webnovel

Chapter 1

"Ice cream!"

"As always"

Sabay kaming nagtawanan bago pa niya dalhin ang bag ko at ang kaniya. Lagi siyang ganiyan, kahit 'di ko sabihin, nagkukusa. Hindi ko na lamang mapigilang mapangiti sa isiping 'yon.

I am so lucky to have him.

"Akin na," bawi ko sa bag ko.

"Ako na,"

"Isa,"

"Dalawa!" masayang dugtong pa niya. Nakakainis.

"Yuri!" pinaningkitan ko siya ng mga mata. Kahit na pinakikita kong naiinis ako, hindi ko magawang maituloy dahil sa mga tawa niya. Masyadong makulit.

"Ayokong nahihirapan ang señorita."

"Nahiya naman ako sa señorito," I made a mocking grin.

"Dapat lang" and just by that, he won, again. Lagi naman, hays. Inakbayan niya ako saka iginaya sa labas.

Iilan na lamang ang mga estudyanteng natitira na nagpapakalat-kalat sa campus, at dalawa kami sa mga iyon. Katatapos lamang ng exams at kani-kaniyang lusot at ligalig ang mga estudyante. Friday, tapos na ang deliryo na dulot ng unang semestre.

"Ang hindi mapaghiwalay," narinig kong maasim na pang-aasar ng prof namin sa nalimutan ko biglang asignatura. Napairap na lamang ako. Palibhasa, matandang dalaga.

"Sabi ko sa'yo ligawan mo na eh," pasimple kong binulungan si Yuri.

"Tulungan mo ba ako?" napahawak pa siya sa kaniyang baba ng huminto.

"G!" balik ko na muli naming ikinahagalpak dalawa. Nahuli namin ang prof na lumingon sa aming direksyon saka nakahalukipkip na umiiling.

Daglian kong kinuha ang mga bag namin sa kaniya, na siya namang suot niya ng helmet na nakalaan para sa akin.

"Naks, bagay na bagay, pwede ka nang magdrive ng sa iyo" pang-aalaska niya.

"Gusto mo talagang mamatay ako ng maaga eh noh?" pinaliit ko ang aking mga mata.

"Sasama naman ako eh, at least dalawa tayo."

"Corny!" inirapan ko siyang nagmemake face. Tumawa na naman ang mokong. 'Di maubusan ng saya Yuri?

"Tara na nga!" hinintay niya akong maka-angkas bago isuot ang helmet niya't paandarin ang motor. His wheels is one of my favorite. Ang ganda ng model, hindi maingay, pangkarera pa nga ata at napaka-kumportable.

Pagkapark ay inalalayan niya akong makababa at muling kinuha ang mga bag namin, hindi ko binigay ang akin.

"Hand me yours" utos niya. Umiling lamang ako ng paulit-ulit saka tumatakbong nauuna. Ngunit sandali lamang ay malapit niya na akong maabutan. Nakakita ako ng isang life size na teddy bear sa sulok at agad akong nagtago dito.

Nakita ko siyang nagpapalinga-linga. Hindi ko na napigilang mapahagikhik. Parang ewan.

For almost 12 years with him, we became comfortable with each other. Enough for us to laugh our ass off without thinking of the possible showers we may see in each others' eyes and mouths. Enough to fart without uneasiness, to playfully hurt each, mag-away nang parang walang nangyari at babalik muli sa dati. And within those years, we became so sweet like brother and sister, or worse, pinagkakamalan pa kaming in a relationship. And our respond with that?

Iww. Yak! Never in my balance self to think it that way.

Or maybe, he doesn't think that way? Because, slowly, I do, lalo na kapag nararamdaman kong nakadikit siya. I feel safe, as if, I don't want to let go of him anymore.

Nakita kong may kinuha si Yuri sa bag niya. Ohmay. Tatawagan niya ako. Dagli kong hinalungkat ang bag ko saka pinatay ito. Ang bilis ng tibok ng puso, hindi ko alam kung bakit.

"Bakit mo siya tinataguan?" halos mapatalon ako sa nagsalita. Paulit-ulit na mura ang nagpe-play sa utak ko. Sinong nagsalita? Minumulto na ba ako?

Akmang paalis na ng hawakan ng teddy bear ang kamay ko. Napatalon ako sa gulat. Bahagya pang napalingon si Yuri sa direksyon namin, naglalakad na ito palapit nang payukuin ako sa likod ng teddy bear na nasa harap ko saka tinanggal ang ulo nito. Ah, mascot pala. Ang cute naman.

Napapahiyang napailing si Yuri saka umalis. Tumayo ako saka sana pasasalamatan ang mascot ngunit nakasuot na muli ang ulo nito. What I supposed to do? Nakatingin pa rin ito sa akin, nailang ako kaya't hindi na ako nakapagsalita pa.

Ugh. "Oo nga pala."

Pumunta ako sa pinakamalapit na store na pwedeng bumili ng krafting materials, saka naman dumaan sa mga nagtitinda ng damit.

Pagbalik ko sa parking lot, nandoon pa rin ang motor niya at mga helmet naming magkatabing nakapatong. Napailing ako. So Yuri. He never left me. Never, for now.

Binuksan ko ang phone at sunod-sunod na notif of messages and missed calls ang nagpop up.

An incoming call from Yuri, with a saved name, Your-ri. Yak, korni. Actually, it's him, who renamed the former Yowyow, which was his nickname way back in our childhood.

"Yuriiii!" sigaw ko sa kabilang linya para mabingi siyang sadya.

"Happy?" halata ang pagkairita sa boses niya.

A hard laugh. Nakakatuwa talagang mainis ang lalaking 'yon.

"I'm here at the parking lot." sirit ko. Parang dati lang, nagtatagu-taguan.

"I know." isang dagok ang halos magpaiyak sa'kin.

"It hurts." paawa effect ko nang lingunin siya.

"Suits you." Iniiwasan niyang mapatingin saka bumuntong hininga, ngunit muli lang rin napatingin sa'kin na ikinayuko ko naman.

"Where have you been?" kinabahan ako.

"Comfort room."

"Liar" napaangat ako ng tingin sa kaniya. A sudden devilish smile flash upon his face.

Napanguso lang ako at kaniya itong piniga. Gumanti ako sa pagpisil ng ilong. Sabay kaming dumaing at tumawa.

"Let's go." aniya saka ako sinuotan ng helmet.

"But the-" iniangat niya ang isang bag na may tatak ng isang ice cream parlor shop logo where we always buy. Mabilis na nagningning ang mga mata ko.

"Lezzgooo!" natawa na lamang siya sa naging reaksyon ko.

Tumigil kami sa tapat ng bahay saka ko dali-daling inagaw ang bag niya at mga pinamili.

Nauna akong pumasok bago sinalubong si Nanay, ang kasama namin sa bahay, ng isang yakap bago umakyat sa kuwarto ko. Nakasunod naman si Yuri. Inilapag kong lahat ng gamit sa bed ko pero sumalubong ang pagkaltok niya sa aking noo.

"Yung ice cream" sambit niyang tila nagsusungit.

"Soriser! Patay gutom lang!" pero bumaba rin agad ako, alam ko namang siya mag-aayos n'on.

Sa paghahanda ko ng mga bowls at mga kutsara at panandok, nagsalita si Nanay.

"Hindi ka pa ba nililigawan niyang si Yuri?" Napaubo ako dahil sa parang tila bumara sa aking lalamunan.

"Nanay naman?" asik ko. Natawa lamang siya saka umiling.

"Haynako, mga bata pa talaga kayo."

"Eh?" napapakamot ko siyang hinarap.

"Sige na, magsusunod ako ng sandwiches at lemonade." at tila itinataboy pa ako ni Nanay.

"Tuna sandwich an-"

"Blue lemonade, ang favorite ni Yuri." mahihimigan ang pang-aasar sa boses ni Nanay. Pabiro akong umirap.

"Ayoko na talagang umuwi dito!" maktol ko.

"Ano't magtatanan na kayo?"

"Nanay!"

Padabog akong umakyat, tila nagulat si Yuri sa iniasal ko.

"Problema ng señorita?" napaupo siya mula sa prenteng pagkakahiga sa kama.

"Anime na naman?" trying to switch off the topic.

"Parang ayaw mo ah?" natatawa pa siya.

Naupo ako sa tabi niya saka inilapag ang mga bowls sa kama.

Akmang ipagsasandok ko na kami ng kani-kaniya nang pigilan niya ako.

"Share tayo." kinuha niya ang isang gallon ng ice cream sa side table at inilagay sa lap ko. Napapitlag ako sa lamig.

"Ang lamig ha!" reklamo ko saka siya sinamaan ng tingin.

"Parang ikaw?" ngumisi siya saka tumitig sa'kin. Limang segundong katahimikan.

"Ha-ha! Okay ka na ser?" sarkastiko kong sabi.

"Oo namn, basta ikaw señorita" saka pa siya kumindat.

Tinulak ko ang mukha nito palayo kahit na magkalayo naman na kami.

"Dami mong alam" saka nilantakan ang ice cream.

"Ako pa ba," pagmamayabang pa nito. Napairap na lang ako.

"Iyong bagong labas na anime, may kopya ka?" tanong ko habang nakagawi ang paningin sa flat screen.

"Ako pa ba?" saka inagaw ang kutsara ko at mabilis na isinubo sa bibig niya ang kasasandok ko lamang.

Ni-screen mirror niya ang phone sa tv. Tumunog ang phone nito kasabay ang paglabas sa screen ng kung anong nasa phone niya. Picture of us. Naka-wacky ako habang siya ay nakatingin sa akin na sobrang tawang-tawa. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Korni mo sa part na 'yan" komento ko. Nagpatuloy siya sa pago-operate bago sumagot nang maiplay na ito at bumalik sa tabi ko.

"Sa'yo lang naman"

"Pinangatawanan"

Natawa siya, napailing ako.

"Ah" napalingon ako sa kaniya. Nakaawang ang bibig habang nagpapalipat-lipat ang paningin sa akin at sa ice cream na hawak ko.

"Oh? Anong gusto mong gawin ko?" pagtataray kong kunwari'y 'di siya naintindihan.

Nakaawang pa rin ang bibig niya na sinasabayan na ng pagturo dito nang bumukas ang pinto. Napapailing si Nanay na inilapag ang pagkain sa side table.

"Subuan mo daw Isle" pambubuyo ni Nanay.

Pabalang kong sinubuan si Yuri. Tatawa-tawa siya nang makita akong paulit-ulit na nang-irap.

"Ang sweet mo talaga eh noh?" ngisi ni Yuri. Napapangiting lumabas si Nanay.

"Ang arte mo talaga eh noh?" balik ko.

"Sa'yo lang naman" pag-uulit pa niya. Nakakabingi.

'Di ko na siya pinansin pa, mababaliw lang ako, pero sa isang banda, napangiti na naman. If it isn't because of Yuri, I wouldn't be this happy after everything.

Patapos na ang palabas ng inilahad niya ang palad sa akin.

"Ano na naman 'yan Yuri?" taka ko.

"Akin na" aniya.

"Ang alin?" nangunot pa ang aking noo.

"Iyon"

"Ano? Manghuhula na ako ngayon?"

Ngumisi siya. Napailing.

"Where's my gift?" nakalahad pa rin ang kaniyang palad. Tiningnan ko ito bago muling bumaling sa kaniya.

"Gift ka diyan?" singhal ko, hindi makapaniwala.

"I saw you,"

"Malamang buhay ako," sarkastiko kong pagtataas ng kilay.

"Bahala ka, hindi ako aalis." nagtatampo ang boses, may pagtalikod at pagpapasuyo pang nalalaman. Napasinghap ako ng malalim saka inis na bumuga.

Pikon kong isinuot sa kaniya ang nabili kong beanie. Wala pa ngang balot eh.

"Ayaw mo akong dito matulog?" pagngisi niya. Napairap ako ng wagas.

"Happy now?"

"Not yet." his playful smiles showed, curse those.

"Ano pa ang hinihingi ng señorito aber?" Ang galing lang talaga ng lalaking ito na guluhin ang utak at emosyon ko.

"Sing,"

"What?"

"Oh please Mimesis Isle," tila siya ay naiinip na rin. Parang bata talaga.

Napairap ako. Every birthday of his, he always want me to sing a happy birthday song for him.

"Bilis na. This may probably the last," sambit niya. Napa-arko ang aking kilay saka suminghal.

"And now you're threatening me," pagtango-tango ko.

He laughed sexily saka matamang tumitig. "I'm waiting." pumangalumbaba siya habang ang siko'y nakadantay sa kaniyang hita.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang pagpindot sa phone niya matapos kong labag sa loob na umawit.

"Delete it"

"No"

"Yuri!"

Humahalakhak siyang pinatay ang phone saka ibinulsa.

"You're definitely insane" pikon na ako. Padabog kong ibinato ang bag niya sa kaniya.

"With you" nagawa pa niyang kumindat saka muling humalakhak.

Gusto ko siyang saktan sa sobrang inis. In my whole existence, siya lang ang nakagagawa nito sa'kin.

"Go home!"

I lose again. Nahiga ako't nagtalukbong ng kumot.

Nakakainis.

I felt his kiss over my blanket directly to my left temple. Hindi ako gumalaw. Sanay na siya sa ugali ko, kabugnutan at pananakit. Alam niya whenever I feel happy, sad, angry or just like now, pissed.

"Sweet dreams señorita" his mocking voice filled the empty sheets of my head.

Oh gosh. He's really Yvan Uri Javier. Very playful but sweet and charismatic.

All Rights Reserved

alleurophile