Sa mga oras na iyon, tila ba mawawala na sa sarili niya si Andy sa labis na pag-aalala sa kanyang nobya. Ang hirap para sa kanya na habang siya ay nakatayo lamang dito sa loob ng Admin office ay pinapanood niya na maging patibong ang babaeng minamahal.
Pauli uli siya sa loob ng silid at bigla nalamang nagkagulo ang mga nakaupo at nanunood ng makitang sinunggaban ng isang lalaking naka itim na jacket si Jade.
Wala na silang marinig mula sa kabilang linya kung hindi ang tila mabibilis na yabag ng lalaking kumuha sa dalaga. Pinalipas nila ang ilang Segundo at nakita na nila ang pag-alis ng kotseng kulay pula kasunod nito ay may kotseng kulay puti na bahagya pang tumigil sa may harap ng cctv kung saan malinaw nilang nakita na inilabas ng sakay nito ang kanang kamay upang magbigay ng signal sa kanila.
Napansin ni Andy na mabilis dinukot ni Dr.Cortez ang sariling cellphone bulsa ng suot nitong lab gown. "Kumpadre, eto na ang oras dadaan na sila sa harapan nyo within 5minutes. Salamat, maraming salamat sa pagtulong. Sige mag-iingat kayong lahat and please bring Nurse Jade safely to us." At ng matapos ang tawag naiyon ay hinarap nito ang nag-aalalang binata.
"Don't worry too much Dr. Yhang she will be safe, sumunod na ang mga awtoridad sa kanila para sa mismong hide out mahuli si Greg. Iniisip rin kasi ng mga pulis na maaaring may makuha silang mga ebidensya na mas lalong magdidiin kay Gregory, ng sa ganoon ay sulit ang pagbubuwis buhay at pagsasakripisyo na ginawa ng iyong nobya." Tinapik pa nito ang balikat ni Andy bago muling bumalik sa dating pwesto kung saan ito nakaupo.
Sa mga narinig ni Andy mula kay Dr. Cortez ay bahagyang nabawasan ang kabang nararamdaman niya ngunit ang matinding pag-aalala ay naroon parin. Wala na silang makita sa monitor, dahil ang dalawang maliliit na surveillance camera na ikinabit ni Jade sa kanyang bag at sa kanyang name plate ay nakakonekta sa mga pulis para masundan nila ito.
May trenta minutos pa lamang ang nakalilipas ngunit para kay Andy ay isang buong araw na siyang nag-aabang. Biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ni Dr. Cortez, agad itong dinukot ng doctor at sinagot. "Okay thank you, susunod kami agad." Tanging narinig ni Andy.
Tumayo mula sa pagkakaupo si Dra. Gomez bago tumingin sa kanila. "Tayo na!" Tiim ang bagang na sinabi nito. "Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito, nais kong makita ang h***p na lalaking iyon na dinarampot ng mga pulis, dapat niyang pagbayaran ang kahay***pang ginawa niya sa pamangkin ko." Dagdag pa nito at labis iyong ikinabigla ni Andy.
Si Dra. Analiza Gomez ay nakabase sa America bilang isang cardiologist, ngunit ng mawala ang pamangkin niyang si Samantha ay nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas sa kadahilanang ninais niyang ipaghiganti ang kapatid niya.
Oo ang nanay ni Samantha ay nag-iisa niyang kapatid at inatake ito sa puso sa sobrang sakit ng nangyari sa anak at kalaunan ay namatay rin. Kaya naman heto siya ngayon at pinipilit mapasok ang sarili sa sitwasyong kinalalagyan nina Andy, Jade at Gregory.
Nagtatakang napatitig si Andy kay Dra. Gomez at nakita niya ang mapait na ngiti nito sa mga labi. Wala siyang lakas ng loob na magtanong kusa itong nagpakilala sa kanya bilang tiyahin ng babaeng dati niyang minahal, bagamat wala itong alam sa nakaraan nila ng pamangkin nito. Kaya naman nagkaisa sila at sinuportahan ang bawat isa. Sumunod sila sa pinagdalhan kay Jade, agad itinawag ng tao ni Dr. Cortez kung nasaan ang mga ito.
Nagising si Jade ng pabagsak siyang ibinaba ng lalaking may buhat sa kanya. Inaaninag niya mula sa dilim ang mukha nito kahit alam naman niya na si Gregory iyon, gusto parin niyang makasiguro.
Lumakad ito papalayo sa kanya at binuhay ang ilaw na kulay dilaw, agad siyang bumangon at dahan dahang naupo sapo ang kanyang noo dahil pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang paningin. Pinagmasdan niya ito ng tanggalin nito ang jacket at itim na panyong nakataling paikot sa mukha nito. At ganoon nalamang ang naramdamang kaba sa dibdib ni Jade ng makitang titig na titig ito sa kanya at nakangiting parang aso.
Bumungisngis muna si Gregory ng nakakatakot, bago tuluyang lumapit at tumayo sa harapan ni Jade. "Napakaganda mo talaga Nurse Jade kaya nga ba simula ng makita kita eh nabihag mo na ang puso ko, alam mo bang sumasakit ang mata ko at damdamin sa tuwing lumalapit sa iyo si Andy…tssk tssk tssk.. si Andy na dati kong kaibigan si Andy na hindi nanalo sa akin kahit kalian sa larangan ng pag-ibig. Alam mo rin bang lahat ng minahal niya ay masminamahal ako?" sabi nito habang tinatanggal ang sinturong nakalagay sa pantaloon na suot nito.
At dahil duon ay mas tumindi ang kabang nararamdaman ni Jade parang gusto ng lumabas ng kanyang puso.
Habang nasa biyahe ay patuloy ang pananalangin ni Andy, na sana ay maging ligtas si Jade. Sa loob ng sampung minuto ay narating nila ang lokasyong itinawag ng pulis kay Dr. Cortez, agad silang bumaba ng sasakyan at nagtungo sa lugar kung saan nakakubli ang mga iyon. Hinihintay nila ang signal na magmumula sa kabilang sasakyan at saka naman papasukin ng isang grupo ng kapulisan ang loob ng bodega na pinagdalhan ni Gregory kay Jade.
Nangangatal si Jade sa sobrang takot ngunit pinipigilan niya iyon, pinipilit niyang palakasin ang sariling kalooban. Parang wala na sa sariling pag-iisip si Gregory, maging ang mga mata nito ay nakakatakot ng tingnan tila ba nag-aapoy iyon at nanlilisik sa tuwing titingin sa kanya.
Naka upo ito sa isang upuan at tumutungga ng alak mula sa bote, tahimik na lumuluha si Jade. Pinipigilan niya ang pag-agos niyon mula sa kanyang mga mata ngunit para itong bukal na kusang lumalabas. Isang malakas na hapas sa lamesa ang gumulantang sa dalaga at nagpabalik sa kanyang katinuan.
Ngising asong humarap si Gregory kay Jade, "Kung inaakala ni Andy na hindi kita maaagaw sakanya, Pwes nagkakamali siya! Dahil hindi ka man tulad ng iba na nadaan ko sa santong dasalan, kayak o namang daanin ka sa ibang paraan." Sigaw nito sa dalaga at inilapit pa ang sarili dito.
Amoy na amoy ni Jade ang alak mula sa hininga nito, "pakawalan mo na ako, parang awa mo na….." Mahinang pakiusap niya sa lalaki, umaasa siya na magbabago pa ang isip nito. Ngunit nagkakamali siya, Imbes na maawa ay mas lalong tumindi ang galit at pagnanasa na mababakas sa mukha nito. Napatili si Jade ng biglang lumapit sa kanya ang lalaki at malakas na hiklatin ang blouse niya, dahilan upang matanggal ang mga butones niyon at lumitaw ang malulusog niyang dibdib.
Tila hay**p na gutom naman si Gregory na tumitig sa mukha at dibdib ng dalaga, dahan dahan siyang lumapit dito at pinadaanan ng labi ang binti hanggang hita ni Jade. Lalo namang nagsisigaw ang dalaga at pilit inilalayo ang sarili sa lalaki.
Napakunot ang noon ni Gregory ng mapansin ang paldang lumilis ni Jade, halos lumitaw na ang kakalhatian ng maputi, makinis at mahahabang hita nito na lalong nagpatindi sa init ng katawan na nararamdaman niya. Walang sabi sabing hinila niya ang paa ng dalaga upang mailapit ito sa kanya at agad kinubabawan.
Walang tigil na pinagbabayo ni Jade ang dibdib ng lalaki at tumili siya ng halos malagot na ang litid sa lalamunan. "Lumayo ka sa akin, napaka sama mong ha**p ka!" pinipilit nitong makawala sa lalaki ngunit lubha itong malakas kesa sa kanya.
Lalo namang natuwa si Gregory sa panlalaban ni Jade, hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit ba, gustong gusto niyang marinig ang mga nakakatalik niya na nagmamakaawa sa kanya.
Gusto niyang pahirapan at saktan muna ang mga ito bago gamitin. Pinaliguan niya ng halik ang dibdib ng dalaga ng bigla nalamang may humila sakanyang batok at sinuntok siya sa panga.
Hindi na makatiis si Andy, lalo na ng marinig niya ang mga tili ng nobya na nagmumula sa loob ng bodega. Tumakas siya sa mga kasamahan at naghanap ng daan sag awing likuran, sa kabutihang palad ay nakakita siya ng pintuang gawa sa yero at duon siya dumaan.
Halos takasan ng kulay ang kanyang mukha ng makitang nakapatong si Gregory sa nanlalaban niyang nobya. Agad siyang lumapit at hinaklit ang batok nito saka sinuntok sa panga, tumalsik ito sa sahig ngunit di nakuntento si Andy sa sobrang galit nito ay pinaulanan ng sipa at suntok ang hindi na nakaimik na lalaki.
Tila nabigla ito at hindi napaghandaan ang paglusob niya kung kaya't hindi na rin ito nakapanlaban. Doon naman nagsipasok ang mga pulis kasunod ang mga superior nilang mga doctor sa ospital.
Nanginginig at bumalukto sa pagkakaaupo si Jade, pilit itinatago ang sariling katawan na halos nawalan na ng saplot. Nilapitan ito ni Dra. Gomez, hinubad ang suot na lab gown na hindi na niya natanggal ng umalis sa ospital dahil sa pagmamadali. Agad itong ibinalot kay Jade, niyakap ito at inalo upang makalma. "Shhh….tahan na Jade, okay na … tapos na ang lahat…hindi ka na niya magugulo pa kahit na kailan.
Mabibigyan na ng hustisya ang mga babaeng binaboy niya, at dahil yun sa tulong mo. Isa kang bayani Jade, napaka buti ng kalooban mo. Handa kang ibuwis ang buhay mo para lang wala ng mapahamak na kababaihan. Salamat ….salamat ng marami…." Taos pusong pahayag ng doktora habang yakap yakap ang dalaga at hinihimas sa likod.
Nakahinga naman si Jade ng maluwag matapos marinig ang sinabi ni Dra. Gomez, masaya siya na wala nang susunod pang biktima si Gregory. Galit nag alit naman si Andy na pinagsisigawan ang mga pulis. Hindi niya matanggap na lumapat ang maruruming kamay ng lalaking iyon sa balat ng kanyang babaeng iniingatan at minamahal.
Humingi naman ng pasensya sa kanya ang nakatataas sa kanilang grupo. Di umano ay kumukuha sila ng magandang tyempo upang lusubin na sa loob ang salarin. Hindi iyon basta tinanggap ni Andy kung kaya't hindi nawala ang pangungunot ng noo nito. Agad hinanap ng kanyang mga mata ang kasintahan, ng makita ito ay inakap niya ito ng mahigpit at dinampian ng halik sa noo.
"Sorry…babe….sorry kasi na huli ako, hindi ako agad pumasok. Sorry kasi natakot ka ng husto at nahawakan ng h*das na iyon." Sabi nito sa dalaga na halos pagas na ang boses dahil sa pagpipigil ng galit.
Nahihirapan mang magsalita si Jade pero sinikap niyang pakalmahin ang galit at pagsisising nararamdaman ng nobyo. Ayaw niya ng sinisisi nito ang sarili dahil sa inabot niya sa kamay ng ibang lalaki. "Hwag kang magsorry babe, wala ka namang kasalanan. Ginusto ko ito eh, gusto kong makatulong ng sa ganoon ay matapos na ang kasamaan ni Gregory sa mga kababaihang walang kakayanang lumaban. Gusto kong mabigyan ng hustisya sina Kyla at Samantha."
Narinig ni Dra. Gomez ang sinabi ni Jade kaya naman hindi siya nakatiis at iniharap sa kanya ang dalaga saka ito tinanong, "K—kilala mo si Sam, kilala mo ang pamangkin kong binaboy nilang magkakaibigan?" tanong nito sa malungkot na tinig.
"Doktora, hindi nya po kilala si Sam…naikuwento ko lang sa kaniya" nakatingin sa mga mata ng Doktor si Andy ng sumagot ito.
"Pero wala kahit isang may alam sa ospital na pamangkit ko ang isa sa nabiktima ni Gregory, kanina ko lamang iyon sinabi sa inyo hindi ba?" Nalilitong tanong pa nito.
Nagbaba ng paningin si Andy bago sumagot. "Dati ko pong niligawan si Sam, mahal na mahal ko siya at naramdaman kong mahal narin niya ako ngunit inagaw siya sa'kin ni Gregory. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang loob ni Sam, basta nalaman ko nalang one day that they are in relationship na, kaya lumayo na po ako sa kanilang landas."
Paliwanang ni Andy, at maluha luha naman ang mga matang niyakap ito ng doktora.
Nasa ganoong posisyon sila ng lumapit si Director Maximor at Admin Sales sa kanila, "Mabuti pa ay sumunod na tayong lahat sa presinto upang makapagbigay ng statement ng saganoon ay makapagpahinga na tayong lahat. It's a very long day, congratulations and thank you so much Nurse Jade, utang namin ang lahat ng ito sa iyo".
Malapad ang pagkakangiting sinabi ng kanilang Admin, at iniabot pa ang kamay upang makipag kamay sa dalaga, ganoon rin ang ginawa ng Direktor.
Mahinhing nguniti naman ang dalaga sa mga ito, "Lahat po tayo ay nagtulong tulong para rito, iisa an gating layunin at iyon ay ang matapos ang kasamaan ni Gregory.
Lahat ay sumunod sa presinto at halos mag-uumaga na ng matapos ang imbestigasyon, kaya naman sa ospital na sila nagpalipas ng umaga. Ginamot ni Andy ang mga gasgas na natamo ni Jade, nagpa-deliver naman ng masarap at maraming pagkain si Dra. Gomez para sa almusal nila.
Lahat sila ay nanatili sa Admin Office, nakapagpalit narin ng damit si Jade dahil sadya siyang nag-iiwan ng pamalit sa locker.
Sinabihan ng Admin na huwag na munang pumasok ang dalaga sa mga susunod na araw upang makapagpahinga, alam daw nilang physically and emotionally ay pagod pa siya. Maging si Andy ay hinayaang magbakasyon total naman daw ay araw na ng huwebes ngayon sinagot na ng director ang pagpapaalam sa eskwelahan ng dalawa at sinabing sa Lunes nalamang bumalik.
Kaya naman naging masaya narin ang magkasintahan at bumuo ng mga plano na maaari nilang gawin sa loob ng tatlong araw nilang pahinga.