webnovel

Chapter 30

Ipagpapatuloy sana ni Andy ang pagbabasa ng biglang nakarinig siya ng ingay ng mga boteng natumba at tila ba impit na ingit ng babae. Daglian siyang tumingin sa taong gumawa ng ingay at ganon nalang ang pagkabigla niya ng magtama ang kanilang paningin.

Kitang kita ang kaba sa mukha ni Jade. Samantalang natigilan naman si Andy at kusang lumabas ang pangalan ng babae sa kanyang mga labi habang ang kanyang mga mata ay parang may sariling isip na hindi maalis sa dalaga.

"Jade?" anas nito.

"Magkakilala kayo Doc?" singit ng isapang nurse.

"Ah-----eh----- ano lang ahmnnnn i--schoolmate kami dati nuong college, oo tama schoolmate kami." Kabadong kabado ngunit nagpapasalamat si Jade na nakaisip agad siya ng dahilan.

"Wow small world huh!" dagdag pa ng head nurse nila.

Hindi naman Nakapag salita pa si Andy, nararamdaman niya na ayaw ni Jade na malaman ng mga kasama ang ugnayan nila.

litong lito si Andy sa kanyang nararamdaman dahil hindi niya alam kung matutuwa ba dahil nakita na niya ang babaeng nais hanapin o magagalit dahil hindi na siya naantay nito ang masakit pa sa kanya ay di niya alam kung asawa ba o nobyo yung naghatid kanina.

Kumilos nalamang silang dalawa ng normal at nagpanggap na hindi apektado sa muli at biglaang pagkikita.

Lunch break, nakaupo sa isang sulok si Jade at ang dalawa pang kasamahang nurse.

"D'yan ka muna nurse AJ ha pipili lang kami ng food, wala ka bang ipapabili?" Tanong ni Nathalie.

"Soft drinks nalang may baon naman ako eh, salamat." Sagot niya

Kinuha niya ang bag at sa loob nuon ay dinukot ang inihandang baon na pananghalian. Nakita niya ang paper bag na ibinigay ni Richard kanina.

Dahan dahan niyang inilabas iyon bago binuksan. Manghang-mangha siya sa napakagandang cellphone na ibinigay sa kanya ng kapatid. Noon pa siya nito gustong bilhan ng cellphone pero ayaw niya kaya siguro ngayon ay ipinabigay na lamang sa asawa nito sa paraang iyon nga naman ay hindi siya makakatanggi.

Saktong binubuksan niya ang bagong cellphone ng dumating ang dalawang kasamahan.

"Wow! grabe ang ganda naman niyan." palatak ni Nathalie.

"Kanino galing ang gift na yan sa boyfriend mo no?" nakangiti at ng aasar naman na singit ni Lira

Kabibili lamang ni Andy ng makakain, sinadya niyang pumila sa canteen upang makita si Jade. Hindi nga siya nagkamali nakita niya ito sa sulok habang binubuksan ang paper bag na nakita niyang iniabot ng lalaking naghatid rito kanina.

Sakto naman na wala ng bakanteng mauupuan kung hindi sa table lamang nina Jade may isang bakanteng upuan sa tapat ng dalaga kaya agad siyang lumapit at inabutan niyang kinakantyawan ito ng dalawang kaibigan.

"Hi excuse me is it okay kung maki share ako sa inyo ng table wala na kasing bakanteng upuan ." agaw atensyon niya sa tatlong nagkukulitan.

"Oi doc opo naman dito na po kayo sa tapat ni nurse AJ." sagot naman ni Lira na agad iginiya si Andy sa upuan.

Patuloy naman sa kakulitan si Nathalie. "Ano na girl sagot na kanino galing yang gift?"

"Ah ----ano sa b-----" hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang tumili ng impit ang dalawa.

"OMG sabi na sa boyfriend mo eh ang galante ha alam mo ba ang presyo ng cellphone na yan, grabe siguro napakayaman ng boyfriend mo." daldal pa ni Lira

"Ah---ano kumain na tayo please kasi baka ma-late tayo sa duty." bulong niya ngunit rinig ng tatlo.

Wala silang imikan kumakain ng maayos ng buglang tumunog ang cellphone na luma ni Jade kaya naman agad niyang sinagot iyon.

"Hello?"

"Hello mama hu hu hu!" boses ni Jadelyn na umiiyak ang narinig niya sa kabilang linya.

"Hello baby? W-whats happened?" nag aalala niyang tanong at napansin niyang nakatingin sa kanya ang tatlong kasama sa lamesa kaya naman sumenyas siya sa dalawang kasama na tatayo muna siya.

"Kuya is in the clinic he has a fever , I'm so scared mama." sumbong ni Jadelyn.

Para naman binibiyak ang puso ni Jade sa narinig niyang boses ng anak kaya pinakalma niya ito. Bago tinawagan ang kapatid. Nangako naman ito na sila na ang bahala sa kambal kaya nabawasan ang pag aalala niya.

Bago siya bumalik sa loob ng canteen ay tinawagan niyang muli si Jadelyn, "hey baby stop crying na ha. pupunta na sina Manang Fely and kuya Jomari d'yan para sunduin kayo. Don't worry si titaninang na ang bahala sa inyo okay."

"yes mama, thank you mama and I love you take care always mama."

"bye take care and I love you too." saka niya pinutol ang tawag na iyon. Ngunit pag ikot niya ay muntik na siyang matumba dahil nasa likuran niya si Andy

Parang kinukurot ang puso ni Andy ng marinig niya ang mga katagan sinabi ni Jade.

'BYE TAKE CARE AND I LOVE YOU TOO' mga katagang sakanya lang nito sinasabi nuong sila pa.

Binilisan nalamang niya ang paglalakad at nilampasan ito kahit na muntik na itong masubsob sa sobrang gulat sa kanya ay hindi niya pinansin. Nagmadali siyang pumunta sa office niya at duon naglabas ng sama ng loob at inis.

Nakalipas ang isang Linggo at naging maayos naman ang pag a-assist ni Jade kay Andy tulad dati nuong magkasama pa sila sa ospital. Kakaiba nga lamang ngayon dahil normal na normal ang pakitungo nito sa kanya. Hindi siya sinusungitan at hindi rin siya kinakausap kung hindi kailangan.

Panggabi ang duty niya at ng madaling araw na ay nag break muna siya para magkape sa canteen dahil antok na antok na siya inabutan niya sa canteen ang isang grupo ng mga doktor na nagkaka siyahan at kahit nakatalikod ay alam niyang si Andy yung isa sa kanila ang ipinagtataka niya ay kung sino ang babaeng katabi nito at nakapulot ang mga braso sa bisig nito.

Lalakad na sana siya papunta sa isang lamesa na malayo sa mga ito ng bigla siyang harangin ng isa sa mga doktor.

Si Dr. Kaizer Palaez, makisig, gwapo, mabait ngunit kilalang babaero.

"Hi nurse AJ, join ka naman sa amin oh please!" pakiusap nito na nagkunwari pang nananalangin sa kanyang harapan.

Agd naman siyang napalingon sa mga kasamahan nito sa lamesa at pulang pula ang mukha niya dahil sa kahihiyan lahat ang mga iyon ay nakatingin sa kanila at tila inaantay ang sagot niya.

Sasagot na sana siya ng hindi ng biglang may umakbay sa kanya.

"Sorry Doc pero hindi pwedeng sumabay sa inyo ang girlfriend ko." sagot ng tinig na kilalang kilala niya kaya agad siyang napalingon at tiningala ang may ari ng baritoning tinig na iyon.

"R---Richard? Anong ginagawa mo dito? " takang tanong niya.

"Iintayin ko ang paglabas mo malapit ka ng mag out diba?" sagot nito na hindi inaalis ang mga kamay sa pagkaka akbay sa kanya.

"We'll, uhm... I'm dr. Kaizer Palaez" iniabot nito agad ang kanang kamay upang makipag kamay kay Richard.

Inabot naman ni Richard iyon at saka nagpakilala "Richard Lim, if you'll excuse us doc." at saka niya iginiya si Jade papalayo.

Pinili nilang upuan yung malayo sa grupo nina Andy, kitang kita ni Jade ang panakaw nakaw na pagsulyap nito sa kanilang kinatatayuan.