webnovel

Cradled Hearts

Saint3D · Realistic
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 5

Kung may olympics lang ang patigasan ng ulo, si Rafael na ang gold medalist. Hindi siya nakinig sa kanilang family doktor. Wala pang tatlong araw mula nang ma-discharge siya sa ospital ay naisipan niyang pumasok sa trabaho.

"I've been there for almost two weeks, 'Ma, nakahiga lang at natutulog. Maraming oras ang nasayang," natatandaang sabi niya nang datnan siya ni Agnes sa kuwarto. Kinuha niya ang polo ng uniporme mula sa loob ng cabinet at isinuot iyon.

Nilingon niya ang ina na naroon sa kanyang likuran. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. "Raffy, you're still not in good condition! Your wounds are still fresh, baka mapano ka! I'm calling Rob. I'll tell him that you are still not able to go to work," may pagbabanta ang tinig nito.

Nakita niyang may pinindot si Agnes sa cellphone nito at ang sumunod na narinig niya ay ang pag-ring niyon. Rob was the Chief of Police of Makati City Police District. At kaya malakas ang loob ng kanyang ina at parang siguradong pakikinggan ito ng matandang binata ay dahil ito ang nakababatang kapatid ng kanyang ina. He was his uncle.

He drew a deep breath and with a pale face, inagaw niya ang cellphone mula kay Agnes at pinindot ang hang up button. Nagreklamo pa ang huli pero hindi niya iyon pinansin. Muli niyang ibinigay ang device sa ina at kibit-balikat na tumayo sa harap ng human-sized mirror na nasa gilid ng kama.

"Raffy! You're like your father! Ang tigas ng mga ulo ninyo!" He could sense the anger on Agnes' voice. Napangisi na lang siya at muling tiningnan ang sarili sa salamin.

While he was busy spraying perfume to his get-up, sumingit sa repleksyon ng salamin ang  mukha ng ina na pinagsusukluban ng magkahalong emosyon. Magkahalong galit at lungkot. Napahinto siya sa ginagawa at nilingon ito.

Saglit ay natagpuan na lang niya ang mga paang naglalakad palapit sa ina at niyakap ito nang mahigpit. He let his face rest on her shoulder and he found comfort. Para siyang nakahiga sa mala-bulak na kaulapan. Naaamoy niya ang manamis-namis na scent ng pabango nito. At para sa kanya, he felt relieved.

"Y-you can't blame me, Raffy, I'm worried," nauutal na sabi ng kanyang ina. Saka na lang niyang napansing umiiyak ito nang marinig ang mahihinang hikbi nito. "After what had happened to your brother, I can't afford to lose you now. Hindi ko kaya. Na-trauma ako, Anak. Paano kung pag-alis mo ngayon, hindi ka na babalik sa amin?"

Kumalas siya sa pagkakayakap. He crouched so their eyes would level. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng ina. "'Ma, I promise that won't happen again. Cross my heart."

"Promises meant to be broken, Raffy." May diin sa tinig ni Agnes.  "Yes, that's the most cliché line everyone keeps on saying, but it's true."

"'Ma, kapag ako ang nagsabi, I'll do it. No matter what happen," wika niya. "Ang kailangan ko lang sa inyo ay tiwala. Trust me, 'Ma. Tutuparin ko ang pangako ko na uuwi ako nang buhay. And I promise you, mabubuo ulit tayo."

~•~

RAFAEL closed his eyes and massaged his temple. Muli na naman niyang naramdaman ang pangingirot ng kanyang ulo. Para iyong sasabog sa sobrang pangingirot. Hindi na niya iyon sinabi sa ina dahil panigurado ay pangangaralan na naman siya nito.

Kaninang umaga ay pinagtuunan niya ng pansin ang kasong hawak. Sinundan nila ang naging ruta ng nagsilbing get-away vehicle ng mga kidnapper na dumukot kay Friea Rejoyce Flores base sa CCTV footage ng kalyeng dinaanan ng van, ngunit tanging ang sasakyan lamang ang inabutan nila na inabandona sa isang parke. At napag-alaman niyang ninakaw lang iyon mula sa isang transportation company. Dahil sira ang CCTV roon, hindi na nila natunton ang kinaroroonan ng mga suspek.

Muli siyang napatingin sa larawang naka-freeze sa monitor ng kanyang personal computer. Isa iyon sa mga clips na nakuhaan ng CCTV sa mga katabing establisimiyentong malapit sa Hotel Acasia. Mas lalo pa niyang pinalaki ang larawan at tumambad sa kanya ang isang pigura na nakaukit sa may bumper ng sasakyan. Para sa mga ordinaryong tao, maaaring isipin ng mga ito na ang hugis na iyon ay ang brand ng sasakyan. Pero para kay Rafael, hindi iyon ganoon.

Kamukha niyon ang pin na nakadikit sa jacket ng mga hostage taker sa Reyvinson Mall. Walang labis, walang kulang. Parang iisang tao o kung ano man ang gumawa.

Isang ideya ang pumasok sa isip ni Rafael. 'Laking pasasalamat niya at high-tech na ngayon ang lahat. He drop the picture to the search engine at ilang segundo pa ay kung anu-anong results ang lumabas. Ngunit isang site ang pumukaw sa atensyon niya.

Itinapat ni Rafael ang cursor sa ontariogazette.ca at makailang ulit na pinindot ang left click sa mouse. Ilang sandal pa ay tuluyang tumambad sa kanya ang Ontario Gazette, isang pahayagan sa Canada.

Nagsalubong ang mga kilay ni Rafael sa mga nalaman sa artikulo ni Stephan Stewart. Ang pin na iyon ay pareho sa identity ng Alphas, isa sa mga underground group sa Canada na natimbog ng mga awtoridad noong dekada nobenta. Mula sa kulay at simbulong nakaukit doon ay kuhang-kuha. At ayon pa sa nabasa niya, kung ano-anong krimen ang ginawa ng grupo.

Malakas kung magbenta ng mga high class drugs ang Alphas sa Black Market. Isa ring serial killer ang grupo at nirerentahan ng mga mayayamang tao. Ang grupo rin ang um-ambush sa pamilya ng dating Prime Minister ng Canada at walang awang pinatay ang asawa nito at anak na babae. At hindi lang iyon, kumbaga sa negosyo, nagkaroon ng ibang sangay ang grupo sa Estados Unidos at ang mga ito ang responsable sa nangyaring leakage ng mga private datas ni President Josh Hamilton at ilan sa mga maimpluwensyang tao sa bansang iyon.

Nakababahala at nakaaalarma ang mga bagay na nabasa ni Rafael at pakiramdam niya ay mas lalong bumibigat ang kaso. At base sa mga nabasa, may hinala siyang kinokopya ng mga binabantayan nilang suspek ang identity ng Alphas.

Rafael was about to close his laptop when something came up to his mind. Si Patrick. Paano nasali sa grupong iyon ang lalaking minsan nang naging parte ng pamilya nila? Paanong ang matalik na kaibigan ni Eris ay miyembro ng Alphas?

"Masyado mong ini-stress ang sarili mo, brod. Magagalit si Tita Agnes niyan panigurado."

Napalingon siya kay Liam na nakatayo sa kanyang kaliwa. "I can handle everything, Lee." He smiled and packed his things. "Tara na."

Nagpatiuna na sa paglalakad si Rafael. Patakbo namang lumapit sa kanya si Liam at nakisabay sa paglalakad. Matapos silang makapag-time out sa logbook ay lumabas na sila sa stasyon.

Now that they have finally uncovered the group's identity, ang tanging gagawin na lang ng grupo ni Rafael ay ang tuntunin kung nasaan ang hideout ng Alphas at pagbayarin sa mga krimeng ginawa ng mga ito.

Pagkalabas nilang dalawa sa gusali ay napapikit ng mga mata si Rafael nang salubungin siya ng malamig na panggabing hangin. Pasado alas-otso na ng gabi nang matapos ang duty nila at nakakaramdam siya ng pangangalay ng likod.

Nakapamulsang iginala niya ang paligid. Mabigat na ang daloy ng trapiko sa daan pero nakikita niyang maraming tao pa rin ang labas-masok sa katapat na mall ng MCPD. 

"Mauna na ako, brod." Liam patted his left shoulder. Isang ngiti ang nakakurba sa mga labi nito. "May dinner date kami ngayon ng asawa ko kaya kailangan ko nang mauna."

He nodded and Liam went to his car that was parked on the far left of the Police Station. Maswerte ang kaibigan niya dahil ang high school girlfriend nito na si Rachel Vergara, isang arkitekto, ang nakatuluyan nito at nabigyan ng isang anak na lalaki. Sa katunayan, kay Liam naiinggit ang ina niya. Na magkasabay raw silang tinuli pero hindi sabay na nagkaroon ng anak. Sana ay sabay ring lumaki ang mga anak nila at maging matalik na kaibigan.

Paano magkakaroon ng girlfriend si Rafael gayong hindi o wala naman siyang nililigawan?

He's handsome. He had this sturdy and muscular physique. Maputi siya. Naaalala pa niya, fourth year high school siya noon nang mag-bloom ang career niya sa pagiging model ng isang brand ng mga damit at pantalon at halos siya ang makikita sa isang brochure. May mga talent manager nga na gusto siyang kunin bilang artista. Pero ang kasikatang tinamasa niya ay itinakwil niya upang sundin ang isinisigaw ng puso niya.

Maging ang mga magulang niya ay nabigla nang malamang Criminology ang kinuha niyang kurso sa kolehiyo. Kung sino-sinong babae ang inireto sa kanya ni Liam at ng mga magulang pero ni isa ay wala siyang natipuhan. Siguro, wala pang babaeng nakakaabot sa standard ng naiisip niyang mapapangasawa.

Huminga nang malalim si Rafael at napakamot sa batok. Bakit ba ang pag-aasawa ang pumapasok sa isip niya at hindi ang kasong hawak? He tsked.

Focus, Rafael.

Inilabas niya ang susi ng kotse mula sa bulsa at naglakad palapit sa kanyang Porsche na nakaparada sa tabi ng kay Liam. Pagkabukas na pagkabukas niya sa pinto niyon ay tumunog ang cellphone niya sa bulsa. Tumatawag si Agnes. "Yes, 'Ma? You don't need to worry. I'm still alive. Pauwi na po ako."

After the call, smiling, he revived the engine at umarangkada na paalis.