webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · Fantasi
Peringkat tidak cukup
46 Chs

Ang Kuweba

Pagkarating namin sa palasyo ay agad na bumungad sa amin si Heros sa labas. Siya'y nagtaka kung bakit sabay kaming lumalakad patungo sa palasyo.

"Magkasama pala kayo?"Tanong agad ni Heros, magsasalita na sana ako ngunit dumating si Manang Zelda na puno ng pag-aalala.

"Heleana!"Tawag niya sa akin. "Saan ka pumunta? Ako'y nag-aalala sa iyo buong maghapon."Agad na ani nito habang hinahawakan ang aking mukha. Aking hinawakan ang kanyang kamay dahilan na siya'y natigil sa kanyang ginagawa.

"Manang Zelda, mabuti ho ang kalagayan ko huwag ho kayong mag-alala." Ani ko sa kanya dahilan siya'y napahinga ng malalim.

"Sigurado ka ba sa iyong sinasabi?"Agad na tanong niya. Ako naman ay napangiti.

"Siguradong-sigurado."Ani ko, kami ay tahimik na pumasok sa loob ng palasyo. Narinig kong may isinabi si Heros kay Asher.

"Mag-usap tayo sa silid-aklatan mamayang gabi."Ani nito.

Ako'y agad na pumunta sa aking silid at agad na pinalitan ang aking mga damit. Malapit na kaming maghaponan, hinihintay ko nalang ang katok ni Manang Zelda dahil ipinadala ko ang aking pagkain sa aking silid. Ako'y napatingin sa aking bintana, malapit na maging gabi. Ako'y napatingin naman sa ibaba ng aking bintana, ito'y gubat ngunit may makikita ka namang kapatagan na bahagi kung saan ko nakita si Madam Miranda, si Asher at ang isang halimaw na parang aso.

Ako'y napatalikod na at lumingon na sa pinto ngunit ako'y nakarinig ng katok, ito'y hindi nanggagaling sa pinto kundi ay sa bintana. Lilingon na sana ako nito ngunit may kumatok na sa aking pintuan. Bubuksan ko na sana ito ngunit ako'y nagtanong muna.

"Manang Zelda? Ikaw ho ba iyan?"Tanong ko. Walang sagot na lumalabas galing sa pinto, tila ito'y tahimik lamang. Ako'y napaatras at tumalikod. Nakita kong bukas na ang aking bintana. Ako'y tumingin sa aking paligid. May halimaw sa itaas sa aking kisame. Ito'y maitim at mahaba ang buhok. Ito'y hindi katangi-tangi tignan. Ang kanyang ngipin ay mataas na matalim at ang kanyang dila rin ay mataas.

Dali kong binuksan ang aking pinto at tumakbo patungo sa sala. Walang katao-tao sa palasyo, ni-isa wala akong nakitang panauhin. Nang marinig ko ang mga padyak ng halimaw ay dali-dali akong pumunta sa gubat. Nakita ko ulit ang kuweba kung saan ang mga krystal ay kumikinang ng maliwanag sa labas ng gabi. Ako'y tumungo nito at nagtago. May narinig akong kampana sa lugar kagaya noong ako'y napapad sa lugar na ito. Ito'y mahina noong una ngunit ngayon ay palakas ng palakas ang tunog na nadidinig ko. Ako'y tumingin sa aking repleksiyon, may nakita akong lumalangoy sa ibabaw ng tubig. Inilapit ko ang aking mukha upang makita ko ito ng mabuti. Ngayon ay alam ko nang may masamang mangyayari sa akin.

Ako'y hinila papunta sa ilalim ng tubig. Hindi ko na makaya umahon dahil sa lakas ng puwersa ng paghila nito. Ako'y nabawian ng hininga at ang tanging naalala ko lang ay may magandang dalagita sa aking harapan ngunit ang kanyang mukha ay naging hindi katangi-tangi tignan.

Ako'y huminga ng malalim at tumingin sa aking kinarorounan na hindi pamilyar sa aking mga mata. Parang nasa ilalim ako na bahagi ng tubig. Ako'y naglakad at tumingin sa loob nito. May nakita akong lagusan dahilan na ako'y tumungo nito. Pinilit kong lumabas ngunit hindi ako makalabas. Ako'y umupo sa pagod ng aking nadarama. Parang itong kulungan na tila mahirap makalabas.

"Gising ka na pala."Sabi ng halimaw na nasa labas ng aking bilangguan.

"Nasaan ako?"Tanong ko kaagad dahilan siya'y natawa. Nag-iba siya ng anyo bilang magandang dalagita.

"Ako'y nasasabik makita muli ang dalawang panauhin na puno ng pag-alala, lalong-lalo na ang hinahanap nila ay isang walang kwentang panauhin na nasa aking harapan."Ani nito at ngumiti.

"Sino ka?"Matapang na tanong ko sa kanya. Siya'y natahimik at tumalikod sa akin.

"Sino nga ba ako?"Tanong nito sa sarili at biglang tumawa na parang wala sa katinuan. Siya'y humarap sa akin pabalik. "Ako'y pinarusahan ng mga panauhin na kagaya nila!"Galit na sigaw nila.

"Sila'y naging makasarili at mapayapang nabubuhay habang kami ay naghihirap dahil sa parusang hindi namin kasalanan."Ani nito.

"Ano nga pala ang maling ginawa nila sa inyo?"Pagtatakang tanong ko. Siya'y napahinto at pinunasan ang mga luha na tumutulo sa kanyang mukha na puno ng galit at kasakiman.

"Patawad ngunit hindi ko kayang sabihin sa iyo ito."Ani naman nito. Ito'y nagpalit ng halimaw na anyo nang may naramdaman siyang may ibang panauhin ang nasa loob ng kanyang kuweba.

Narinig ko ang sigaw ng halimaw. Ako'y hindi mapakali kung ano ang nangyari sa itaas. Nakita kong nasa harapan ko na si Heros. Ito'y binukas ang aking kulungan at agad na ikinuha ako.

"Alam mo bang nag-aalala na si Manang Zelda sa iyo? Lalong-lalo na si Madam Miranda."Inis na ani nito. Madali uminit ang ulo nito. Kami ay umahon na sa tubig at nakita kong itinututok ng espada ni Asher ang dalaga na halimaw. Gagawin niya na sana ang kanyang binbalak ngunit ako'y humarang dahilan sa aking tiyan natama ang kanyang espada.

"Huwag!"Sigaw ko at agad na tumakbo nito. Ako'y nagulat sa aking hinaharap ngayon. Si Asher ay nagulat lalong-lalo na si Heros. Ako'y ikinuha ni Asher habang si Heros naman ay sinunod ang halimaw na tumakas. Ang huli kong maalala ay ang mukha ng dalagita na nagdadalawang isip na umalis dahil sa reaksiyon ng kanyang mukha na puno ng pag-aalala at pagsisisi ngunit siya'y tumakas at sa huli siya'y nagpaalam at humingi ng patawad sa akin tungo sa aking kaisipan.

"Maraming salamat at patawad, hanggang sa muli nating pagkikita-"Ani nito sa akin habang tumatakbo ngunit tumingin ito ulit."Kabiyak ni Hudas."Ako'y nagulat sa kanyang sinabi.

"Heleana!"Sigaw ni Asher ngunit ipinagwala ko lamang ito ng bahala. Hinawakan ko ang tama sa aking katawan, ito'y patuloy-tuloy na dumudugo. Ako'y nakatingin na kay Asher ngunit naging malabo ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay.