webnovel

Chapter 2

Isang birthday song ang tuluyang gumising sa mababaw na paglalakbay ng aking diwa.

Naaalala ko na naman.

Humagis ang hawak na unan sa inis. Napakaloko talaga ng lalaking 'yon! Kapag ako gumanti, panigurado iiyak siya.

December 08

Yuri-chan's Birthday!

Inis kong pinatay ang alarm. Nang mahismasan ay naisipang lumabas.

I was about to go out to buy something to wear tonight when Nanay called me.

"Kumain ka na muna Isle, ipinagbibilin ng Mama at Papa mo."

Sumubo ako ng ilan saka ngumuso. Nagthumbs up akong naniningkit na tumingin kay Nanay, nang-aasar, naaasar.

Napabuntong hininga siya. Saka nagpamewang bago inayos ang damit kong medyo magulo, ang buhok kong minadali lamang ang pagsusuklay at ang ngiti sa labi ko, inunat niya talaga ng sagad-sagad.

"May galit ka ba sa'kin Nanay?" umarko kilay ko, isa rin siya sa alam kong sanay at halos kilala na ako.

"Ikaw Isle, may galit ka ba sa sarili mo?" natigilan ako sa kaniyang pagbalik.

Saglit napayuko. May kung anong memoryang dumaan pero matagal ko na itong kinalimutan kaya't hindi na nag-abala pang bumalik.

Umakto akong natatawa sa kakornihan ni Nanay. Ngunit hindi siya nakumbinsi. May bahid ng lungkot ang ngiti sa mga kaniyang mga mata.

"Nanay, bawasan panonood ng drama, kinakain ka na rin ng sistema" mahinang pagtapik ko sa kamay niya na nakahawak sa braso ko, namamaalam, bago siya lagpasan.

Hindi na kami kumuha ng driver knowing lagi akong hinahatid sundo ni Yuri saan man ang lakad ko, namin. At hindi naman madalas lumabas si Nanay. But since today is  that loko's day, hindi ko na muna aabalahin ang señorito, instead, I grabbed a taxi to arrive in mall.

Muli akong dumaan sa Krafting Shop, the area of this mall where I never failed to nest whenever I go here.

I was about to go home matapos makapamili nang mapansin ang isang batang nagpapakarga sa isang human size teddy bear.

Argh, why do I have this feel of guilt? Fine.

Napairap akong pumunta sa Ice Cream Parlor na supposedly pagbibilhan namin ni Yuri kahapon but ended by himself, alone.

"What-"

"Double Dutch, Vanilla, Black Forest, Cookies 'n Cream and Very Rocky Road in a jar," sambit ko. Nakita kong umirap ang nasa counter kaya inangasan ko lalo. Sorry, 'di ko ugaling magpatalo. What's wrong? Gan'on din naman, tatanungin niya ako, mabuti nga at hindi na nahirapan 'tong kaharap ko sa pagsasayang ng laway. Mga tao talaga 'di marunong um-appreciate ng simple act of kindness.

I pay as I grab what I bought. May ilang nakakita at napasinghap sa ginawa ko.

What again?!

Hindi ko na nga kinuha sukli eh. Psh. Just be thankful bitch. Saka FYI, nagmamadali ako.

Napairap na lang ako, such a waste of time to explain myself. They'll believe what they want to, let them be.

Pumasok ako sa shop na itinuturo nung teddy bear na nagsasalita kahapon, I mean 'yong mascot.

Bumili ako ng pastries and a cup of coffee. Tss, this isn't really for me. It's Nanay's. Nakonsensya lang ako kahapon because I didn't thank that whoever he is, duh.

I ripped off from the paper bag of my take out from this coffee shop and wrote something I didn't expect to. This isn't me. Really.

Before I go, I left the ice cream I ordered with a 'Thanks' note to the place where that was mascot seated yesterday, where I hid.

Please remind me that isn't Isle for whoever's sake.

-

I spend my remaining time for an extreme beauty rest. Yuri message me that he'll going to fetch me but I refuse, he insisted but this day, I won. He should be proud. He's always good at insisting himself but not this day.

Nanay just contacted our former driver to drive for me this day.

I'm in the middle of preparation, an hour before the start of Yuri's party, when Nanay's warm smile greeted me.

She's as if seeing something gorgeous after her eyes. Of course, I am,  who am I to deny that?

"Napakaganda mong dalaga Isle, hindi mo lamang alam kung gaano ka-proud ang mga magulang mo sa'yo bagaman bihira kayong magkasama-sama." Tinulungan niya ako sa pag-ayos ng buhok at damit ko ngunit nanatili akong tahimik. Batid ni Nanay na hindi ko na gusto pang marinig ang maaari niyang sabihin.

"Kung nandito ang ate mo, malamang-"

"I think I'm good now?" tumayo ako sa harapan ng salamin. Kitang-kita ang pagkinang ng dekorasyon ng suot kong damit. Fitted tube that reveals my back perfectly hugs my curves. The intricate cut upon the end parallel to my legs, five inches above my knee, unveils the cream color of my skin. Silver and black stiletto compliments the color of my silver, royal blue and black combined dress.

"Para kang prinsesa" ngumisi lamang ako sa harapan ng salamin habang direktang nakatingin kay Nanay.

Witch,  Nanay. I'm a wicked, cursed witch.

"I know right."

-

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Tinangay nito ang ilang hibla ng buhok ko mula sa pagkaka-braid ng mahaba at itim na itim na kulay nito. Mukhang ako na lamang ang hinihintay ng lahat. So full of me, am I? I chuckled.

Napahinto akong saglit nang maaninag ang isang parte ng bahay nila Yuri. The Playground.

Ilang alaala ang nagpumilit na bumalik at sumiksik sa mailiit na espasyo sa aking isip, sorry, ngunit matagal ko na itong binura at kinalimutan. Wala nang nakaraan.

Binagtas ko ang daan papasok, nakabukas naman ang bahay nila diretso sa backyard.

May ilang nagsipaglingunan at bulungan. Ang iba'y walang pakialam, iyong iba naman, mukhang may namumukhaan. Business. A world where simple identities may contribute great to a business person's life.

"Masyadong attention seeker ang dating," hindi ko namalayan ang pagdating ni Yuri. When I am alone in the midst of crowd, I feel nothing. Pakiramdam ko, nawawalan ako ng pagkakakilanlan, nawawala ako sa ulirat. I'm pre-occupied with nothing.

" 'Di na lang sabihing maganda," usap ko. Napaisip siya, kunwari pang humawak ng baba, bago itinaas ang pointing finger na akala mo ay may napaka-gandang ideya.

"Para may," kalokohan talaga ang ideya na 'yon pagdating sa kaniya, "segue."

"Geh," tinapik ko siya sa balikat, "sabi mo eh." Ngumisi ako. Minsan nag-aalala na talaga ako sa estado ng kakornihan niya, sobrang lala na.

Only few attended his 20th birthday. Kadalasan close acquiantances and relatives, but of course, partners, business people, hindi naman mawawala 'yon. I felt alien, an ambiance that seems I don't belong, but Yuri held my hand and made me the center of the night, of his night. And that center seems like not in good way.

"You're here." pilit na ngiti ang namutawi sa labi ko.

"Tito and Tita," I was about to come to them to greet when Tita stopped me. My forced smile form into agape.

"Not now mom, please" Yuri sounded begging.

Tiningnan ko siya ng nagtataka, hindi ipinahalata sa parents niya pero they saw it.

"When will you tell her Yvan?" his dad joined.

Last time I checked, we were casuals, but now it feels like, it's more of the other way around.

Ramdam ko ang paghigpit ng kapit ni Yuri. Definitely, something is up to.

"We're going upstairs," paalam ni Yuri sa parents niya bago ako iginaya paakyat.

We went to his room and headed to the balcony. There is a table for two, filled with different uncommon but looks like high delicacies.

"Sorry." nakakapanibago ang dating niya, hindi makatingin ng diretso, may itinatago. Napakunot muna ako ng noo bago nakapagsalita.

"Spill it." Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa mga oras na ito. Nagbubugbugan ang bawat salita at emosyon sa loob ko. Parang may hindi magandang nangyayari pero nananatili akong walang alam.

"Not now please?" He's pleading for a cease, isang sandaling kasiyahan, 'yong kahit ngayon lang. I sighed. Tried hard to remember when was the last time that this type of atmosphere grew between us? I can't remember at all.

"Fine" napairap ako. Medyo gumaan ang hangin sa tahimik niyang pilit na pagtawa.

"Thank you," mapait siyang ngumiti. I don't know but seeing him this way makes my heart ache. Kahit nakakainis at nakakapikon siya, I better and prefer see him that way. Naninibago ako kapag hindi ang Yuri na nakasanayan ko ang nakikita at nararamdaman ko. It feels not him.

Bumalik ang paningin ko sa reyalidad nang maramdaman ang kamay niyang marahang humahaplos sa pisngi ko. Pinagmasdan ko ito, papunta sa mga mata niya. His eyes can tell tons of emotion yet his gentle hands chose to make me feel at ease. Unti-unti nanumbalik ang dati niyang mga mata sa pagsilay ng aking ngiti. In just a snap, Yuri I used to see and be with came back.

"Ang korni ko sa part na 'yon" namutawi ang dati at nakasanayan niyang mga salita.

"Buti alam mo," panggagatong ko. Natawa kaming pareho.

"Medyo madrama," dagdag pa niya.

"Award winning ser, ikaw na" at muling napuno ang kaninang nakabibinging katahimikan ng asaran at tawanan. I prefer this way. This is just us.

" 'Di ka pa gutom?" biglang tanong niya sa paghumpay ng galak.

"Sinong may sabi?" tinaasan ko siya ng kilay at pinamewangan.

"You looks sexy when you do that, stop it!" ang ekspresyon ng mukha niya ay taliwas sa kaniyang sinasabi, nakangiwi ito at tila diring-diri.

"Seven inches 'to baka lang 'di ka aware" ani ko, pertaining to the stiletto, kaya't napataas siya ng kamay.

Inalalayan niya ako sa pag-upo matapos ipaghila ng upuan, bago siya naupo sa katabi kong silya. I always thought it sweet that way. He prefer to sit by my side than across, always.

Ipinagsandok niya pa ako, alam niya ang mga gusto at ayaw kong pagkain, bago siya nagsandok ng kaniya. He never complain.

I always dream of another personality like him. But him? I don't know. All I know is, I just want to keep him, ayokong masira ang kung anong meron kami sa paghahangad ng mas higit pa.

"Let's eat!" nakangiti na siya ngayon na parang batang nakataas ang kutsara at tinidor. Napailing ako.

"When will you become more serious and mature Yuri?" hindi ko alam kung matatawa ako sa iniaasal niya. Halos hindi siya nagbago, he's the same Yuri I used to be with when we were still kids until now.

"When I can't make you smile that way anymore" saka siya kumindat. Napatawa na lang ako. Too sweet and caring. I also think of him as my little at the same time elder brother.

When I am with him, everything feels light and easy. I feel comfort and safety. I feel home, that no matter where I go, finding myself back in him. And there his joyous laughter and smiles that will warmly embrace every piece of me, no matter what I've been through, who and what I am. He accepted me without complaining and not trying to point of what should I be and should I not. He's just there, always.

I can't imagine that time will come I will also lost him.

"Isle" patapos na akong kumain, samantalang siya ay nagliligpit na nang magsalita siya.

Tiningnan ko lamang siya matapos niyang tumayo at lumakad papalapit sa akin.

"Can I have this dance with you?" nakalahad ang palad niya nang tingnan ko saka bumaling sa plato ko. And yet, he's always wrong timing.

"Like duh," itinaas ko ang utensils na hawak. Napasapo siya ng noo saka marahang humalakhak. Sorry na, food deprived eh.

"Okay, okay, I'll wait" aniya.

As soon as I finished my food, I stand and held his hand.

This is no different at all. He used to be my first and last dance in every chance.

Magaan kong pinisil ang magkabilang pisngi niya. Nakakainis. Why does he always need to be look cute?

Nagmake face lamang siya saka gumanti.

"Promise me" I said.

"What?" taka pa niya sa una.

"You'll gonna tell," I sighed. Nababagabag ako. Bakit parang sa pagkakataong 'yon, huli na ang lahat?

"I would, I surely would," he said with pure sincerity and assurance.

"Good," mahina akong napangiti. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin nang siya naman ang humirit.

"Promise me too, that whatever happens, you'll gonna wait for that time." Umaasa ang mga mata niya, mas lalo akong nanghina. What is that Yuri? Pero hindi ko na siya pinag-alinlanganan pa. I trust him more than I trust myself.

"Sure." tipid kong sagot. Batid niya ang pangamba ko pero nagawa pa rin niyang ngumiti.

"And I'm gonna ask something too." kumabog nang malakas ang dibdib ko. Bakit parang natatakot ako para sa araw na 'yon. Natatakot ako para kay Yuri.

"What?"

"In time" sweet smiles against hidden emotions ended his special day.

All Rights Reserved

alleurophile