webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · Fantasy
Not enough ratings
46 Chs

Ang Paglaho

"Heleana."Tawag sa akin ni Madam Miranda. Hindi ko siya napansin pumasok sa silid dahil sa aking pag-aalala kay Asher. Siya'y lumapit sa akin.

"Bakit bukas ang bintana at...wala ka bang balak sirahin ito?"Tanong niya at isinara ito. "Naghihintay na ang mga bisita."Pagpapa-alala niya ulit sa kaganapan na mangyayari mamaya.

Kami ay pumunta na sa ibaba at naghanap sa aming itinalagang upuan. Kung hindi ako nagkakamali nasa kaliwa si Asher, limang upuan na malayo sa akin. Gusto ko siyang puntahan at tanongin. Gusto kong sabihin at ipaliwanag sa kanya ng mabuti kung bakit ko ginawa iyon. Habang may palabas na ipinapakita sa harapan ko, hindi ko matatakasan sa aking isipan ang pagsisisi.

Ang pagsisisi sa aking nakaraang buhay na napunta ako sa mundong ito, ang pagsalba ng mga buhay sa dalawang mundo, sa paglapit ng aking kalooban sa panauhin sa mundong ito, at higit sa lahat, ang buhay ko ang kapalit ng lahat na iyon.

"Binibining Heleana."Tawag sa akin ng panauhin na nagsasalita sa amin sa harap ngayon. "Maari ka bang pumunta sa akin sa tanghalan at sumagot sa aking mga katanungan bilang isang kabiyak ni Hudas?"Agad na tanong niya sa akin. Ako'y tumingin muna kay Madam Miranda, binigyan niya ako ng pagtango bilang oo.

"Tatlong araw nalang ang nalalabi. Ikaw ba'y kinakabahan?"Tanong ng panauhin.

"Oo, ako'y kinakabahan ngunit hindi dapat natin ito binibigyan ng pansin dahil ito...ang dudulot ng kabagsakan sa lahat. Maari ring lahat ng iyong desisyon ay magbago dahil lang sa iyong nadarama. " Saad ko habang tinitignan ang mga panauhin na tumitingin sa akin.

"Pwede mo bang mas ipaliwianag ang iyong sinabi?"Tanong ulit ng panauhin na tila'y naguguluhan sa akin sinabi. Ako'y tumingin kay Asher na ngayon ay tumitingin rin sa akin.

"Hindi ko kayang ipaliwanag."Saad ko habang nakayuko, ako'y tumingin ulit sa mga panauhin at ibinalik ang aking tingin kay Asher na ngayon ay nakayuko na. Ito'y tumayo at lumakad palabas dahilan mapatingin lahat ng panauhin sa kanya. "Sa totoo lang hindi lahat ng bagay ay napapaliwanag, dahil sa mga bagay na...baka tayo ay masasaktan dahil sa realidad o hindi kaya sa mga bagay na ayaw natin pakinggan o sagutin dahil tayo ay masasaktan o di kaya'y ayaw natin masaktan ang ibang panauhin na malapit sa atin."

Tumigil ang takbo ng oras, hindi gumalaw ang lahat ngunit natatanging ako at si Asher lang ang gumagalaw. Ang mga mata nito'y naging abo. Ang aking isipan ay naguguluhan dahil sa aking pagtataka kung bakit kami lang ang gumagalaw. Tumingin muna si Asher sa akin ng matagal at tumalikod na habang lumalakad patungo sa pintuan.

"Sandali!"Sigaw ko sa kanya.

Biglang nagbago ang aking paningin, ang lahat ng panauhin na naimbita sa pagdiriwang ay nagulat sa aking inaksyon at sinabi. Hinanap ko si Asher ngunit wala na siya sa kanyang itinilagang upuan. Ako'y tumakbo patungo sa labas ng silid.

"Heleana!"Sigaw sa akin ni Madam Miranda ngunit hindi ko siya pinansin.

Ako'y tumakbo patungo sa labas ng hardin. Nabangga ko si Manang Zelda, siya'y nagulat sa pagkakita sa akin.

"Binibini, hindi ka dapat lumalagoy mag-isa sa gabi."Saad niya at hinawakan ang aking kanang kamay. "Halika na."Saad niya.

"Nakita niyo ho ba si Asher?"Tanong ko sa kanya.

"Baka...gusto niyang mapag-isa."Saad nito dahilan ako'y nadismaya. Wala naman akong nagawang masama. Kami ay bumalik sa pagdiriwang, hindi pumasok si Mannang Zelda sa dahilan na aasikasuhin niya ang mga pagkain sa kusina.

"Heleana!"Tawag sa akin ni Madam Miranda. "Saan ka ba pumunta iha?! Kami ay nag-aalala sa iyo."Saad nito.Ako'y tumingin muna sa paligid-ligid at tumingin kung ano ang kaganapan na magaganap habang hinahanap na rin si Asher.

"Ah, wala po." Tipid kong saad.

"Ngayon nga pala mangyayari ang kasunduan."Saad ni Madam Miranda dahilan ako'y kinabahan sa kanyang sinabi dahilan naalala ko ulit ang aking panaginip.

"Kasunduan?"Tanong ko sa kanya.

"Kasunduan na ikaw ay sumasang-ayon na magiging kabiyak ni hudas." Saad niya ni tila nagtataka kung bakit hindi ko alam.

"Madam Miranda!"Tawag ng isang panauhin.

"Fredo!"Pagbati ni Madam Miranda sa kanya. Ang aking mga paa ay nanginginig ngunit iba ang nangyayari sa kasalukuyan sa mga pangyayari sa aking panaginip. Ang lalake ay tumingin ng maigi sa akin. Ako'y nagtataka sa kanyang mga kilos.

"Madam Miranda, nakita niyo ho ba si Asher?"Tanong niya agad sa Madam dahilan ako'y napatingin sa kanya ng maigi na handang-handang makinig sa kanyang sasabihin. "Kanina ko pa siya hinahanap. Sa totoo lang, nakita ko siya kanina na umuupo lang sa upuan na yan."Saad niya habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala kung saan pumunta si Asher.

"Bakit mo pala siya hinahanap Fredo?"Tanong ni Madam Miranda. Ako'y nanatiling nakinig sa kanilang usapan. Tumingin si Fredo sa akin ng pandalian at sinimulan niyang huminga ng malalim.

"Nagkaroon ako ng panaginip kagabi. Alam kong malabo ito mangyayari, ngunit para talagang totoo."Paliwanag niya na tila naguguluhan kung ano ang kanyang sasabihin.

"Paano mo naman masabi na ang iyong panaginip ay magiging totoo?"Tanong ni Madam Miranda sa kanya na tila nagtataka sa kanyang sasabihin.

"Dahil si Asher ay naglaho. Hindi ba, Heleana?"Tanong ni Ginoong Fredo sa akin. Ako'y napatulala sa kanyang sinabi. Si Ginoong Fredo ay tumingin sa akin ng patalim at agad na lumakad patungo sa akin.

"Anong sinabi niya sa iyo?Ano?!"Tanong nito sa akin tila nag-wawala na para bang baliw. Ako'y nagulat sa kanyang inaksiyon pati si Madam Miranda ay agat umawat sa paghawak ni Ginoong Fredo sa aking balikat.

"Fredo!"Sigaw ni Madam Miranda."Nakakalimutan mo na ba, na siya ay isang alay?!Isang alay na hindi mo dapat hawakan at gumawa ng mga bagay na makakasakit sa kanya!"Galit na galit na sabi ni Madam MIranda sa kanya.

"Patawad."Saad niya. Siya'y yumuko sa aking harapan. Nakita kong may hawak na batak si Madam Miranda, tatama na sana ito kay Ginoong Fredo ngunit pinigilan ko siya. Dumaloy ang aking dugo sa espada dahil sa aking pagkahawak. Si Madam Miranda ay nagulat sa aking ginawa at pati na rin si Ginoong Fredo na ngayon ay nakatulala. Inihagis ko ang espada sa malayong lugar.

"Patawad." Saad ni Madam Miranda habang nakayuko at lumuhod sa aking harapan, ngayon ay magkasama na sila ni Fredo lumuluhod.

"Hindi kamatayan ang ihaharap niyo. Hindi ganuon tumatakbo ang isipan ko. Iba ako, iba rin kayo."Saad ko sa kanila habang nakangiti.

"Pareho lang tayo Ginoong Fredo, hinahanap ko rin si Asher ngunit hindi ko na maalala kung ano ang kanyang huling sinabi. Para sa akin, pinapakilala niya ang kanyang katauhan sa akin, kung sino talaga siya ngunit pinili niyang itago dahil baka ay-"Saad ko at huminto. Ang dalawa ay sabay na tumingin sa akin at hinintay ang kasunod sa aking sasabihin. "Ayaw niyang mapahamak ang minamahal niya sa buhay."Saad ko sa kanila. Ako'y tumingin kay Madam Miranda na ngayon ay nakayuko.

"Pareho lang kami, tinutupad ang aming mga tungkulin para sa...ikakabuti ng mundo."Saad ko at inilahad ang kamay ko kay Madam Miranda.

"Handa na ako." Matapang na ani ko sa kanya.