webnovel

29

Kitang kita ni Andy ang babaeng bumaba ng kotse, hindi siya maaaring magkamali si Jade iyon. Bababa sana siya ngunit nakita niyang bumaba ang lalaking mukhang kagalang galang at mayaman may iniabot itong paper bag kay Jade at nagyakapan pa ang dalawa bago umalis kitang kita niyang hinalikan ng lalaki sa noo ang babaeng pinaka mamahal niya.

Sa isang iglap ay busina ng kasunod na sasakyan ang nagpabalik sa kanyang katinuan dahil nakaharang siya sa pasukan ng ospital.

May pagmamadali siyang nagpark sa parking area at mabilis pumasok sa kanyang opisina. Pabalik balik siyang naglakad sa loob. Naka uniform si Jade ng pang nurse kaya nasisigurado niyang dito ito nagtatrabaho ngunit ang naglalaro sa kanyang isip ay sino ang lalaking naghatid dito? Nag asawa naba ito? Hindi siya mapapakali hanggang hindi niya nalalaman kaya naman agad siyang pumunta sa nurse station at palihim na pinasadahan ang list of duty sa board ng araw na iyon.

Laking pang luluno niya ng di niya makita ang pangalan nito.

Sumabay si Jade kay Richard dahil dadaanan lamang nito ang ospital na pinapasukan niya.

Sa loob ng sasakyan ay di napigilan ni Jade na muling umiyak ng umiyak at naglabas ng saloobin kay Richard.

"Richard sa palagay mo ba may lalaki pang magmamahal sa akin kahit may mga anak na ako?" umiiyak niyang tanong

"Bakit naman mawawalan? Kabawasan naba sa dignidad ng isang babae ang pagkakaroon ng anak?"

"Oo! Syempre bilang lalaki hindi nila gugustuhin na magmahal ng may anak na ika nga eh may savit o bagahe na."

"For me having a kids is not a crime, because they are the product of love, they are gift from God and everyone need's to know that being a single mom's boyfriend is a wonderful thing. Kasi pinatatag na kayo ng pagsubok na dumaan sa inyong buhay. Kaya don't worry sure na sure ako may magmamahal sayo at napaka swerte niya sainyo ng kambal."

Nalayan nalamang niya na nasa harapan na pala sla ng ospital.

Ngumiti siya kay Richard at nag pasalamat saka may pagmamadaling bumaba ng kotse nito.

Naalala ni Richard ang bagong cellphone na binili ng asawa niya, ipinabibigay ito sa kapatid niya paravdaw masurpresa ito. Naniniwala si Jodi na kung siya ang mabibigay ng regalong iyon paniguradong tatanggihan lamang ng kapatid kaya ipinadaan sa asaw niya.

Agad bumaba ng kotse si Richard, "Aj wait!" sigaw nito .

Agad naman bumalik si Jade at lumapit sa kanya.

"Bakit?' takang tanong ng dalaga.

"I forgot to give this to you." sabay abot ng paper bag.

" What's this? hindi ko pa naman birthday."

"My life este my wife ask me na kung pwede ako ang magbigay niyan. And about what we talked about... Don't worry pagnadapa ka nandito lang kami ng kapatid mo at handa kaming ibangon ka. At ako naman magpapaka kuya ako sayo pag dumating yung time na yun lagot sakin ang mananakit sa inyo."

Napaluha si Jade sa sinabi nito at di napigilan ang yumakap dito. Bilang pag alo ay dinampian ito ng halik ni Richard sa noo.

"Bye AJ and Goodluck sa lovelife mo." saka nagmamadaling umalis si Richard.

Pumasok naman si Jade agad agad sa loob ng ospital at dumiretso sa opisina ng senior nila dahil duon sila iniipon ipon.

"Hi Wifey I deserve a kiss." nakangiti si Richard habang sinasabi iyon sa cellphone, kausap niya ang asawa at mula ng umalis siya sa bahay ay naka video call ito dahil sobra itong nag alala ng makitang galing sa pag iyak ang kapatid.

"Thank you so much Hubby, alam kong gagaan ang pakiramdam ni ate Jade. Yun kasi ang kulang sa kanya yung may mahingahan siya na hindi niya kamag anak I mean y---yung ah basta gets mo na yun."

"Yes I know and I hope it's okay with you that I kiss her forehead and I also hugged her to comfort her."

"Oo naman Hubby alam ko naman na hindi mo gagawin yun kung hindi ko kita. Saka isa pa ate ko yun di ako mag selos duon no. sige na mamaya na award mo take care I love you mwahhhh" at saka sila nag katawanang dalawa.

Matapos ang meeting nina Jade ay pinapunta na sila sa kanya kanyang station.

"Grabe no, parang natatakot ako ma assign kay doctor Vergara." ika ng kasamahan niya na kunwari'y na nginginig nginig pa.

"Bakit naman?" takang tanong ni Jade.

"Matapang daw yun at di pwede ang tatanga tanga eh bukas ia-assign na daw tayo kung kanino tayo mag assist."

"Huwag ka ng matakot okay lang yan. Goodluck nalang sa atin." at saka sila nagmadali na mag sanitized sa nurse station bago pumunta sa children's ward kung saan sila naka assign.

Pagpasok palang sa ward ay agad ng napangiti si Jade ng makita ang mga batang naroroon naalala niya tuloy ang kambal niya.

Nilapitan niya agad ang isang mag-ina sa bed 8.

"Mommy tulungan ko na po kayong mag ayos ng bed ninyo mag ra-rounds na po kasi ang doctor at kailangan po nating linisin ang mga kalat na ito." magiliw niyang sabi sa nanay ng pasyente na agad naman tumalima sa kanyang sinabi.

"Salamat sa Tulong nurse----"

"Nurse AJ po, mommy. Okay lang po ito ang mahalaga maayos na natin ito para pagdating ni doc ay okay na ang lahat." at saka niya tinulungan ang ina ng vata na maayos ang mga gamit na nag kalat ng mga ito.

Hindi nagtagal ay pumasok ang apat na nurse kasunod as hulihan ang doktor na nakatutok sa record ng pasyente habang ang nasa unahang nurse naman ay sige ang pagsasalita tungkol sa case ng pasyenteng tinulungan ni Jade.

Habang papalapit sa kinatatayuan ni Jade ang mga ito ay tila ba palakas ng palakas ang tibok ng kanyang dibdib. Hindi siya maaaring magkamali kilalang kilala niya ang lalaking ito. Ang lalaking una at huli niyang minahal, ang lalaking pinag alayan niya ng buong buhay niya, ang lalaking ama ng kanyang mga anak.

"Nurse AJ this is Dr. Andy Lee Yhang, sa kanya ka naka assign tomorrow." pakilala ng superior nila. "And Doc Andy this is Nurse AJ."

Hindi agad nag angat ng mukha si Andy tutok na tutok ito sa binabasa. Kaya sinamantala ni Jade dahan dahan siyang lumakad sa sulok upang sana ay tumakas. Sa kasamaang palad ay natisod niya ang paa ng katabing drawer ng higaan ng mag ina at nagtumbahan ang ilang bote roon at lumikha ng ingay. Naagaw nuon ang atensyon ni Andy na ang dumapo ang paningin sa kanyang mukha.

Busy si Andy na pinag aaralan ang sitwasyon ng batang kanyang titingnan kaya naman kahit anong daldal ng head nurse na nasa unahan niya ay hindi niya iyon pinapansin, kahit pa may ipinakilala itong nurse sa kanya. Hindi niya ugaling makipag batian lalo na kung babae ang ipakikilala.