webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Sejarah
Peringkat tidak cukup
98 Chs

LXXIV

Juliet

Omyghad.

NASAAN NA SI NIÑO?!

Ilang oras na akong naghihintay at ni anino niya, hindi ko pa nakikita jusko! Inindian ba niya ako?? Ghad, inindian na nga ako sa kasal namin, pati ba naman ngayon? Aba, sumusobra ka na Enrique Luis Enriquez IV!!!

Umupo na ako sa kama ko at humiga. Walang hiyang heneral 'yan! Makatulog na nga.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla akong kabahan at napabangon ulit. Paano kung nahuli si Niño?

Tatayo palang ako ay biglang bumukas ang pintuan sa terrace at nakita ko na siya.

"Niño..." Mahinang sabi ko at naglakad papunta sa kaniya at naglakad na rin siya papasok. Agad kong tinignan ang katawan niya kung nasaan ang mga tama niya noong huli ko siyang nakita pero mukhang maayos naman na siya ngayon kaya kahit papaano ay parang nabunutan na rin ako ng tinik sa leeg.

Naka-puting camisa de chino si Niño at kahit pa hindi siya naka-uniform ngayon eh ang gwapo pa rin niya tignan. Hindi rin ayos na ayos ang buhok niya ngayon 'di tulad ng dati pero ewan ko ba. Mas nagwa-gwapuhan ako sa Niñong nasa harapan ko ngayon.

Bagsak ang buhok, simpleng kasuotan, genuine smile, shining eyes, and a beautiful soul. Yes, those are what make a Niño Enriquez.

"B-Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay." Sabi ko at nakita ang pagkurba ng labi niya nang makarating na kami sa isa't isa.

"Ipagpaumanhin mo ang aking huling pagdating, binibini. Mukhang mahigpit na pinababantayan ang inyong tahanan. Halos kakaalis lang ng mga nagmamasid at nagbabantay sa bahaging ito kaya naman ngayon lang ako nakasalisi." Mahinang explanation niya kaya napangiti nalang ako.

Same old Niño. Trying hard masyadong mag-explain. Hay, ang cute niya talaga.

"Kung ganun eh paano ka nakaakyat dito? Hindi ka ba nahuli?" Tanong ko pero siyempre nang-aasar lang ako.

"Isa yata sa pinakamagaling at pinakamatinik na heneral ang kaharap mo ngayon, binibini." Sagot niya at pumorma na ang playful smile sa mga labi ni General Enriquez atsaka siya kumindat, hay nako.

"Mukha mo." Natatawang sabi ko atsaka naglakad papunta sa kama ko. Sumunod naman siya sa akin at umupo rin sa kama ko nang senyasan ko siyang pwede rin siyang maupo sa tabi ko. Pagkaupo namin sa kama, napako na ang mga titig niya sa akin atsaka kinuha ang kamay ko atsaka hinalikan.

"Ikinagagalak kong makasama ka sa pagkakataong ito, binibini." Sambit niya habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Labis akong nangulila sa iyo sa mga araw na nagdaan at ngayong muli na kitang kasama... pakiramdam ko'y hindi na kita kayang bitawan pa." Pahina nang pahinang sabi niya at sa tono palang niya ay ramdam na ramdam ko na ang lungkot na namamayani ngayon sa pagkatao niya.

"Kung maaari lang... kung maaari lang na sa akin ka nalang habang buhay." Yuko niya at omyghad anong gagawin ko?? Iiyak ba siya?!

OMG Niño huwag kang iiyak, naiiyak na rin ako! Isa pa, hindi ako marunong magcomfort kaya huwag mo nang ituloy 'yan huhu.

"Niño," Hawak ko sa mukha niya dahilan para mapatingin siya ulit sa akin at omyghad teary eyed nga siya!

"Sa'yo lang ako habang buhay." Ngiti ko sa kaniya.

"Kung ayaw mo akong bitawan, edi huwag. Hindi mo naman kailangan." Sabi ko pa.

"A-Anong nais mong sabihin, binibini?" Tanong niya.

"Sasama ako sa'yo, Niño."

Halos mapanganga siya sa gulat at 'di pagkapaniwala nang marinig ang sinabi ko.

"H-Hindi maaari, binibini. Gusto ko mang huwag na muling malayo sa iyo... hindi kita maaaring idamay dito." Sagot niya.

"Pero Niño, wala naman akong pakialam kung madamay ako o hindi—"

"Hindi lang ikaw, binibini. Sila Don Horacio, Doña Faustina, at ang kuya mo... hindi ko kayo kayang ilagay sa kapahamakan."

"At isa pa'y... hindi ko maaaring isugal ang kaligayahan mo. Marami ka pang maaaring gawin, marami ka pang mararating. Hindi maaaring masira ang lahat ng iyon dahil lang sa akin."

"Niño, paano kung sayo ako masaya?" Agad na sabat ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin na para bang sinasabi niyang huwag ko nang pahirapan pa ang sitwasyon naming dalawa. Ewan ko ba pero ito na yata ang pinakamasakit na tingin na binigay sa akin ni Niño.

Napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang papatulo ko nang mga luha.

Ito na ba 'yon? Itutulak na ako ni Niño palayo sa kaniya? Ito na ba 'yung isa sa mga pinaka-ayaw kong mangyari? Mangyayari na ba?

Narinig ko siyang lumunok atsaka ko naramdaman ang magkabila niyang kamay sa mga braso ko.

"P-Pumayag kang magpakasal kay Angelito Custodio."

Pakiramdam ko nabasag sa libu-libong piraso ang puso ko nang marinig ko 'yun galing mismo sa mga labi ni Niño.

Bakit Niño? Bakit pati ikaw tinutulak ako sa daang ayaw ko namang tahakin?

"Dadalhin ka niya sa Espanya. Makakaalis na kayo ulit ng pamilya mo sa lugar na ito, malayo sa lahat ng gulo." Rinig ko pang sabi niya at naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa mukha ko.

"Tumingin ka sa akin, Juliet." Mahinahong sabi niya kaya naman minulat ko na ang mga mata ko at bumungad sa akin ang napakakisig niyang mukha.

"Kapag nakaalis ka na, huwag ka na muling lilingon pa. Maaaring hindi tayo itinadhang magsama sa pagkakataong ito ngunit ipinangako ko sa iyo, hindi ba? Babalik ako sa'yo. Sa kahit anong paraan, sa kahit anong panahon." Titig na titig siya sa akin habang lumalabas ang mga salitang 'yun sa labi niya. Sobrang sincere ng mga salitang 'yon na kahit mukhang malabo't imposible, naniniwala akong babalik nga siya sa akin pagkatapos ng lahat.

"Mahal na mahal kita, Juliet." He said softly at naramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang labi sa noo ko na nakapagpatunaw na naman sa puso ko.

"Mahal na mahal..." Sabi niya pagkaalis ng labi niya sa noo ko at hinarap ang mukha ko sa kaniya. Nagulat ako nang tumutulo na ang mga luha niya ngayon sa mukha niya at agad niya akong hinila palapit sa kaniya at niyakap.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa aking maisip na t--tangan ka ng iba..." Sabi niya habang mahigpit na nakayakap sa akin. Mas lalo nalang akong naiyak nang marinig ko ang pag c-crack ng boses niya.

I really hate to see and feel Niño hurting this much. Ghad! Ganito ba talaga kasakit at kahirap magmahal?

"Kahit sandali lang... huwag ka munang mawala sa akin.." Sabi niya habang tahimik na humihikbi, mahigpit pa ring nakayakap sa akin. Hinigpitan ko rin ang pagyakap sa kaniya. 'Yung higpit na hindi na siya makakaalis pa.

"Niño naman kasi... sino ba nagsabing kailangan kong m-mawala sa'yo?" Tanong ko habang nag c-crack na rin ang boses ko.

"Ipangako mo sa aking magiging masaya ka." Sabi niya kaya napatingala ako sa kaniya.

Anong pinagsasabi nito? Paano ako magiging masaya kung magpapakasal ako sa taong hindi ko naman mahal?

"...kahit na sa piling pa ng iba." Sabi pa niya kaya napa WTH face nalang ako.

"Pakiusap... iyon lang ang nais ko. Ang kaligayahan mo. Kaya kung kailangan mo akong kalimutan ay gawin mo."

"Ano ba yang sinasabi m—"

"Nakalimutan mo na ba ang liham ko para sa iyo? Mawala man ako't malimutan ng lahat ng tao, alam kong hinding-hindi ako mawawala sa puso mo."

"Baliw ka ba? Gusto mong kalimutan kita tapos sinasabi mo ring 'di ka mawawala sa puso ko? Paano ko gagawin 'yon ha?"

"Binibini, madaling malinlang ang isipan ngunit kailanma'y hindi nakakalimot ang puso." Sagot niya at ewan ko ba bakit kung may ano akong naramdaman nang sabihin niya 'yon. Parang totoo 'yung sinabi niya? Dahil ba roon 'yun?

"Ipangako mong magiging masaya ka pagkatapos ng lahat ng ito, binibini. Kahit pa kapalit noon ay pagkalimot sa lahat ng ito. Iyon lang ang kahilingan ko." Sabi ni Niño at nagtaka ako nang makarinig ng isang malakas na tik ng orasan kaya naman agad akong napakapa sa bulsa ko kung nasaan ang relong binigay sa akin ni Niño.

Gumalaw pa ito nang isa beses at 'di na siya umandar ulit. Pinitik-pitik ko pa pero mukhang hindi na talaga siya aandar kaya pinasok ko na siya ulit sa bulsa ko.

"Mukhang oras na nga para umalis ako." Layo niya sa akin kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya. OMG! Akala ba niya pinapaalis ko na siya kaya ako tumingin sa orasan?

"Ha? Bakit? Saan ka pupunta?" Tayo ko rin pagkatayo niya.

Huminga siya nang malalim atsaka humarap sa akin, hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Paalam, binibining Juliet." Ngiti niya pero kitang-kita ko sa mga titig na 'yun ang kalungkutan kaya tumulo na naman ang luha ko.

"Niño, hindi naman kailangang maging ganito..." Hawak ko nang mahigpit sa mga kamay niya.

"Mahal na mahal kita." Sambit niya pagkahalik sa noo ko. Matagal ang halik na 'yun at nang alisin na niya ang labi niya sa noo ko, hinigpitan ko lalo ang kapit ko sa kaniya dahil ayaw ko pa siyang umalis.

Naramdaman ko nalang ang paghawak niya sa mga kamay ko at inalis niya ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"Mahal na mahal kita, Juliet." Sabi niya at naglakad na palayo.

Napatulala nalang ako sa likod niyang naglalakad palayo sa akin hanggang sa isara niya ang pinto ng terrace at tuluyan ko na siyang hindi makita.

"N-Niño..." Nasabi ko nang finally, hindi na ako tulala. Agad akong tumakbo palabas sa terrace pero wala na akong nakitang Niño Enriquez kahit saan. Pumasok nalang ulit ako at natulala.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit 'tong nararamdaman ko. Pakiramdam ko may paulit-ulit na pumipisil sa puso ko sa sobrang kirot nito.

Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Kung alam ko lang na ganito kasakit magmahal, hindi ko na sana sinubukan... hindi na sana ako sumugal. Pero... hindi ba't mas itinataya na natin ang lahat kapag hindi tayo sumugal?

Ginulo ko nalang ang buhok ko dahil sa frustration atsaka gumulong-gulong sa kama.

Kung alam ko lang... hindi na sana ako nagmahal. Pero alam ko deep inside, never kong pagsisisihan na minahal ko si Niño. Dahil sa kaniya, natuto akong magmahal, natuto akong sumugal para sa pag-ibig.

Pero mukhang dito na nga nagtatapos ang kwento naming dalawa dahil... hindi naman lahat ng istorya ay may masayang wakas, kagaya ng pag-ibig namin ni Heneral Niño Enriquez.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts