"Ayos na ba ang mga gamit mo?" Tumingin ako kay Nica at tumango. "Oo. Tara na?"
She cling her arms into mine at nauna na kaming lumabas kaysa sa pinsan nito.
"Sa ibang table na muna kami uupo ngayon, ah? Para naman hindi mailang si Reign sa pagkain." Naputol ang usapan nila Kurt sa sinabi ni Nica. They just nodded at bumalik sa usapan nila ulit.
Pagdating namin sa cafeteria ay dumiritso na kami sa counter. Umorder na kami at naghanap ng table. Sa may glass wall banda kami pumwesto.
"Reign, can I ask?" Hinging permiso ni Nica. "Nagtatanong ka na nga e." Pangbabara ni Maui. "Shut up ka nalang Maui at makinig. Pwede ba?" Naiinis na saway niya. But Maui just mock her last words.
"What is it, Nica?" Sinagot ko na tanong niya bago pa mag-asaran 'tong mga 'to. Ang bilis pa naman ata mapikon ni Nica kaya gustong-gusto siyang asarin ni Maui.
"Why you always want to be alone?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. "I mean, I can sense naman kasi na want ng classmates natin to be friend with you. Pero maybe, like us, they can feel that you put a distance. Like you build a wall between us." Paliwanag niya. Ngumiti ako ng tipid sa sinabi niya. Linunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago sumagot.
"Just nothing. I must prefer to be alone. It give me peace. I just don't feel something again at the end."
"Feel something again? What is it?" Curious na tanong ni Maui. I just shrugged my shoulder. Nang masense nila na ayaw kong pag-usapan, hindi na nila pa ako kinulit. I will break the wall slowly, soon. Instead, they change the topic.
"You must see how good I am at make ups. Masasabi mo talagang pang professional ang galing ko." Sabi sa'kin ni Nica. I don't know kung magaling talaga siya o kung pinagyayabang niya lang. But I can't sense the kayabangan when she said it. So, I guess, it's true.
"Ang yabang mo naman, Nica. Kahit nga ako magaling din sa make up thing." Segunda ni Maui nang matapos uminom.
"I'm not yabang, okay? Nagsasabi lang ako ng totoo." Depensa niya sa sarili. "Magaling ka nga rin pero mas magaling pa ako sa'yo Maui. Huwag ako." Pagmamalaki niya. She even flip her hair at Maui.
Maui just mock her words again and roll her eyes. "Don't do that nga. Para namang I broadcast a lie here. Reign don't believe her," then she held my hands.
"Don't believe me, what?" But Nica just rolled her eyes. "I should see on how good, both of you in make ups." Nasabi ko nalang para walang gulo.
"Yeheyyy. Mas mabuti pa nga," I give her a small smile.
Tumayo na kami at inalapag ang tray sa isang area kung saan ito iiwan. Bumalik kami sa room na nagkwekwentuhan lang ng kung anong-anong maisip. Ang daldal kasi ni Nica. Hindi mo alam kung matutuwa ka ba o mabibingi sa kaingayan niya.
"Sa weekend na natin tapusin 'yong project. Kaunti nalang naman din ang tatapusin do'n. Di'ba Kurt, noh?" Paninigurado ni Nica habang nakatingin sa pinsan niya. "Oo. Update ko nalang kayo sa friday." Sang-ayon naman kaming lahat kaya hindi na humaba pa ang usapan.
Dismissal na kaya naglalakad akong mag-isa ngayon sa hallway. Hindi na ako sumabay kila Nica pa. Pagdismiss agad na akong lumabas.
Nandito ako ngayon sa waiting shed malapit sa labas ng gate. Nag-aabang ng dadaan na Jeep. Lumanding ang tingin ko sa isang itim na sasakyang huminto sa harap ko. Binaba nito ang bintana at inuluwa si Nica. Sa driver seat naman si Kurt.
"Hindi ka ba susunduin ngayon Reign? Gusto mo sumabay ka na lang sa amin?" Sunod-sunod na tanong at the same time alok ni Nica.
"Salamat Nica pero huwag na. May dadaanan pa kasi ako." Tanggi ko sa alok niya.
"You sure?"
"Oo."
"Okay. Mauna na kami. Take care." Kumaway muna siya bago niya isinara muli ang bintana.
Pagkawala ng sasakyan nila ay may humintong Jeep. Sumakay na ako. Pinaabot ko ang bayad at hinintay na makauwi na.
Pumasok ako ng bahay at dumiritso sa kwarto para magpalit ng damit. Wala naman akong magawa at maaga pa rin naman. Napagdisisyon ko nalang na pumunta muna sa convenience store para magpalipas oras.
Kinuha ko ang phone at wallet. Nilakad ko nalang total may malapit namang convenience store sa amin. Kumuha ako ng chocolate bar at soft drinks. Nagbayad sa counter at umupo sa mesa. Tahimik lang akong kumakain habang tinitingnan ang mga tao at sasakyang dumadaan sa labas ng store.
Bumili ako ulit ng milk tsaka lumabas ng store. Saktong paglabas ko ay may pumasok. Mukhang anak mayaman. Maliban sa magara nitong damit ay may kasama pa itong yaya base sa suot.
Napahinto ako ng malaglag ang barya na nasa kamay ko. Yumuko ako para pulutin ito. Saktong pagyuko ay nagkagulo dahil sa isang putok ng baril. Agad akong napaupo at nagtago sa kung saan pwede mataguan.
Tinamaan ang glass wall ng convenience store. Sakto ang butas nito sa pwesto ko kanina kung saan nahulog ang barya.
'Kung hindi ba ako yumuko, tinamaan na ako? '
Lumingon ako sa isang itim na SUV nang mabilis itong umalis. Walang plaka ang sasakyan. 'Yon agad ang napansin ko ng tingnan ito.
Bumalik ang tingin ko sa store. Makikita ko mula rito na nasa ilalim ng mesa 'yong nakasalubong ko na babae paglabas ng store. Kung hindi agad ito nakatago, tiyak na tinamaan na rin siya ng bala.
Tumayo ito na umiiyak at ang kasama niya ay pinapatahan siya habang may tinatawagan sa phone. Nang matanaw ko ang paparating na sasakyan ng pulis, agad na akong tumayo at umalis.
Pagbalik ko sa bahay, wala pa rin Mimi. Wala rin ang mga anak niya dahil one week ito sa lola't lolo nila. Umupo muna ako saglit at pinahinga ang sarili bago magluto ng hapunan.
/"Mi dito ka kakain?"/
Naghintay ako ng ilang minuto bago nagreply si Mimi.
/"Dito ako kakain. Huwag mo na akong hintayin. Baka bukas pa ako makaka-uwi. Kumain ka na. Huwag magpapalipas ng kain."/
Kaya I decide na egg nalang ang lutuin. Total ako lang naman mag-isa ang kakain. After I eat, pumunta ako sa sala at in-on ang tv to kill time. Pero imbes na movie ang inaasahan ko, balita ang bumungad sa akin. Balita tungkol sa nangyari kani-kanina lang.
"May hinala na po ba kayo kung sino ang may gawa ng pamamaril kanina, Senator?" The media ask him. Nakatayo si Senator De Silva sa labas ng presinto habang ini-interview.
"Sa ngayon, wala pa. Pero one thing I can sure ay baka kalaban ko sa politika. Hindi naman lingid sa kaalaman niyo na marami akong nakaka-away dahil sa politika." Senator
"Pero Senator, what did you feel ng mabalitaan 'yon?" Media
"I feel scared. Baka kasi tinamaan ang anak ko. In fact, na unica ija ko siya. But when I see she's okay, I feel relieve somehow."
"Ano pong balak niyo ngayon Senator?"
"For now, I will leave it to authority. This is there job. They already know what they should do. I trust them."
Marami pang tanong ang media pero hindi na ito sinagot pa ni Senator. Naglakad na siya paalis at hinaharangan ng mga bodyguards niya ang mga reporters na lalapit.
"This is not healthy for me." Pinatay ko na ang tv at umakyat nalang sa kwarto para matulog.
Nakahiga na ako sa kama at pinipilit ang sariling matulog. Pero kahit anong pilit ayaw talaga. Binabagabag ako kung iba ba talaga 'yong target. 'Yong anak ba talaga ni Senator De Silva ang puntirya o ako? O baka naman masyado lang akong nag-ooverthink.
Dahil sa kakaisip sa nangyari, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
"Mi!" Nagulat pa ako ng pagbaba ko ay bumungad sa akin si Mimi sa kusina. Naghahain ng agahan.
"Ooh bat parang gulat na gulat ka?" Nakangiting tanong niya sa akin. "Akala ko kasi hindi ka uuwi ngayon. " Umupo na ako sa mesa. Nagdasal na muna kami bago kumain.
"Kakauwi ko pa lang talaga. Hindi na kasi ako pinauwi ng mga bata kagabi." Tumango-tango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi ka ba lumabas kagabi? Wala ka bang pinuntahan?" Napaangat naman ang tingin ko sa kaniya sa biglaang tanong niya.
"Hindi naman po mi. Bakit?" I lied. Ayoko siyang mag-alala.
"Napanood ko kasi kagabi 'yong balita tungkol sa anak ni Senator na muntik ng mabaril. Malapit lang kasi 'yon dito sa atin. Isa pa do'n ka madalas pumunta tuwing late o hindi ako umuuwi. Baka lang pumunta ka do'n kagabi." Paliwanag niya.
"Hindi na po ako lumabas pagkauwi ko. Tinatamad na rin kasi akong maglakad-lakad kagabi." Again I lied. Sinabi rin naman sa balita na anak ni Senator De Silva ang target. There's no point na sabihin ko pa sa kaniya 'yon. Mag-aalala lang siya panigurado.
Sinuri niya ang expresyon ko kung nagsisinungaling ba ako o hindi. Kaya ginawa ko ang best ko para makita niyang nagsasabi talaga ako ng totoo. "Okay. Sabi mo e." Ngumiti nalang siya at niligpit ang pinagkainan namin.
"Ligo lang ako mi." Paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at bumalik na sa kwarto. Naligo na ako at nagbihis ng uniform. Kinuha ko na ang bag at phone ko. Pababa na sana ako ng biglang tumunog ang phone. Tiningnan ko ito at binasa ang message.
/"Swerte ka di ka tinamaan ng bala. Kasi kung sakali hospital bagsak mo."/
Mula sa unknown number. Tama nga ako, ako ang puntirya no'n. Pinilig ko nalang ang ulo ko at hindi na inintindi ang text. Binalik ko sa bulsa ang phone at bumaba na.
"Aalis na ako mi. Ingat ka." Paalam ko. Humalik ako sa pisngi niya. "Ingat ka rin. Huwag kang masyadong magpapagabi sa daan at delikado sa panahon ngayon." Bilin niya pa. "Opo mi."
Papalabas na sana ako ng may maalala.
"Oo nga pala mi. Sa weekend pupunta ako sa bahay ng kaklase ko. Gagawa kami ng project." Nagpaalam na ako ng maaga. Baka sakali at hindi ako makapagpaalam sa kaniya sa susunod.
" Ayos lang. Basta lagi kang mag-iingat." Tumango ako at ngumiti bago umalis.