webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · perkotaan
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 13 – The Man Behind the Scenes

4:27 AM, napa-check agad ako sa orasan ko dahil nagising ako ng wala namang dahilan, nakasanayan ko lang siguro. Wala namang pasok ngayon kaya agad rin akong nakatulog agad ng mahimbing….

..

..

..

"Claudine!!" agaran akong pinabangon ni Yaya Atria, di ko alam kung anong meron pero parang nagpa-panic na sya.

"Ya?! Anong nangyayari? Bat—" bago pa ako matapos magsalita ay agad na akong nakarinig ng putukan ng baril at pagsabog sa labas.

"Dalhin daw kita sa underground sabi ni Madam, di tayo ligtas ngayon! Bilisan mo dyan! Dali!" pinagmamadali akong kumilos ni Yaya nun, "asan na pala si Mommy?" tanong ko, "Na-stuck sila sa Maynila sa office nya, may krisis na nagaganap ngayon!"

"Krisis?! What the fu—" nagmadali kaming pumunta ni Yaya Atria nun sa sala dahil naandon yung lihim na lagusan papuntang underground ng bahay namin. Di ko talaga alam kung bat may ganito dito sa bahay eh, tambakan ata namin to?

Agad nang sinara saglit ni yaya yung pinto ng underground section ng bahay namin, nagtataka ako bat kami lang ni Yaya ang naandito, "Asan na si Kuya Benjo?"

"Uhhhhhhhmmmmmmmm… di ko alam pero sana ligtas sya kung nasaan man siya ngayon, ang mahalaga ay ligtas ka dito sa taguan natin. Pinasadya to ni Madam para sa mga ganitong sitwasyon" sabi ni Yaya

Di na gaano rinig yung ingay sa labas dito sa baba. Nag-aalala ako sa sitwasyon nina Mommy at Kuya Benjo lalo na't wala sila dito ngayon. Nagkamali ako ng inaakala na akala ko'y ligtas na kami dito dahil…

"Ya? Parang lumulubog tayo dito ahhhh? Putik ba tong—" di pa ako tapos magsalita nang napasigaw nanaman si Yaya sa takot! Unti-unti na syang lumulubog, agad ko syang nilapitan nun para hatakin sya pataas pero ang hirap na dahil maging ako ay lumulubog na rin.

"Yaaaaa pati ako lumulubog na rin ako—" hanggang sa lumubog na ako ng tuluyan. Wala na akong nagawa pa…

..

Pagkalubog ko ay namulat ako dahil malulunod na pala ako, nasa dagat ako ngayon, di ko alam kung bakit. Sa bandang itaas ay nakakita ako ng liwanag kaya pinilit kong lumangoy pa-itaas dahil malilintikan ako kung hindi ako kikilos…

Pagdating ko sa itaas ay agad akong bumawi ng hininga, at humanap ako ng pwestong pwede kong tigilan pansamantala, buti hindi ako nahirapan makahanap pa maghanap ng lugar dahil may isla na malapit saakin.

"Ano bang nangyayari sa mundo ngayon?" saka ko narealize na ako nalang pala mag-isa. Wala nang Yaya, Kuya, at Mommy.

Sa di kalayuan ay may nakita akong taong kulay puti ang kasuotan at nakatalikod ito. Di ko expected na may tao sa ganitong isolated na isla aba. "Ammmmmmmmmmm… hello po? Manong?" alam kong narinig nya boses ko, pero hindi nya ako pinansin at agad lang syang lumakad palayo.

"Manong saglit lang naman oh?! Wag nyoko iwan dito, naligaw lang din ako—"

Patuloy lang sya sa paglalakad nun, habang ako naman ay sinusundan sya dito sa kagubatan na ito. Dinadaldal ko sya pero ang snob nya pa din eh. Makapal tong kasuotan nya na meron ding hood, for sure misteryoso tong taong to.

Yung dulo ng gubat na to ay isang bangin, parang napakataas ata neto dahil puro ulap na ang nasa baba.

"Wala ka bang kapangyarihan?" saka sya nagsalita

"Me-meron po…"

"Bat mo hinayaang mangyari ang lahat ng ito?"

Umurong bigla yung mga ulap nun sa baba ng bangin, at mula dito sa itaas ay tanaw ang pinsala na dulot ng 'krisis'. Para bang ginera tong Maynila.

"Di ko alam na mangyayari to…"

"Dapat mong pigilan na mangyari to Claudine…" kilala nya ako dahil nabanggit nya ang pangalan ko.

"Teka muna, sino ka po ba? Bakit alam mo ang pangalan ko?" tinanong ko sya.

"Hindi mo na ako kilala? Aba… baka nakakalimutan mong may utang ka saakin" sagot nya.

"Utang?! Ano?! Di kita maintindihan" until napag isip-isip ko yung utang na tinutukoy nya….

"Sayo po ba galing tong kapangyarihan ko?! Sumagot ka!!"

"Gawin mo na muna ang nararapat gawin Claudine…" sagot niya saakin at biglang nya akong ginamitan ng cloud blast at napatalsik nya ako.

"Saglit!!! Di pa tayo tapos mag usap!!", bigla nalang sya nawala nun pero sa hindi kalayuan, tanaw ko ang isang eroplano na pabagsak mula dito sa kinatatayuan ko, pero himbis na bumagsak ito sakin, tumagos ito sa lupa at patuloy pa rin ang pag bagsak nito, habang nakasunod ang isang taong may tila bakal na pakpak.

Hindi ko alam kung paano nangyari yun at kung saan nagmula yung eroplano at yung may pakpak na lalaki. Sinundan ko ito, at sinubukan kong paganahin tong kapangyarihan ko. Saglit akong napahinto dahil…

"Sobrang taas nito… hindi ko alam kung kakayanin ko to pero bahala na!!!" bumwelo ako ng takbo nun at saka ako tumalon ng masundan ko ito. Puro ulap ang sumalubong saakin nung una, at nang matanaw ko ulit yung eroplano, hindi ko na ito pinalampas pa. Buti nakahabol ako kahit papaano pero wala akong nadatnang buhay na tao, maging ang piloto ay patay na din….

[SHIIIIIIIIIIIIIIINGGG!] nang marinig ko yun ay agad kong hinarap tong anghel na may bakal na pakpak, meron syang blade sa ibabaw ng parehong kamay nya, at mukang pasadya yung suot nitong armor.

"Pinatay ko silang lahat dahil wala na rin silang patutunguhan…" –Anghel na may bakal na pakpak

"Malamang, ikaw ang may kagagawan mo ang lahat ng gulong ito…" –Ako

"Pero hindi ako nagpunta dito para makipag-away, kundi ipaalam saiyo na kami'y nagwagi na at wala ka nang magagawa pa…" ibinuka nya ang pakpak niyang bakal para hatiin sa dalawa tong eroplano at saka siya umalis!

Wala akong nagawa kundi mapakapit nalang at saka nag-antay ng tamang bwelo para makatakas. Agad rin akong nakatalon paalis at bumaba ako sa isang ligtas na pwesto. Kita ko dito yung pagbagsak ng eroplanong pwinestohan ko kani-kanina lang…

Hindi ko alam kung bakit nangyari ang lahat ng ito, ako ba talaga ang may gawa nito, o yung may bakal na pakpak kanina.

"Hindi pa huli ang lahat Claudine, hindi pa talaga nananaig ang kasamaan" what the… eto yung misteryosong manong kanina ha?

"Ikaw nanaman?! Papaanong naandito ka?"

"Andito ako lagi sa tabi mo, hindi kita pababayaan…"

"Wag mo akong kausapin tatang kung magpapaka-misteryoso ka lang diyan, wala akong pake kung naandyan ka lagi o anupa... umalis ka nalang. Wala ka namang naitutulong"

"Hindi mo maaaring gawin yan dahil malaki ang utang na loob mo saakin…"

..

..

..

..

..

"Yaya?" –Ako

"Oh Claudine, mukang napasarap ang tulog mo ha?" –Yaya Atria

Ibig sabihin, panaginip lang ang lahat ng iyon? Bat feeling ko parang totoong nangyari ang lahat… sabagay, mainam na din na ganto, na okay lahat ng malapit saakin. Si Mommy, sina Yaya Atria at Kuya Benjo, maging yung mga kaibigan ko. Pagka-check ko sa orasan ko ay 9:51 na ng umaga, napatingin din ako sa labas at ang payapa naman ng paligid.

"Maglilinis muna ako dito sa kwarto mo Claudine" –Yaya

"Kayo na po bahala muna dito Ya", sabi ko pero bago pa ako lumabas ng kwarto ko nun ay tinanong nya ako,

"Talaga bang nakatumba tong family picture nyo dito Claudine?" –Yaya

"Hindi ahhhhh, di ko tinataob yan" –Ako

"Ang cute-cute mo pa nung baby ka pa oh hehe!" –Yaya

"Hanggang ngayon naman ya, cute pa rin ako…" –Kapal peslak lang,

"Sayang nga lang… hindi mo na naabutan pa si Daddy mo dito, baby ka palang nung nawala na sya…" sabi ni Yaya saakin. Kinuha ko sa kanya yung lumang family pic naming tatlo, na mukang bagong kasal pa sina Mommy at Daddy, at sabi nga ni Yaya ang cute ko pa daw nung baby pa ako.

"Daddy…"

"Sayang nga yun, di nya manlang ako nakitang lumaki…"

"Ganon talaga Claudine, may mga bagay talagang mahirap tanggapin pero kailangan mo din gawin, kasi para sa ikakabuti mo din yun" –Yaya

"Di ko naranasan magkaroon ng tatay, pero buti nalang naandyan pa kayo Ya"

"Syempre naman, hanga rin kami kay Madam kasi napaka-loyal nya para di na maghanap ng iba, sana all hahahaha!" –Yaya

"Loyal ka rin naman eh"

"Ako pa, ako ang halimbawa ng pagiging loyal noh. Siguro kung naandito ngayon si Dad mo, malaki ang utang na loob nya saakin…" wait what? Those words, parang narinig ko yun kung saan…

"Utang na loob?"

..

..

"Hindi mo maaaring gawin yan dahil malaki ang utang na loob mo saakin…"

..

..

Teka, naalala ko bigla yung napanaginipan ko kamakailan lang. Yang about sa utang na loob thing… susubukan ko pang alalahanin yung ibang nangyari doon. Nahihirapan nako maalala kasi ambilis kong makalimutan yun, except nga dyan sa utang na loob na yan, kung di pa manggagaling kay Yaya, di ko pa maaalala. Sino kaya yung misteryosong manong, saka yung may bakal na pakpak… hhhhmmmm…