webnovel

BUENAVIDEZ SERIES: DANCING IN THE BURNING ROOM

Teaser: Zeleenah Magdalene Buenavidez – a lady boss who can make you kneels and begs for your life. No one messes with her for she is a Queen herself in her self-proclaim throne. Reyna na walang Hari ang bansag sa kanya ng mga pinsan niyang mga lalaki at babae. She doesn’t mind though kahit wala siyang Hari para sa kanya ay sapat na ang kanyang sarili para sa kanya. Hindi niya kailangang kumuha ng malaking bato na ipupukpok sa ulo niya. Hindi siya magiging tanga kagaya ng pinsan niyang si Peach na nagpaloko sa pitong-taon nitong dating-kasintahan. Hinding-hindi na siya magiging tanga. Hindi na. She’s happy without a King because she has her own Prince and Princess. And no one in her family knows about it.

NNMRLPBLLN · Lainnya
Peringkat tidak cukup
4 Chs

PAST

ZELEENAH MAGDALENE BUENAVIDEZ

Humingasiya ng malalim saka pumikit masakit ang ulo niya dahil tatlong-araw niyang pinagpuyatan ang panunuod ng K-drama na pinamagatang Goblin. Mugto din ang mata niya na naging tampulan ng tukso ng mga pinsan niyang lalaki sa pangnguna ng kanyang panganay na kapatid na si Ashton. Samantalang ang mga pinsan niyang babae ay sa kanya kumampi syempre sinong hindi kakampi sa kanya eh pare-parehas nilang napanuod ang Kdrama na nagpaiyak sa kanila. At ang pasimuno ng 3days and 3nights na walang tulugan ay walang iba kundi ang pinsan niyang si Zoiah.

"Bakit nga ba tayo pinapauwi nina lolo at lola? Care to explain mga Kuya's" ngumisi ang mga lalaki saka sinabi sa kanila ang bilin ng kanilang abuelo at abuela.

Sumimangot siya ng maalalang doon na din sila titirang magpi-pinsan. Ayos lang naman sa kanya na doon tumira ang problema niya ay masyadong malayo ang mall sa farm nila. The boys seems so fine with it kaya napag-usapan nilang mga babae na magsaya sa lugar.

"It sounded so fine to me na. Kasi nung sina Mama ang nagsabi para akong sinaniban ng kung sino binalak ko pang tumakas" Zoiah said nilingon niya ito saka ibinalik ang tingin sa kambal niyang kapatid na si Ashton at Zach. Ang dalawa kasi ay graduate na at pagbabakasyon na lang ang gagawin sa probinsya. Doctor ang Kuya Ashton niya samantalang ang kanyang Kuya Zach ay siyang nagpapatakbo ng kompanya ng mga magulang nila.

At iilan lang sa mga lalake niyang pinsan ang nag-aaral pa. Hindi pa nga sila kumpleto dahil susunod na lamang ang mga pinsan nilang lalaki na may mga trabaho na.

"Kuya hindi pa kayo gutom, kasi yung tyan ko nagrereklamo na" saad niya sa kapatid na si Ashton na nagda-drive.

"Wait lang titigil tayo once na makakita ng fastfood chain o kaya karinderya" tumango siya saka humilig sa balikat ng Kuya Zach niya. Sa kanilang magkakapatid bunso siya. Pero sa mga pinsang mga babae matanda sya ng dalawang taon.

"Oy kayong mga babae once na nandoon na tayo wag kayong mag-inarte bukas sasamahan naming kayo sa bagong University kung saan niyo itutuloy ang kurso niyo" sumimangot siya saka sinubukang matulog.

"Lalo na ikaw Zeleenah at Zarleenah" sabay silang napa-huh ng kanyang mga pinsan dahil sa sinabi ng isa nilang pinsan na si Reckos.

"Di ba wala sina lolo at lola doon isinama nina Tita Celine sa Hawaii so sinong sasalubong sa atin doon?" tanong ng kanyang pinsan na si Zephrine.

"Si Liam" tumango siya saka siniksik ang sarili sa kapatid. Liam Dela Vega si their cousin sa Lola's side. Dela Vega ang Lola niya at Buenavidez ang Lolo niya kaya nga isa sa problema nilang mga babae ang apilyido nila. Madalas kasi ay ang apelyido nila ang dahilan kung bakit sila napapaaway o kaya naman ay madalas silang makatagpo ng mga tupperware na tao. Kaya nga sila-sila na lang din na magpipinsan ang naging magkakaibigan.

"Ilang oras pa ang byahe?" tanong niya saka umalis sa pagkakasiksik sa kapatid na busy parin sa laptop nito.

"3hours na lang malapit na tayo sa Batangas tapos after nun ay pwede tayong mag-stop over para kumain" they all grunted dahil gusto na nilang mahiga sa kama.

Kinuha niya ang cellphone niya saka tinawagan ang pinsan niyang si Zhanarah napahiwalay kasi ito sa kanila gawa ng pinsan nilang si Zackeisha at Zanerah.

"Tulog si Zhan ate Zel" tumango siya saka isinuot ang headphones ng kuya niya pagkatapos ay nakipindot sa laptop nito para maghanap ng music. Sasawayin sana siya ng Kuya niya ngunit huminga lang ito ng malalim. Napangiti siya ng lihim saka humilig ulit sa balikat nito. Madalas niyang gawin ito sa mga kapatid niya at sa mga pinsan niya.

"Hala siya, tuko na naman itong si Zel" tiningnan niya ng masama si Reckos saka pumikit at pinilit makatulog. Mahina lang ang volume ng pinapakinggan niya sa kadahilanang baka mapagalitan siya ng kapatid once na laksan niya ang volume sa headphones nito. Dahilan para marinig niya ang pinag-uusapan ng kapatid niya at ng pinsan niyang si Reckos.

"Essex Matteo Madriaga" she heard her brother cuss pagkatapos ay sinundan ng tawa ng pinsan niyang si Reckos.

"Wag kayong masyadong maingay baka magising ang babae, hayaan niyong makatulog ang mga iyan at puyat na puyat. You can talk pero hinaan niyo lang boses niyo" she heard her brother Ashton voice.

"Yun na nga Matteo is there aba mukhang babantayan na naman itong sanggol niya" she heard her brother Ash laugh.

"Sabi ko mag-intay hindi magbantay" she heard her brother Zach muttered bago siya hilahin ng antok.

---

Hihikab-hikab siyang bumaba ng sasakyan saka pinagmasdan ang paligid, she grimaced saka kinamot ang noo niya. Nasa Quezon na sila at kadadating lang nila hindi pa siya nakakain dahil hindi sya nagising ng mag-stop over ang mga ito sa isang fastfood chain.

"Pumasok ka na sa loob Zeleenah" sumimangot siya saka kinuha ang maleta at bag na naglalaman ng mga gadgets niya.

Papasok na siya sa loob ng bahay ng makita niya ang pinsang si Liam na nakasakay sa kabayo may kausap ito at hindi siya maaring magkamali that man is Essex Matteo Madriaga.

What the hell is he doing here?

Kaagad niyang iniwas ang mga mata niya ng tumingin ang mga ito sa gawi niya. She does like the color of his eyes but the man who has it.

Never.