webnovel

Chapter 4

"Balita ko hindi pumasok si Irene ngayon.?"

"Kung sa akin 'din naman nangyari 'yon hindi rin muna ako papasok noh."

"Buti nalang talaga hindi siya tinamaan."

"Sabi ng kuya ko na nagtatrabaho sa isang agency ay nagpadagdag daw ng body guards 'yong daddy niya dahil sa nangyari."

"For safety na rin siguro. Wala naman kasing kasiguraduhan na hindi mauulit 'yong nangyari kagabi."

"Sana ayos lang siya."

Pagpasok ko mula sa gate hanggang dito sa hallway usap-usapan nila ang nangyari kay Irene De Silva, anak ni Senator De Silva. Dito rin kasi siya nag-aaral. Political Science ang kinuha.

"Di'ba malapit lang ang bahay niyo 'don sa pinangyarihan Reign?" Bungad na tanong agad ni Nica nang makaupo ako.

"Gano'n na nga."

"Buti nalang hindi ka pumunta do'n kagabi kundi baka nadamay ka pa." Buti nga sana kung hindi para 'di na ako nakadamay pa.

"Tinatamad na kasi akong lumabas kagabi." Pagsisinungaling ko. Tinanggap niya naman ang alibi.

"Di'ba sabi mo may binili ka sa online kahapon. Dumating na ba? Di'ba ngayon 'yun?" Pag-iiba ko ng topic.

"Nagchat sila, sabi mamaya pa raw gabi. Pero ayos lang. Tamang-tama rin 'yon at uwian na." Masayang sagot niya. Mahihimigan mo sa boses niya na excited ito sa darating na binili.

"Ano nga ulit 'yong binili mo Nica?" Napahiyaw naman si Maui ng hampasin siya ni Nica. Dahil siguro sa tanong nito. "Bakit ba?"

"Kininwento ko na 'yon sa'yo. Perfume 'yon. Limited edition. Nakakatampo ka ah. Buti pa si Reign 'di 'yon nakalimutan. Di'ba?" Sa akin naman nabaling ang tingin niya. Napangiwi naman si Maui at hinimas ang braso niya. Napalakas kasi ata ni Nica ng hampas.

"Ah oo," kahit naman talaga nakalimutan ko kung ano 'yon. "Tamo mo 'yon." Nagmamaktol na bumalik sa upuan si Nica. Hilaw na ngumiti ako kay Maui.

Alam ko naman na alam niya na nakalimutan ko rin. Pero ngumiti nalang siya. Hindi niya na hinihimas ang braso ng bumalik sa upuan. Maya-maya pa dumating na si ma'am.

"Reign, sasabay ka ba sa amin maglunch?" Tanong ni Maui nang palabas na ako. "Hindi. Pupunta kasi ako sa library ngayon, manghihiram ng libro."

"Pwede namang after lunch ka ng pumunta." Katwiran ni Nica. Siniko siya ni Maui. "Hayaan mo nga muna si Reign. Baka naman may iba pa siyang pupuntahan pagkatapos manghiram." Segunda ni Maui. Hindi siya pinansin ni Nica.

"Meron ba Reign?" Napatampal sa noo si Maui dahil sa kakulitan ni Nica. Tiningnan niya ko na parang humihingi ng pasensya sa kakulitan ng kaibigan.

"Oo meron pa." Napanguso nalang si Nica. Pinipigilan ang sarili na magsalita pa. "Okay."

Ngumiti nalang ako sa kanila at nagpaalam na. Hinila naman siya agad ni Maui bago pa may sabihin. Narinig ko pa ang pagrereklamo niya sa kaibigan.

"Tara na. Ang kulit mo talaga eh noh." Nagmamaktol na sumunod nalang siya.

Kagaya ng sabi ko, tinungo ko ang daan papuntang library. Pumwesto ako sa pinakadulo. Hindi siya masyadong kapansin-pansin sa ibang estudyante dahil nasa pinakadulo.

Inilapag ko ang pagkain at kumain. Hindi naman bawal kumain dito basta lang hindi ka mag-iiwan ng kalat.

Wala naman talaga akong hihiraming libro. Gusto ko lang tumambay dito para matulog. Tutal mamaya pa naman ang klase.

Naalimpungatan ako ng sunod-sunod na nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Nagtataka kong tiningnan ang phone. May mensahe mula sa dalawang unknown number. Unang kong binasa 'yong unang nagtext.

/"Hindi ko alam kung paano ka nila nahanap. Ang alam ko lang puntirya ka nila."/

/"Ihanda mo ang sarili mo sa paparating sa panganib."/

/"Maging mapagmatiyag ka sa paligid."/

/"Maging alerto sa lahat ng oras."/

/"Sabayan mo ang laro at ipanalo ito./

/"Nag-uumpisa palang sila./

Lahat ng message sa unang unknown number ay tungkol sa babala lang lahat. Sunod ko namang binasa ang sa ikalawang unknown number.

/"Sabi sa'yo mahahanap ka rin namin."/

/"Nagustuhan mo ba 'yong pa-welcome namin sa'yo? Buti nakaligtas ka.? HAHAHA"/

/" Ingat-ingat din baka bigla ka nalang isugod sa hospital."/

/"Kung binigay mo nalang sana ang kailangan namin, hindi ka na sana namin guguluhin."/

/"Inumpisahan na namin, kaya mo bang tapusin?"/

Parang threat lang ang laman ng mensahe sa ikalawa. Paano ba nila nakuha number ko? Hindi ko nalang inintindi ang mga mensaheng natanggap. Wala naman akong pake sa gagawin nila.

Binalik ko nalang ang phone sa bulsa at inaayos ang gamit. Malapit na magtime kaya babalik na lang ako sa room.

Nakasalubong ko sa hallway sila Nica. Dalawa lang sila ni Maui. Kumaway siya sa akin at hinila si Maui papunta sa direksyon ko.

"Kamusta tulog mo?" Nagulat pa ako sa tanong niya. Pano niya alam?

"Pinuntahan ka kasi namin sa library pagkatapos kumain. Nakita ka naman sa pinakadulong area, natutulog."

Nabasa  siguro ni Maui ang ekspresyon ko kaya niya sinabi. Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Nica.

"Kaya ba hindi ka sumama sa amin kanina kasi matutulog ka?" Tumango naman ako sa tanong niya. "Oo. Nakakahiya rin kasi kung sasabihin ko sa inyo."

Sabay na kaming naglakad pabalik sa room. "Ano ka ba, ayos lang 'yon. Baka hindi ka pa talaga comfortable sa amin. Naiintindihan kita Reign." Napangiti naman ako sa sinabi ni Maui. Sinang-ayonan naman 'yon ni Nica.

"Salamat." Ngumiti lang sila at nagkwentuhan na rin Paminsan-minsan ay sumasali ako sa usapan. Pero madalas nananahimik lang sa tabi nila. Hindi ko rin naman alam ang pinag-uusapan

Pagpasok ni Ms. Salarzon sa room, tumahimik na agad. Ayaw kasi ni Ms. nang maingay sa klase niya.

"As what like I said yesterday...." Nakinig lang ako sa discussion. Maging ang mga kaklase ko ay ganun din. Takot ata patayuin at tanungin. Ganun ang ginagawa ni Ms. Salarzon sa oras na hindi ka makinig sa klase ka.

"Ms. Zemion, can you share to the class the topic you've been discussing with your friends?" Nabaling ang tingin naming lahat kila Trisha. Mababakas mo sa mukha nito na natatakot kay Ms. Salarzon. Kakasabi ko lang at nangyari na agad.

"Why don't you speak Ms. Zemion? I bit that is important. More than important on what I'm discussing here." I can sense the sarcastic in her tone. Nanginginig naman ang kamay ni Trisha at ng mga kaibigan.

"You already know my rules. Listen on my discussion. It's only simple, right?" We nodded. "Then, why can't you follow it?" No one dare to talk or answer her questions. Takot na baka magkamali ng sagot.

"Kung ayaw niyong mapahiya sa buong klase, follow my rules. Next time, don't chitchatting with your friends while I'm still discussing. You should listening. Focus yourself in the topic itself." Tumango naman sila Trisha at humingi ng pasensya.

"Sorry po Ms. Salarzon. 'Di na po mauulit." Pinanghawakan ni Ms. Salarzon ang sinabi ni Trisha. Bumalik na ulit ang tingin namin sa harap nang magpatuloy sa pagtuturo si ma'am.

Paglabas ni ma'am pinag-usapan na siya agad.

"Grabe nakakatakot talaga si Ms. Salarzon."

"Bakit ba kasi 'di kayo nakikinig?"

"May tinanong lang naman ako."

"Sana hinintay mo nalang magbell."

"Buti nalang pinagsabihan ka lang. Kung mainit ang ulo ni ma'am paniguradong may parusa kang matatanggap."

Hindi ko na pinakinggan pa ang iba nilang pinag-usapan. Pinatong ko nalang ang ulo ko sa desk at pumikit.

Umayos naman ako ng upo ng pumasok ang next teacher namin. Dahil takot sila na maulit 'yong nangyari kanina, tahimik silang nakikinig sa discussion. Nakatutok ang atensyon sa harap. Pero panigurado ang iba diyan, malayo ang nararating ng isipan. In short, lutang. Nagpapakalutang.

Natapos ang klase na walang masyadong nangyari. Puro lang discuss at short quiz.

"Gusto mo bang ihatid ka na namin, Reign?" Tanong ni Maui. Naglalakad kami ngayon palabas ng gate.

"Hindi na. Dadaan kasi ako ngayon sa bakeshop ng ninang ko." Tanggi ko sa alok niya.

"Mag-ingat ka nalang. Nandyan na sundo ko. Mauna na ako." She wave her hands and I do the same thing. Sumakay na 'to sa sasakyan nila.

Baka tuluyang umalis ang sasakyan nila, she bid a 'goodbye' once again. I just smile as response. Ilang minuto lang din ang hinintay ko at may huminto ng jeep.

"Good afternoon ate Mae. Si tita Kaye nandiyan ba?" Tanong ko kay ate Mae. Siya ang nagbabantay sa bakeshop ngayon.

"Nasa loob Reign. Puntahan mo nalang." Ngumiti ako at nagpaalam.

"Hi tita. Good afternoon!" As soon I enter her room, I greet her.

"Good afternoon, Reign." She gesture me to take a sit at her front.

"Bat mo ko pinapunta, tita?" May kinuha siya sa drawer niya at nilapag ito sa table na nasa pagitan namin.

"Pasuyo ako kay Beatrice nito. Hindi kasi nagtutugma ang schedule namin. Isa pa, hindi na siya masiyadong pumupunta dito." Paliwanag niya. Parang nagtatampo pa ang boses nito.

"Masyado lang talagang busy si Mimi, tita. Hayaan niyo at ibibigay ko ito." Nagliwanag naman ang mukha niya sa sagot ko.

"Salamat naman. Ang alam ko kasi kailangan na kailangan niya 'yan sa trabaho. Kaso nga lang wala na siyang time para kunin 'yan dito."

"Mauna na ako tita." Paalam ko. Paalis na sana ako ng pigilan niya ko.

"Mamaya na. Kumain ka na muna sa baba. Sabihan mo lang si Mae." Alok niya sa akin. Wala rin naman akong gagawin kaya pumayag na rin. Isa pa, ayaw ni tita na tinatanggihan siya. Lalo na kung sa pagkain ito.

"Hi ate Mae. Isang slice nga po ng yema cake." Bungad ko kay ate Mae ng makababa. Binigyan niya naman ako. Umupo ako sa isang table na andito at tahimik na kumain.

"Isang chocolate cake po." Napabaling ang tingin ko sa isang familiar na customer. Si Maui pala. Nagbayad na siya at umalis na. Hindi na niya ko napansin pa. Parang nagmamadali rin kasi siya.

Pagkatapos kung kumain, binalik ko na kay ate Mae ang pinagkainan ko at nagpaalam.

"Una na ko ate Mae. Pakisabi nalang po kay tita umuwi na ako." Nag thumbs up nalang si ate Mae dahil may customer siya.

Alas sais pa naman kaya naisipan ko nalang na maglakad pauwi. Nasa madilim na area na ako. Napundi raw kasi ang ilaw dito banda. Tahimik lang akong naglalakad. Paminsan-minsan may nakakasalubong ako. Madalas wala. Wala kasing masyadong dumadaan dito.

Nagulat ako ng may humila sa akin at dinala ako sa isang madilim na eskinita. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa cap niya. Sinandal niya ako sa pader at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

"Sino ka?"