Chapter Eighteen
BETRAYALS AND REVELATIONS
[WIN]
PAPAAKYAT NA kami sa second floor. Bakit? Para kumuha ng mga gamit para labanan ang aming sarili. Sabi ni Katherin ay may mga kutsilyo daw sa taas kaya kailangan naming umakyat doon para kunin iyon.
Naiwan sa kusina si Grace at Sarah. Nagpaalam silang iinom muna. Pinagbawalan ko sila pero ayaw nilang magpaawat kaya para matigil ako ay si Helen ang sumama sa kanila.
Nang makaakyat kami sa attic ay ibinaba muna ako ni Paulo. Napatingin ako sa binti ko. Masakit ang sugat ngunit kailangan ko itong tiisin para mas tumagal pa ang aking buhay.
Umakyat si Sarah ng mag-isa dahilan para tanungin namin sya." S-si Helen! Tumakbo paalis!"nanlaki ang mata ko. Si Helen?
"Eh ba't 'di mo pinigilan?!"sigaw na tanong ni Katherin kay Sarah. Tuluyang nakaakyat na si Sarah at napatayo ako.
"Hindi ko nagawa kasi umalis na sya at bakit mo ba ako sinisigawan Kath?!"nagkainitan sila dahilan para mapalapit ako sa pagitan nila at awatin sila pero ang dapat sampal ni Katherin kay Sarah ay dumapo sa muka ko dahilan para mapatumba ako at mapaupo.
"Kath!"lumapit sa akin si Sarah nang makita ako ang tamaan ng sampal ni Katherin. Nanlaki naman ang mata ni Katherin at lumuhod para tulungan ako ngunit malakas itinulak sya ni Sarah dahilan para tumama sya sa isang kahon at napadaing si Katherin sa sakit.
"Si Grace?"takang tanong ni Selene dahilan para mapahinto si Sarah. Malungkot syang humarap sa akin bago kela Selene.
"Grace was poisoned. Nalason sya nang inumin ang juice sa may mesa at 'yun din ang dahilan ng pagtakbo ni Helen,"tumulo ang masaganang luha ni Sarah at nagulat kami nang sunggaban sya ng sabunot ni Katherin.
Aawat sana uli ako pero malakas ako sinipa ni Katherin dahilan para mapahiga ako. Lumapit sa akin si Selene at inilayo ako kay Katherin.
Umiiyak si Katherin at nakatutok ang kutsilyo sa lalamunan ni Sarah. Lahat kami ay napasinghap at napahinto.
"Tutal mamamatay naman na tayo, babawasan ko na ang isa sa atin ng isang mamamatay tao,"naluluhang saad ni Katherin. Tumayo ako ng maayos at ang akala kong wala ng luha na lalabas ay meron pa pala. Napaiyak ako makitang hawak ni Katherin ang kutsilyo.
Sya ba ang killer? Sya nga ba?
Idiniin nya iyon at bahagyang dumugo ang lalamunan ni Sarah. Si Sarah naman ay umiiyak at nakatayo lang habang hawak-hawak ni Katherin ang buhok nya at tinitingala ang kanyang ulo.
"Kath! 'w-wag mong gawin 'yan!"sigaw ni Tristan. Ang makising nyang awra ay napalitan ng takot at malungkot. Lahat naman kami ay natatakot. Lahat kami.
"Katherin!"buo ang boses ni Archi nang isigaw ang pangalan ni Katherin ngunit wala na itong epekto kay Katherin.
"Sorry..."'yan lang ang nasabi ni Katherin ngunit 'di nya binibitawan ang kanyang hawak na patalim at bahagya pa itong idiniin sa lalamunan ni Sarah at umagos na naman ang unting dugo. Napalakas ang iyak ni Sarah at gano'n din si Katherin.
"I'm sorry..."nagcrack ang boses ni Katherin pero 'di ko pa din maintindihan ang kanyang paghingi ng tawad.
"Kath..."lumambot ang boses ni Tristan matapos makita ang kalagayan ni Katherin. Nakakaawa nga naman si Katherin at kumikirot din 'yon sa aking puso.
Ba't ba ganito ang naging hantungan namin? Si Katherin nga ba talaga ang hinihinalang killer? Mula sa mga sinabi nila Gino patungkol sa kanya ay sya ba talaga ang killer na pumatay kela Agnes, James, Manong Pete, Akashi, Rina, at sa iba pa? Kaya nya ba kami pinapunta dito dahil balak nyang tapusin kami dahil sa hindi pa sya tuluyang magaling.
"Kath akala ko ba magaling ka na,"biglang nabulalas ng bibig ko dahilan para makuha ang atensyon ni Katherin. Nabigla siguro sya nang tawagin ko sya sa kanyang nickname. Napaiyak ako habang naaalala ang kanyang kabaitan sa akin tapos sya rin pala ang kikitil sa aming mga buhay." Akala ko ba okay ka na..."
Wala akong alam. Wala talaga akong alam at tanging mga narinig ko lang ang pinagbabasehan ko. Tanging mga nalaman ko lang kanina ang pinagbasehan ko. Binura ko na rin sa isip ko ang pagsususpetya sa mga lalaking kasama ko kasama na ang koneksyon ng nangyaring massacre noon sa nangyayari sa amin. Lahat ay inalis ko na sa aking isipan dahil maliwanag na ngayon. Maliwanag na na si Katherin ang killer. Ang killer na walang awang pumatay sa mga kaibigan namin.
"Ano ba ang pinagsasabi mo Win? 'd-di kita maintindihan,"nakakunot pa ang noo ni Katherin nang itanong nya iyan. Napayukop naman ang kamao ko.
"Hanggang ngayon ba ay magmamaang-maangan ka pa? Katherin maliwanag na sa amin. Maliwanag na ang lahat. Mula sa pagkakaroon mo ng Psychopathy at pagpatay sa mga hayop mo noon ay maliwanag na na ginawa mo rin kaming hayop at iniisa-isang patayin ngayon!"umiiyak ako? Oo. Oo umiiyak ako. Masakit magsalita ng gano'n pero 'yun naman ang totoo 'di ba? 'yun ang katotohanan.
"Win..."narinig kong bulong ni Tristan. Ang kaninang takot at malungkot na naramdaman ko kay Tristan ay napalitan ng awa. Awa na maaaring nakakasakit ang mga sinabi ko. Naramdaman ko din ang paghawak sa akin ni Selene. Maaaring pinipigilan nya ako na atakihin ng wala sa oras si Katherin.
Ang malungkot at lumuluhang muka ni Katherin ay nagbago at napalitan ng pagiging seryoso at blangko. Nakatitig sya sa aking mga mata ngunit wala akong mabasa dito. Ang kanyang mata ay parang blankong papel matapos kong magsalita.
"Gan'yan ba ang tingin nyo sa akin?"tanong nya at iniikot ang tingin at tumingin si Katherin kay Archi." Gan'yan kababa ang tingin mo sa akin Archi?"napalapit si Archi unti ngunit hinawakan sya sa kamay ni Paulo.
"Hindi Kath, hindi. Naisip ko lang na baka—"bago pa man matapos ni Archi ang kanyang sasabihin ay pinutol na ni Katherin ang mga salita nya.
"Naisip mo lang? Eh kung sabihin ko rin na naisip ko lang na takutin ko kayo at pinagpanggap si Manong Pete na killer na akala ko ay 'di magkakatotoo, anong masasabi nyo?"nanlaki ang mata namin. Pinagpanggap si Manong Pete na killer?
"A-anong ibig mong sabihin Kath?"hanggang ngayon ay nakatapat pa rin ang kutsilyo sa lalamunan ni Sarah pero nagawa nyang magtanong.
"I-inutusan ko si Manong Pete... Inutusan ko syang takutin tayo. Inutusan ko sya na isabuhay ang killer sa film natin. Inutusan ko sya na gumamit ng totoong kutsilyo para talagang nakakatakot. Pero 'di ko naisip na hahantong sa gan'to. Na may patayang mangyayari. Hindi ko alam,"umiiling na ibinaba ni Katherin ang hawak na kutsilyo at si Sarah ay binitawan nya. Pareho silang napaupo.
Hindi ko na maintindihan! Ba't parang sinasabi nyang wala syang alam?! Ba't parang sinasabi nya na hindi sya ang pumatay?! Bakit?!
Tumaas ang tingin nito at sinalubong ang mata ko." W-win... Maniwala ka, h-hindi ako..."napahinto ito at nanlaki ang mata. Ang kanyang tingin ay tumaas.
"Ang killer!"sa pagsigaw nya ay isang matulis na bagay ang tumusok sa aking likod. Mabilis na kumilos si Tristan kaya nahampas nya si Selene ng kung ano.
Yeah, si Selene ang sumaksak sa akin. Napahiga ako at namilipit sa sakit. Aligagang nagsitakbuhan si Sarah at Katherin at nagkamali sila ng takbo. Dahil sa takot ay dinala sila sa kamatayan. Mula sa likod ni Katherin ay may isang malaking bintana.
Dahil sa takot ni Sarah ay natulak nya si Katherin patungo sa babasaging bintana at nahagip naman ni Katherin ang buhok ni Sarah dahilan para sabay nilang mabutas ang babasaging bintana at mahulog sa ibaba.
"Katherin! Sarah!"napasigaw ako. Ang aking mga luha ay tumulo na parang bukas na gripo. Mula sa pwesto ko ay nakita ko kung paano mamilipit sa sakit sila Archi, Tristan, at Paulo matapos makatanggap ng saksak.
Akala ko ay lalapit ito sa akin pero nilagpasan nya ako at nagtungo sa bintana. Sumilip sya sa ibaba at napatawa ng parang demonyo.
Ano 'to? Si Selene ba talaga ang killer? Kanina si Katherin tapos ngayon si Sele—Argh! Naguguluhan na ako!
Ibang-iba ang Selene na nakita ko. Tumatawa sya na parang demonyo habang nakasilip sa baba.
Matapos no'n ay humarap sya sa aming apat. May ngiting nakakatakot ang nasa labi nya. Ngiting nakakapeke at 'di ko inaakalang sasaksak sa akin.
"Akalain nyo 'yon buhay pa si Sarah. HAHAHAHAH,"nakakatakot ang Selene na nakikita ko. Nakakatakot na parang hindi sya maamong tuta kanina. Sya na ngayon ay isang mabagsik na aso.
"Oh ba't nakakunot ang inyong mga noo? 'di nyo siguro ako kilala. Ako ang tunay na killer,"malawak ang ngiti nito habang hawak-hawak ang isang matulis na kutsilyo. Ba't ganito? 'di ko inaakalang ang killer pala ay nasa likod ko at wala sa harap.
"Magpapakilala lang muna ako ha. I'm Selene Astreja nga pala uli. Not a Theater Club actress but a PROFESSIONAL KILLER. Iwelcome nyo naman ako!"tumawa uli ito at napayukom ang kamao ko. Paano nya nagagawang ngumiti at tumawa matapos nyang karumal-dumal na patayin ang mga kaibigan namin. Paano?!
"By the way, may rason naman kung ba't ako nandito. Ipinadala ako pala patayin ang mga taong konektado sa isang drug syndicate,"saad ni Selene dahilan para maalala ko ang dyaryo ngunit ba't parang iba. May mali? Lalaki ang nasa dyaryo at 'di babae. Pero maaaring nagpalit sya ng itsura at katawan." Ipinadala rin ako dahil narinig kong may isa pang killer na pinadala dito."
A-anong sinabi nya? Isa pang killer? Masyado na akong nababaliw sa lahat ng mga nalaman pero sino ba talaga ang killer o mga killer?!
"'yun nga lang, mukang kilala ko na sya. It was Sarah herself! Ang kakompetensya ko sa trabaho ng pagpatay. Narinig ko kasing magaling syang pumatay at sya ang siguro ang gumawa ng pagpatay sa isang barangay na nasa balita? Pero ako ang papatay sa kanya ngayon. Ang saya 'di ba!"pumalakpak sya at nakangiti pa rin. Akala ko ay ngingiti lang sya at magsasaya sa buong oras pero bigla syang sumeryoso.
"'wag kayong judgemental ha! Wala pa akong pinapatay simula kanina! Yung mga patayan kanina o nung nakaraan ay 'di ko kagagawan. Actually, kayong apat pa lang ang una kong mga papatayin. Ay mali! Si Sarah pala ang uunahin ko kaya paalam na muna aking mga kaibigan. May gigilitan pa ako ng leeg,"umalis ito at bumaba.
Naloko ako at naguluhan sa mga rebelasyong nalaman ko. Parang ayaw ko na. Hindi ko na kaya!
[CHAPTER EIGHTEEN]