webnovel

BUENAVIDEZ SERIES: DANCING IN THE BURNING ROOM

Teaser: Zeleenah Magdalene Buenavidez – a lady boss who can make you kneels and begs for your life. No one messes with her for she is a Queen herself in her self-proclaim throne. Reyna na walang Hari ang bansag sa kanya ng mga pinsan niyang mga lalaki at babae. She doesn’t mind though kahit wala siyang Hari para sa kanya ay sapat na ang kanyang sarili para sa kanya. Hindi niya kailangang kumuha ng malaking bato na ipupukpok sa ulo niya. Hindi siya magiging tanga kagaya ng pinsan niyang si Peach na nagpaloko sa pitong-taon nitong dating-kasintahan. Hinding-hindi na siya magiging tanga. Hindi na. She’s happy without a King because she has her own Prince and Princess. And no one in her family knows about it.

NNMRLPBLLN · Others
Not enough ratings
4 Chs

PRESENT

CHAPTER 1

ZELEENAH MAGDALENE BUENAVIDEZ

Kumunot ang noo niya pagkatapos ay tiningnan isa-isa ang mga empleyedong parang mga sundalong nakatayo sa may gilid niya. Friday is inspection day iyon ang bilin ng Kuya Zach nya ng magdesisyon siyang hawakan ang kompanya ng pamilya nila. She's strict pero hindi kasing strict ng Kuya Zach niya.

"I'm not my brother can you please stop acting like you're a damn soldier" when she said the last word ay may naalala na naman siya that soldier who made her like this.

"Sorry Ma'am napag-utusan lang po kami ng mga pinsan niyo pati po nina Madam at ni Senyora" ngumiwi siya saka asar na idi-nial ang number ng pasimuno ng lahat. At ang baliw na iyon pinagpatayan lang siya nilingon niya ang mga empleyado saka huminga ng malalim.

"Back to work" she simply said saka naglakad papuntang elevator kasunod niya ang sektretarya niyang si Mia.

"Anong oras na sa Pilipinas Mia?" she asked her secretary na inaayos ang eyeglasses na wala namang grado.

"Around 1am" tumango siya saka sumandal sa elevator.

"Wala ka namang masyadong schedule ngayon you can take a nap" Mia is her secretary for more than 5years. Pagka-graduate nila pareho ay umalis sila ng Pilipinas, at walang nakakaalam ng pag-alis nila. After the graduation kasi ay siya lang dapat ang aalis pero dahil nga sa nakita niya itong nasasaktan she decided na isama na din ito. They are not related by blood, sa madaling salita isa si Miallen sa mga naging kaibigan niya ng magdesisyon ang pamilya nilang magpipinsan na doon ipagpatuloy ang pag-aaral sa Quezon.

"Bakit ba palagi kang nakasalamin wala namang grado iyan? Look at you ang haba-haba ng suot mong damit" tinawanan lang siya nito.

"Alam mo Zel uso ngumiti kaya ka pinagti-tripan ng mga kapwa nating Pinoy eh pati nina madam eh. Ngiti ka minsan kahit fake pero wag mong ipahalata na fake ha" inis na tiningnan niya ang kaibigan na tumawa lamang sa itsura niya.

Hinayaan na lang niya ito saka pumasok sa opisina niya, she is managing the company very well kahit pa nga napakalayo ng Pilipinas sa USA. Uso naman kasi ang meeting through video call at dapat present ang lahat sa conference room wala dapat absent.

Kagaya ng bilin ng kaibigan niya ay minabuti niyang matulog muna dahil kulang siya sa tulog. Kung dati ay napupuyat siya kakanuod ng mga drama sa Netflix ngayon ay napupuyat siya dahil sa pagma-manage ng kompanya at sa mga anghel niya.

Five years ago she's careless and that changes everything. Nagpaka-bobo siya sa isang taong ginawa siyang laruan. She had enough of her katangahan kaya nagdesisyon siyang umalis at sa pag-alis doon niya lang nalaman na buntis na pala siya. And the rest is history.

She is not the same Zeleenah Magdalene. She's changed.

Bumangon siya sa pagkakahiga sa sofa na ipinalagay niya talaga para sa tuwing tinatamad siya ay pwede siyang mahiga o kaya ay makapagpahinga. May sarili din siyang kwarto sa opisina pero madalang niyang gamitin.

"Girl tumawag si Pichi-pichi break na daw sila ng boyfriend niya" napalingon siya sa sekretarya niyang hawak ang cellphone.

"Oh? Tapos? Sino daw nakipag-break di ba engage na iyong dalawa what happened?" naglakad ito palapit sa kanya habang dala-dala ang laptop. May ipinakita ito sa kanya at ganun na lang ang gulat niya ng lumabas na bilang Buenavidez ang pinsan niyang si Zeprinne Peach o Peach kung tawagin nilang magpipinsan ito lang naman na si Mia ang Pichi-pichi ang tawag kay Peach.

"Nahuli daw niyang may kajugjugan si Carlo tapos kama daw niyang tinutulugan ginawa ang masaklap ay kasama niya sa trabaho ang –whatever basta iyon na iyon. Jusme girl" napangiwi siya saka binasa ang article na nakasulat. Habang nagbabasa ay pinapakinggan din niya ang opinyon ng kanyang katabi.

"Sa totoo lang masaya ako para sa pinsan mo sa totoo lang wag kang magagalit ha. Eh kasi naman mukha palang nung ex-jowa ng pinsan mo pang-manyak ba, kahit pa sabihing gwapo. Ewwww" lihim siyang napangiti dahil sa kadaldalan nito.

"Pero nagwo-worry din ako sa pinsan mo, baka gawin niya ulit iyong ginagawa niya noong naghiwalay sila noong bestfriend ni Voldemort" she chuckled saka tumikhim. Aside from her two angels ito lang ding si Mia ang nagpapasaya sa araw niya every day.

"Tunay naman ah ano ngang pangalan nung bestfriend ni Voldermort" tanong nito saka nag-open ng skype para siguro tawagan ang pinsan niyang si Peach.

"Colton"

"Oo yun nga si Colton na kaibigan ni HeWHoMustNotBeName" kumunot ang noo niya saka hinayaan ito.

"Gusto kung umuwi ulit ng Pilipinas kaya lang ay baka magkita kami ni Voldemort mong pinsan" tiningnan niya si Mia. Sa kanilang dalawa ay ito ang madalas na umuwi ng Pilipinas siya kasi ay ni minsan sa limang taon hindi siya umuwi kahit tuwing pasko, bagong taon, at sa tuwing may celebration sa pamilya nila.

"Uuwi ka? Padala naman ng mga regalo ko sa kanila tapos tawagan ko na lang ulit si Kuya Ash na kunin sa iyo ang mga iyon para hindi kayo magkita ni Voldemort mo" umiling si Mia saka hinawakan siya sa dalawang kamay.

"Isn't time na umuwi ka? You see, everytime na maghahatid ako ng pasalubong sa pamilya mo they keep asking me kung bakit ayaw mo daw na bumisita sila dito o kaya naman ay kung bakit ayaw mong umuwi man lang sa Pilipinas? Are you still mad? Galit ka pa rin ba sa kanila? Galit ka pa din kina Tita pati sa mga Kuya mo? O Galit ka pa din ba sa kanya?" she didn't answer Mia or rather she kept quiet. Hanggang sa magpaalam ang kaibigan na lalabas muna.

Bakit nga ba ayaw niyang bumisita ang mga pamilya niya dito?

Dahil sa oras na malaman nilang may anak siya ay pipilitin siya ng mga itong sabihin kung sino ang ama ng dinadala niya. At kapag nalaman ng mga ito ang lahat baka hindi lang pati ang mga anghel niya ang mawala. Baka pati sarili niya mawala. She's scared. Takot siya.

Bakit nga ba ayaw niyang umuwi ng Pilipinas?

Dahil gusto niyang protektahan ang sarili niya sa lahat ng ala-ala na pilit na sumisira sa kanya. She like a glass too broken that can't be fixed.

Ayaw niyang umuwi dahil takot siya sa mga bagay na sisira sa mga binuo niya. She can't be broken again. She just can't.

----

Isang linggo na ang nakalipas at heto siya hawak ang tablet naglalaman ng kung anu-anong balita patungkol sa pinsan niyang si Peach at sa ex nito.

"Ang kapal-kapal talaga ng hinayupak na iyan napakakapal ng mukha siya na itong nagloko siya pa itong may ganang magdrama sarap busalan ng bibig tapos ihahagis sa ilog Pasig" tiningnan niya si Mia na mas frustrated pa keysa sa kanya. May karapatan naman itong magalit dahil bestfriend nito si Peach.

"Wala kang gagawin? " nagkibit-balikat siya saka pinagpatuloy ang pagpirma ng mga dapat pirmahan.

"I am done with my part actually and you will be participating" humikab siya saka tumayo. Saka ngumiti ng makahulugan.

"di nga? Wala ka namang ginagawa dyan kung hindi pumirma magpa-meeting at—oh shit! don't tell me you freaking buy that company" she smiled wickedly saka nag-inat. Inaantok siya at gusto niyang magpahinga puyat siya dahil nagkasakit ang isa sa mga anghel niya.

"Binili mo talaga?" hindi niya ito pinansin at dire-diretso siyang naglakad palabas ng opisina. Tapos na niyang pirmahan ang mga papel na kailangan uuwi muna siya sa mga anghel niya.

"Saan ka pupunta may schedule ka pa!!" sigaw nito sa kanya.

"May sakit si Gelo ikaw na muna ang bahala sa lahat" tumawa siya ng makitang nakasimangot ito – siya lang ata ang may sekretaryang pwede na ding maging boss.

Huminga siya ng malalim saka nagpasyang dumaan muna sa cafeteria ng kompanya nila para kunin ang pinapaluto niyang chicken porridge na paborito ng kambal. Karamihan sa mga empleyedo nila ay Pilipino at kung may makikita ka mang mga ibang lahi ay iilan lamang.

Nang makita siya ng Pilipino na pinagbilinan niya kaninang alas-syete ng umaga ay agad itong pumasok sa loob ng kusina para kunin ang pinaluto niya. She hired chef and cooks just to make sure na hindi na lalabas ang mga empleyado niya para kumain. Madalas kasi kapag lunchbreak ay mga alas-dos na bumabalik ang mga ibang empleyado. Kapag ganoon ay nagbibigay siya ng warning pero kalaunan at nakita naman niyang hindi na umulit ay tinatanggal niya sa record. Ganun din ang patakaran ng isa pa nilang kompanya sa Pilipinas. Minsan nga ay napapagsabihan siya ng mga pinsan thru skype na masyado siyang mapang-abuso.

"Thanks" she said. At nang makuha niya ang pagkain ay naglakad na siya palabas ng building. One block away lang naman ang tinutuluyan nilang mag-iina kaya nilalakad na lang niya minsan ang pauwi at pagpunta ng opisina. Pero kapag mainit ang ulo niya at tinatamaan siya ng kabaliwan ay nagda-drive siya papasok sa trabaho.

Patawid na sana siya ng mag-ring cellphone niya wala naman siya balak sagutin iyon kaya lang ay baka importante.

"Cuz!!!!" agad na nailayo niya ang kanyang cellphone sa kanyang tainga ng marinig ang malakas na boses ng kanyang pinsan na si Peach.

"Help me! I know you're in States but please help me ipapatapon ako nina abuela sa London ayoko doon masungit si Lolo George saka si Lola Minerva help me" ngumiwi siya ng magsimulang humikbi ang pinsan niya.

"Please help me!! Ayoko sa London kaya umuwi ka na dito" pinatay niya ang kanyang tawag saka inilagay sa silent mode ang cellphone.

Bakit ba lahat ng tao sa paligid niya pinapauwi na siya ng Pilipinas?