webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · Fantasi
Peringkat tidak cukup
46 Chs

Ang Mundo

Bago lahat ang aking paningin. Ako'y nasa lugar sa gubat na hindi ko pa napupuntahan noon. May malaking bato na parang kama sa gitna. May mga apoy sa bawat sulok. Kitang-kita ko ang kabilugan ng buwan, ito'y lumiliwanag na parang krystal.

"O, kay gandang mabuhay muli."Saad ko sa hangin at yumuko.

"Para sa iyo, naglaho nga ba si Asher?"Tanong ng isang panauhin sa aking likuran. Ako'y tumingin nito. Lahat ng mga panauhin na nakapalibot sa akin ay nakasuot ng maskara.

"Hindi."Tipid kong sagot sa kanya.

"At bakit naman hindi ang napili mong sagot sa aking katanungan?"Tanong nito sa akin.

"Bakit? May iba pa bang sagot sa oo o hindi?"Tanong ko pabalik sa kanya.

"Paano ka kaya tiniis ni Asher? Ikaw ay isang pambihirang babae, sa totoo lang...ako'y hindi makatiis sa aking nadarama na pagka-irita sa iyo. Parang-"Huminto siya sa kanyang salita at tumingin sa akin.

"Parang gusto kitang maglaho sa mundong ito."Saad nito dahilan ako'y kinabahan.

"Sino ka?"Agad na tanong ko sa kanya.

"Hindi dapat "Sino ka?" ang itatanong mo sa akin kundi, ano ako."Saad niya. Ako'y nanginginig sa aking katayuan ngayon. Siya'y tumawa dahilan ako'y mas kinabahan sa maaring mangyayari sa akin.

"Walang pagsisi hanggang sa huli, Heleana. Tandaan mo, para ito sa ikakabuti sa mundo."Saad niya at hinawakan ang aking buhok.

"Ika nga nila, ika'y naiiba. Sa palagay ko...baka sa simula lang."Saad niya at ibinalik ang kanyang kamay sa kanyang likuran.

"Ako'y nasisiyahan makita ka binibini." Saad nito at naglakad na papalayo sa akin hanggang maglaho na siya sa aking paningin.

"Heleana."May tumawag sa akin dahilan ako mapatalikod agad.

"Magsisimula na, handa ka na ba?"Tanong ng babae. Hindi pamilyar lahat ng boses at panauhin na aking nakikita ngayon. Ako'y tumingin muna sa aking paligid.

"Walang pagsisi hanggang sa huli, Heleana. Tandaan mo, para ito sa ikakabuti sa mundo."

Ako'y huminga ng malalim. Ako'y hindi nagsisisi sa aking desisyon, dapat sundin ko ang aking plano. Lahat ng minamahal ko sa buhay ay nawawala, kahit na ang mga taong napalapit na sa aking kalooban. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito, dapat ako ay magpatuloy.

"Handa na ako." Matapang na saad ko.

Ako 'y napahiga sa bato na higaan. Nakasuot ako ng puting damit habang ang pangkalahatan naman ay sumusuot ng kulay na itim. May pinatay na manok at iginamit ang dugo para sa pagsulat sa bato. Ikinuha ang aking kamay at sinugatan ako. Ang aking dugo ay pumapatak pababa. Ito'y ikinuha nila at sinimulan na ang ritual. Aking isinara ang aking mga mata. Nakaramdam akong may inilagay sa aking noo at tiyan. Aking ibinuklat ulit ang aking mga mata, wala akong makita niisang tao. Isang tahimik na gubat lamang ito at ako na nag-iisa. Ako'y naglakad patungo sa palasyo.

"Manang Zelda?"Tawag ko. "Madam Miranda?"

Wala pa ring sumasagot sa aking mga tawag. Tahimik ang buong lugar, tila ako lang mag-isa sa mundong ito. Ako'y bumalik sa gubat.

"Madam Miranda!" Paulit-ulit na sigaw ko sa bawat sulok ng gubat. Tanging ako lang mag-isa sa gubat. Ako'y bumalik sa bato at umupo. "Nasaan na ba kayo?"Tanong ko habang tinitignan ang buwan. Tumulo na ang luha na aking pinipigilan kanina.

"Nakaramdam ka ba ng pagsisisi?"Tanong ng isang panauhin. Aking pinunasan ang aking mga mata. "Sino ka-"Hindi ko natuloy ang aking tanong sa aking nakikita ngayon.

"Asher?"Tanong ko na tila hindi makapaniwala sa aking nakikita. Siya'y nanatiling tumayo sa kanyang kinatatayuan. Ako'y tumakbo at yinakap siya, ako'y tumingin ulit sa kanyang mukha kung siya ba talaga."Asher! Ikaw nga!"Masayang sigaw ko habang nanatiling nakayakap sa kanya.

"Saan ka ba napunta? Hinahanap ka na nila."Saad ko ngunit siya'y nanatiling tahimik. "Umalis na tayo dito, sumama ka sa akin kapag nagtagumpay ang aking plano."Saad ko sa kanya habang kinukumbinsi siyang bumalik sa palasyo.

"Nandito na ako Heleana." Saad niya. "Sa mundo ko."

Ako'y umatras sa aking kinatatayuan. Ako'y napaupo sa ibaba habang nakahandusay sa kawalan. Ako'y umiyak muli.

"Hindi ka ba nagsisisi?"Tanong niya.

"Ang alin?"Tanong ko sa kanya.

"Sa iyong tungkulin?"Tanong niya sa akin.

"Kailangan ka sa dating mundo mo, naghahanap na sina Ginoong Fredo sa iyo."Saad ko sa kanya.

"Hindi."Tipid na sagot niya. "Ito ang mundo ko. Dapat ako lang ang mag-isa."Saad niya.

"Kaya ka palaging nakakaramdam ng pagsisisi, dahil sa iyong kaisipan." Saad ko sa kanya habang nakakatutok ng maigi sa kanyang mga mata. "Na baka ika'y maiiwan at hindi bigyan ng pansin. Tatanda kang puno ng pag-iisa at pagsisisi na walang kasiyahan." Paliwanag ko sa kanya."Kaya bumalik ka na."Ani ko.

"Hindi dapat ako ang babalik, kundi ik-"Hindi niya tinuloy ang kanyang sasabihin dahil inuna ko na siya.

"Tandaan mo lahat ng sinabi ko." Saad ko at nakaramdam na may humila sa akin. Ako'y napapikit at napasigaw.

"Heleana!"Tawag sa akin ni Madam Miranda. "Mabuti ay nagising ka na. Tatlong araw ka nawalan ng malay."Saad niya.

"Ha?"Tanong ko sa kanya. "Paano-"Hindi ko tinuloy ang aking sasabihin dahil may kumatok sa pinto. Ito'y bumukas dahilan na nakita ko si Heros pumasok at ang kasunod nito ay si Asher.

"Malapit na mag alas sais."Saad ni Heros. "Mabuti ay nagising kana Heleana." Saad nito. Ako'y tumingin kay Asher.

"Kailan kayo bumalik?"Tanong ko sa kanila.

"Ako ay bumalik kaninang umaga."Ani ni Heros habang si Asher naman ay nanatiling nakatulala.

"Ikaw, Ginoong Asher?"Tanong ko kay Asher. Siya'y nagulat ng banggitin ko ang kanyang pangalan sa respetong paraan.

"Noong nakaraang dalawang araw."Saad nito. Nakita kong pumasok si Manang Zelda sa silid. "Nakahanda na lahat Madam Miranda, kayo nalang ang kulang." Saad nito, tumango naman si Madam Miranda. Magsasalita na sana siya ngunit inunahan ko siya.

"Pwede ko ho bang makausap si Asher sandali?"Tanong ko sa kanya. Silang lahat ay nagulat lalong-lalo na si Heros.

"Hindi maari-"Saad ni Heros ngunit pinutol ito ni Madam Miranda ang sasabihin niya sana.

"Maari, lalabas muna kami."Saad nito at silang tatlo ay lumabas sa silid habang kami ni Asher ang naiwan.

"Isa bang panaginip ang nangyari sa akin noong nakalipas na tatlong araw?"Tanong ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot. "Ginoong Asher."Tawag ko sa kanyang pangalan. Siya'y nagsimulang lumakad patungo sa pinto. "Asher Cremetia."Tawag ko ulit sa kanyang pangalan. Siya'y huminto sa kanyang paglakad.

"Paano-"Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa aking inaksyon.Ako'y lumakad papunta sa kanya at gumawa ng isang malaking kasalanan na hindi ako nakaramdam ng pagsisisi.

"Anong ginawa mo?!" Tanong nito.

"Hinalikan kita." Saad ko sa kanya habang nakangiti.

"Masaya ka na? Alam mo bang kasalanan ang iyong ginawa." Inis na saad niya.

"Hindi."Ani ko sa kanya.

"Seryoso ka ba? Wala naman tayong nararamdaman sa isa't-isa-"Saad niya habang hindi makapaniwala sa aking nagawa. Aking inuhan ang kanyang sasabihin.

"Paano kung mayroon pala?"Tanong ko sa kanya. Kaming dalawa ay nagkatinginan ng matagal. Walang sagot na lumalabas sa aming mga bibig tila hindi namin kaya sabihin ang aming nadarama. Ako'y pumunta sa palikuran pero bago pa man ako pumasok sa loob ay may sinabi muna ako sa kanya.

"Nag-iiba na ang mundo."Saad ko.

Ako'y pumasok sa loob at nakahandusay na sa ibaba. Ako'y nakaramdam na ng pagsisisi kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon kanina. Labag man ito sa kalooban ko ngunit kailangan kong magpatuloy para sa aking plano. Isa si Asher sa mga noble at may kaugnayan rin siya sa mundong ito, baka siya ang makakatulong sa akin makalabas sa mundo na ito kung hindi magtagumpay ang una kong plano.