webnovel

Anxious Heart

Agatha Liondra Martina - COMPLETED Alonzo Series #1 Agatha Liondra Martina o mas kilala bilang Ali Martina. Ang dalagang walang ibang hinahangad kundi ang masaya at tahimik na buhay kasama ang kanyang Mama Alicia at Daddy Philip. Na kahit tatlumpu't anim na taon ang agwat ng edad ng kanyang mama sa kanyang daddy ay hindi iyon hadlang para hindi sila magkaroon ng masayang buhay. Alam ni Ali na pamilyado at kilala ang Daddy niya sa kanilang lugar, paano na kung dumating ang araw na kinakatakot nilang mag-ina? Saan sila kukuha ng tapang para bumangon at ipagpatuloy ang buhay? Paano kung may panibagong gulo ang dumagdag? Kakayanin niya pa kaya? Paano na ang pangarap niyang masaya at tahimik na pamilya? Alonzo Series #1 : Agatha Liondra - Anxious Heart -UNEDITED VERSION-

ArbsByTheOcean · Realistis
Peringkat tidak cukup
29 Chs

Kabanata 1

"Mama, hindi ba talaga pupunta si daddy?" inosenteng tanong ko kay mama. "Mama pinagbutihan ko naman po sa klase eh. Kaya nga po ako naging top 1 para si Daddy ang mag sabit ng medal ko." malungkot na sabi ng walong taong gulang na ako.

"Ali anak, pag laki mo maiintindihan mo kung bakit hindi pwede ang Daddy okay?" tugon ni Mama.

Nakasanayan ko na yung ganito. Nung nakakuha ako ng award nung nursery, kinder at grade 1 ako, hindi kahit kailan sumipot si Daddy Philip sa kahit anong event sa school. Ang lagi lang sagot sakin ni Mama at Daddy kapag nagtatanong ako eh 'kapag laki mo, maiintindihan mo'.

"Gusto ko ng lumaki Aryesa!" pagmamaktol ko kay Aryesa.

Grade 3 na kami ngayong taon. Kaklase ko siya nung nursery hanggang ngayon. Malapit din ang bahay namin sa bahay nila, magbestfriend si Tita Fely; ang mama ni Aryesa, at ang Mama Alicia ko. Kaya mag Bestfriend din kami!

"Hala? Ako ayaw ko pa. Sabi kasi ni Mommy masarap maging bata!" tugon ni Aryesa.

"Gusto ko ng lumaki para maintindihan ko na kung bakit di pwede si Daddy na umattend sa mga event sa school. Naiinggit ako sa iba, sayo kasi laging andyan ang Daddy mo aryesa." malungkot kong sambit sa kanya.

"Ano ka ba! Kahit naman hindi umattend si Don Pelipe eh alam mo namang love na love ka niya!"

"Ssshhh. Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo." pagsuway ko sa kanya.

Lumipas ang ilang taon, nasa ika-anim na baitang na ako. Valedictorian ako ng aming batch! Umaasa ako na pupunta si Daddy at siya ang magsasabit ng medalya sakin.

Pero hindi. Wala pa din siya, kagaya ng mga nakaraang taon, si Mama lang yung nandyan para suotan ako ng medalya.

"Proud na proud kami ng Daddy mo sayo" sambit ni mama sabay halik sa ulo ko bago isuot yung medalya at ibalik ang toga. Nginitian ko lang si mama bilang tugon. Ngunit alam ko na alam ni mama na malungkot ako dahil hindi ko nakita si Daddy.

Umuwi kami sa bahay ng parang normal lang. May salo-salo kasama ang pamilya ni Aryesa.

Wala si Daddy. Napaiyak ako pagpasok ko sa kwarto ko. Hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi umiyak.

"Bakit ba wala lagi si Daddy tuwing may nakukuha akong parangal? Akala ko proud siya sakin?" malakas na sambit ko sabay hagulgol.

"Ali anak, proud si Daddy mo sayo. Kahit wala dito si Daddy mo sigurado ako proud na proud yun sayo." malungkot na ngumiti si Mama. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Lalong bumuhos ang mga luha ko sa higpit na pagkakayakap ni Mama.

"Anak, wala dito si Daddy mo kasi may iba pa siyang responsibilidad sa kanila. Matalino ka anak, alam ko na mauunawaan mo lahat ng ito. Basta ang mahalaga, mahal na mahal ka namin ni Daddy mo ha?" Sambit ni Mama habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko.

Simula noon, naintindihan ko na. May ibang pamilya ang Daddy. Kaya ayaw din nila ipagsabi ko na ang Daddy Philip ko at si Don Pelipe ay iisa, marahil ay dahil sa kilala ang pamilya nila at ayaw nilang maisyu ang unang pamilya ni Daddy.

"Hoy Ali! Nung elementary pa namin hindi nakikita ang tatay mo ha! May Tatay ka ba talaga? O gawa gawa lang ng imagination mo ang 'daddy' mo kamo" panunukso ni Greg sakin at sabay hagalpak ng tawa.

Nasa kalagitnaan na kami ng school year ang aking unang taon sa high school. Si Greg ay sophomore student na nasa katabi ng room namin. Mahilig iyong mang-asar. Bully din siya nung elementary, schoolmate namin siya kaya kilala niya na ko since then.

Akala ko tapos na ang kalbaryo ko noon, kasi nung gumaraduate siya nung grade 5 ako, nawala kahit papano ang nambubully sakin. Oo at meron pa rin ngunit nawala ang pinaka sa pinaka, at si Greg nga iyon. Pero ngayong high school na ako? Hindi ko inaasahan na dito din siya nag aaral dahil sa pagkakaalam ko may kalayuan ang bahay nila mula dito.

"Hoy Gregzilla! Tigilan mo ang bespren ko ha! Bully ka talagang halimaw ka!" pagbubunganga ni Aryesa. Magkaklase pa din kami. Hindi na yata kami mapapaghiwalay...sana.

"Okay lang yesa, tara na." sabay hila ko sa kanya. Nagtungo na lang kami sa cafeteria para mag lunch break.

"Ali, kita mo yung lalaking yun? Siya yung isa sa apo ng Daddy mo." bulong sakin ng kaibigan ko.

Namangha ako sa postura ng lalaki. Matangkad siya na medyo malaki ang katawan. Akala mo'y nasa bente anyos na ito dahil sa ganda ng katawan nito. Parang araw araw nasa gym!

"15 years old na yang si Yuan! 4th year na, Ang gaganda talaga ng mga lahi ng Hermosa! Kaya di na ako magtataka kung maganda ka eh! Kaya lang mga moreno at morena sila, ikaw naman ay may pagka mestiza pero kasi si Tita Alicia eh maputi kaya tisay ka. Pero hindi namang masyadong moreno itong si Yuan kaya sumobra ang pagkagwapo!" kinikilig niyang sabi.

"Ang daldal mo talaga Aryesa." at nag tawanan na lang kami.

Sa mga susunod na araw ay normal pa din. Lagi kaming maaga kung maghapunan para kasabay namin si Daddy mag dinner kasi pag patak ng ala sais ng gabi ay uuwi na sa mansyon si daddy. Hindi kagaya noon ang nararamdaman ko. Ngayon kasi malinaw na sa akin yung limitasyon namin ni Mama sa buhay ni Daddy.

-

Naglalakad na kami ni Aryesa papunta sa gate ng eskwelahan namin ng may tumulak sakin. Napasubsob tuloy ako sa sahig at nagasgasan ang makinis kong braso!

Ang kaninang gasgas ay tila hindi ito iyon. Nagdudugo na ito! At may malaking pahabang guhit na sugat na siyang nilalabasan ng dugo!

"Hoy Ali! Napulot ka yata sa tae ng kalabaw ng nanay mo eh? O di kaya anak ka ng drug lord, o ng mamamatay tao kaya ayaw mong ipag sabi kung sino ang tatay mo hahahahahaha" panunuya ng lalaki sakin.

"Hoy Greg! Gago ka! Bakit mo tinulak si Ali!" sigaw ni Aryesa.

"Oh ayan ikaw din! Inggitera kang palaka ka!" tinulak niya din si Aryesa! Napakasama niya talaga!

"Greg! Hindi naman kita inaano ha! Bakit ba galit na galit ka sakin?" naiiyak na ko hindi dahil sa panunukso niya, kundi dahil sa sugat ko.

"Eh sa gusto kitang asarin eh! Hahaha lampa ka kasi, tsaka wala kang tatay. Kawawa ka naman Ali. Hahahahaha" napakasama mo!

"Mayroong tatay ang bespren ko! Gago ka talagang animal ka! Isusumbong kita sa Daddy ni Ali! At sigurado ako na pag sinumbong kita sa daddy niya hindi ka na makakapasok sa eskwelahan na Ito!" sigaw ni Aryesa. Wala akong ibang masabi dahil nakikita ko yung sugat ko sa may bandang braso at sa may siko.

Yung kaninang gasgas lang ay andami ng lumalabas na dugo! Mahapdi na din sa pakiramdam. Buong buhay ko inalagaan ako ni mama para hindi masugatan tapos ngayon ito, nararamdaman ko! Masakit, mahapdi!

"Ows talaga? Natakot naman ako doon? Kanino kayo magsusumbong? Sa imaginary niyang tatay? HA-HA!" sarkastiko ang boses ni Greg.

"Talaga! Hoy kayong mga kaibigan niyang animal din! Ikaw, ikaw, ikaw at ikaw!" dinuro niya ang mga kaibigan ni Greg "Tandaan niyo ito! Lalo ka na Gregzilla ka!" galit na ang boses ni Aryesa.

"Sa lunes, hindi ka na makakapasok sa eskwelahan na ito dahil sa pambubully mo kay Agatha Liondra Martina! Tandaan mo maigi ang pangalan niya dahil siya lang naman na iniinis mo na walang tatay kamo ang babali sa sungay mo!" sigaw ni Aryesa.

"Yesa, halika na umuwi na tayo." mangiyak ngiyak kong Sabi.

"Isusumbong kita sa Daddy ni Ali!" pahabol na sigaw ni Aryesa kay Greg.

Patuloy pa din ang paghikbi ko habang nasa loob kami tricycle pauwi.

"Aryesa anong gagawin ko? Ayaw niya tumigil sa pagdudugo?" pahikbi kong sambit sa kaibigan ko.

"Hala? Ano nangyari dyan? Akala ko gasgas lang yan?" nagaalala niyang tanong.

"Parang may nakahiwa kasi dito sa may siko, Akala ko din gasgas lang."

"Humanda talaga yang Greg na yan! Sumusobra na siya" bulong nito sa hangin pero rinig ko pa din.

"Yesa, wag mo siya isusumbong kay Daddy please?" pagsusumamo ko.

"Hindi! Sumusobra na siya! Manong eto pong bayad." nang abutin ng driver ang bayad namin ay biglang tumakbo ito sa bahay namin!

Hindi!!

"Oh dahan dahan. Wag kayong tumakbo baka madapa kayo. Ayaw pa naman ni Don Felipe na magalusan k--" nanlaki ang mata ni Kuya Caloy! Ang isa sa body guard ni Daddy! Nakita niya na puro dugo ang palda ko. Galing iyon sa dugo na umagos mula sa braso at sa may bandang siko. "Anong nangyari sayo Ali?" nag-aalalang tanong nito.

"Inaway nanaman siy--" pinutol ko ang pagsasalita ni Aryesa.

"Wala po ito Kuya Caloy!" mabilis na sambit ko sa kabila ng mga hikbi ko.

"Sino ang umaway sa kanya hija?" galit na boses ni Daddy! Oh no!

"Ali! Jusko anak ko, Bakit puro dugo yan?!" lumapit sakin si mama at inalalayan ako papasok ng bahay. Kasunod namin ni mama si Aryesa tapos si Daddy at si Kuya Caloy.

"Anong nangyari sayo anak?" si Daddy.

"Wal--" sasagot na sana ko ng inunahan ako ni Aryesa.

"Inaway nanaman po siya ni Greg Roman Turillo, Don Felipe. Lagi po siyang binubully non elementary pa lang kami! Mas malala lang po ngayon kasi ng tinulak siya ay nasugatan po siya. Baka may nakahiwa sa kanya ng matulis na bagay nung tinulak siya kaya sobrang dami po ang umalpas na dugo sa kanya." Aryesa! Nako naman!

"Sinasabi po ni Greg na wala daw po siyang tatay Don Felipe, noon elementary pa po yun nang iinis kay Ali. Hanggang ngayon. Dapat po siguro putulin ang sungay ng animal na yun dahil sigurado po ako na hindi niya titigilan si Ali! Sabi ko po sa kanya na dahil sa pananakit niya kay Ali, hindi na siya makakapasok sa eskwelahan na yun sa lunes!"

"Okay lang po ako Daddy. Hindi niyo na po ka--"

"Caloy, tawagan mo ang school management. I report ang pangyayari na 'to. Alam mo na ang gagawin mo." malamig na tugon ni Daddy na siyang kinakaba ko.

Nilapitan ako ni Daddy, katabi ko si mama na siyang nililinis ang gasgas ko at sugat sa siko, maging ang mga dugong tumulo pababa sa kamay ko na medyo natuyo na.

Pinatong ni Daddy ang kamay niya sa ulo ko at marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Hindi ko hahayaan na basta basta ka na lang saktan ng ibang tao anak. Hindi hahayaan ni Daddy." Sabay ngiti niya.