Maghapong namahinga ng araw na iyon si Jade, pagkahatid sa kanya ni Andy ay wala na siyang inabutang kasamahan sa boarding house, kung hindi napasok sa school ay nasa trabaho na ang iba. Agad siyang naligo at naisipang maglaba ng ilang pirasong maduduming damit niya, nangmakatapos ay nahiga siya sa single bed at agad nakatulog.
Hapon na ng magising siya, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang tiyan kaya siya bumangon. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok ng marinig ang tunog ng kanyang cellphone, agad niya iyong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag at laking tuwa niya ng makitang ang kanyang ina ang tumatawag.
Malapad ang mga ngiting sinagot niya iyon, "Hello magandang umaga po Nay!" halos pasigaw niyang bati rito na ikinagulat naman ni Aling Jasmine.
"Ano ba't kay lakas ng iyong boses na bata ka ah ah…" singhal nito sa anak.
"Na-miss ko lamang po kayo ng sobra Nay, kasi naman po ay kay dalang ninyo akong tawagan." Pinalalamlam ni Jade ang kanyang tinig upang marinig ng kanyang ina na siya ay nagtatampo.
"Naku naman ang panganay ko naghihinampo pa, eh para naman sayo kaya madalang akong tumawag. Alam kong abala ka at ayaw kong dumadagdag pa sa mga bagay bagay na makakaabala sayo, ang gusto ko kasi ay makapag-focus ka sa mga aralin mo. Mahal na mhal ka naming anak kaya nga lahat ng ito ay ginagawa naming para sa iyo, sana maunawaan mo ako." Madamdaming pahayag ng kanyang ina.
Natatawa namang sumagot si Jade, "Inay talaga hindi mabiro, alam ko pong lahat ang sinasabi niyo at nararamdaman ko yan. Mahal na mahal ko din po kayo nina Mamang, Papang, at Bunso. Okay lang po ako dito kaya hwag kayong mag-alala sa napakaganda ninyong anak dahil safe na safe ako."Biro niya sa ina upang mapaglubag ang kalooban nito. May ilang minuto pa silang nagkwentuhan bago nila tuluyang tinapos ang kanilang usapan.
Pagkatapos makipag-usap ni Jade sa kanyang ina ay dumiretso siya sa kusina at nagluto ng pancit canton noodles, nagtimpla rin siya ng milo habang nakasalang ang niluluto niya. Ilang minuto pa ang lumipas at nakaupo na siya sa upuan at kumakain ng muling tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa.
Dinampot niya ito, matapos silipin kung sino ang caller ay nakangiti siyang inilagay ito sa kanyang tainga. "Hello, napatawag ka…" sabi nito sa napaka lamyos na tinig.
Napapangiti naman si Andy ng marinig ang boses ng kasintahan, parang nai-imagine niya itong nakangiti sa kanyang harapan habang nagsasalita. "Hi babe, tumawag lang ako para sabihin sayo na mag-ready ka bukas ha."
Ibinaba sandali ni Jade ang tinidor na hawak at saka nilunok ang kinakain bago ito nagsalita, "Bakit? Saan ba tayo pupunta?" tanong niya rito.
"Uhmn….Papa want's to meet you, I hope its okay with you?" sagot nito sa nag-aalinlangang tinig.
"Oo naman, okay lang sa akin sige anong oras tayo bukas?" masayang tanong ng dalaga."
"Before lunch, susunduin na kita kasi sasabayan natin si Papa mananghalian magpapahanda daw siya ng especial foods para sa atin."
"Hindi naman kailangan ng especial eh, kahit simpleng tanghalian okay na." Nahihiya naman nitong tugon na ikinangiti ni Andy, napaka simple ng babaeng minahal niya. Walang kaate arte sa katawan kahit napakahiyain nito.
"Basta, huwag kanang kumontra yun ang gusto ni papa ang ipaghanda tayo. Pano bukas ha susunduin kita kaya be ready, after that paghindi na busy sina mommy and daddy sa kanila naman kita ipapakilala." Mababakas ang excitement sa boses nito.
"Okay…so see you tomorrow."
"See you tomorrow and…. I love you …..bye!" At tila ba nag-aalangan pa si Andy ng sabihin iyon, lumakas ang kaba na nararamdaman niya.
Di' maiwasan ni Jade na kiligin kaya naman napangiti siya ng husto bago sumagot. "I love you too…Bye!" Saka niya dali daling pinindot ang end call ng cellphone niya at nakangiting itinuloy ang pagkain.
Kinabukasan ay nagising si Jade na wala na ang mga kasamahan sa boarding house, araw ng Biyernes sigurado rin siya na aabutin ng alas otso hanggang alas nuebe ng gabi bago magsara ang gate ang uwian ng mga ito. Inayos na niya ang kanyang higaan at nagpalit ng damit na pangbahay. Nagwalis walis muna siya sa kanilang silid, inayos ang ilang mga nakakalat na gamit ng kasamahan. Paglabas niya ng silid nakasalubong niya ang kasambahay ng kanilang kasera na si Amy.
Binati agad ni Jade si Amy, "Hi Amy, good morning."
Ngumiti naman sa kanya si Amy at kataka takang pinagmasdan ang kanyang mukha. Si Amy ay isa ring dalaga na namamasukan bilang isang kasambahay kay Mrs. Alfonso ang kasera nila. Nais nitong makapag-aral mula sa sariling pinaghirapan, dahil ayaw suportahan ng sariling magulang ang kanyang pag-aaral. Kaya eto siya ngayon kahit pagiging kasambahay ay pinasok, nasa ika apat na taon na siya sa sekondarya kaya naman pinagbubuti nito ang trabaho upang hindi magalit ang kasera nila sa dalaga at upang maipagpatuloy pa ang kanyang pag-aaral.
Natatawa siyang pinagmasdan rin ang mukha ni Amy, 'Ano nanaman yang mga tingin na iyan ha Amy?" Pabiro niyang tanong dito habang nakahalukipkip at nakasandal sa pintuan ng kanilang kwarto.
Tumatawa naman itong iwinagayway pa ang kanang kamay, "Wala ito hwag mo akong intindihin."
Ngunit di' siya nakuntento, alam niyang may gusto itong sabihin o itanong nahihiya lamang ito sa kanya. "Sige na.. sabihin mo na kasi… ano ba yon?" nagkunwari siyang nagtatampo.
"Ito naman, tampo agad…Ang blooming mo kasi eh… May dahilan ba kung bakit lalo kang gumaganda?" sabi nito sa nanunudyong tinig.
Kunwaring nag-isip si Jade at tumingin sa kisame bago nagsalita. "Oo Amy…Tama ka at napakaganda ng dahilan kung bakit ako nagkakaganito." Sinabi niya iyon ng bukal sa kanyang puso.
"Kwento ka naman." Pangungumbinsi pa rito ni Amy habang patuloy na nagpupunas ng mga ibaibabaw at kilik sa kilikili ang walis na tambo.
Naupo naman sa sofa si Jade at saka inumpisahang magkuwento sa dalaga. Pero hindi lahat hindi nniya ninais na may makaalam ng naganap nung nakaraang gabi, at kung maaari ay ayaw na niya iyong marinig pa. Patapos na si Amy ng tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Amy gusto mo ba akong sabayang mag-almusal?" tanong niya rito habang lumalakad patungong kusina.
"Naku! Hindi na kumain na ako eh. Ikaw itong payat d'yan kaya kumain ka nalamang ng marami. Sige na at ako'y babalik na sa kabila baka hinahanap na ako ni Mrs.Alfonso eh." Paalam nito sa kanya.
"Sige …salamat ha." At kinawayan niya ito ng lumingon sa kanya. Tumuloy na siya sa kusina at nakita ang sinangag na may taklob sa lamesa, may hasama na iyong isang jumbo hotdog at sunny side up egg. May note din na nakapatong sa taklob nito.
Goodmorning Ms.Sexy,
Sarap ng tulog mo eto ipinagtira kita ng almusal.
Always love & care
your cute room mate Sally.
Napangiti siya, kahit na kailan ay hindi siya pinabayaan ng room mate niyang iyon, napaka bait nito sa kanya. Naisip niyang bibilhan niya ito ng pasalubong mamaya, para makabawi manlamang sa mga kabaitan nito at pag-aalaga na ibinibigay sa kanya.
10:30 AM, Nagsimula na siyang mag-ayos ng damit na isusuot niya bago pumunta sa loob ng cr at naligo. Nang makatapos siya ay agad nag-blower ng buhok at naglagay ng kaunting ayos sa kanyang mukha, kinuha niya ang pangkulot at bahagyang kinulot ang laylayan ng kanyang napakahaba, maitim at makintab na buhok. Pinagmasdan niya ang sarili at nang masiyahan ay kinuha ang high waist jeans at isinuot iyon, maganda ang pagkakalapat niyon sa kanya fit ito kaya naman lumabas ang natural na hubog ng kanyang balakang. Tinernuhan niya ito ng baby pink sleeveless blouse na may tali sa unahang laylayan. Napaka simple ngunit patok sa kanyang panlasa isinuot narin niya ang itim na flat sandals sa kanyang mga paa. Habang nagwiwisik ng pabango ay narinig niya ang busina ng sasakyan ni Andy, kaya naman nagmadali na siya sa pagkilos. Matapos isukbit sa balikat ang shoulder bag nasinlaki ng notebook ay isinara na niya ang silid at malalaki ang hakbang na lumabas ng bahay.
Halos hindi maalis ni Andy ang paningin sa dalagang papalabas ng bahay, mabuti nalamang at naka-shades siya. Napakaganda nito sa suot nito, lumabas ang pagkainosente ng mukha nito. Agad niyang sinalubong ang nobya at ginawaran ng halik sa pisngi. Nakangiti naman itong titig na titig sakanya at tila pinag-aralan pa ang kabuoan niya.
Napatitig si Jade sa kabuoan ng lalaki, "Alam mo ba, itinatanong ko sa Diyos kung anong kabutihan ang nagawa ko sa buong buhay ko para bigyan niya ako ng boyfriend na katulad mo. Gwapo, mabait at maalaga." Nakangiti ngunit seryoso niyang sinabi sa binata iyon.
Tumawa naman ng may kalakasan ang lalaki, "Let's go, baka mabusog ako sa papuri mo." At saka nito binuksan ang pinto sa gawi ni Jade at inalalayan itong makasakay.
Madali nilang narating ang resto ng lolo ni Andy, masgumanda ito ngayon dahil sa mga bulaklak ng orkids na nakabitin at naka kalat sa buong lugar. May gayak din ang stage kaya naman naisip ni Jade na baka may mga espesyal na magtatanghal sa araw na iyon. Masayang iginala ni Jade ang kanyang paningin hanggang sa maramdaman niya ang pagpisil ni Andy sa kamay niyang hawak hawak nito. Agad niyang tiningnan ang lalaki at tila ba nagtatanong, hindi paman ito nakakasagot ay may lumapit ng may edad na lalaki sa kanila. Napaka cool nitong tingnan at bagamat may edad na ay hindi mo mahahalata lalo na sa may kalayuan. Maganda ang pagkakangiti nito na sinalubong ng mahigpit na yakap si Andy.
Ilang segundong nagyakap ang maglolo, nakaramdam ng pangungulila si Jade sa kanyang pamilya. Hindi niya namalayan na lumapit na sa kanya ang mantada at nakabuka ang mga bisig nag iintay ng paglapit niya. Buong puso at mainit na pagtanggap ang naramdaman niya ng lumapit rito upang yakapin ito. Hindi siya makapaniwala sa nararamdaman para bang may pasasalamat siyang nararamdaman, dahil muli siyang nakatikim ng yakap ng isang lolo at di niya napigilan ang maluha.
Ngiting ngiti si Andy ng makitang masaya ang papa niya na makitang may nagpapaligaya nang muli sa kanya. "O tama na yan papa, nagseselos na ako niyan masmatagal yung yakap mo sa kanya kesa sakin eh." At kunwaring kumamot pa ito sa ulo ng mapansin ang kumikinang na luha sa gilid ng mga mata ng dalaga.
Agad siyang nilapitan ni Andy at pinahiran ang kanyang mga mata. "What is it babe?" nagtataka nitong tanong, maging ang matanda ay mababakas sa mukha ang pagkabahala kaya hindi ito kaagad nakaimik.
"Namiss ko lang bigla si papang, medyo matagal ko na kasi silang hindi nakikita eh." Sagot niya sabay pahid ng luhang tumulo sa kanyang mata. "thank you po sa pagtanggap at sa yakap para ko na pong nayakap si papang." Dagdag pa niya na nakatingin sa matandang ngiting ngiti rin sakanya.
Nagbuntong hininga ito bago nagsalita, "I'm always here for both of you, because I love you mga apo." Sabi nito sa madamdaming tono at sika sila inakay sa isang mesa na may hayin ng mga pagkain. "Mabuti pa mananghalian na tayo at maya maya lamang may mga tao nang darating para manood ng concert ko. Hahaha!" at napatawa silang lahat.
Masaya silang nagkuwentuhan habang kumakain, napag-alaman ni Jade na tuwing Friday hanggang Sunday ay kumakanta ang lolo ni Andy dito sa resto, hindi lang iyon dahil nag-iimbita rin ito ng mga singers at artista mula alas dos ng hapon hanggang hating gabi.
Mag aalasdos na ng hapon kaya naman dumarami na ang tao, maraming iaasikaso ang lolo ni Andy kaya naman naiwan silang dalawa sa isang mesa na malapit sa stage. Hindi rin naman nagtagal at nag-umpisa na ang kasiyahan may ilang nagsalita sa ibabaw ng intablado upang ipakilala ang mag pe-perform na si 'Mr. Lee Roi Yhang', maskilala siya bilang 'Papa Lee'. At may dalawang grupo ng sikat na banda ang imbitado sa hapong iyon. Sinimulan ng masayang awitin ng unang grupo ng banda kaya naman halos naghuhumiyaw ang mga audience sa labis na tuwa. Lalong lalo na ang mga kabataan, may grupo ng kabataan at halos kasing edad nila ni Andy ang mga iyon nataw ni Jade sa di kalayuan na kilig na kilig sa vocalist.
Hanggang sumapit ang dapit hapon, tinawagan na ng MC ang lolo ni Andy upang siya namang umawit para sa mga customer na humihiling marinig ang tinig niya. Pinaunlakan naman nito iyon ng isang madamdaming awitin ngunit ang sumunod na pangyayari ay pareho nilang hindi inaasahan ni Andy.
"Sa lahat ng ating manonood, nais ko lamang sanang welcome natin ng sabay sabay ang aking mga apo. Dr. Andy Lee Yhang and his lovely girlfriend Nurse Anna Jade Chen, please give them around of a plause. Sila ang dahilan ng lahat ng kasiyahang aking nadarama sa araw na ito, nawa ay pakamahalin ninyo ang isa't isa at huwag papabayang masira o may sumira sa inyong pagmamahalan. Aasahan kong hanggang sa dulo ay kayong dalawa ang magtatagpo sa Altar. Muli bigyan natin ng masigabong palakpakan ang dalawang puso na nagmamahalan."
Tumayo ang dalawa at humarap sa mga tao at saka ngumiti at kumaway bilang pasasalamat.
Musi n asana silang uupo nang magsalitang muli si Papa Lee, "Balita ko ang maganda ang tinig n gating magandang nurse, siguro naman ay maaari natin iyong marinig hindi ba?" Hiyaw nito sa mga tao at nakikisimpatya naman ang mga iyon sa kanya dahil nakikisigaw rin ang mga ito.
Nakangiti namang inilapit ni Andy ang bibig sa tainga ng dalaga upang malinaw siyang marinig nito. "Can you sing for me babe?" malambing nitong tanong.
At sinagot naman iyon ng isang kindat ng dalaga, bago ito kusang umakyat sa entablado at tumayo sa tabi ni Papa Lee. Ilang segundong nag-usap ang dalawa bago ibinigay ang gitara kay Jade at saka ito pinaupo sa high chair na nakaharap sa mikropono. Malakas ang palakpakan ng mga tao ng pumailanlang ang intro ng awitin na kakantahin ng dalaga.
Tumikhim muna si Jade bago nagsalita sa mikropono. "This song is dedicate to the man that I love, Dr. Yhang I want you know that Im very lucky to have you in my life. I love you so much babe…"madamdamin niyang ipinahayag sa harap ng mga tao ang kanyang nararamdaman habang nakatitig sa mga mata ni Andy. Pumailanlang ang kanyang malamyos na tinig habang inaawit ang kanyang "The Gift". Lahat ng taong naroroon ay tila ba iisang mata pagkat siya lang ang nakikita at iisa ang tainga dahil boses lamang niya ang naririnig....