webnovel

Antitoxicated (항독소)

A group of friends were stucked in a situation of a pandemic on the present time. The virus called CB20 spread all over the country. The government and citizens were panicking because of the sudden crisis. While the five of them were searching for a solution, they tries to find a way to cure their boredom. Little did they know, one of them is already a carrier and suddenly showed symptoms. As the others tested negative, they are willing to find a way. Suddenly, one of them found a strange book while lingering around their house. They never knew that the book was a great thing that could change their life and bring them back to their past lives. As they travelled back to the past, an exciting mission and adventure awaits them. What will happen to the people that are part of the mission? What will happen to the world? Will it finally be antitoxicated? [ A story inspired by different korean drama masterpieces.] A novel by me and @crishi_potato

trixvie · Fantasy
Not enough ratings
19 Chs

일곱: Hidden Confusing Feelings

Dali-dali kaming lumabas at nakita namin yung lalaking nagsalita na hawak-hawak si Seo Na/Zeline. Kaya nga lang, mukha siyang ninja, nakabalot yung buong katawan niya kaya hindi mo siya makilala.

Bigla naman niyang binitawan si Seo Na at tumakbo nang makarating kami. What the? Saan siya pumunta? Balak ko sanang sundan kung saan siya pumunta kaya lang biglang..

"Seo Na!"

Sumigaw naman sila nang biglang nawalan ng malay ni Seo Na.

Anong nangyari?

Pagbagsak niya, agad naman siyang sinalo ni Dong Min. Bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Seo Na, Seo Na, gumising ka." Sinubukang tapik-tapikin ni Dong Min si Seo Na pero walang nangyari.

"Mapapatay ko ang lalaking yun pag may nangyaring masama sa kapatid ko!" Galit na sigaw ni Seo Jeong. Agad naman akong lumapit para subukang ikalma siya.

Masayahing tao at hindi magagalitin si Gemson. Pero pag tungkol na kay Zeline, ibang usapan na 'yon. He has always been a protective brother to her.

"Kamahalan, dalhin na lang po muna natin si Lady Seo Na sa kanyang silid." Sabi naman ni Jang Yeon kay Dong Min. Tumango naman siya at binuhat si Seo Na.

Sumunod naman kami sa kanila. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang paningin ko sa kanya. Sobra na 'kong nag-aalala.

Nang makarating kami sa kwarto ni Seo Na, ihiniga siya agad ni Dwayne sa kama.

"Jang Yeon, magpatawag ka ng mangagamot!" Utos naman ni Seo Jeong kay Jang Yeon. Nag-bow siya sa'min tapos umalis na.

Napatingin uli ako kay Seo Na at napayuko ako.Why didn't I protect her just like what I promised her before? Now, she's lying down there and looking so pale.

Pare-parehong tulala kaming tatlo. Now we don't know what will happen next. May nasaktan na sa'min. Hindi na namin alam kung may susunod pa, pero please wag naman na sana.

"Hyung, pwede ka nang bumalik sa kwarto ni Hae Ra. Baka kailangan ka na niya dun--

"Aniya," Sagot ko.

*Translation: No*

"Anong hindi? Kailangan ka rin ni Princess Hae Ra doon." Sagot naman sa'kin ni Seo Jeong.

"Kailangan din ako dito, baka may mangyari pang masama kay Seo Na at--

"Andwae!" Medyo pasigaw namang sabi ni Dwayne. Ano namang nangyari sa kanya?

*Translation: You're not allowed! / Hindi pwede!*

"B-Bakit naman?"

"A-Ang ibig kong sabihin, kailangan din ni Hae Ra ng kasama. Nandito naman kami ni Seo Jeong para magbantay kay Seo Na." Paliwanag naman niya (Dong Min).

"Sigurado kayo?" Tanong ko pa.

"Oo. Baka mamaya magalit pa ang emperor pag nalaman niyang iniwan natin si Princess Hae Ra." Sabi naman ni Seo Jeong kaya umalis na rin ako.

Napatingin uli ako kay Seo Na. Get well soon, Zel.

Pagbalik ko sa kwarto ni Hae Ra..

"Kamahalan!" Tumakbo siya at niyakap ako. "Kumusta? Hindi ka ba nasaktan ng lalaking sumugod rito?"

"Hindi, ayos lang ako." Pagsisinungaling ko. Totoo namang hindi ako nasaktan pero hindi ko maintindihan, parang may something sa'kin na nagsasabing hindi pa okay ang lahat, parang may masakit sa'kin na hindi ko maintindihan.

"Ngunit mukhang hindi maayos ang iyong pakiramdam, prinsepe ko." Matamis na sabi niya. Hindi ko alam bakit ako ganito ngayon. Dati isang ngiti lang niya parang wala na lahat ng pagod ko pero ngayon, sobrang higpit na ng yakap niya pero parang magulo pa rin ang isip ko na hindi ko maintindihan.

"Ah siguro nga, baka nag-alala lang ako sa nangyari kanina." Sagot ko na lang.

"Oo nga pala, kumusta na si Seo Na?" Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Hindi siya mawala sa isip ko, hindi ko alam kung bakit parang ang oa ko naman kung mag-alala.

"Nasa kwarto niya, nagpapahinga pa." Sabi ko na lang.

Nagkakaganito siguro ako dahil sa nangyari noon..

-- FLASHBACK --

"Hindi ka na makakatakas sa'min Ryxen Lee! Hindi tatalab sa'min 'yang kayabangan mo!" Sigaw sa'kin nung leader nila. Tss, akala niya kung sino siya. Mas gwapo naman ako kaysa sa kanya.

"So? Anong gagawin ko? Pwede bang paraanin mo ako? Stop wasting my time!" Sigaw ko sa kanila pero mukhang hindi sila natinag.

"Tigilan mo kami, englisherong bulok! Kagaya nga ng sabi niya, hindi ka na makakatakbo!" Sigaw pa nung isa. Kasalanan ko bang natalo namin sila sa basketball?

Nagulat naman ako nang hawakan nila ako at may boteng ipapalo sa'kin.

Ipapalo na sana sa'kin nang biglang..

*BOWWGG!*

Biglang napatumba yung iba dahil natamaan sila ng lumilipad na bola.

Wait, saan galing yun?

"Sino yun?" Sigaw nung leader nila.

"Ako"

Nagulat ako nang may magsalita.

Pagtingin ko..

"Zeline?"

Anong ginagawa niya dito?

Matapang siyang lumapit dun sa leader at sa iba pang members.

"Ikaw? Ang lakas ng loob mong makialam dito, babae ka!" Galit na sabi nung leader. Bakit ba kasi siya nandito?

"Talagang makikialam ako dahil kaibigan ko yung pinagtutulungan niyo!" Inis ring sabi ni Zeline. Pero kahit na, mapapahamak lang siya sa mga 'to. "Tignan niyo nga. Ang dami niyo tas isa lang siya, sa tingin niyo may laban siya sa inyo? At hindi niyo rin ba alam na sa dami niyong yan, maraming posibleng makakita sa inyo at i-report kayo sa pulis? Mag-isip naman kayo, huy!"

Halatang mas nainis yung leader. Binasag niya yung bote at mukhang.. yun ang gagamitin niya laban kay Zeline. Mukhang natakot rin si Zeline pero tingin ko lalabanan niya pa rin 'tong taong 'to.

Sinubukang ipalo nung lalaki kay Zeline yung bote pero sinubukan niya ring harangan. Sa kahaharang niya, nahawakan niya yung talim kaya nabubog siya at nasugatan.

Sinubukan ko silang awatin pero pinigilan din ako nung iba.

What the eff are you doing, Zel!?

Pero maya-maya pa, naagaw din ni Zeline yung basag na bote at ipinalo sa ulo nung lalaki. Mukhang nakaramdam ng hilo yung lalaki kaya pumunta sa kanya yung mga umaawat sa'kin.

"Alis na! Subukan niyo pang sumugod ulit, hindi ako magda-dalawang isip na ipukpok sa ulo niyo 'to!" Sigaw pa ni Zeline kaya nagtakbuhan na sila.

Woah. Sa totoo lang magaling siya pero..hindi ba niya naisip na masusugatan lang siya?

"Anong ginawa mo, Zel? Bakit mo sila sinugod?" Tanong ko sa kanya.

"Malamang nakita kong binubully ka nila at papaluin ka na ng bote. Anong gusto mo? Panoorin ko lang na ganun yung ginagawa nila sa'yo?" Sagot naman niya at inirapan pa 'ko.

"But see what happened? Nasugatan ka pa!" Sigaw ko sa kanya at napatingin sa sugat niya. Tsk! Dumudugo pa. "Ano nang sasabihin ko sa kuya mo niyan?"

"Pabayaan mo na si kuya, ako na ang bahala dun. Tapos eto, wala lang yan, dugo lang naman." Pa-cool pang sabi niya. Tsh, what's her problem?

"Dugo lang pala ah," Sabi ko at hinawakan ang sugat niya.

"Aahhh!" Sigaw niya. Psh, sabi na nga ba.

"Ano? Hindi masakit?"

"Oo na, sige na! Pero kasi, hindi naman kita hahayaang masaktan nung mga panget na yun, 'no!" Dahilan pa niya. Tss.

Hinawakan ko naman siya sa balikat at mukhang ikinagulat niya.

"Promise me, Zel. Na hindi mo na ako pro-protektahan ulit. Promise me na hindi mo na uulitin yung ginawa mo kanina." Sabi ko at mukhang nagtaka siya.

"Ha? Ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Promise me na ako na ang magiging protector mo at hindi na kita hahayaang masugatan ulit."

"Ha? Pero--

"Just promise me!"

"Okay, promise." Napipilitan pa niyang sagot. But that's okay, atleast she promised and I hope that she will keep it.

I will keep mine too. I'll protect her from anyone. She's my best friend, after all.

-- END OF FLASHBACK --

Hindi ko alam..pero nagsisisi ako. I think I have an answer for this unexplainable feeling. Maybe it's guilt that's making me so uncomfortable.

-- DWAYNE LEE / LEE DONG MIN --

Nandito pa rin ako ngayon sa kwarto ni Seo Na. She's still unconscious. Mukha rin naman kasing hindi pa maayos ang pakiramdam niya. Medyo namumutla pa siya. Ano ba kasing nangyari?

Kung sino man ang gumawa sa kanya nito, magbabayad siya pag nakita ko siya.

Hinawakan ko ulit ang kamay ni Seo Na at napatitig ako sa mukha niya.

It's been so long since I looked at your face like this. But it never changes, you're still pretty as the day I met you.

Nagising naman ako sa realidad nang biglang may magsalita.

"K-Kamahalan.." Si Jang Yeon pala.

"Oh Jang Yeon? Ikaw pala 'yan." Sabi ko at napangiti siya. Bakit naman kaya siya ngumingiti sa'kin ng ganito?

"Ah, iaabot ko lang po ang gamot na ibinigay sa'kin ng doktor. Maaari na po kasi iyang inumin ni Lady Seo Na pag nagising na siya." Paliwanag niya at kinuha ko na yung gamot.

Nagtaka naman ako, bakit parang ang tagal niyang bumitaw..

"Ah kamahalan.." Napatingin ako sa mga kamay namin. Ah! Hindi ko pala agad nabitawan ang kamay niya.

"P-Pasensya na!" Sabi ko sabay bitaw. Nagpaalam naman siya na aalis na kaya lumabas na siya.

Tumingin ulit ako kay Seo Na. Mukha pa rin siyang nanghihina.

I'm sorry hinayaan kitang makitang manghina o masaktan ulit.

Naalala ko pa kasi noon, nakita ko siyang nakasilip at pinapanood lang sina Ryxen at Hyra mula sa malayo. Ngiti ang makikita mo sa labi niya pero pag tititigan mo ang mga mata niya, iba ang nandoon.

Parang yung nararamdaman ko nung araw na yun.

Parang yung nararamdaman mo kapag nakikita mo na yung taong gusto mo ay masaya sa iba.

Oo, gusto ko siya

Pero ang gusto niya noon…

Ay is Ryxen.

Pero nagawa niyang magparaya para sa kaibigan niyang si Hyra.

At ako, kung magugustuhan din siya ni Ryxen, handa ko rin namang gawin yun.

Pero kung ang gustong protektahan ni Ryxen ay si Hyra. Then sige, ako na ang gagawa nun kay Zeline.

I won't let anything like this happen again. I won't let anyone harm her especially on this mission and for the rest of her life.

[TO BE CONTINUED..]