webnovel

Ang Halik

Ako'y nakatulog sa pagod na aking nararamdaman sa aking katawan. Mabigat ito at parang hindi ako makalakad ng maayos. Malamig ang loob ng aking silid. Naghihintay lang ako kay Manang Zelda sa pagdala niya ng aking tangahalian. Nagising ako nang may narinig akong tunog na kampana. Ibinuklat ko ang aking mga mata at hinanap kung saan nanggaling ang tunog na ito. Ang tunog ay nanggagaling sa gubat kaya ako'y lumakad patungo nito at agad na hinanap kung saan ko makikita ang kampana.

Ako'y nupunta sa isang kuweba, ito'y madilim sa labas ngunit kapag ikaw ay tumungo nito sa loob may makikita kang krystal sa ibabaw ng tubig na nagbibigay ilaw sa lugar. Hinubad ko ang aking mga damit at agad na lumangoy nito. May makikita kang bato sa gitna na napapalibutan ng mga bulaklak. Ako'y tumungo nito, aahon na sana ako ngunit may biglang pumasok sa kuweba at nagsalita dahilan ako'y pumunta sa likod nito.

"Maligo muna tayo." Ani ng pamilyar na boses na aking nadinig.

"Heros, kailangan na nating umalis sa lugar na ito at isa pa, gagabi na."Ani ng boses ni Asher dahilan ako'y nagulat nang malaman na sila'y nandito.

"Sandali lang naman ito. Kaya palagi tayong nag-aaway dahil palagi mo akong sinasalungat."Ani pabalik ni Heros. Narinig kong napahinga naman ng malalim si Asher at sa huli ay siya'y sumang-ayon sa gagawin ni Heros.

Sila'y naligo habang ang pang-ibaba lamang ang kanilang sinusuot. Ako'y tumitingin sa kanilang dalawa. Tumingin si Heros sa aking direksiyon dahilan ako'y sumisid patungo sa ilalim. Narinig kong umahon sila sa paliguan at agad naman rin akong umahon sa aking kinarorounan.

"May nauna sa atin dito."Ani ni Heros. "Ako ang titingin sa labas. Magkita nalang tayo sa palasyo."Saad nito ulit.

Napansin kong lumangoy ulit si Asher sa paliguan. Ako'y nagtago pa rin sa may bato. Nang may narinig akong lumalangoy patungo sa akin ay agad akong sumisid pababa ngunit ako'y nagkamali sa aking desisyon. May humawak sa aking paa at pinipilit akong ibaba sa ilalim na bahagi ng tubig. Mawawalan na sana ako ng aking paghinga at malay ngunit ako'y ikinuha ni Asher at idinikit ang kanyang labi sa aking labi. Kami ay umahon na sa itaas. Hindi ko mapigilan huminga ng malalim dahil sa tagal kong nanatili sa ilalim ng tubig.

"Ha!"Paghingal ko. Hawak-hawak pa rin ako ni Asher habang ako'y nakakapit sa kanya. Malapit ko nang nalimutan na wala akong suot na damit. Itinulak ko siya palayo sa akin.

"Nakita mo?"Tanong ko sa kanya.

"Ang katawan mo?"Agad niyang tanong sa akin dahilan na uminit ang buo kong pagmumukha.

"Maliban sa katawan ko...May nakita ka rin bang iba na nasa ilalim?"Agad kong tanong sa kanya.

"Ang ibig mong sabihin ay yung mga nagbabantay dito, hindi ba?"Tanong niya sa akin, ako'y tumango sa kanya. Kami ay tumahimik sandali. "Ikaw muna una umahon baka ay kukunin ka kapag ako'y uuna umahon sa iyo."Ani nito. Ako'y napatango at nag-isip din sa kanyang sinabi. May naisip agad akong eksena kapag ako'y aahon sa paliguan dahilan na ako'y agad na nagmakiusap sa kanya.

"Kapag ako'y aahon, pwede ka bang tumalikod muna kapag susuotin ko na ang aking mga damit?"Agad kong tanong sa kanya. Siya naman ay tumango sa aking tanong. Umuna ako lumangoy patungo sa pangpang, aahon na sana ako ngunit tumingin muna ako ulit sa aking likuran kung siya'y nakatingin pa rin sa akin ngunit siya'y nakatalikod na. Agad kong isinuot ang aking mga damit at tinawag siya.

"Pwede ka nang umahon!"Sigaw ko sa kanya. Siya naman ay tumungo na sa pangpang at isinuot ang kanyang pangtaas na damit. Ako'y tumalikod sa pagbigay respeto sa kanyang gagawin. Nakaramdam akong may tumapik sa aking likuran nakita ko ang kamay ni Asher na nasa balikat ko na. Nang tumingin ako sa aking harapan ay malapit dumikit ang aming mga labi. Kami ay naging hindi komportable sa buong paglakad namin ngunit kami ay nag-uusap pa rin.

"Hindi ko sinasadya ang nangyari kanina."Ani nito habang hindi kami makatitig sa isa't-isa.

"Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa iyon."Ani ko at huminto sa paglalakad. Siya'y napahinto rin sa kanyang paglalakad.

"Bakit?"Tanong nito sa akin. Ako'y ngumiti at nagsimulang magsalita.

"Maraming salamat."Saad ko sa kanya dahilan mapalitan ang reaksiyon ng kanyang mukha ng pagtataka.

"Ako'y naninibago sa iyong inaasal pa minsan-minsan. Tila ika'y nagbago simula noong-"Siya'y huminto sa pagsasalita ng maalala niya ang nangyari noong nakalipas na mga araw ngunit pinilit ko pa ring magtanong.

"Simula noong?"Palabirong tanong ko sa kanya.

"Tila nilalaruan mo nalang ang takbo ng aking isipan, Heleana."Ani nito. Ako'y napangiti nang marinig ko ang aking pangalan. Siya'y nagtaka kung bakit ako ngumiti sa di malamang rason."Bakit? Ikaw ba'y nasisiyahan kapag nakikita mo akong nahihirapan?"Sunod-sunod na tanong niya sa aking harapan. Ako'y nagpakita na ako'y nag-iisip ng malalim sa kanyang harapan. Siya'y tumahimik at agad ko naman siyang ginulat.

"Boo!"Sigaw ko. Siya'y nagulat sa aking ginawa dahilan ako'y napatawa ng malakas. Hindi ko mapigilan ang pagluha ng aking mga mata dahilan sa aking pagtawa.

"Anong nakakatawa?"Seryosong tanong niya ngunit ako pa rin ay nagpatuloy sa aking pagtawa. "Heleana, seryoso ako at hindi ako nakikipagbiruan sa iyong harapan."Ani nito dahilan ako'y tumahimik. Magsasalita na sana siya ngunit nilagpasan ko siya sa kanyang kinatatayuan at nagsimulang lumakad patungo sa palasyo. Ako'y nagtaka kung bakit hindi ko naririnig ang sunod ng mga yapak niya kaya ako'y tumingin sa aking likuran. Siya'y nanatili pa rin doon na nakatayo sa kanyang kinatatayuan. Ako'y huminga ng malalim at tumungo sa kinarorounan niya.

"Wala, ako'y naninibago lamang dahil binabanggit mo na ang aking pangalan pa minsan-minsan." Ani ko. Kami ay nagkatinginan lamang ng matagal na oras at nanatiling tahimik. "Asher?"Tanong ko sa kanya habang iniwagayway ang aking kanang kamay sa kanyang harapan kung nasa katinuan pa ba ang kanyang kaisipan. Ikinuha ko ang kanyang kamay at pilit na iginalaw siya.

"Halika na, malapit na tayo sa palasyo-"Ani ko ngunit napigil ito nang hinawakan niya ako ng mahigpit at ipinunta ako malapit sa kanya. Ako'y nagulat sa kanyang ginawa dahilan ang mga mata ko'y naging bilog.

Ito'y isang halik na hindi niya sinasadya!

Next chapter