!!! TRIGGER WARNING: SUICIDAL THOUGHTS !!!
"Nagsimula kasi akong makaramdam ng lungkot at kawalan ng tiwala sa sarili noong nasa highschool ako" pagsisimula ni Vi sa kanyang kwento.
"Sige lang, ikwento mo lang 'yan andito lang ako." sabi ni Yuki saka hinawakan ang kamay ni Vi.
"Dati kasi sobrang abala ang mga magulang ko sa kani kanilang trabaho. Paano ba naman kasi pareho silang abogado. Si Mommy lagi siyang nasa abroad para sa mga corporate works at business trips samantalang si Daddy naman ay laging busy sa pagbabasa ng mga kaso at paghahanda sa mga hearings." sabi ni Vi saka ngumiti ng mapait.
"Noong nasa Grade 10 ako nagsimula akong mawalan ng karamay sa buhay. Paano ba naman kasi wala na nga ang mga magulang ko sa tabi ko pati ba naman ang kuya ko ay abala din sa girlfriend niya. Hindi naman sa nagseselos ako pero iniisip ko lang na bakit lahat ng taong minamahal ko ay iniiwan ako. Alam ko naman na dapat kong unahin ang pagaaral pero sadyang nalulungkot lang ako. Nalulungkot ako dahil tuwing umuuwi ako ng bahay ay parang wala akong nararamdaman na saya o kaya naman ng pagmamahal. Nararamdaman ko lang lagi na magisa ako at walang kausap sa panahon na mayroon akong sariling problema." habang nagkukwento ay hinawakan uli ni Yuki ang kamay niya para ipahiwatig na andito si Yuki na handang makinig sa kanya.
"Mas lumalala pa nga ang problema ko dahil napabayaan ko na ang grades ko at may time pa na pinatawag sila Mommy sa school. Noong una akala ko wala na silang pake sa akin pero 'yon pala mayroon naman, mayroon dahil ako at ang kapatid ko ang pinagmamayabang nila sa mga co-worker at ilang colleagues nila. At dahil nga bumagsak ako sa ilang subjects ay grabe na ang galit nila sa akin. Grabe yung mga sinabi nila, pinamukha nila akong bobo, walang kwenta at sinabi pa na hindi raw ako karapat dapat na maging anak nila-- dahil wala daw silang anak na bobo at mahina sa Math." sabi ni Vi habang kumakain ng shanghai.
"Tapos matapos ang ilang linggo ay may kasamang umuwi si Mommy. Sabi niya doon daw muna makikitara si Gelnda sa bahay namin kasi wala ang mga magulang nito. Noong una akala ko okay lang ang lahat pero makalipas ang mga sumunod na araw mas naramdaman ko ang pagseselos dahil mas inuuna siyang asikasuhin nila mommy at daddy.Naalala ko pa nga tabi pa siyang natutulog kasama ng mga magulang ko at lagi din siyang binibilhan ng mga bagong gamit linggo linggo."
"Pero kaano ano niyo ba ang batang 'yon?" tanong ni Yuki.
"Anak siya ng kaibigan ni Mommy. Paano kasi may biglaang trabaho abroad si tita Gina ng 5 months kaya pinaalagan muna kay Mommy si Glenda ." sagot ni Vi saka ipinagpatuloy ang kwento.
"Alam ko naman na Grade 7 student na si Glenda at mature na din siya mag isip pero ang hindi ko lubos akalain ay ang pagsisinungaling niya sa mga magulang ko. Sa bahay kasi namin mayroong pinaka inaalagaan na vase si Mommy, na nagmula pa mismo sa Great Grandmother ko pero isang araw habang naglilinis ako ay natabig ni Glenda 'yong vase tapos nabasag. Noong nangyari 'yon edi syempre nilapitan ko siya para tingnan kung may sugat ba siya o wala pero sakto namang dumating si Mommy galing sa office. Kaya ang buong akala niya ay ako ang nakabasag ng vase at sinasaktan ko kunno si Glenda." sabi ni VI saka mapait na napangiti.
"Dapat sinabi mo sa Mommy mo na hindi ikaw ang nakabasag para naman hindi ikaw ang sinisi." sabi ni Yuki.
"Sinabi ko naman na hindi ako ang nakabasag ng vase pero hindi siya naniwala. Paano kasi umarte si Glenda na nasaktan kaya ayon mas lalong nagalit sa akin si Mommy. Noong araw nga din na 'yon eh kinuha nya lahat ng gadgets ko para wala akong magawa tapos binawasan niya din yung allowance ko sa school."
"Hindi mo man lang ba 'to sinabi sa kapatid mo? Mukhang close naman kayo ng kapatid mo eh base sa nakita ko noong nakaraan." tanong muli ni Yuki.
"Close naman kami ni Kuya TItus pero hindi ko lang siya gaanong nakakasama noon dahil lagi niyang kasama yung girlfriend niya na si Ate Amora." sagot niya.
"Alam mo ba may mas masakit pa keysa doon sa nabasag na vase. Kasi one time nagpunta kami sa batangas para sa isang meeting ni Daddy. Edi syempre ako,si Glenda at Kuya ay sumama. Tapos noong nag eenjoy na ako sa beach bigla na lang sumunod si Glenda sa akin at tumakbo papunta sa malalim na parte ng dagat. At bilang nakakatanda agad ko siyang sinundan dahil baka malunod siya pero kabaliktaran ang nangyari. Marunong pa lang lumangoy si Glenda at ako naman ay hindi. Kaya ayon, ako ang nalunod sa beach imbis na siya. Pero nang makita niya akong nalulunod ay hindi niya ako tinulungan, ni hindi man lang siya tumawag ng ibang tao para iligtas ako o kaya naman ay pinuntahan ang mga magulang ko para sana sabihin na nalulunod na ako sa beach." sabi ni Vi saka tinignan si Yuki.
"Huwag kang magaalala Vi kapag nag beach tayo bukas o kaya sa susunod na araw hinding hindi kita iiwan at hahayaang malunod gaya ng masamang Glenda na 'yon" sabi ni Yuki na ikinatawa na lang ni Vi ng bahagya. "Pero sino ang nagligtas sa'yo?" tanong muli ni Yuki.
"Si Kuya Kian, Kian Valero" sagot nito ng nakangiti. "Napagalaaman ko kasi na isa sila sa mayari ng beach na pinuntahan namin kaya siya andoon. Ang sabi pa nga niya dati ay nakita niya si Glenda na umahon ng beach na magisa at hindi ako kasama. At ng tignan niya ang dagat ay nakita niya akong nahihirapan umahon at nalulunod na nga." dagdag pa ni Vi.
"Buti naman pala at tinulungan ka niya." sagot ni Yuki.
"Buti na na lang talaga at nakita niya ako dahil kung hindi ay baka patay na ako ngayon. "Yon din siguro ang dahilan kung bakit kami close ni Kuya Kian kasi una niligtas niya ko tas panglawa tumayo siya na parang kapatid ko habang laging kasama ng Kuya ko ang girlfriend niya." sagot ni Vi saka ipinagpatuloy ang kwento.
"Ang mga sumunod na buwan na kasama si Glenda ay mas naging mahirap pa dahil nga bata siya kaya mas pinapanigan siya ng lahat. Ako na anak ng mga magulang ko ay hindi man lang pinaniwalaan kahit minsan. Kahit nga sabihin ko na si Glenda mismo ang may pakana ng mga binibintang nila sa akin ay hindi sila naniniwala eh, paano kasi magaling mag sinungaling ang batang 'yon." sabi ni Vi saka sinumalang kainin ang lomi na inorder.
"Masarap ba?" tanong ni Yuki.
"Oo naman, sakto to kasi malamig na" sagot ni VI saka muling nagkwento.
"Isang insidente na mas lalong ikinagalit ko ay noong pilit iminaneho ni Glenda ang e-bike sa Village namin. Noong una hindi ko 'yon sinang ayunan dahil pareho kaming minor, walang drivers license at walang experience sa pag drive ng e-bike. Pero dahil sobrang kulit ni Glenda ay minaneho niya ito palabas ng bahay at umikot ikot sa buong village namin. Pero syempre sumakay din ako kasama niya para naman masiguro ko na wala siyang gagawing kalokohan. Pero nagkamali ako, mas minaneho niya ng mabilis ang e-bike hanggang sa may bumunggo sa aming kotse na dahilan para sumemplang kami."
Napatigil si Yuki sa pagkain at tinignan si Vi ng may halong pag aalala.
"Nang maaksidente kami ay nakarinig agad ako ng mga bulong bulongan at ang taong nakabangga sa amin ay tumawag na rin ng ambulansya pero exacto din na napadaan sila Mommy at Daddy sa kanto na 'yon kaya inuna na nilang dalhin sa hospital si Glenda kaysa sa akin. At as usual wala na naman tumulong sa aking hanggang sa dumating ang paramedics."
"Paano 'yon edi nakahiga ka lang sa daanan? Wala man lang ba tumulong sayo? Yung kapatid mo hindi man lang niya alam?" Sunod sunod na tanong ni Yuki.
"Meron naman. Feeling konga life saver ko na talaga si Kuya Kian eh. Kasi noong nalunod ako nandoon siya at noong naaksidente kami sa e-bike ay andoon din siya. Siya na ang nag volunteer na dalhin ako sa hospital gamit ang kotse nila kasi ang tagal pa bago dumating ang paramedics. Nakakahiya nga kasi yung mismong mga magulang pa ni Kuya Kian ang naghatid sa akin sa pinakamalapit na hospital."
"Huwag ka ng mahiya kapag ganoon ang sitwasyon.Buhay mo na ang nakasalalay eh." sabi ni Yuki.
"Matapos ang ilang araw ko sa hospital ay na discharge na din ako pero nakakatawa nga eh kasi ni minsan hindi man lang ako nagawang dalawin ng mga magulang o kapatid ko. Si Kuya Kian lang at ang pamilya niya ang nagbabantay at nag-aalaga sa akin noong mga panahon 'yon. Sila ang nagbayad ng hospital bills ko at sila na din ang naghatid sa akin pauwi ng bahay. Pero pagdating na pagdating ko sa bahay ay agad akong sinampal ng Mommy ko. Sabi niya nagaalala daw siya sakin at hindi na alam ang gagawin dahil nawala na lang ako bigla. Nakakatawa nga eh na si Glenda na hindi niya kadugo nagawa niyang ihatid sa hospital samantalang ako na anak niya nakalimutan niya at hinayaang mawala ng ilang araw, ni hindi man lang siya nagkusa na hanapin ako eh, ni hindi man lang niya nalaman na, na hospital ako at tinahi ang tagiliran at hita dahil sa sugat na natamo sa aksidente." kwento ni VI na naluluha na. "Hindi man lang alam ng mga magulang ko na takot na takot na ako sa hospital dahil baka bukas o makalawa ay hindi na ako magising. Hindi man lang nila alam nabali ang ilang buto ko dahil sa aksidente at muntik na akong magkaroon ng blood clot sa ulo kung hindi ako agad naitakbo sa hospital. Wala silang alam sa mga nangyari sa akin dahil mas inuna pa nila si Glenda na may sugat lang sa paa keysa sa akin na anak nila na nabaliaan at muntikan pang mamatay kung hindi naagapan ang blood clot sa ulo."
"Sana sinabi mo sa kanila kung nasaan ka para naman sana hindi na mas lumala ang galit nila s'yo." sabi ni Yuki.
"Para saan pa? Eh mukhang wala din naman silang pake eh. Inisip ko nga na sana namatay na lang ako noong araw na 'yon inisip ko na kung mamatay ba ako eh aampunin na lang nila si Glenda para maging anak nila. Inisip ko din na bakit ba kaialangan magka ganito ang buhay ko. Minahal ko naman lahat ng kapamilya ko pero bakit kapag ako ang nangangailangan ng pagmamahal at atensyon nila ay wala sila sa tabi ko." sabi ni VI saka mapait na ngumiti.
"Kung dati wala kang masasandalan ngayon andito na ako para sa'yo kahit pansamantala lang." sabi ni Yuki saka ginulo ang buhok ni VI.
"Noong gabing nakauwi ako inisip ko din kung paano ba ako magpapakamatay. Kung iinom ba ako ng gamot, iinom ng lason o kaya naman kukuha ng kutsilyo tas lalaslasin ang sarili.Inisip ko din na baka kung wala ako eh mas masaya ang mga magulang ko kasama si Glenda, tutal naman mas mahal pa nila ito keysa sa akin na anak nila."
Hindi pa man natatapos ni Vi ang sinasabi ay agad na pinitik ni Yuki ang nuo niya. "Alam mo sayang naman ang exotic cooking skills mo kung magpapakamatay ka. Sayang naman iyong sweet and sour hotdogs mo kung nawala ka na agad. At higit sa lahat kung namatay ka na edi wala na akong kasama mag road trip at beach hoping." sabi ni Yuki para pagaanin ang mood.
"Hayy nako highschool days ko nga naman malungkot siya pero at least nakaya ko naman." sabi ni Vi saka bumuntong hininga
"Syempre naman kaya mo 'yan! Ikaw pa ba!" pag checheer up ni Yuki.
"Pero akala ko natapos na lahat noong highschool at hindi pa pala." dagdag ni Vi
Ngumiti muli si Yuki saka sinabing "SIge ituloy mo lang"
"Well, nagsimula kasi 'yon sa natapunan ko ng kape sa isang fast food restaurant. Syempre dahil mabait ako sinabi kong babayaran ko na lang yung mga natapunan kong gamit niya pero hindi siya pumayag. Kaya ayon hinayaan ko na lang tas pagdating ko sa school nalaman ko na magka schoolmate pala kami at ang mas malala pa ay kaibigan pala siya ng Kuya ko."
"Hulaan ko, yan ba 'yong tinawagan mo kanina?" tanong ni Yuki
"Hindi siya yong gusto kong tawagan pero siya ang sumagot sa tawag ko. Pero ayon na nga noong una ayaw ko talaga sa kanay dahil nga masungit at myabang yung aura niya. Pero makalipas ang ilang araw natagpuan ko na lang ang sarili ko na stinastalk siya sa Instgram at humihingi ng mga impormasyon tungkol sa kanya mula sa kapatid at sa kaibigan ko na kakilala din siya. Noong una pa lang ay umaasa na ako na magugustuhan niya ako kasi may mga pinapakita din siyang mga motibo." sabi ni VI
"Gaya ng?" mapaklang tanong ni Yuki
"Well, noong una nakipagsuntukan siya sa isang kaibigan ni Kuya Kian kasi nga chinachansingan ako kunno pero kaya pala niya sinuntok 'yong kaibigan ni Kuya Kian ay dahil ito ang ipinalit ng ex girlfriend niya sa kanya. Tapos meron din time na lumabas kaming dalawa ng magkasama, siya yong kasama ko noong nakita kita sa bookstore." Sabi ni Vi na agad din namang tianguan ni Yuki. "Tapos may time din na pumayag siyang tawagin ko sa eanderments name which is 'love'" sabi ni VI saka naalala ang mga ginawang katangahan para kay Theo. "Pero ang pinakamasakit sa lahat ay noong nalaman ko na kya lang pala niy sinasakyan ang trip ko eh dahil nagmomoveon siya sa ex niya at nakikita niya ang ugali ko sa ex niya." sabi ni Vi saka natahimik.
"Alam mo, hindi mo naman mapipilit n mahalin ka ng taong gusto mo Vi. Pero kung talagang mahal mo 'yong si Theo bakit hindi mo ipakita na iba ka sa ex niya." dagdag ni Yuki
"Ayaw ko ng umasa pa." maikling sagot ni Vi.
"Kapag ba sinabi ko na nagugustuhan na kita maniniwala ka?" tanong bigla ni Yuki
"Anong sabi mo?"
"Madali kang magustuhan Vi kasi masaya kang kasama at nakikita ko din kung gaano mo kamahal ang iba. Kaya kahit sinong tao pa man 'yan siguradong magkakgusto sa'yo." ika ni Yuki.
"So, sinasabi mo na gusto mo ako?" paniniguradong tanong nito.
"Oo, naman. Gusto kita pero natatakot akong mahalin ka dahil baka iwanan mo ako kapag nalaman mo ang nakaraan ko." mapaklang sabi ni Yuki
"Hindi naman ako ng iiwan nang walang dahilan eh saka bakit naman kita iiwanan, may rason ba para iwanan ka?" tanong ni Vi.
"Kahit ba sabihin kong napatay ko ang kapatid ko mananatili ka pa din?"
A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!
Hellow again! I hope you've enjoyed the previous chapters kasi medj difficult to write na yung mga susunod pero still kaya naman :))) continue supporting my works. See you on next chapss :>>
Please support my twit acc 🥺👉👈 :
✨@citrinelily17✨
Disclaimer:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.