webnovel

Bintang (Accused)

The world is so unfair. Ito na ang kaniyang naging paniniwala simula noon. Hindi totoo ang tinatawag na patas. Alin lang sa dalawa, manglalamang ka o malalamangan ka. Mang-aapi ka o magpapaapi ka. Mananaig ka o magpapadaig ka. Sa lahat ng ito, isa lang ang kaniyang pinaninindigan… hinding- hindi na siya ang lalabas na kaawa-awa katulad noon kundi siya na ang hihingan ng awa.

constancia_23 · Realistic
Not enough ratings
28 Chs

Pull The Plug

Bagaman hindi naman talaga siya nag- aalala sa ina ay ipinasya niyang magtungo na sa Angono. Hindi upang makita ito ngunit upang hindi na siya kulitin pa ng mga kapatid. Sa pagkakataong ito, ayaw niya ring magkaroon pa ng sama ng loob ang mga ito sa kaniya. Hindi sa panahong ito sapagkat alam niyang hindi maayos ang direksyon ng kaniyang buhay sa ngayon. Wala siyang hanapbuhay at malamang na pinaghahanap na siya ng mga kinauukulan. Walang ibang magmamalasakit sa kaniya ngayon kundi ang mga kapatid.

Hindi siya agad dumiretso sa ospital kung saan naka- admit ang ina. Kumuha muna siya ng isang magandang tulog sa kanilang bahay dahil sobra siyang napagod sa pagsama kay Joyce sa Laguna. Physically and mentally drain siya. Dahil bukod sa pagmamaneho at pagtulong doon ay kinailangan din niyang magkunwari sa pakikitungo sa mga tao doon. Ito'y sa layunin niyang ganap na malinlang si Joyce sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan dito. At matagumpay naman niyang naisakatuparan iyon.

Kinaumagahan, naisip niya ang mga kapatid na magdamag nagbantay sa ina. Udyok ng malasakit sa mga ito kayat ipinasya na rin niyang pumunta sa ospital.

"Sige na, umuwi na muna kayo para makapagpahinga kayo." aniya sa kaniyang mga kapatid ng makita ang mga ito.

Alas- otso ng umaga ng masapit niya ang ospital. Sa labas ng nasabing silid ay naroon ang kaniyang mga kapatid na nakaupo sa nakalaang mga bangko para sa mga bantay ng pasyente. Pinagsuot siya ng mga ito ng gown, gloves at face mask upang makita niya ang ina sa loob ng kuwarto. Kitang - kita niya ang pagod at puyat ng mga kapatid. Sa totoo lang mas nag- aalala siya sa kalagayan ng mga ito kaysa sa inang may sakit.

"Salamat kuya at dumating ka." sabi ng kaniyang bunsong kapatid na si Neneth. "Conscious naman si mama kaya sigurado akong matutuwa iyon pagnakita ka."

'Hindi ka sure' sa loob- loob niya. Tumango na lamang siya sa sinabi nito. Ilang sandali pa'y tuluyan na nga siyang iniwan ng mga ito.

Nang mapag-isa na ay marahan niyang itinulak ang pinto ng silid upang ganap ng pumasok. Sa paglapat ng kaniyang paa sa loob ng ICU ay tila ba nanibago ang kaniyang pakiramdam. Its not because he has the fear of being in a hospital but rather the mere place where he is right now. The confinement in the four walls of the room makes him feel a little bit strange. Para sa kanya mistulang portal ito patungo sa kabilang buhay. Na parang dito kadalasang nararanasan ang 'near- death' experience ng ilan.

"Ughhh..."

Isang ungol sa kaniyang bandang kaliwa ang bumasag sa katahimikan ng silid. Nakaratay ang kaniyang ina sa isang bahagyang naka-recline na kama. Sa gilid nito ay may ventilator na direktang nakakabit sa lalamunan nito samantang samutsaring maliliit na tubo pa ang nakakabit naman sa magkabilang kamay nito. Ang mabilis na paghinga nito ay kapansin- pansin. Gayundin ang pamumutla ng kupis ng balat.

Tila half conscious ito. Hindi nito namamalayang iilang hakbang na lamang ang layo niya mula rito. Pinagmasdan niyang maigi ang mukha nito. Humpak ang mga pisngi. Malalalim ang mga mata. Upaw na rin ang ulo nito na posibleng dulot ng pagsasailalim sa chemotheraphy. Para bang hinang- hina ito sa pakitingin niya. Wala na ang dating mabalasik na anyo nito kapag nagagalit sa kaniya. Ang lakas at puwersa nito sa bawat paghagupit sa kaniya noon ay pinalitan ng tila nalalanta nitong katawan. Ang bibig nitong noo'y daig pa ang armalite kung rumatsada sa kaniya ng mura ay ngayo'y tikom at nanunuyo. Malayong- malayo na nga ang hitsura nito mahigit isang dekada na ang nakararaan.

Gayunpaman, wala siyang nararamdamang habag sa kalagayan nito ngayon. Para bang pinatigas na ng panahon ang kaniyang puso at wala na itong nararamdang anumang emosyon. Ni hindi man lamang siya makaramdam ng kahit munting kurot sa kaniyang dibdib. Wala ring ang konsensyang karaniwang bumubulong na maaaring mag- utos sa kaniyang yakapin ang ina.

Ang inang nagsilang sa kaniya sa mundong ito upang sa kaniyang paglaki ay padanasin siya ng labis na kalupitan. Ang inang hindi man lang dininig ang bersyon niya sa lahat ng pagbibintang na inakusa sa kaniya. Ang inang walang pakialam sa kaniyang damdaming nasasaktan na patuloy na naghihimagsik hanggang sa ngayon dahil sa kawalan ng katarungan sa mga karanasan noon.

Ilang saglit pa'y tila nakaramdam ito na may nakamasid sa kaniyang pagkakahimlay. Dahan- dahan itong nagmulat ng mata na para bang napakabigat iangat ng mga talukap nito. Sinimulan nitong ilibot ang mga mata. Nang maaninaw ang taong kasama sa silid ng mga nanlalabong mga mata ay pinakatitigan siya nito.

"Hindi mo na ba ako naaalala, " bungad niya. Inalis niya ang mask na tumatakip sa parte ng kaniyang mukha upang mas maaninaw siya nito. "ako iyong paborito mong anak..."

Nakatingin itong maigi sa kaniya. Paano pa nga ba siya nito matatandaan pa ay halos isang dekada na siya ritong hindi nagpapakita. Simula kasi ng magkaroon na siya ng sariling hanap-buhay noon ay bumukod na siya ng tirahan. Iniwan niya ito at ang mga kapatid upang mamuhay ng mag-isa bagaman patuloy siyang nagpapadala ng sustento sa mga ito. Wala siyang pinanghihinayangan sa mga naging pasya sa buhay sapagkat doon siya nagkaroon ng kalayaan. Kalayaan mula sa taong ang pinamulat na disiplina sa kaniya ay ang kamay na bakal.

"Sige, magpapakilala ako sa iyo para maalala mo ko," patuloy niya. " Ako 'yung pinalo mo noon ng hanger kasi nagsumbong sa'yo si Tita Vicky na inaway ko iyong anak niya. Nasugat pa nga ng kawit ng hanger 'yung dibdib ko n'un."

Salubong ang kilay nito na pilit pa ring inaaninaw ang hitsura niya. Marahil ay dala ng mga gamot na iniinom nito o ng katandaan na rin kung kayat hindi siya mamukhaan nito.

"Ako rin iyong sinuntok mo kasi nagsumbong sa'yo si Aling Anna na sinira ko iyong planggana nila. Sabog ang ihi ko nun, ha!"

Mababakas na sa mukha nito na tila nagbabalik na ang alaala nito. Nanlaking bigla ang mga mata nito ng mapagtanto kung sino siya.

"Oops, Oops, teka meron pang isa," aniya. "Ako rin iyong pinaghahampas mo ng isang daang ulit ng sinturon sa puwit 'nung aksidenteng maitulak ko 'yung kaklase ko sa hagdan, dalawang linggo rin akong hindi mo binigyan ng baon n'un!"

Pigil man ang panginginig ng kaniyang imik ay alam niyang nagiging garalgal na ang kaniyang boses habang nagsasalaysay. Sa pagbabalik kasi ng alaala ay hindi niya maiwasang mapuno ng pagkapoot ang kaniyang dibdib sa mga dinanas na paghihirap sa sariling ina.

"B- Bbenjie..." usal nito.

"Oo ako nga." nakakalokong sagot niya. "Sabi ko na, matatandaan mo 'ko."

Tila nagpupumilit na gumalaw ang kaniyang ina mula sa pagkakahiga nito. Hindi niya masabi kung gusto nitong umupo o lumapit sa kaniya upang yakapin. Pinigilan niya ito sa paggalaw.

"Oh, wag ka ng malikot, wag ka ng bumangon."

Tila nadinig naman siya nito sa kaniyang sinabi kayat muli nitong inilapat ang bahagya ng naiaangat na ulo sa kama.

"Siguro kahit isang kamay mo ngayon, hirap na hirap kang iangat, ano?" sarkastikong tanong niya rito. "Alam mo ang tawag d'yan, karma,..."

Napapikit itong todo sa sinabi niya saka bahagyang umiling. Para bang hindi nito matanggap na pinagsasalitaan siya ng ganoon ng panganay na anak. Sa pagmulat nitong muli ay tila ba nangilid ang namumuo ng luha sa gilid ng mga mata nito. Ngunit hindi nagpatinag si Benjie sa pangmumukha sa ina.

"Ewan ko ba kung bakit ang bigat-bigat ng loob n'yo sa akin noon, siguro dahil ako ang pinaka- kamukha ni papa kaya galit na galit ka sa akin, 'no?"

Walang namutawing sagot mula sa kaniyang kausap bagkus ay muli itong umungol na para bang napapaiyak.

"Tama ako 'di ba? Galit na galit ka, kasi sa tuwing nakikita mo ko, naaalala mo si papa. Na matapos kang buntisin at bigyan ng tatlong anak, ay iiwan ka lang na parang basahan!"

Tuluyan na ngang napaiyak ang matanda sa mga tinuran niya. Bumagtas ang mga luha nito sa mata pababa sa lubog na nitong pisngi. Ngunit hindi natinag si Benjie sa pag- alipusta sa ina.

"Alam mo sa totoo lang, kasalan mo rin, eh. Kasi malandi ka, kukuha ka rin lang ng aanak sa'yo, may asawa pa ang pinili mo!"

Sunod- sunod na nga ang naging pag-ungol nito. Tuloy- tuloy na din ang naging pagluha bungsod ng mga salitang nanggaling mismo sa anak nito. Mga salitang hindi nito kayang lunukin kahit pa may bahid ng katotohanan. Napakasakit marahil tanggapin para sa isang ina na napagwiwikaan ng ganito ng kaniyang sariling anak.

"Bbenjie, pa- patawad-" sinubukan nitong umimik ngunit pinutol din siya agad ni Benjie.

"Teka, teka, hindi pa ko tapos..." dagdag nito. "naniniwala ka ba, na parusa sa'yo itong sitwasyon mong ngayon?"

Hindi ito sumagot bagkus ay sunod- sunod na hikbi ang naging tugon nito sa kaniya.

Lumapit siya sa tenga nito upang mas lalong maging malinaw sa pandinig nito ang mga susunod niyang sasabihin. Itinapat niya mismo ang bibig sa kaliwang tenga nito.

" You know, this is what I always pray for. And Im so glad that God did answer my prayer. You know what that is? Im praying that you suffer with much of excruciating pain and then die!"

Mas lalong lumakas ang ungol na lumalabas sa bibig nito matapos marinig ang tila isang sumpang binitawan niya. Mas naging mabilis pa ang hindi na normal na paghinga nito. Bakas ang sobrang paghihirap na pinaglalabanan nito. Bahagya na ring nanginginig ang katawan nito. Hanggang sa naging tuloy - tuloy na ang pagtulo ng luha nito.

"Shhh, shhhh! Ang ingay mo naman, tahimik!" gigil niyang saway sa paghihinagpis ng ina.

Maya- maya pa'y isa-isa niyang sinuri ang mga aparatong nakakabit sa ina. "Alam mo Rose sa totoo lang, wala akong trabaho ngayon...."

Tinapunan niya ng tingin ang walang imik na ina saka nagpatuloy sa pagsasalita. "And the bills keep on coming in. You know the usual, utility bills, phone bills, etcetera..."

Nanatili itong hindi sumasagot sa kaniya. Nakatingin lamang ito habang siya'y daig pa ang nurse sa pagsusuri ng mga makinang nakakabit dito.

"Tapos ngayon medical bills pa. Do you have any idea how much it cost staying in this ICU per day?" tanong niya na siya rin naman ang sumagot. " It could range from 3,000 to 5,000 pesos. I know, its expensive..."

Muli ay hinarap niya ang ina. " Isa pa, alam mo ba, kung gaano kalaking abala ang naidudulot mo sa mga kapatid ko? Malaki Rose, kasi, imbis na nakakapaghanap-buhay na sila, hindi, kasi alagain ka! Wala kang silbi!"

Sa pagkakasabi niya nito ay muli na namang nanangis ang kaniyang ina. Halatang naghihirap ang kalooban nito sa mga naririnig. Ngunit hindi pa rin nagpaawat si Benjie sa kaawa- awang sitwasyon ng ina.

"Kaya naisip ko... na tapusin na lang ang paghihirap mo..." sabi niya habang nagtungo sa plug socket na pinagsasaksakan ng ventilator na nakakabit dito.

Doon na mas tumindi ang pag- iyak nito. Tingangka nitong magmakaawa sa kaniya habang pilit ibinabangon ang sarili sa kama."B-benjie h'wag,..." usal nito.

"No,no,no, 'wag ka na kasing bumangon, just relax... take a deep breath and then close your eyes..." sabi niya rito habang kasalukuyan ng hawak ang plug ng nasabing aparato. "You know Im giving you a big favor Rose, pasasalamatan mo ko someday dahil ginawa ko 'to,... see you in the after life,..."

Without any warning he pull the plug. It took only few seconds until his mother grasp for breath. Ngunit dahil sanay na siyang makakita ng mga taong nagaagaw- buhay ay tila balewala na sa kaniya ang nasasaksihang paghihingalo ng ina. Hindi nagtagal ay tuluyan na itong nalagutan ng hininga. Bigla rin niyang napansin na ang urine bag na nakakabit rito ay dinaluyan ng ihing inilabas nito . Marahil sa sobrang paghihirap ay napaihi ito. May naalala tuloy siyang insidente na katulad na katulad nito. Ang insidenteng nagpahiya sa kaniya sa maraming tao.

"You deserved it Rose, you really deserved it..." huli niyang nasabi bago nilisan ang silid.