webnovel

BIRDBRAINED

"Dan! mahal mo ba ako o ginagamit mo lang ako para makalimot ka sa nakaraan mo!" "Pwede ba Xnne, tama na ang katatanong mo niyan!" nagagalit na sambit ni Dan. Si Dan ay isang Inhinyero na medyo mapaglaro sa mga babae. Makisig ito, matangkad at lapitin ng mga bakla, Hindi ito tipong masyadong gwapo. Pero malakas ang karisma nito. Kaya madali lang niya mapapaakit ang babaeng magugustohan niya. Si Xnne naman ay isang birdbrained, pakitaan mo lang ito ng kabutihan, mapapalapit na siya sayo. Sa lahat ng bagay lage syang naiisahan, mahina ang utak. Isa siyang napaka tangang babae. Pero maganda si Xnne, matangkad din naman, Mapag mahal, mahina nga lang ang loob nito. Nagkita sila ni Dan sa isang grocery store, nadapa si Xnne at nahulog lahat ng bitbit niya, tinulongan siya ni Dan, at napang abot ang mga mata nila. Nagandahan si Dan sa kanya. sabay sabi "ahh, Miss pwde ko ba mahingi ang phone number mo?" Napatulala si Xnne "Huh? number ko? ahh ehh, sisisige, ahh sandali lng ha, kinuha ni Xnne ang cellphone niya sa bag at pinindot pindot ito. "Hindi ko kasi saulo ang # ko", nahihiyang sambit nito, na namumula na ang mga pisngi. "ako na!"sabay kuha sa cellphone ni Xnne sa kamay nito, idinial ni Dan ang cellphone number niya at nag ring ito. "ohh, ayan, nakuha ko na number mo". sabay balik sa kamay ni Xnne ang kanyang cellphone. Umalis si Dan sa harapan niya para magpatuloy na ito sa bibilhin niya, nandon parin si Xnne sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kong ano ang gagawin niya sa mga oras na yun. "kinuha niya ang number ko! magkakaroon nakami ng kontak" usal ni Xnne, parang kina kausap ang sarili. "Sandali?! kilala ko ba siya? but ko naman binigay sa kanya ang number ko?" naku! naman! ang tanga ko talaga!" sabay taas nguso na sabi ni Xnne. Hindi niya alam na nakatingin sa di kalayuan si Dan sa kanya, na napapangiti sa nakikita niya. Mapapa-ibig kaya si Dan ky Xnne na malayo sa ideal girl nanaka tatak na sa pusot-isipan nito.

esor101 · Realistis
Peringkat tidak cukup
17 Chs

13 Nahimatay

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng nagkita-kita sila ng mga kaibigan sa lumang gusali ng kanilang tagpuan noon, malayo ito sa paaralan nila, ito ay isang bakeshop na sikat noon, dahil sa isang di sinasadyang pangyayari ay nalugi sa isang investment scheme ang may-ari at iniwanan na ang bakeshop sa isang kapatid. Pero hindi rin nag tagal at umalis na rin ang kapatid. Hanggang lumipas ang panahon naging bakante ito at nilamon na ng mga damo.

"Ano nangyayari sayo Xnne?" takang tanong ni Marty. "Kanina ka pa tulala diyan! Si Dan na naman ba yan??!, hayss nakakasawa na yan ha!" ang sabi ni Marty na padabog na binaba ang bag sa lamesa ng kanilang pantry. Nabigla si Xnne sa ginawa ni Marty, napatingin siya dito at pumatak ang kanyang mga luha. "Pasensya kana Marty". biglang tumayo si Xnne na kinubli ang mukha at pinahiran niya gamit ang kamay niya ang mga luha na nag-uunahang dumadaloy sa kanyang mukha. Tatalikod na sana siya ay bigla siyang pinaharap ni Marty at niyakap.

"Ano kaba Xnne, lage ka nalang ba ganyan? bakit hindi mo nalang iwanan yang si Dan. Magsaya ka, unahin mo muna ang sarili mo"..

"Nakita ko siya Marty, pinuntahan ko siya sa opisina niya". Ang panimula ni Xnne na yumakap narin ky Marty. Hindi masyado maabot ni Xnne ang mga kamay dahil medyo may katabaan si Marty.

"Tapos?" ang tanong ni Marty, na tinanggal ang pagkakayakap ni Xnne, at pinapa upo niya ito ulit. Kinuha ni Marty ang upoang na sa kabilang lamesa na nakaharap sa upoan ni Xnne, dahil ito ang malapit, umopo siya dito at, hinawakan ang dalawang kamay ni Xnne. "Ano ang nangyari Xnne?" inip na tanong ni Marty na maypag-aalala dito. Tumahimik sandali si Xnne at tinanggal ang bara sa lalamunan. Pina inom siya ni Marty ng tubig na dala niya kanina.

"Huling araw namin nagkita, kumain kami sa isang magarang kainan. Simula non hindi ko na siya nakita, tinatawagan ko siya hindi niya sinasagot mga tawag ko. Nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko tatlong araw na ang lumipas, namimis ko na siya. Kaya pinuntahan ko siya sa opisina niya." at tumingin siya sa mga mata ni Marty at umiyak na naman siya.. "Ano, Xnne Ano ba nangyari?" kinakabahan narin si Marty at napapaiyak narin, dahil parang alam na niya ang nangyayari. Baka nakipag hiwalay na si Dan sa kanya. "Nakita ko! nakita ko" ang pa-ulit-ulit na bigkas ni Xnne at napakuyom ang mga kamay. Nagtataka si Marty. "Ano ba ang nakita mo? dritsohin muna ako Xnne, kasi ilang minuto nalang babalik na tayo sa trabaho at hindi pwede na ganyan ka.

"Uuwi muna ako Marty, hindi ko maayos ang trabaho ko ngayon." Kinuha ni Xnne ang bag at tatayo na sana siya ay pinigilan siya ni Marty. "Xnne, ano kaba! magagalit sa yo si Ma'am Anna.

"Hindi ko maayos ang trabaho ko Marty, magulo ang utak ko.."Mahinang sabi ni Xnne at hinanghina na ang katawan. "Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko sayo Xnne. Sarili mulang talaga ang dapat mong kapitan. Wag ka sana padala sa emotion mo. Mahalin mo ang sarili mo,---o shaaa sige ako na bahala mag sabi kay Ma'am Anna. Mag-ingat ka sa byahe at itext mo ako pagkarating mo sa bahay mo!"okay?!.

Makalipas ang ilang oras:

Nasa harapan ng opisina nila Dan si Xnne. Hindi siya sa bahay nila dumiritso. Pumasok siya sa loob at dumiritso siya sa powder room na itinanong sa gwardya kung saan ito banda. Inayos niya ang kanyang sarili, nag retouch at inayos ang buhok.

kumatok siya sa department nila Dan. Nakita siya ng secretary at "Yes?" tanong ng babae. "Ahh-- si Dan?" ang sabi ni Xnne. Nagtaka man ang secretary dahil nag Dan lang ito sa boss nila. "Ahh, sino po sila?" "Ako ang nobya niya" sagot ni Xnne na parang nagdadalawang isip kung tama ba ang sinabi niya dahil baka nakita na nila yong babaeng nakita niya na kayakap ni Dan sa may parking lot.

"Ahh..-- kayo po ba si Ma'am Franz? ngiting tanong ng secretary at "halikayo Ma'am, ihahatid ko po kayo ky Sir Dan" Ang sabi ng babae na nakangiti. Nauna ang babae sa paglalakad, napahinto siya sandali kasi hindi pala sumunod si Xnne sa kanya.

Biglang nabingi si Xnne sa tawag ng babae sa kanya "Franz?" tanong niya sa isip niya. Nanlalamig ang kanyang mga kamay na dumaloy sa kanyang buong katawan para siyang lumulutang. Matutumba ata siya. "Nahihilo ako" ang tanging nabigkas ni Xnne at tuloyan siyang nawalan ng malay.

Napasigaw ang secretary at ang ibang taong nakakita.

"Ano yon?? takang tanong ni Dan na lumabas sa kanyang room. May narinig kasi siyang sumigaw.

"Sir! ang nobya nyo pong si Ma'am Franz, nahimatay po!"ang sabi ng secretary.

Nagtataka man ay pinuntahan ni Dan ang babaeng sinasabi ng secretary. Nakita niya ito na naka-upo na sa isang upoan at pinapaypayan ng mga ka opisina ni Dan. Pag lapit niya.. "XNNE!! laking gulat ni Dan". Pinaalis niya ang nagpapaypay at iba pang mga tao. "Bumalik na kayo sa mga trabaho nyo" ang utos ni Dan. Kinarga niya si Xnne at pinasok sa loob ng opisina niya. "Wag kana sumabay sa loob" ang sabi niya sa secretary na sasama sana sa loob para tulungan si Dan. "At wag ka munang magpapasok ng tao". Ang utos pa niya. "Okey po Sir!"