webnovel

Anxious Heart

Agatha Liondra Martina - COMPLETED Alonzo Series #1 Agatha Liondra Martina o mas kilala bilang Ali Martina. Ang dalagang walang ibang hinahangad kundi ang masaya at tahimik na buhay kasama ang kanyang Mama Alicia at Daddy Philip. Na kahit tatlumpu't anim na taon ang agwat ng edad ng kanyang mama sa kanyang daddy ay hindi iyon hadlang para hindi sila magkaroon ng masayang buhay. Alam ni Ali na pamilyado at kilala ang Daddy niya sa kanilang lugar, paano na kung dumating ang araw na kinakatakot nilang mag-ina? Saan sila kukuha ng tapang para bumangon at ipagpatuloy ang buhay? Paano kung may panibagong gulo ang dumagdag? Kakayanin niya pa kaya? Paano na ang pangarap niyang masaya at tahimik na pamilya? Alonzo Series #1 : Agatha Liondra - Anxious Heart -UNEDITED VERSION-

ArbsByTheOcean · Realistic
Not enough ratings
29 Chs

Simula

Buong buhay ko isa lang ang pinangarap ko. Simple lang, iyon ay ang makasama si Daddy at si mama habang buhay.

Kay daddy na kahit higit sa tatlong pu ang tanda kay mama ay ramdam ko sa kanila ang pagmamahalan.

Mayaman si daddy Philip Hermosa, Kilala siya bilang Don Pelipe ng mga tauhan niya sa kanilang mansion at maging sa business world. 75 years old na si daddy, habang si mommy, 39 years old. Nakatira kami sa isang middle class subdivision dito sa Tagaytay na isa sa mga pag - aari ni daddy.

Simula ng pinanganak ako ni mama, andyan palagi si daddy para ibigay yung pangangailangan namin ni mama lalo na yung mga pangangailangan ko. Kaya mahal na mahal ko si daddy. Sa kabila ng katandaan niya ay hindi niya nakakalimutan ipaalala sa akin kung gaano niya ko kamahal.

Sobrang saya kapag kumpleto ang pamilya. Pero hindi namin nakakasama si daddy sa tuwing nag aabot ang liwanag at dilim dahil umuuwi siya sa totoo niyang pamilya.

Oo, tama kayo. Kabit ni Daddy si Mama, pero kahit na ganon hindi pera ang habol namin ni Mama. Kahit pa sabihin na malaki ang agwat ng edad nila ay alam ko sa sarili ko na mahal ni Mama si Daddy.

Sa buong buhay ko, ito lang yung hinahangad ko...yung magkaroon ng masayang pamilya kasama si daddy at mama. Wala akong pakialam sa kung anong sasabihin ng iba. Kuntento na ako sa buhay na mayroon ako at sa nag iisa kong kaibigan na naiintindihan ako. Si Aryesa. Kababata ko siya, kasing edad ko siya 19 years old. Simula nursery hanggang ngayong college ay magkasama kami. Kapareho din kami ng estado sa buhay, other woman din ang Mama niya pero ang kinaibahan lang ay sa kanila na nakatira ang papa niya. Pero kagaya namin, hindi naman namin ginusto ang sitwasyon na ito. Dahil ang lahat ng bagay ay may dahilan. Kagaya ng sitwasyon namin na ito. May dahilan kung bakit isang pamilyado ang ama ko.

-

"Lumayas na kayo dito! Wala kayong karapatan sa pamamahay na ito! Mga hampas lupa!" sigaw ni Donya Minerva samin ni Mama.

"Donya Minerva! Kahit ito na lang po. Hindi niyo po kami pwedeng paalisin dito. Dito na po ako lumaki. Dito po kami pinatira ni daddy. kahit ito na lang Donya Minerva." Pagsusumamo ko sa kanya.

"Ang kakapal ng mukha niyo! Mga hampas lupa! Kirida yang nanay mo! Malandi, pokpok! Mukhang pera! Pinatira lang kayo dito! Pero hindi ninyo pag-aari ang bahay na ito!" halos pinagtinginan na kami ng mga tao sa kalapit na bahay. Pati ang kaibigan kong si Aryesa at Tita Fely na nanay nito, bakas sa kanilang mukha ang pagnanais na lapitan kami ni mama pero hindi nila magawa dahil sa takot na baka pati sila ay pagbuntunan ng galit ng mga Hermosa.

Hindi lamang si Donya Minerva ang nandito at bodyguards nito! Maging ang kanyang apat na anak at mga apo! Gusto talaga nilang makatiyak na aalis kami ni mama sa bahay na nakagisnan ko.

"Anak tara na." Ani Mama.

"Ma? Hindi, bahay natin 'to nila daddy. Ayoko po, Mama." hagulgol ko.

"Aalis din kami ng anak ko ngunit kung maari ay ipagpabukas na namin ang pag-alis. Bigyan niyo kami ng oras para mag balot ng aming mga gamit, Makakaasa kayo na bago sumikat ang araw ay wala na kami dito." hindi ko lubos maisip na iyon ang sinabi ng aking ina!

"Hindi! Gusto ko ngayon n--" naputol ang pagsasalita ni Donya Minerva ng magsalita ang kanyang apo na si Yuan Carlos Hermosa na matanda sakin ng apat na taon at mariing nakatingin sa aking mukha na punong-puno na ng luha.

"Let them Lola, isa pa gabi na. Delikado sa daan." ani Yuan na nakapagpatigil sa lahat.

"Son, I can't believe you! Why don't you just let them go! Wala ka ng pakialam kung anuman ang mangyari s--" sabat ng Mommy ni yuan na pinutol din nito sa pagsasalita.

"Please, Mom! Lola, alam ko na hindi matutuwa si Lolo pag may nangyaring masama sa kanila." tumingin siyang sandali sa mga magulang niya at sa Lola niya bago ibinalik ang tingin sakin at saka dahan dahang lumapit sa direksyon ko. Nang makarating na siya sa harapan ko ay tsaka lamang siya muling nagsalita. "That's the least thing I can help as of now Agatha, just take care of yourself. I'll see you soon, My Hermosa." bulong niya sa akin.

"Let's go. Let them. Aalis din sila bukas." sambit ni Yuan bago niya ko lampasan.

Sumunod naman ang mga Hermosa sa kanya. Pero hindi maiaalis ang masamang tingin ng mga ito sa amin ni mama.

Bago pa siya makasakay sa kanyang kotse ay sumulyap pa siya sakin, kahit nasa malayo ay ramdam ko ang intesidad ng kanyang mga tingin.

Nginitian ko siya bilang pasasalamat. Tinanguan niya lamang ako bilang tugon.

Sana nga, sana makita pa ulit kita...sana tuparin mo ang ipinangako mo kay Daddy...kasi umaasa ako.

"Ali, ayos ka lang?" nag aalalang tanong ng bestfriend kong si Aryesa sakin. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti, pero alam kong hindi naniniwala si Aryesa doon.

"Anak tara na sa loob, mag aayos na tayo ng gamit natin." sambit ni mama at pumasok na sa loob ng bahay.

"Ali, Pwede naman kayong tumira muna samin, diba mommy?" tanong ni Aryesa sa kanyang ina. Alam kong gusto nilang tulungan kami, ngunit alam kong natatakot din sila sa pwedeng gawin sa kanila ng mga Hermosa.

"Hindi na yesa, baka pati kayo pagbuntunan ng galit ng mga Hermosa, okay lang kami, magiging okay din kami. Sigurado naman ako na hindi isusuko ni mama itong bahay kung wala kaming ibang malilipatan" sagot ko sabay punas ng mga luha sa mukha ko.

Sana nga....Daddy...Miss na miss na kita....

Nakatingin lang ako sa labas ng bahay namin, mariing sinasaulo ang bawat detalye ng Bahay. Isang simpleng kayumanggi na kulay, saktong laki, saktong lawak ng bakuran, magara at maaliwalas.

Kahit anong punas ko sa mga mata ko ay kusang nagpoproseso ito ng mga tubig para lumabas sa mga mata ko.

"Daddy mahal na mahal kita, mahal na mahal ka namin ni mama...."

Kasabay ng pagsambit ko ng mga katagang iyon, ay ang pag-alaala ng mga nangyari nung nakaraan, yung nakaraan na kumpleto at masaya kami..yung nakaraang kasama namin si Daddy..