webnovel

Bintang (Accused)

The world is so unfair. Ito na ang kaniyang naging paniniwala simula noon. Hindi totoo ang tinatawag na patas. Alin lang sa dalawa, manglalamang ka o malalamangan ka. Mang-aapi ka o magpapaapi ka. Mananaig ka o magpapadaig ka. Sa lahat ng ito, isa lang ang kaniyang pinaninindigan… hinding- hindi na siya ang lalabas na kaawa-awa katulad noon kundi siya na ang hihingan ng awa.

constancia_23 · Realistis
Peringkat tidak cukup
28 Chs

Probable Cause vs Reasonable Suspicion

"So you are telling me, Officer Manansala that you'll be filing a case of first degree murder to a certain Benjie dela Cruz with no substantial evidence?"

Napatingin siya kay Fiscal de Mesa ng sabihin ito. Kasalukuyang nasa ibabaw ng mesa nito ang case folder ng kaniya sanang i-fifile na kaso. Ngunit tila hindi kumbinsido ang fiscal sa nilalaman niyon. Kasama niya sa Office of the Prosecutor ang ina ng biktima. Ito ang tumatayong complainant ng kaso. Samantalang si Mel naman at ang kasambahay na si Aling Yolly ay kasama rin bilang mga saksi. Sapagkat ipinasya ng pamilya na maihatid muna sa huling hantungan si Mady bago nagdesisyong magsampa ng kaso kung kayat nauwi na ito sa regular filing ngunit tila ma-didismiss pa agad dahil sa kawalan ng sapat na ebisensya laban sa nasasakdal.

Sa lumipas na mga araw, nagkaroon din siya ng panahon upang makakuha pa ng ibang ebidensyang magdidiin sana sa suspect. Subalit tila inaalat siya. Ang kuha kasi ng CCTV ng subdivision sa sasakyang naghatid kay Mady noong minsang may maghatid dito sa kanilang bahay ay napakalabo. Hindi rin nito nahagip ang plate number ng sasakyan kung kayat ng magtungo siya sa LTO ay hindi na siya nagtaka ng sabihing nasa halos isang libo ang nakarehistrong sasakyan na tulad nito. Kahit pa kinumpirma ng kasamahan nitong si Mel na black Toyota Vios nga ang sasakyan nito ay hindi pa rin ito masasabing ganap na makapagdidiin sa suspek dahil nga sa hindi malinaw na kuha ng CCTV.

Nang magkausap naman sila ng kasambahay ng pamilya ng biktima at maipakita niya rito ang larawan ni Benjie ay tila hindi ito sigurado kung iyon nga ang nakitang nitong lalaking kasama ng amo. Hindi daw gasinong maliwag sa labas noon kung kayat hindi niya masyadong nakita ang hitsura nito. Isang bagay na ipinagpapalagay din ng piskal na hindi isang reliable witness.

"Pero fiscal, iyon pong statement po ng isa ko pang witness," sabi ni Francis sa piskal na ang tinutuloy ay ang sinumpaang salaysay ni Mel. "I think their is sufficient ground to hold the respondent for trial."

Bahagyang tumango ang kausap niya. "Probably, but it has nothing to do with the crime itself." sagot nito. "Yes, perhaps you can testify that they have an intimate relationship but still it is not admissible to the crime."

Napabuntong- hininga siya. Hindi maaaring hindi maisampa ang kaso laban kay Benjie. Alam na alam niyang ito ang may gawa ng mga pagpaslang. If he is not guilty, why did he run away the morning after the crime. Hindi na rin ito pumasok sa trabaho ayon kay Mel simula ng maganap ang krimen. Higit sa lahat, pangatlong trainee na nito ang napaslang. Sino pa ba ang ibang maaaring may kinalaman sa krimen?

Magkakatabi silang nakapalibot sa mesa ng piskal kayat naririnig din ng mga kasama niya ang sinasabi ng piskal.

"Hindi pa ba sapat na ebidensya na ang idedemanda ko ay isang taong nagkaroon ng tatlong kliyenteng namatay sa magkakatulad na paraan? Siya lang ang taong bukod tanging may koneksyon sa mga biktima?"

"Mrs. Cortes, iba po ang reasonable suspicion sa probable cause." sagot nito. " Pero sige, I will issue a subpoena to the respondent for his counter- affidavit. Then I will prepare a resolution to be forwarded to the city prosecutor."

"Salamat po piskal." sabi niya.

"Bit to tell you frankly, may posibilidad ma- dismiss lang din ang kaso later on if we go on with the trial."

Hindi siya sumagot. Tila suntok sa buwan ang kasong isinampa nila.

-oOo-

"No Benjie, sorry pero hindi na kita tatanggapin." sabi ni Mr. Jimenez na matapos ang dalawang linggo na hindi nagpapakit sa kaniya ito ay heto't bigla na lamang sumulpot.

"I"m sorry for not informing you sir pero nawala lang talaga sa isip ko. Naging kritikal ang kalagayan ng mother ko, dinala namin siya sa ospital pero hindi rin nagtagal namatay siya. Then all of a sudden, ang dami kong dapat intindihin, magmula sa puninarya, hanggan sa pagbuburulan hanggang sa paglilibingan."

Nakatingin lamang sa kaniya ang boss niya. Kinailangan niyang maging convincing sa pagpapaliwanag kayat pinanatili niyang kalmado ang sarili at mahinahon kahit pa kinakikitaan niya ang amo na parang tila hindi ito mapakali sa pakikipag- usap sa kaniya. Malamang na iniisip nitong may kinalaman siya sa pagkamatay ni Mady kaya hindi siya nakapag- paalam dito at nawala agad.

"I don't know Benjie but I can't accept your reasons for not showing up or just call me to inform what happened."

"Sir paki-usap naman. I know you might be thinking that my diappearance has something to do with Mady but-"

"No Benjie this has nothing to do with what happed to Ms. Cortez" sagor nito bagaman napakalakas ng kutob nito na may kinalaman ang dating staff sa insidente. "This is about your being unprofessional with your job that's why I fired you."

Hindi na siya sumagot. Alam niyang wala na rin siyang magagawa pa sa desisyon ng kaniyang boss.

"Now that we have settled this, I have to go to do something else." sabi nito saka mabilis na umalis.

Naiwan siyang mag-isang nakaupo sa couch sa lobby. Bagsak ang balikat na lumabas siya ng gym. Hindi naging epektibo ang kaniyang pagpapalusot sa amo. Nagbakasakali lang naman siya. Ngunit may agam- agam na rin siyang hindi na siya muli pang tatanggapin nito. Siguro nga'y kailangan na niyang humanap ng ibang mapapasukan. Lingid sa kaalaman niya ay agad na ipinagbigay- alam nito kay Francis ang pagtungo niya sa establisimento.

-oOo-

"Look whose back." sarkastikong bigkas ni Francis ng pagbuksan ng pinto ni Benjie.

Ipinasya nitong agad tumungo sa tinutuluyan niyang condo unit ng makatanggap ng impormasyon mula kay Mr. Jimenez at hindi naman ito nabigo ng maabutan siya roon. Nagpanggap siyang tila nagtataka kung bakit ito biglang napasugod sa bahay niya. Na animo'y wala siyang ginawang karumal- dumal na krimen. Hindi siya nagpakita ng anumang kaba o takot sa harap nito. Muli, inaral na niya ang dapat na maging reaksyon sakaling mayroon ngang pulis na mag- iimbestiga aa kaniya.

"Come in, Officer." sabi niya.

Pumasok ito saka iniabot sa kaniya ang nakaluping papel. "Subpoena mo galing sa korte."

Buong akala niya'y nag-seserve na ito ng warrant pero hindi pala. Tila nakakunot ang noo niyang binasa ang nilalaman ng nasabing subpoena. Naisampa na pala ang kaso laban sa kaniya ilang araw na ang nakakalipas at ngayong nga'y kailangan niyang magbigay ng counter- affidavit hinggil sa kasong kinakaharap. Minabuti niyang umastang inosente. "Para saan 'to? Hindi ko maintindihan..."

Sa hitsura ng pulis ay parang gusto na nitong mapikon sa inaakto niya. Na nagmamaang- maangan siya sa isang bagay na alam nitong siya talaga ang may kinalaman.Ngunit hindi siya magpapasilo dito. Benjie knows how Francis plays mind games. And he knows exactly how to outsmart him.

"Huwag mo sabihing hindi mo alam ang nangyari kay Ms. Cortes, Benjie. Kasama ka niya 'di ba?"

"What?!"

"Magkasama kayong nagtraining noong umaga bago pinaslang si Mady ng gabi ring iyon. Walang pinagkaiba sa iba mo pang nakasama..."

"Ano, ?! Parang may ibig kang sabihin..." sabi niya. "Pinagbibintangan mo ba ako sa mga nangyari sa kliyente ko?"

Sa totoo lang hindi na nila nagawang umupo pa sa couch na naroon. Nag-uusap sila ng nakatayo at nakaharap sa isa't- isa. Hindi nalalayo ang hitsura nila sa dalawang boksingerong sumasailalim sa weigh-in the night before the event.

"Ikaw ang nagsabi niyan." sagot naman nito. "Bakit Benjie, hindi ba, may relasyon kayo ni Mady? And please don't tell me your old lines, I am just her trainer blah, blah, blah.."

Tila naningkit ang tingin niya rito. "You are definitely accusing me, Officer. Well, do you have any proof to justify my guilt if there's any?"

"The day after the incident, bakit biglang parang naging missing in action ka? Umalis ka dito tapos hindi ka na rin pumasok. Bakit, nagtago ka ba Benjie?"

"No," mabilis niyang sagot. "Nagpunta ako sa Angono para makita ang nanay kong may sakit na lung cancer. Malala na ang lagay niya during that time kaya kinailangan kong magtungo doon. And then eventually namatay nga siya that's why I have to stay there until she was laid to rest."

Itinuturing niyang blessing in disguise ang pagkamatay o mas tamang sabihing ang "pagpatay" niya sa ina. Dahil kasi dito ay tila may nagiging alibi siya kung bakit siya hindi matagpuan nitong mga nakaraang araw.

"Don't make a fool out of me." anito. "You're never gonna make out of this mess..."

"Huh,!" sagot niya. "I know how frustrating it is not to arrest the suspect of the cases you'ved been handling officer but please refrain from blaming me..."

"Whatever. Magkita na lang tayo sa korte." wika nito saka lumingon pang muli sa kaniya. "Who knows, baka sa susunod na punta ko dito, warrant na ang dala ko."

Hindi na siya sumagot pa sa sinabi nito. 'Lang kuwenta, sa loob- loob niya.

Hinawakan na nito ang door knob ng magpahabol pa ng mga kataga. "Tandaan mo Benjie, what goes around comes around."

Kusa itong lumabas ng pinto ng walang paalam. Sa kaniyang pag-iisa ay doon na niya inilabas ang inis sa dumating na pulis. Ginuyumos niya ang papel na binigay nito saka inihagis sa kung saan.

"F--k you. Matapang ka kasi may baril ka. You can't put me behind bars, mark my words..." aniya saka kumuha ng serbesa sa fridge.

Umupo siya sa couch saka muli na namang kinausap ang sarili. "Eh ano naman kung tatlong kliyente ko na ang mga namatay, I can make it more..."

Naging sunod- sunod ang paglagok niya sa hawak na alak. Hanggang dumako sa kalendaryong nakasabit sa dingding ang kaniyang pansin. Malapit na pala ang kaniyang kaarawan. Bihirang- bihira niya itong ipagdiwang dahil sa kaabalahan sa trabaho. Pero ngayon na wala na siyang pinagkakaabalahan, pwedeng- pwede na niya itong i-celebrate. Naisip niya tuloy ang isang kaarawang katatapos- tapos lang. Napaisip siya. Ano kayat ang babae naman ang kaniyang imbitahan sa kaniyang kaarawan. A big idiot smile plastered on his face as he mumble to himself.

"Why not,...yeah, why not...."

Kinuha niya ang cellphone na nasa ibabaw ng maliit na center table. Agad tinawagan si Joyce. Matagal- tagal na rin niya itong hindi nakakausap na halos mag-iisang linggo na rin. Ang huli nilang pag- uusap ay ng ipaalam niya rito na namatay na ang kaniyang ina. Naghatid ito ng pakikiramay ngunit hindi na nagawang magtungo pa sa burol bungsod ng trabaho nito.

"Hi, how are you?" bungad niya rito.

"I'm good." magiliw na sagot nito. "Ikaw, nakabalik ka na ba ulit dito sa Manila?"

"Yeah.Uhmm, gusto lang sana kitang yayaing lumabas sa Friday..."

Hindi agad ito nakasagot. Marahil ay iniisip nito na may pasok pa kinabukasan kaya baka nagdadalawang- isip ito. Pero malakas ang pakiramdam niyang hindi siya nito matatanggihan.

"Birthday ko kasi..."patuloy niya. "Gusto sana kitang makasama..."

"Ow,well, birthday mo pala, hindi mo agad sinabi." tila nabigla na sambit nito. "Okay, I guess hindi ako pwedeng tumanggi niyan kasi ininvite din kita 'nung birthday.ko..."

"No, if you have much more important things to do okay lang naman, no pressure."

"Hindi, wala naman. Ikaw pa ba mapapahindian ko, eh malakas ka sa akin."

Tumawa siya sa sinabi nito. Alam niya sa pagkakataong ito, sobrang nahulog na ang loob ng babae sa kaniya dahil na rin sa mga pagpapanggap na kaniyang ipinamalas dito. Madali na niya itong mapapasakay sa kaniyang mga balak. It's payback time, Joyce, nausal niya sa sarili.