lumabas.

Sinundan niya ng tingin ang papalapit na si Liam.

"Brod, good you're finally awake!" sabi ni Liam sa kanya. He could see the joy on the tone of his voice. "I'm a man, but I miss you, man!" Inilahad nito sa kanya ang nakakuyom na kamao.

Itinaas niya ang kabilang kamay at nakipag-fist bomb. Ngumisi siya. "Ano'ng balita?" tanong niya kay Liam na nakatayo sa gilid ng kama.

"I have a bad and a good news fo you, brod," sabi ni Liam. Huminga ito nang malalim at muling nagsalita. "The good news is...ligtas na ang mga tao at pinananagutan na ng mga suspek ang mga kasalanan nila," imporma ni Liam. "At ang bad news, marami sa mga kasamahan natin ang nalagas."

Umigting ang panga ni Rafael. That was the counterpart of their job. Nasusukol nila ang mga kriminal pero hindi inaasahang may mga nasasawi sa kanila. Matalim ang mga matang tumingin siya sa malayo. "Sa tingin ko, may kinalaman ang nangyaring hostage taking sa mall at sa kasong hawak natin."