webnovel

BIRDBRAINED

"Dan! mahal mo ba ako o ginagamit mo lang ako para makalimot ka sa nakaraan mo!" "Pwede ba Xnne, tama na ang katatanong mo niyan!" nagagalit na sambit ni Dan. Si Dan ay isang Inhinyero na medyo mapaglaro sa mga babae. Makisig ito, matangkad at lapitin ng mga bakla, Hindi ito tipong masyadong gwapo. Pero malakas ang karisma nito. Kaya madali lang niya mapapaakit ang babaeng magugustohan niya. Si Xnne naman ay isang birdbrained, pakitaan mo lang ito ng kabutihan, mapapalapit na siya sayo. Sa lahat ng bagay lage syang naiisahan, mahina ang utak. Isa siyang napaka tangang babae. Pero maganda si Xnne, matangkad din naman, Mapag mahal, mahina nga lang ang loob nito. Nagkita sila ni Dan sa isang grocery store, nadapa si Xnne at nahulog lahat ng bitbit niya, tinulongan siya ni Dan, at napang abot ang mga mata nila. Nagandahan si Dan sa kanya. sabay sabi "ahh, Miss pwde ko ba mahingi ang phone number mo?" Napatulala si Xnne "Huh? number ko? ahh ehh, sisisige, ahh sandali lng ha, kinuha ni Xnne ang cellphone niya sa bag at pinindot pindot ito. "Hindi ko kasi saulo ang # ko", nahihiyang sambit nito, na namumula na ang mga pisngi. "ako na!"sabay kuha sa cellphone ni Xnne sa kamay nito, idinial ni Dan ang cellphone number niya at nag ring ito. "ohh, ayan, nakuha ko na number mo". sabay balik sa kamay ni Xnne ang kanyang cellphone. Umalis si Dan sa harapan niya para magpatuloy na ito sa bibilhin niya, nandon parin si Xnne sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kong ano ang gagawin niya sa mga oras na yun. "kinuha niya ang number ko! magkakaroon nakami ng kontak" usal ni Xnne, parang kina kausap ang sarili. "Sandali?! kilala ko ba siya? but ko naman binigay sa kanya ang number ko?" naku! naman! ang tanga ko talaga!" sabay taas nguso na sabi ni Xnne. Hindi niya alam na nakatingin sa di kalayuan si Dan sa kanya, na napapangiti sa nakikita niya. Mapapa-ibig kaya si Dan ky Xnne na malayo sa ideal girl nanaka tatak na sa pusot-isipan nito.

esor101 · Realistic
Not enough ratings
17 Chs

Chapter 14 Hindi hahayaan

"Xnne? xnne? gising?." pukaw ni Dan.

"Hon?." sabi ni 'Xnne.

"Anong ginagawa mo dito? at bakit ka nahimatay?

"Binibisita lang kita, hindi mo na kasi ako tinatawagan, tapos palaging patay ang cellphone mo" malumanay na sagot ni Xnne na papaiyak na. Naalala niya ang nakita niya sa parking area at sa sinabi ng secretary na Franz. Naka upo sa isang tatlohang sofa chair si Xnne, may isang buhay na tanim sa kanang bahagi ng sofa, sa kabila na man ay isang 1 meter na cabinet ang haba at na sa hanggang baywang ni Dan ang taas nito. Marami itong drawer. Sa harap ng sofa mga dalawang metro ay ang table ni Dan at mayron itong isang upoan sa harap. Sa Likod ni Dan ay may nakalagay sa wall na mga kwadrong mga license ng companya at kung ano ano pa. Sa table ni Dan ay may isang latop at mga documents. sa gilid niya ay ang isang telephone.

"Ohh, ito inomin mo to? kumain kana ba? baka gutom ka at pagod kaya ka nahilo.." pina-inom nya si Xnne ng tubig at pumunta siya sa telephone at nag dial. "Cho, omorder ka ng pagkain" at sabay baba ng telepono hindi na niya inintay ang sagot ni Cho. May sasabihin pa sana ito pero hindi na natuloy. Biglang bumukas ang pinto, may isang babae ang pumasok.

Naka talikod si Dan kaya hindi niya agad nakita, pero si Xnne ay nanlalaki ang mga mata "Alam ko na kung san ko nakita ang babaeng ito" sa isip ni Xnne, mula ng makita niya ito sa parking lot ay pilit inaalala ni Xnne kung san niya nakita ito. Ngayon alam na niya ito yung babaeng nakita nya sa Airport.

Bigla niyang niyakap sa likod si Dan at sabay sabi na "Hi love, sorry ha pinuntahan nakita, kasi naiinip na ako sa bahay, saka magkikita naman tayo mamaya kaya na isip ko na puntahan ka nalang--heheh" ang palambing na sabi ni Franz. Napalaki ang mata ni Dan dahil nabigla siya sa ginawa ni Franz. Tiningnan niya sa upoan si Xnne. Nakita niya ang pagkabigla ni Xnne, nawawalan ng kulay ang mukha nito. Biglang tinanggal ni Dan ang mga kamay ni Franz na nakayakap sa kanya at humarap siya dito. Bigla siyang hinalikan sa labi ni Franz. Natulala si Franz. Bigla niya itong na itulak at nagtaka si Franz sa ginawa ni Dan. Napansin niya na may tao pala sa sofa. "At sino naman siya?" turo ni Franz ky Xnne. "Wag mong sabihing isa sa mga laroan mo?hahaha" tawa ni Franz.

Hindi na makayanan ni Xnne ang mga nangyayari, parang masusuka na siya at ang sakit sakit na ng puso niya, nanlalamig na ang buo niya katawan, hindi na siya makapag-isip ng maayos, parang lalamunin na siya ng lupa. Gusto niyang sabunotan ang babae, gusto niyang sampalin si Dan.

"Nagmamakaawa ako Panginoon ko! tulungan niyo po ako, ano bang pagsubok ito!" tanging usal ni Xnne na siya lang ang nakakarinig, habang nakatingin sa mga paa ng dalawang taong nasa harapan niya.

Hinawakan ni Dan ang isang braso ni Franz at hinila ito palabas. "Mamaya na tayo mag-usap" bulong nito at binuksan ang pinto at muling sinara pagLabas ni Franz.

"Hon, ahhh magpapaliwanag ako.." sabay tabi sa upoan ni Xnne. Hinawakan niya ito sa mga kamay. "Ang lamiglamig ng mga kamay ni Xnne" sa isip ni Dan. Hindi sumagot si Xnne sa sinabi ni Dan. Nakatingin lang ito sa baba at hindi ito gumagalaw.

"Hon, si Franz yung babae, magkaibigan na kami since college, barkada, at nagkasabayan kami nung nagpunta ako sa China at--- nasanay na ako na ganon talaga siya sa akin, actually sa lahat ng barkadang lalaki ganun talaga siya....---" paliwanag ni Dan.

"Gusto kong paniwalaan ka Dan---(singhot) tumulo na mga luha ni Xnne. "pero parang hindi kayo magkaibigan lang tingnan---"ang iyak ni Xnne na tumingin siya sa mga mata ni Dan. Mahinang mahina na si Xnne, parang hindi na niya magalaw pa ang katawan niya kahit mga kamay niya ayaw gumalaw.

Niyakap siya ni Dan ng mahigpit--- "Ano ba to? nasasaktan ang puso ko" ang sabi ni Dan sa sarili. Ayaw niyang nakikitang umiiyak si Xnne.

"Tahan na---, pangako hindi kuna hahayaang makalapit pa sa akin si Franz" Ang tanging nasabi ni Dan ky Xnne para mawala ang sakit ng mga nararamdaman nila.

tuluyan ng humagulhol sa iyak si Xnne. At yumakap narin siya ky Dan. "Bahala na, basta ayaw kong mawala sa akin si Dan, hindi ko kakayanin..-- Paniniwalaan ko siya hanggang sa aking huling hininga!" ang tanging sigaw ng isip at puso ni Xnne.

Hindi ko hahayaang paghiwalayin kami ng babaeng yun!.