webnovel

Antitoxicated (항독소)

A group of friends were stucked in a situation of a pandemic on the present time. The virus called CB20 spread all over the country. The government and citizens were panicking because of the sudden crisis. While the five of them were searching for a solution, they tries to find a way to cure their boredom. Little did they know, one of them is already a carrier and suddenly showed symptoms. As the others tested negative, they are willing to find a way. Suddenly, one of them found a strange book while lingering around their house. They never knew that the book was a great thing that could change their life and bring them back to their past lives. As they travelled back to the past, an exciting mission and adventure awaits them. What will happen to the people that are part of the mission? What will happen to the world? Will it finally be antitoxicated? [ A story inspired by different korean drama masterpieces.] A novel by me and @crishi_potato

trixvie · Fantasi
Peringkat tidak cukup
19 Chs

여덜: Something Fishy

Hayysss, bakit ba ako nagsasabi ng mga ganitong mga bagay, eh di ko rin naman alam ngayon kung sino gusto niya. Sa tingin ko mas maganda kung magpatulong ako kay Abeoji na ligawan si Seo na o si Zeline. Saglit, bakit ito nasa isipan ko eh may virus pa saka di pa rin gising si Seo Na. Haysssss. Biglang dumating si Lady Han.

"Ano nangyari kay Seo Na?"

"Uhm, nahimatay po siya kanina nung balak po siyang patayin nung parang ninja".

"Ahh, ganon ba".

Bigla naman may inayos si Lady Han at ako naman nag-iisip ng pwede ko gawin. Ahh...alam ko na. Manghihingi ako ng tulong kay Abeoji. Tumakbo ako palabas ng kuwarto at pinuntahan si Abeoji.

"Abeoji?"

""Bakit?"

"Gusto ko po manghingi ng tulong sa inyo".

"Ano iyon?"

"Yung babaeng anak po ni Lady Han, nahimatay po siya kanina habang pinagbantaan po siyang patayin nung parang ninja kanina. Tapos po hanggang ngayon di pa rin po siya nagigising".

"Ganon ba, anong gusto mong gawin ko?"

"Umm, maari ko po ba sita ipagamot?"

"Sige, walang problema. Nga pala. Bakit masyado kang nag-aalala kay Seo Na?"

"Umm, kasi po siya yung pinakakaibigan ko sa grupo, mas kilala pa nga po niya ang pagkatao ko kaysa ako".

"Ahh, ganon ba. "

Umalis na ko sa kuwarto ni ama at bumalik sa lugar nila Seo Na. Pagdating ko walang tao kahit si Seo Jeong at si Lady Han.

Hanggang sa may dumating na doktor.

"Kamahalan maari ko na po ba siyang suriin?"

"Sige po".

Mukhang ang sama nung mukha nung lalaki at mukhang malala ang kalagayan ni Seo Na.

"Mahina lang ang pagtibok ng puso niya. At mukhang kailangan pa niya magpahinga".

"Ahh, sige po!"

Nakaalis na yung doktor at bumalik na rin si Lady Han. Tinulungan ko si Lady Han. Pero di pa rin gising si Seo Na. Nag-aalala na ko lalo na kaibigan ko siya.

"Eomma" isang mahinang boses na narinig ko

"Seo Na!" Biglang takbo ko sa kuwarto niya at mukhang gising na siya.

"Dong, Min?"- Seo Na

"O, Seo Na. Gising ka na" Niyakap ko siya

Mukhang nagulat siya

"Seo Na, kamusta ka na?" – Lady Han

"Ok lang po".

"Wag ka munang tumayo". – Dong Min

Di nga tumayo si Seo Na at dinala ni Lady Han ang pagkain na aming hinanda para sa kanya.

"Ito Seo Na, kainin mo ito pangpalakas ng iyong katawan. Tinulungan ako ni Dong Min para diyan. At binantayan ka niya simula nung nawalan ka ng malay hanggang sa magising ka". -Lady Han

"Ahh, ganon po ba? Maraming Salamat Dong Min my friend".

"Hehe, ok lang. At least gising ka na at maayos na ang pakiramdam mo". -Dong Min

"Asan pala si Jang Yeon?"

"Sinamahan niya si Seo Jeong".

Pagkatapos niyang kumain at medyo nakapagpahinga niyaya niya ako maglakad sa labas.

"Dong Min, tignan mo napakaganda ng mga bulaklak!"

"Oo nga."

"Kung papipiliin ka anong bulaklak ang kukunin mo?"

"Ikaw!"

"Huh?"

"I mean lavender. Diba yun gusto mo?"

"Oo, yieee paano mo nalaman yun?"

"Nakwento mo sa akin".

"Talaga, bestfriend talaga kita".

Naglakad pa kami, hanggang sa may nakabunggo siyang lalaki.

"Umm... Lady Seo Na, patawad po"

"Ahh, ok lang. Sino ka nga pala?"

"Nuguseyo?!"-Dong Min

*Translation: Who are you?!*

Agad ko naman tinulungan ko si Seo Na.

"Ahh, Crown Prince Dong Min at Lady Seo Na. Ako po si Hong Tal Ro. Ako po ang ipinadala ng inyong ina, Crown Prince Dong Min".

"Ahh,ganon ba. Patawad kung hinusgahan na kaagad kita. Baka ikaw kasi yung muntikan nang pumatay kay Seo Na".

"Pumatay?"

"Oo".

"Baka pwede ko po kayo tulungan?"

"Pero paano?"

"Sa lugar po namin tawag nila sa akin ay si Detective Hong".

"Ahh, kaya ka pala pinadala ni Eomeoni".

Naggabi na, at mas lalo ko nakilala si Tal Ro. Matalino siya tulad ko. Parang kapatid tuloy ang turing ko sa kanya. Nakauwi na ako at hinintay pala ako ni Ryeong.

"Dong Min, saan ka galing?"

"Kayla Seo Na. Tapos si Hong Tal Ro, ang talion niya, ang pogi niya, parang ako. Turing ko nga sa kanya kapatid".

"Tal Ro? Baka naman yun yung nagbalak na patayin si Seo Na?"

"Hindi, ipinadala siya ni eomeoni."

Kinabukasan hindi muna ako dumalaw kay Seo Na. Tingin ko naman maayos ang kaniyang pakiramdam. Tutulungan ko muna si Abeoji, ilang araw na niyang pinipilit sa akin na tulungan ko siya.

"Abeoji!"

"Bakit ka napadalaw ngayon Dong Min?"

"Nais ko po tulungan kayo".

"Ahh, wala ka bang gagawin ngayong araw na ito?"

"Ahh, opo naman po. Pero abeoji- ".

"Ano yun?"

"Nga po pala, bakit po pala kayo dumadalaw kay Lady Han?"

"Syempre, isa siya sa mga noblewoman at kaibigan ko."

"Nga po pala sino po ang asawa ni Lady Han?"

"Si Lord Jang Gun".

"Ahh, asan na po siya?"

"Matagal na siyang sumakabilang buhay."

Biglang nanakamik kami ni Abeoji ng may itatanong nanaman sana ako.

"Abeoji—"

"Wag ka na nga magtanong ng magtanong magtrabaho ka na lang".

"Sige po!"

Lumipas ang ilang oras ng dumating si Jang Yeon.

"Kamahalaan ano po ang magagawa ko?" – Jang Yeon

"Gusto ko, samahan mo si Dong Min. Saan man niya gusto pumunta".

"Pero, si Seo Na po ang pinagsisilbihan ko".

"Nakausap ko na si Lady Han patungkol diyan".

"Pero abeoji "- Dong Min

"Ilang lingo lang ito Dong Min".

"Sige po abeoji, payag po ako".

"Sige, Jang Yeon. Samahan mo si Dong Min saan man niya gusto pumunta. Tapos naman na siya sa aking pinapagawa".

"Kamahalaan saan niyo po gusting pumunta?" – Jang Yeon

"Nais ko pumunta kay Master Seo Jeong".

"Sige po!"

Sabay kaming lumabas ng silid at pinuntahan ko nga si Seo Jeong. Pero biglang may tinanong si Jang Yeon.

"Kamahalaan, hindi po ba si Seo Na ang pupuntahan ninyo?"

"Medyo pero, may sasabihin din ako kay Seo Jeong".

Teka pano niya nalaman yung nasa isip ko. Hayss. Masyadong halata kaya? O manghuhula itong babaeng kasakasama ko? Sabagay di ko naman talaga siya kilala. Saka kung sakali sino ba siya sa present? Sana makilala namin siya pagtapos ng misyon namin.

"Nga pala Jang Yeon, kamusta si Seo Na?"

"Ahh, maayos lang po?"

"Eh, ikaw?"

"Ahh, ako po?"

"Ay hindi, siya, yung puno. Di biro lang"

"Hindi niyo na po kailangan malaman ang aking kalagayan. Tagapagsilbi niyo lang po ako".

"Ang tagapagsilbi ko ay parang ang kaibigan ko".

"Ahh, ganon po ba?"

"Oo, naman. Saka isa pa kaibigan ko naman sila Seo Na".

"Ahh, ok lang po ako".

"Anong kadalasang ginagawa mo?

"Ahh, tulungan po si Lady Han at si Seo Na".

"Hindi, yung pinakagustong- gusto mo gawin".

"Magbasa".

"Ganon ba, magkaparehas pala tayo ng paboritong gawin".

Nakarating na kami sa bahay nila Seo Jeong".

"Dong Min nandito ka pala. Bakit ka napadalaw?" – Seo Jeong

"Ahh, itatanong ko lang kung gusto mo sumama sa amin. Pag-aaralan namin ulit yung sakit".

"Ahh, sige".

"Isama niyo si Tal Ro".

Dumiretso kami sa kuwarto ni Ryeong. Habang pinag-aaralan namin ang sakit nagtatawanan naman kami nila Seo Jeong ni Tal Ro at si Ryeong, samantala sila Seo Na, pinag-aaralan kung paano nakahahawa ang sakit. Lumipas ang ilang oras at paggabi na. Ngunit pinagpatuloy namin ang pag-aaral ng may natuklasan si Seo Na.

"Hindi ito ordinayong sakit".

"Paanong hindi ordinaryo?" – Ryeong

"May nagpapakalat nito. Kasi kung yung unang biktima nito dati gumaling. Paano yung iba?"

"Huh?"

"Ang ibig kong sabihin, alam na nung mga tao na delikado to. So maaring pinatanggal na yung halaman na ito. Saglit, kuya may halaman pa ba daw doon?" – Seo Na

"Wala. Pero may halaman nga daw na ipinagbabawal na itanim". -Seo Jeong

"Posibleng may taong kumuha ng buto nito at tinago ito para gamitin kung kailangan ninya". – Dong Min

"Para, patayin ang isang tao?" – Tal Ro

"Oo, ganon na nga". – Seo Na

"Pero sino ang gagawa nun?" – Dong Min

"Di ko rin alam, pero kung imbistegahan kaya natin yung mga nahawa na nito?" – Tal Ro

"Sige!" – Seo Jeong

Sinamahan naming sila Seo Jeong sa isolation rooms. Si Seo Jeong lang at si Tal Ro ang pinayagang makapasok.

GEMSON HAN/ HAN SEO JEONG

Agad kaming pinapasok ng may protekta sa katawan. Nakausap ang isa sa mga may sakit.

"Ano ang pangalan mo?"

"Choi Seo Hee po".

"Ahh, paano ka nagkaroon ng sakit na ito?"

"Di ko rin po alam".

"Wala kang nakasama na may sakit?"

"Wala po, pumunta po ng norte ang asawa ko. Pero- "

"Pero?"

"Pinuntahan po ako ni Crown Prince Lee Woo Chan".

"Huh? Anong meron sa kanya? "

"May binigay po siya akin".

"Binigay?"

Saglit ano? Di kaya yung binigay ni Crown Prince Lee Woo Chan kay Hae Ra ay parehas? Kung ganon may balak ang tiyo nila Ryeong. Pero ano kaya yun?