webnovel

Cousinhood Series 3: Maybe This Time

Cousinhood Series 3 Maybe This Time A Novel written by Han Ji Mie Anna Cordero is the newest and smartest lawyer in DL Law Firm. Ilang taon palang mula ng makapasa ito sa board exam ay marami na itong napanalong kaso. Para kay Anna, lahat na nang nais niya sa buhay ay nasa kanya. Masayang pamilya, magandang career at mapagmahal na nobyo. Ngunit nabago ang lahat ng bumalik sa buhay niya si Alexander Cortez-Kim. Ang lalaking dapat niyang iwasan dahil na rin sa kanilang nakaraan. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana, gumawa ito ng paraan para makasama niya si Alex. Matatakasan pa ba ni Anna ang binata na ginugulo muli ang ma-ayos na niyang buhay? Hindi lang iyon, pati din ang puso niya. 2021

HanjMie · perkotaan
Peringkat tidak cukup
6 Chs

Side Story 4

"I make you proud, Itay. Whereever you are, I hope you are smiling seeing how far I go."

NAKATINGIN sa kanyang tuga na nakasabit si Anna. Ilang araw na lang at magtatapos na siya sa kursong Social Science. Hindi niya akalain na pagkatapos ng mahabang panahon ay aakyat siya ng stage para kunin ang noon pa niyang inaasam na diploma. Maibibigay na rin niya ang pinapangarap na papel sa kanyang ina't ama. Hindi niya akalain na magtatapos siya dahil sa ginagawang sakripisyo ng kanyang ama. Ngayong magtatapos na siya ay ibabalik niya sa mga magulang ang kaginhawaan na nararapat sa mga ito.

"Congrats, Anna." bati ni Angel na kasamahan niya sa dorm.

Kagaya niya ay galing din sa mahirap na pamilya ang dalaga. Magkasundo silang dalawa dahil sa pareho sila ng nais sa buhay ang mabigyan ng magandang buhay ang magulang.

"Congrats din, Angel. May lakad ka ba ngayon?" tanong niya habang inaayos ang gamit.

Magkikita sila ng kanyang ama para magcelebrate bago sila umuwi ng probinsya para sunduin ang ina at ate Carila niya. Nais niyang makita ang kasayahan sa mga mata  ng kanyang mga magulang kapag kinuha niya ang kanyang diploma.

"Lalabas daw kami ng mga kaklase ko. Ayaw ko ngang lumabas." humiga ito sa kama at tumitig sa kisame.

"It's up to you, Angel. Alam naman natin na hindi ikaw ang tipo ng tao na sumasama sa kahit kanino." kinuha niya ang bag.

"Aalis ka?"

"Oo. Magkikita kami ni Itay." ngumiti siya sa kaibigan.

"Sige. Ingat ka." umayos ng higa si Angel.

"Bye, Angel. See you the day after tomorrow." lumabas na siya ng dorm at naglakad na palabasan.

Mag-aabang siya ng jeep papunta sa bahay ng amo ni Itay. Doon sila magkikita ng ama dahil nasa labas pa daw ang amo nito. Mas mabuti na kasing doon sila magkita kaysa kung saan at baka maghanapan pa sila. Pagdating niya sa bahay ng amo ng kanyang itay ay agad siyang pinapasok ng guard. Kilala pa rin naman siya doon dahil minsan ay pumupunta siya para kunin ang kanyang allowance sa kanyang Itay. Sa kusina siya dumaretso at muntik na siyang lumabas ulit ng makita si Alex. Kumakain itong mag-isa. Tatalikod na sana siya ng makita siya ng binata at pinapasok.

"Anna, nandiyan ka na pala." nakangiting sabi nito.

"Good morning po, Sir Alex." yumuko siya ng bahagya rito.

"Good morning. Halika, samahan mo akong kumain. Hinatid lang ni Mang Amilio si Mommy."

Lumapit siya dito at naupo sa tabi nito. Bigla naman tumayo si Alex at may kinuha. Sinundan niya bawat galaw nito at ng bumalik itong may dalang pagkain ay nanlaki ang kanyang mga mata.

"Eat up."

Nagulatman sa ginawa ni Alex ay kinuha niya ang kutsara. "Thank you po Sir."

Ngumiti si Alex at nagpatuloy sa pagkain. Tahimik naman siyang kumain. Natigilan lang silang dalawa ng pumasok sa kusina ang kanyang ama. Mukhang nagulat ito ng makitang kasabay niyang kumain si Alex.

"Magandang umaga po, Sir." bati ni Tatay.

"Magandang umaga din po, Mang Amilio. Sumabay na po kayo sa amin ni Anna." ngumiti ang binata sa kanyang ama.

"Naku, hindi na po. Anna, bilisan mo na dyan anak at kailangan natin mahabol ang huling byahe ng bus. Baka matagalan tayo sa mall."

Tumungo siya sa ama.

"Mang Amilio, bakit hindi niyo po gamitin ang isa kong sasakyan para hindi na po kayo mahirapan ni Anna sa byahe."

Nakita niya ang pagguhit ng pagtataka sa mukha ni Itay. "Naku sir, wag na po. Kaya naman namin ni Anna ang magbus." hinarap siya ng ama. "Bilisan mo na dyan at hintayin kita sa labas."

Tumungo siya ulit sa ama bilang sagot. Magalang na yumuko si Itay kay Sir Alex bago nilisan ang kusina. Nakita niya ang mahigpit na hawak ni Alex sa kutyara. Nagtataka man sa reaksyon ni Alex ay pinagpatuloy niya ang pagkain at mabilis ng uminum ng tubig pagkatapos. She can't stay there any longer. Alam niyang hindi iyon magugustuhan ng ama.

"Thank you sa pagkain sir Alex." kinuha niya ang sariling pinagkainan at nilagay iyon sa lababo. huhugasan pa sana niya iyon ng pigilan siya ni Alex.

"Wag na, Anna. Mukhang nagmamadali si Mang Amilio. Alis na kayo." hindi nakatingin sa kanya ang binata at basi sa tono ng boses nito ay galit ito.

"Sigurado po kayo, Sir Alex?" tanong niya.

"Sige na. Mag-ingat kayo sa pag-uwi." tumayo na din ito at inilagay din sa lababo ang platong ginamit. Humarap ito sa kanya. "Congratulation on your upcoming graduation."

"Salamat po sir." yumuko siya rito. Biglang nag-init ang kanyang pisngi dahil sa klase ng titig nito.

"Ibibigay ko ang regalo ko sa araw ng graduation mo, Anna. Asahan mong pupunta ako."

Napaangat siya ng tingin. Isang ngiti ang ibinigay nito at  nagbigay iyon ng kakaibing pintig sa puso niya. Ginulo nito ang kanyang buhok bago siya iniwan sa kusina na tulala. Agad siyang lumabas ng kusina ng makabawi at nakita niya ang ama sa may garden. Agad itong tumayo ng makita siya.

"Tara na anak."

Nakangiting lumapit siya sa ama.

___

Dalawang araw bago ang graduation nila ay nagyaya ang mga klaklase nila sa isang bar. Hindi sana siya sasama kaso nalaman niyang doon din pala pupunta ang buong batch ni Angel at dahil sa pupunta ang kanyang roommate ay sumama na din siya. Nasa isang sulok lang din siya at tinitinggan si Angel na tahimik lang din sa table nito. Nais niya sana lapitan ito ngunit hindi niya magawa dahil baka anong isipin ng mga kaklase nito. Iinum na sana siya ng isang cacktale drink na offer ng may-ari ng may taong humawak sa kanyang kamay.

Napaangat siya ng tingin at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Alex. Nakasulat sa mga mata nito ang isang galit na ngayon niya lang nakita dito.

"Alex, anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" galit na galit ang boses nito.  Nakatingin na ito sa alak na hawak niya. "Are you planning to drink that?"

Tumungo na lang siya dahil hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ng mga sandaling iyon si Alex.

"What the... Are you out of your mind, Anna? May halong drugs ang inumin na ito." sigaw nito at inagaw ang hawak na kopita at ibinuhos iyon sa ice bucket na naruruon.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. May drugs ang inumin na iyon. Bigla siyang napatayo. Tumingin siya sa deriksyon ni Angel ngunit wala na doon ang dalaga. Pupunta sana siya sa mesa ni Angel ng hawakan ni Alex ang braso niya. Napatingin siya sa binata ng may naramdaman kakaibang sensasyon na bumalot sa katawan niya.

"Did you drink it?" tanong ni Alex.

Bumalik ang tingin niya sa binata. Marahan siyang tumungo dito. She thought it was safe to drink because she saw Angel drink the same thing. Wala naman kasi siyang nakitang pagbabago sa reaksyon ng mukha nito. May isang baso kaninang ibinigay sa kanya, pangalawa na niya ang kinuha at binuhos ni Alex.

"Shit! This is not good. They will target you." lalong humigpit ang hawak ni Alex sa braso niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Whoever they offer the drink they coming to get you. Gagawin nila ang lahat para makuha lang ang pagkababae mo, Anna. Kaya kailangan na nating umalis."

Hihilahin na sana siya nito ng bigla siyang tumigil. "Angel drink it. Iyong kaibigan ko, uminum din siya. Kailangan natin siyang isama." unti-unting pumatak ang mga luha niya. May nararamdaman siyang init sa katawan at nahihilo na din siya.

Nanlaki ang mga mata ni Alex bigla itong napasabot sa buhok. "There's no time Anna. Babalik..."

"Hindi ako aalis hangga't hindi siya kasama." sigaw niya. Napahawak siya sa laylayan ng damit niya. She feels hot and she wanted to take off her clotch.

"Anna, what happening to you?" mukhang napansin ni Alex ang nangyayari sa kanya.

"Hot! I feel hot, Alex." she suddenly see star shinning between them.

"Hindi ito maganda. Umipekto na ang drugs sa katawan mo." Bigla siyang binuhat ni Alex na parang sako.

Lalo siya nakaramdam ng pagkahilo sa ginawa nito. Hindi alintana ni Alex ang kanyang bigat na naglakad ito ngunit hindi pa sila nakakalayo ng huminto si Alex.

"Where are you taking my girl, Alex?" narinig niyang tanong ng isang lalaki. Nakatalikod siya kaya hindi niya nakikita kung sinuman ito.

"She is not your girl. She is mine. So stay away from her, Brandon."

"Your girl. Akala ko ba si Sapphire ang girlfriend mo. Bakit nag-iba yata ang mukha niya."

Hindi niya narinig na sumagot si Alex. Marahan siyang ibinaba nito at inilagay ang kanyang ulo sa balikat nito.

"Listen to me, Anna. Kailangan mong umalis dito, I will deal with them. Nasa labas si Mang Amilio, kasama ko siya at nasa kotse siya. Go to him and go home. Take a cold shower and make sure you won't go out on your room until the heat gone."

Hindi siya nakasagot dahil hindi niya maintidihan ang ibang sinasabi nito. Her mind clouded with the heat she feeling at the moment. Naramdaman niyang may ipinasok sa kanyang bulsa si Alex.

"Are you listening to me, Anna?"

Tumungo siya bilang tugon. Nang hihina siya ng mga sandaling iyon. Heat consuming her being. Gusto niya maghubad ng mga sandaling iyon pero nilalabanan niya ang sarili.

"Take the medicine I give you. You will be okay." marahan na hinalikan ni Alex ang kanyang noo. "Carl, take Anna to her father."

Naramdaman niyang may kumuha sa kanya mula sa bisig ni Alex. Tututol sana siya ng tuluyan ng nandilim ang kanyang paningin.

MARAHANG inimulat ni Anna ang kanyang mga mata. Isang puting dingding ang kanyang nakita. Igagalaw na sana niya ang kanyang mga braso ng hindi niya iyon maramdaman. Napatingin siya doon at nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakabalot iyon ng puti.

"Inay, gising na si Anna." narinig niyang sigaw.

Napatingin siya sa kaliwa niya at doon niya nakita ang Ate Carila at kanyang inay. Nakita niyang naiiyak ang kanyang ina.

"Anak, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" naiiyak na tanong ng kanyang Ina.

"Tatawag lang ako ng doctor." sabi ni Ate Carila at iniwan na sila.

Hindi siya umimik. Napatingin siya sa kesami at pilit na inaalala ang nangyari sa kanya. Kung paano siya napunta sa ospital at kung sino ang nagdala sa kanya doon? Kahit anong gawing niyang pag-alaala sa nangyari ay wala talaga.

Dumating ang doctor na tinawag ni Ate Carila at sinuri siya. Pagkatapos siyang tanungin at suriin ay may sinabi ito tungkol sa kalagayan niya. matagal daw bago niya mailalakad ang mga paa. May mga buto kasing nabali at agad iyong sinimento. Iyong braso naman niya ay makukuha ang benda kapag magaling na ang sugat niya. Maswerte at ligtas pa daw siya pagkatapos ng nangyaring aksidente. Nang lumabas ang doctor ay agad siyang napatingin sa ina.

"Si Itay, inay?" Nakita niyang binalot ng lungkot ang mga mata ni Inay. Ganoon din ang ate Carila niya ng tingnan niya. "May nangyari po ba Inay?"

Hindi pa rin sumasagot ang kanyang ina. Binundol siya ng kaba. Tatayo na sana siya ng pililan siya ng Ate Carila niya.

"Anna, wag ka munang gumalaw sabi ng doctor. Nakakasama sayo. Baka bumuka ang sugat mo at dumugo."

"Nasaan nga sabi si Itay? Bakit wala siya dito?" sigaw niya. Kinakain siya ng kakaibang kaba.

"Anna, kumalma ka muna." sabi ng kanyang ina at hinawakan siya sa braso.

"Inay, sabihin niyo sa akin. Nasaan si Itay? Bakit...."

"Wala na siya anak." lumandas ang mga luha ni Inay.

Natigil siya sa pagpupumilit na tumayo. Napatitig siya sa mukha ng kanyang Ina. Hinahagilap niya ang magbibiro nito ngunit hindi niya iyon makita. Malungkot at puno ng pighati ang mga mata ng kanyang ina.

Umiling siya. "Hindi! Hindi! Nagsisinungaling ka lang, Inay. Hindi pa patay si Itay. Kasama ko siya kahapon. Masaya pa namin pinag-usapan ang graduation ko. Kaya paano siya...."

"Bumalik kayo ng bar para iligtas si Alex, Anna. Naaksidente kayo habang tumatakas sa mga taong humahabol sa inyo." paliwanag ni Inay.

Lalo siyang natuliro sa sinabi ng kanyang ina. Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Hindi niya maalala ang sinabi ng kanyang ina.

"Hindi totoo ang sinabi mo, Inay. Buhay pa si Itay. Magkasama kami kahapon. Ihahatid niya pa ako sa stage. Siya ang magsusuot sa akin ng medal." hinawakan niya sa balikat ang ina. "Sabihin mo sa akin, hindi totoo ang sinabi mo. Buhay pa si Itay at siya ang makakasama ko sa stage. Bawiin mo ang sinabi mo Inay. Nasa labas lang si Itay."

Hindi sumagot si Inay. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Niyakap siya nito ng mahigpit.

"Wala na ang Itay mo, Anna. Wala na siya anak."

"Hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo." tumingin siya sa pinto. "Itay, alam kong nandyan ka sa labas. Pumasok ka na itay. Gusto kitang makita. Itay!"

"Anna, tama na. Wala na ang itay mo."

"Hindi! Hindi! Itay! Itay!" tinulak niya ang ina at pilit na bumangon.

Wala siya paki-alam kung dumugo man ang sugat niya. Nais niyang bumangon at puntahan ang kanyang Itay. Kahit hindi niya magalaw ang braso at paa ay pilit siyang bumangon. Kung kinakailangan na gumapang siya papunta sa ama ay gagawin niya makita lang ito.

"Anna. Anak, tama na. Kumalma ka anak." paki-usap ng kanyang ina ngunit wala siyang pinapakinggan, patuloy siya sa pagwawala.

"Hindi! Bitiwan niyo ako. Gusto ko makita si Itay. Nagsisinungaling kayo. Itay! Itay!"

Natigil lang siya sa pagwawala ng makaramdam ng pagkahina. Unti-unting nilamon ng kadiliman ang kanyang paningin. She lost her conscious and fall into a deep dreams.

"ANNA." tawag ng isang boses na sobrang pamilyar sa kanya.

Napatingin siya sa kanyang likuran at doon nakita ang ama na nakatayo. Nakasuot ito ng puting damit. Dumaloy ang mga luha niya at patakbong lumapit sa ama.

"Itay!" yumakap siya ng mahigpit dito. "Sabi na nga ba nasa labas lang kayo kanina. Hindi totoo ang sinabi ni Inay."

Marahang hinagod ni Itay ang kanyang likod. "Anna, anak, nandito lang lagi si Itay. Wag na wag mong pabayaan ang inay at ate Carila mo. Pati na rin ang pamangkin mo."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa ama. "Oo naman itay. Ngayong magtatapos na ako, sabay natin ang pangarap ko na alam kung pangarap niya din. Ibibigay ko ang buhay na nararapat sa inyo ni Inay."

"Masaya akong marinig iyan mula sa iyo, Anna. Wag ka sanang magbabago anak. Proud na proud ako sa'yo."

Ngumiti siya sa sinabi ng ama. "Proud din ako sa iyo, Itay. Lahat ng meron ako ay dahil sa inyo. Ang paghihirap niyong mapalayo sa amin noong bata ako, ang pagtatrabaho mo sa ibang tao at kahit sobrang puyat na kayo magtatrabaho pa din para lang mabigyan kami ng maayos na buhay. Nagbigay po iyon ng lakas ng loob sa akin para magpatuloy sa buhay. Lahat ng sinabi niyo sa akin ay tumatak sa isip ko, Itay."

Ngumiti sa kanya ang ama at marahang ginulo ang kanyang buhay. "Kaya nga sobrang proud ako sa iyo anak. Ipinagmamalaki kita. Ikaw ang tanging yaman na meron ako, kayo ng iyong Ate Carila."

"Thank you sa lahat, Itay."

"Anna, anak, wag ka sanang malulungkot ngayon aalis na ako. Wag mong sisihin ang sarili sa mga bagay na nangyari na. Matuto kang magpatawad anak. Lagi mong paiiralin ang kabutin diyan sa puso mo." Hinawakan ni Itay ang magkabilang balikat niya.

"Itay, ano po ba iyang sinasabi mo?"

"Pasensya na anak. Mukhang hindi ko na matutupad ang pangako ko sa'yo. Hindi nakita mahahatid sa entablado para kunin ang medalya mo. Hindi na rin kita mahahatid sa araw ng kasal mo."

"Itay..." unti-unting pumatak ang mga luha niya.

"Pero kahit ganoon, anak. Wag na wag mong kakalimutan na nandito lang ako para sa iyo." Itinuro ni Itay ang puso nito. "Mawala man ako sa paningin mo, nandito ako parati sa tabi mo. At lagi kayong nandito sa puso ko."

"Itay, bakit pakiramdam ko ay nagpapaalam po kayo sa akin?"

"Mahal na mahal kita, Anna. Kayo ng iyong Ina at ate Carila. Masaya akong aalis sa mundong ito sa kaalamang nasa mabuti kayong kalagayan."

"Itay! Itay!" tawag niya sa pangalan ng ama ng unti-unti itong kinakain ng liwanag. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito ngunit nawala pa rin ito.

Tinawag niya ito ngunit hindi na niya ito makita pa.

"Mahal na mahal kita, Anna."

"ITAY!!!" Sigaw niya.