webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · History
Not enough ratings
98 Chs

LXXV

Juliet

Patuloy lang ako sa paglalakad dito sa may hardin ng hacienda.

It turns out na dalawa naman pala ang choices kong pakasalan. Si Angelito Custodio at si Heneral Guillermo so bale ayun nga parang wala rin akong choice.

Okay, don't get me wrong. Angelito Custodio is a very kind, attractive, smart, and caring guy. A perfect guy nga sabi nila. Ayaw ko sana siyang pakasalan hindi dahil sa hindi ko siya gusto o ayaw ko sa kaniya. Ayaw ko sana siyang pakasalan dahil mahal ko si Niño. Pero dahil naging ganito naman na ang lahat, iniwan na ako ni Niño at ayaw ko namang makasal doon sa Guillermo dahil hindi rin naman niya kami malalayo ng pamilya ko rito dahil nga sundalo rin siya, might as well pumayag nalang kay Angelito Custodio. Besides, ano pa bang iaarte ko 'di ba? Katulad ng sinabi ko, Angelito Custodio is a very kind man. Hindi naman siguro mahirap i-convince ang sarili kong dapat siya na ang mahalin ko. Or... hindi ko naman siya kailangan mahalin.

Napalingon ako kay Angelito Custodio na nasa likod ko lang sumusunod sa akin. Feeling ko gulat pa rin siya dahil pumayag na akong makausap at makasama siya.

Walong araw na rin simula nang huli naming pag-uusap ni Niño at halos ngayon lang ulit ako lumabas ng bahay. Pang-apat na araw ni Angelito pumunta sa bahay para makausap ako at ngayong pumayag na ako, hindi naman siya nagsasalita. Nang mapansin ni Angelitong nakatingin ako sa kaniya, napa-angat ang tingin niya sa akin at agad kong nasilayan ang pagkurba ng mga labi niya.

"Ipagpaumanhin mo ako, binibini. Sa rami ng nais kong sabihin ay hindi ko alam kung saan magsisimula." Nahihiyang amin niya at ewan ko bakit napangiti ako slight.

"Hmm... kasal?" Sabi ko na mukhang ikinabigla niya. Mukhang ayaw pa sana niyang i-bring up.

"Tungkol nga pala roon, gusto kong humingi ng tawad dahil ako ang nagsabing nais kitang pakasalan kay Don Horacio. Alam kong hindi mo nais magpakasa—"

"Pumayag na ako." Putol ko sa kaniya na mukhang ikinagulat niya.

"N-Ngunit... hindi naman kita nais pilitin kung hindi mo talaga gusto, binibini. Maaari akong gumawa ng ibang paraan upang mailayo kayo rito."

Napaisip ako sandali pero agad ding pumasok sa utak ko na ang pagpapakasal nga ang pinaka-secure na way para mailigtas ang pamilya namin. Alam ko namang may pakialam si Ama sa nararamdaman ko at alam kong pinipilit lang niya ako kay Angelito Custodio dahil ito ang tingin niyang best option. Hindi naman basta-basta magde-desisyon si Ama nang hindi nag-iisip ng iba pang paraan pero dahil ito ang pinupush niya, mukhang ito na ang best and safest option namin.

Grabe, dapat palitan na title ng librong 'to na 'Marriage for Survival.'

"Nagdesisyon akong magpapakasal ako sa iyo, ginoo." Sagot ko sa kaniya at nakita ko namang hindi niya napigilan ang sarili sa pagngiti. Weird. Bakit mukhang masaya pa siyang mapapangasawa niya ako na walang alam na kahit ano tungkol sa pag-aasawa, ghad!

"So, kailan ang kasal?" Basag ko sa muling namayaning katahimikan at biglang natapilok si Angelito kaya napalapit ako sa kaniya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa namumula na niyang mukha.

"A-Ayos lang ako, binibini." Sagot niya at tumayo na nang maayos.

"Kailan mo ba nais maganap ang kasal, binibini?" Tanong niya nang magpatuloy na kami sa paglalakad.

"Bukas." Sagot ko at narinig ko ang paghinto niya sa paglalakad kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatulala lang siya, mukhang nagulat sa narinig.

"Ayaw mo ba?" Tanong ko at bigla siyang nataranta.

"H-Hindi sa g-gano'n, binibini!" Agad na sagot niya.

"Naisip ko lang... kung nais mong bukas na ang kasal ay kailangan na nating maghanda ngayon. Halika na!" Masayang lahad niya ng kamay niya kaya ako naman ang nag freak-out sa pagiging impulsive niya. OMG.

Nilagay ko na nga ang kamay ko sa nakalahad niyang palad at sinara na niya 'yon atsaka tumakbo. Ako naman... ito. Nagpakaladkad nalang sa takbo ng tadhana.

¤¤¤

"Bukas?" Mahinang tanong ni Fernan kay Eduardo.

"Opo, Koronel. Nag-aayos na ang mga tao ngayon sa simbahan para sa malaking kasalang ito." Sagot ni Eduardo.

Napalingon si Fernan kay Niño na abala sa pagbibigay ng direksiyon sa mga sundalo nila. Napansin iyon ni Eduardo kaya napatingin din siya kay Niño at binalik ang tingin kay Fernan.

"Hindi niyo po ba sasabihin?" Tanong ni Eduardo.

"Kailangang pagtuonan ng pansin ni Niño ang nalalapit na gyera laban sa mga Amerikano't sundalo ni Aguinaldo. Kung matutuloy ang planong uunahin natin ang pagpapatalsik kay Aguinaldo, kailangan natin nang buo at desidido si Niño upang mamuno, upang maging bagong pangulo." Sagot ni Fernan at ibinalik ang tuon kay Eduardo.

"Ngunit alam niyo namang kahit kailan ay hindi nawala sa isip ng heneral ang binibini, Koronel." Sagot ni Eduardo.

"Alam ko. At alam ko ring pagbabayaran ko lahat ng ito." Wika ni Fernan at bahagyang ngumiti nang malungkot.

"Huwag kang mag-alala, dadalhin ko rin si Niño kay Juliet. Balang araw."

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts