webnovel

CHAPTER 17

Chapter Seventeen Part One

RETURN TO THE MANSION

(Deaths Chapter)

[WIN]

KAKALABAS LANG namin ni Helen ng mansyon hinahanap ang iba. Tumatakbo kami at napagpasyahang ilihim sa iba ang aming mga nakuhang impormasyon.

'di namin alam kung saan sila hahanapin kaya bumalik kami sa pangpang pagkalabas namin ng gubat.

"Ahh!"napatingin ako kay Helen. Napatingin ako sa kanyang kanang braso. Dumudugo ito at may dart na nakatarak dito.

Napatingin ako sa likod namin. Nasa bukana sya ng gubat. Nakatayo habang hawak-hawak ang tatlo pang dart sa kanang kamay at sa kaliwang kamay ay ang kutsilyo. Tulad kanina, suot nya pa rin ang maskara at damit nya.

Napaatras kami ni Helen. Natanggal na nya ang dart sa kanyang braso pero sobra itong nagdudugo.

"'wag kang lalapit,"umaatras kami habang lumalapit sa amin ang killer. He was holding his darts and knife.

Muli nyang itinaas ang kanang kamay at binato ang dart. Dahil sa dilim at sa bilis ng pagbulusok ng dart sa hangin ay 'di ko napansin ang pagtama nito sa aking hita.

"Ahh!"napaluhod ako matapos tumama ng dart sa kanang hita ko. Ang sakit! Tinanggal ko ang dart pero 'di matanggal ang sakit. Blood oozed from my right leg.

"Win! Helen!"it's Archi! Napatingin sa kanyang likod ang killer at biglang tumakbo paalis. Sa pag-alis nya ay sila Selene ang aming namataan at ang iika-ikang si Archi.

"Win! Helen!"ulit na sigaw ni Archi nang makita ang kalagayan namin. Lumapit sila sa amin at tinulungan akong makatayo ni Selene. Lahat kami ay sugatan maliban kay Selene. Si Archi naman ay hinubad ang kanyang damit at pinunit ito sa piraso.

Ang mahabang tela ay itinali nya sa sugat ni Helen at yung isa ay sa sugat ko. Tulad ni Archi ay iika-ika din akong lumakad dahil sa sakit.

"Yung iba?"tanong ko. Umiling si Selene bago sumagot.

"Hindi pa namin sila nakikita,"saad nya at pinasok namin ang gubat. Nakita namin ni Helen ang malaking peklat sa likod ni Archi at 'di pa rin inaalis ang suspetya sa kanya.

Pagpasok namin sa gubat ay hindi sa mansyon ang diretso namin kun' 'di sa kanan namin. Lumiko kami pakanan dahil 'yun na lang ang parteng 'di pa namin napupuntahan.

Napapagod na ako hindi dahil mahaba at malawak ang gubat. Napapagod na ako dahil sa sugat na natamo ko kaya hirap akong makakilos.

Maya-maya ay nakita namin ang iba pa. Paulo, Sarah, Grace, Tristan, at Katherin.

"Si Amelia?"agad na tanong ni Selene dahilan para mapatingin si Sarah at Paulo kay Tristan. Tristan sighed heavily before answering.

"Amelia died. Inatake kami at 'di ko sya nagawang protektahan. Isa pa, lahat kami ay nasa panganib dahil sa barbed wires kanina kaya 'di kami nakaisip ng paraan para tumakas,"paliwanag ni Tristan habang nakayuko.

Wala na kaming magagawa. Ilan na lang kami? S'yam? Mabibilang na lang kami sa daliri ng kamay at hanggang ngayon ay 'di pa namin kilala ang killer.

"Kailangan na nating makaalis,"napatingin kami kay Katherin. Napansin ko ang pagyukom ng kamao ni Archi. Mukang si Katherin pa rin talaga ang kanilang pinagsususpetyahan.

"Pero paano?"takang tanong ni Grace. Magkatabi sila ni Sarah habang nakita ko ang pag-iyak ni Sarah.

"Hindi na tayo makakaalis,"saad ni Paulo dahilan para lapitan sya ni Tristan at kwelyuhan.

"Nababaliw ka na ba! Makakaalis tayo! Aalis tayo dito! Kung gusto mong mamatay, magpaiwan ka!"sigaw ni Tristan habang nakahawak sa kwelyo ng suot ng Paulo.

"Guys!"suway ko. Walang magandang dulot ang pag-aaway namin. May killer. Maybe the killer is one on us or yung nawawalang si Manong Pete.

"Tulong!"napalingon kami sa likod ko nang makarinig ng paghingi ng tulong. S-si Manong Pete 'yon ah!

Nang marinig 'yon ay naalerto kami. Paulo offered his back kaya sumakay ako sa likod nya. Tristan lead the way habang nasa likod si Archi para bantayan kami. Nasa gitna kaming mga babae.

'di ko alam pero labis ang kabang nararamdaman ko. Hindi lang dahil kay Manong Pete kun' 'di dahil sa tatlong lalaking kasama namin. As of now, they were acting protective but what if one of them is the killer? Pero hindi hihingi ng tulong si Manong Pete kung kasama namin ang killer.

Argh! Ang gulo! Ang gulo-gulo na ng lahat ng nangyayari!

Narating namin ang parte ng gubat kung saan ay may parang kinaladkad. May bakas ng dugo at ito ay nagtuturo patungong mansyon.

Tinunton namin ang dugo hanggang sa mapunta kami sa harapan ng mansyon hanggang ngayon at marami pa ring dugo at 'di tulad kanina ay mas halata na ito dahil nasa loob na ng malinis na mansyon ang nagmamay-ari ng dugo.

Dahan-dahan kaming umakyat sa hagdan ng mansyon. 'di ko alam pero napansin ko na naman ang railings ng hagdan. It was a long and sharp metal rod at isa doon ang nawawala. Maaaring 'yon ang pumatay kela Anica at Luis. Pero paano nya natagal ang parteng iyon ng 'di namin nalalaman.

Nakapasok na kami sa mansyon at huminto ang dugo sa may salas. Wala ng ibang bakas pa at 'di ko na alam kung anong patibong ito.

"G-guys...,"napatingin kami kay Sarah. Nakatingala ito dahilan para unti-unti kong itingala ang ulo ko. Nang makita ko kung ano iyon ay napatakip ako ng bibig at napapikit ng mata.

Si Manong Pete iyon. Nakabitin sya sa may chandelier at ang mas nakakabahala ay ang nakatali sa leeg nya hindi tali kun' 'di ang barbed wires.

Manong Pete died already. He was dead too.

***

Chapter Seventeen Part Two

RETURT TO THE MANSION

(Deaths Explained Chapter)

WARNING!!! VIOLENT SCENES AHEAD!

—READ AT YOUR OWN RISK OR SKIP THIS CHAPTER—

[KILLER]

MATAPOS LUMABAS ng mansyon at magkahiwa-hiwalay ay agad akong umisip ng plano para tapusin ang iba. No'ng una ay wala talaga akong balak na idamay ang iba pero ngayong binigyan ako ng Panginoon na kitilin sila ay lulubos-lubusin ko na.

Pagkalabas ko ay agad din akong bumalik sa mansyon sa likod nga lang ng mansyon. May trapdoor doon at agad ko iyong binuksan at sinarado sa pagbaba ko.

Sa pagbaba ko ay isang hinimatay na matanda ang natagpuan ko, si Manong Pete. Bago pa sya magising ay kailangan ko na syang patayin pero kailangan ko muna ng maayos na damit.

Hinubad ko ang tshirt ko at pantalon. Nagbihis aki ng itim at sinuot ang pantalong itim. Nang makita ko ang maskara ni ghostface agad ko ding isinuot. Mula sa bulsa ko ay inilabas ko ang kutsilyo at agad na tumalikod para patayin ang nahihimbing na matanda.

Pagkaharap ko ay 'di inaasahang magpalo sa muka ang naramdaman ko. Matigas na bagay iyon dahilan para mahilo ako at matumba. Nagising pala si Manong Pete. Shit!

Akala ko ay titignan nya kung sino ako ngunit mas naisip nyang tumakas kaya pa ako makatayo at binagtas nya ang hagdan ngunit naundayan ko ng saksak ang kanyang binti dahilan para matumba sya at mamilipit.

Mas ibinaon ko pa ang pagkakasaksak. Tatayo na sana ako kaya lang mabilis nya ako sinipa at sa lakas no'n ay napahiga uli ako. Hinugot nya ang kutsilyo sa kanyang paa at iika-ikang tumakbo palabas.

Mga ilang minuto nang makarecover ako. 'di rin nagtagal ay tumayo ako at pinulot ang kutsilyo. Umakyat ako mula sa basement at sinundan ang bakas ng dugo nya. Daretso syang lumabas ng mansyon at 'yun ang pinapakita ng kanyang dugo sa sahig.

Sinundan ko iyon at napahinto sa aking narinig. Isang malakas na pagputok ang aking narinig. Mukang wala na si Gino at kung sino mang kasama nya. Maaaring si Venice din.

Naglagay ako sa paboritong lipbalm ni Venice ng lason na sa oras na dumampi sa bibig nya ay bubula agad iyon habang nilagyan ko naman ng pampasabog ang vape ni Gino at sa oras na hithitin nya iyon ay gagawa iyon ng sobrang lakas na pagsabog na maaaring pati bungo nya ay mawala.

Mabalik tayo kay Manong Pete, nakarinig ako ng daing mula sa harapan.

"Ahhh! Aray! D'yos ko po! Tulungan nyo ako!"mahinang sigaw ng matanda. Dahan-dahan akong lumapit hanggang sa mamataan kong nakaupo ito sa lupa habang ang mga paa ay sugatan dala ng barbed wires na patibong ko.

"Tanda!"masaya kong tawag. Nanginginig at puno ng takot itong humarap sa akin. Nangmadali itong tanggalin ang barbed wires ngunit sa t'wing susubukan nya ay sakit ang kanyang nararamdaman.

Mula sa likod ko ay naglabas ako ng alcohol. Lilinisin natin ang kanyang sugat.

"L-lumayo ka sa akin! Demonyo! D'yablo!"sigaw nito. May kinakapa ito sa lupa at alam kong naghahanap sya ng bato pero nilinis ko na ito at imbis na bato ay bubog ang kanyang nakapa dahilan para dumugo ang kamay nya.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod. Hindi na nya maigalaw ang kanyang kamay at paa dahil sa pareho iting sugatan.

Mula sa likod ko ay mahabang panyo ang aking inilabas. Ipinakita ko sa kanya ito bago ibinusal sa kanyang bibig.

Pagkatapos takpan ang kanyang bibig ay binuksan ko ang bote ng alkohol.

"Manong Pete, lilinisin na po natin ang mga sugat nyo,"maamo kong saad na parang ginagaya ang mga nurse sa ospital. Nakangiti ako kahit na alam kong 'di nya iyon nakikita dahil sa maskara ko." H'wag po kayong malikot."

Nakita ko kung paano sya magpumiglas at kumawala sa barbed wires pero sa kasamaang palad ay tanging sakit ang kanyang naramdaman. Dahan-dahan kong itinumba ang bote ng alkohol at biglang ibinuhos sa kanyang sugat sa paa.

"Ahhh—"ang impit na sigaw nito na dala na rin ng busal sa bibig ang nagpapasaya sa akin. Kung wala sya rito ay baka buhay pa sya pero dahil nandito sya at nalaman ang bangkay ni James ay kailangan nya na ding mawala tulad ng ibang nauna.

Nakita ko ang pag-iyak ng matanda pero kahit na magmakaawa pa ito ay wala na akong magagawa. Bayaran akong killer. Wala silang magagawa dahil sinusunod ko lang ang utos sa akin.

Bakit nga ba ako pumapatay? Sino-sino ang mga pinapatay ko? Pumapatay ako dahil sa pera at para na rin bawasan ang mga demonyo tulad ko sa mundo. I kill those part of drug syndicate including their whole clan. Wala akong awa at 'di ako maaawa. Dahil rin sa droga kaya namatay ang mga magulang ko kaya para na rin ito sa aking paghihiganti kahit papaano.

Nang maubos ang alkohol ay itinapon ko na lang sa kung saan ang bote ngunit may narinig akong kaluskos.

"Manong Pete!"narinig ko mula sa likod ko kaya napaharap ako. Tatlong tao ang aking nakita.

Akmang lalapit sila sa akin nang makita ako ni Amelia at bahagyang napaatras.

"Sino ka ba talaga?!"tumayo ako at nakita ko ang galit na muka ni Tristan. Isang mahabang kahoy ang kanyang hawak.

Lumapit ito dahan-dahan at ako naman ay umatras dahan-dahan din. Nang sakto na ang aking pag-atras ay saka ako huminto.

"T*ngina ka!"sigaw nito at tumakbo patungo sa akin at akmang hahatawin ako ng kahoy pero agad ko din iyong napigilan. Kumpara sa kanya, mas malakas ako. Isa pa, professional killer ako kaya walang ubra ang lakas nila sa akin.

Tinuhod ko sya sa sikmura at tinulak sa pwesto ni Manong Pete at napasigaw sya sa sakit nang tumama din ang kanyang hita sa tusok ng mga barbed wires.

Humarap ako sa mga babae. Takot na takot sila tulad ng inaasahan. Naginginig sila at dahan-dahang umatras.

"Boo!"panggugulat ko at nagsitakbuhan na agad silang dalawa. Napatawa ako dahil sa kanilang reaksyon. Nang huminto ako sa pagtawa ay napaharap ako sa dalawang isdang nahuli ko.

Manong Pete lost concious habang si Tristan ay pinipilit na makawala." Babalikan ko kayong dalawa. Uunahin ko lang ang mga babae dahil ladies first,"saad ko at tumakbo para habulin si Amelia.

Pasalamat na lang sa maskara at hindi nila nakikilala ang aking boses. Tumitiling tumatakbo si Amelia.

Malapit na ako kay Amelia at nakalayo na kami sa lahat. Nang makalapit ako kay Amelia ay hinila ko ito sa buhok at napahiga ito.

"Ayoko po! Please! Ahhh—"sigaw nito kasabay ng pagsaksak ko sa kanyang dibdib. May malulusog itong dibdib ngunit 'di ko sya mapapakinabangan ngayong mamamatay na sya. Para tapusin ang kanyang paghihirap ay idinaan ko ang talim ng kutsilyo sa kanyang lalamunan at ginilitan ito at tumalsik sa maskara ko ang dugo.

Tumayo na ako at bumalik sa pwesto nila Tristan at Manong Pete ngunit si Manong Pete na lang ang natagpuan ko. Gamit ang barbed wires ay isinakal ko ito sa leeg nya at hinila ang dulo ng barbed wires at itinali sa chandelier ng walang kahirap-hirap.

Mula sa mansyon ay may nakakuha naman ako ng bluetooth speaker kaya nakaisip ako ng pakulo. In-on ko ito at lumabas at itinago ito malapit sa pwesto kanina ni Manong Pete. Nakapagpalit na din ako ng damit at mula sa bulsa ko ay may cellphone kung saan nakakonekt ang speaker at may voice record ako ng boses ni Manong Pete na humihingi ng tulong.

Hinanap ko na ang iba at nagpanggap na nawawala din at masaya akong wala pa rin silang alam.

[CHAPTER SEVENTEEN]