webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
34 Chs

Chapter 15

Ethan's POV

Fvck!

Anong pumasok sa isipan ko at sinabi ko na kailangan ko sya? Na kami pa rin?

Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Dad tungkol sa amin ni Eliana.

No.. it can't be

I'm not falling for her, ok?

I just need her for my own plan. Gusto ko na ipakita sa kanila na si Eliana lang ang mahal ko para naman makaramdam sila ng hiya. Pinipilit nila ako, then fine. I'm not going to respect them. And Veronica will damn pay for what they did to me.

Eliana's POV

Wala akong imik magmula nang ihatid ako ni Ethan sa cafe. Bakit ba kasi ayaw nyang itigil ang deal? Ano ba ako sa kanya? Artista na susunod sa utos ng direktor?

Gusto ko na matapos ang pagpapanggap na ito kaagad. Hindi na kasi maganda ang nararamdaman ko kapag magkasama kami. Laging malakas ang pagkabog ng dibdib ko pero sa tingin ko kabado lang ako eh.

Pero bakit naman ako kinakabahan kapag kasama sya o kaya ay kapag malapit sya?

Halos paikot-ikot na ako sa kama dahil sa hindi ako makatulog kaya namna sa huli ay puyat ako kinabukasan.

Tinitingnan ko ang sarili ko ngayon sa salamin.

"Laki ng eyebags ko oh" paano ko itatago 'to? Wala naman akong make up dahil hindi naman ako gumagamit niyon madalas

Hinayaan ko na lang saka ako lumabas ng kwarto.

"Oh 'nak. Ito nga pala ang baon mo" sabay abot sa akin ni mama ng tupperware na may laman na palabok, puto, at chicken roll"

Kunot noo ko naman itong tinignan "Anong meron 'ma?"

"Anniversary namin ng papa mo, nakalimutan mo na ba?"

Napatampal naman ako sa noo ko nang maalala na ngayong araw nga pala iyon

"Hala oo nga pala! Sorry ma! Hindi tuloy kita natulungan sa pagluluto kaninang madaling araw"

Inabutan pa ulit ako ni mama ng isa pang tupperware na may laman ulit kagaya ng hawak ko

"Ang dami naman 'ma"

"kay Ethan yung isa, ibigay mo sa kanya ha"

Paghatian na lang kaya namin nila Juliana 'yan?

Nakakahiya naman kung ibigay ko kay Ethan 'yan pagkatapos ng mga sinabi ko kahapon sa kanya

Kaso para kay Ethan 'to eh. Bakit kaya hindi ko na lang ibigay sa kanya 'to ngayong umaga? Kapag sinundo na lang ako. Ang tanong, susunduin kaya ako nun?

"Sige 'ma, papasok na po ako"

"Hindi ka ba ulit susunduin ni Ethan?"

"Ah baka busy pa po sya"

"O sige, mag iingat ka"

Tumango na lang ako saka lumabas ng bahay. Pero natigilan ako nang maabutan ko si Ethan na nakasandal sa sasakyan nya at nakapaloob ang kamay sa bulsa ng pants nya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Come on, baka malate pa tayo" hindi nya pinansin ang sinabi ko dahil binuksan nya lang ang passenger seat saka pinagpagan ang upuan. Mukha namang malinis, bakit pinapagpagan pa? Tapos todo check pa, may sira kaya yung sasakyan nya?

Napailing na lang ako "The deal is already done. Kaya ano pang ginagawa mo? Tapos na tayo diba?"

Nagtagis ang bagang at napansin ko na napakuyom ang kamao nito "I don't fvcking care about that damn deal anymore!"

Nilapitan nya ako saka iginiya papasok sa sasakyan

"Ayoko. Hindi ako sasabay sayo" mariin 'kong bulong. Hindi na ako nagwala para lang makawala sa hawak nya dahil baka makita pa ng mga kapitbahay namin, pag usapan pa kami

"No, you'll come with me"

"Walang tayo, ok? Kaya magtigil ka na. The deal is off kaya huwag ka na mag act dyan"

Bago pa sya makapagsalita ay may nauna na sa kanya na nanggagaling sa likuran

"Ethan, iho! Magandang umaga sayo"

Bigla namang napaayos kami pareho ng tayo. Napangiti na lang ako ng pilit habang sya ay ganoon din. Nawala na ang madilim nitong aura at saka lumapit kay mama para magmano.

"Susunduin ko ho kasi si Eliana. Pasensya na at hindi po ako nakadaan dito kahapon, may inasikaso lang"

"Ah ganun ba? O sige, mag iingat kayo ha. Tsaka may niluto nga pala ako, na kay Eliana na ang para saiyo"

Napangiti ito kay mama at tumango "Salamat po, Tita. Mauna na ho kami"

"Alagaan mo ang anak ko ha! Ingat sa pagmamaneho" paalala pa ni mama kay Ethan

"Masusunod po, Tita"

Pinagbuksan naman ako ni Ethan ng pinto. Pasimple pa ako nito pinanlakihan ng mata habang nakangiti. Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin kaya naman pumasok na lang ako. Nanonood si Mama kaya sumunod na lang ako sa gusto nya.

Habang papunta kami sa JU ay hindi kami nag iimikan. Hindi ko pa rin kasi sya maintindihan kung bakit gusto pa rin nya ituloy ang deal. Ayaokong pumayag dahil paniguradong makakagulo lang ako sa dalawang pamilya, sa kanya at kay Veronica.

Bago pa man sya makaliko papuntang JU ay pinahinto ko na sya.

"Dito na lang ako bababa"

"Why?"

"Ayoko na ng gulo, Ethan"

"Alam ng lahat na girlfriend kita kaya anong problema doon?"

"Pero alam din ng lahat na nakatakda ka nang ikasal kay Veronica" pagdepensa ko sa sinabi nito

Ilang minuto pa kaming nagbangayan at nagsagutan sa gilid ng kalsada. Wala na akong maisip para mapapayag sya. Pwera na lang kung...

"Ibababa mo ako dito o hindi kita papansin forever?"

"As if you can do that" ang yabang -_-

"Eh paano kung ikalat ko sa campus na love na love mo si Ben 10?"

"I don't care. Just make sure na maniniwala sila sayo" walang emosyon nitong sabi. Napairap na lang ulit ako sa kayabangan nya

"Kaya kitang hindi pansinin noh! Tsaka.. Hmmm.. paano kaya kung pagbabawalan ko na rin ang gawa-gawa mong batas na 'one lie, one kiss'?" nag act pa ako na parang nag iisip hanggang sa nakita ko na ginulo nya ang buhok nya at napabuntong hininga pa

"Fine. Labas na"

Napangiti na lang ako saka nagmamadaling lumabas. Iniwan ko na rin sa upuan ko ang pagkain na pinabibigay ni mama para wala na akong rason para makita sya mamaya. Iiwasan ko na sya bago pa man gumulo ang lahat pati an rin ang nararamdaman 'kong ito.

Ethan's POV

I sighed in defeat when I heard that she's not allowing anymore the 'one lie, one kiss' rule. I don't care about my Ben 10 collections na ipagkakalat nya basta wag lang yung batas na yun ay mawala.

Damn it! I'm fvckin' addicted by her kisses!

Nang pumayag ako sa gusto nya ay nginitian nya muna ako bago bumaba. Gusto nya ba talaga na itigil ang deal? Yes, I agreed to my father's plan but I never agreed to take them away my happiness.

Naglalakad ako ngayon papuntang DKG room. I still have half an hour before my class starts. Pero napahinto ako nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko. Naiinis kong sinagot ang tawag ni Kevin

"WHAT'S YOUR PROBLEM?!"

"Woahh.. chill, King. May nasagap lang akong chismis"

"I don't fvckin' care"

"Ayaw mo malaman ang tungkol kay Veronica?"

"No" I quickly answered

"Eh paano kung sasabihin ko na kitang-kita ngayon ng dalawang mata ko na magkaharap sila Veronica-the fiance at si Eliana-the fake gf?"

"WHAT?! Where the fvck are you?!"

"Hmm.. malapit sa room nila. Wala pa si prof. Carlos aka Carla kaya punta ka—"

I quickly click the call ended button. What the hell is she doing here?!

Tumakbo kaagad ako para makarating agad pero naalala ko na sa kabilang building pa ang room ni Eliana. I stopped for a sec just to breath and then I run again.

But when I arrived at her room, Prof. Carlos is now introducing her infront of the class. Hinanap agad ng mata ko si Eliana at nakatingin ito sa harap bago dumukmo. May masakit ba sa kanya? Bakit sya dumukmo?

I just texted her if she's fine and then I looked at her again, waiting for her reply.

Tiningnan nya lang ang cellphone nya saka nagreply na 'Ok lang ako' and then dumukmo ulit. Bumuntong hininga na lang ako saka nag iwan ng mensahe kila Marco na kaklase nya sa oras na 'yon. I just want to make sure that she's not gonna hurt Eliana if she finds out who Eliana is in my life.

Eliana's POV

Halos lahat ng taong madadaanan sa campus ay tungkol kay Veronica ang usapan. Nalaman na kasi ng lahat na sya ang nawawalang unica hija ng Dela Franco. At ang alam ko nga ay may magaganap na party para sa pagbabalik nya.

Sa cafeteria kami agad dumiretso para mag lunch. At syempre hindi maiiwasan na pagtinginan rin ako ng iba. Pinakilala ako ni Ethan sa harap ng maraming tao as girlfriend nya tapos ngayon ay may iilang usap-usapan na magkalapit sila Ethan at Veronica. Ang bilis nilang makasagap ng chismis talaga

"Hay naku! Kakain na nga lang, puro bubuyog pa ang nasa paligid. Nakakarindi!" at syempre, si Juliana na naman ang sumigaw. Mukhang pinaparinggan ang grupo na nasa likuran namin

Napabuntong hininga naman si Natalie "Gutom lang yan, Juliana"

"Huwag yo na lng panshinin" namumungalang sabi naman ni Akilah kaya naman agad syang pinagsabihan ni Natalie.

"Arte Natalie Jane ha!" sagot ni Akilah nang hindi na namumungalan pero inirapan lang sya ni Natalie.

Si Natalie ang pinaka girly type kumilos sa amin kaya nga pati pag upo o sa pagkain ay sinisita kami. Sya lang ang mahilig mag make up sa amin noon pero ngayon ay dinadamay na kami sa pagli-liptint

Si Akilah naman ay maraming crush yan. Hindi man sya nagsasabi pero halata naman, marupok eh. Pero mabait yan except lang sa kapatid ni Juliana na si Kevin.

At syempre si Juliana ay matapang yan hahaha. Halata naman diba?

"Eliana!" sabay-sabay kaming napalingong tatlo sa tumawag sa akin

"Si Eliana kayo? Ang dami nyo naman" sabi ni Juliana doon sa dalawa saka ipinagpatuloy ang pagkain

Kasunod ni Veronica ang mga kilalang mga babae dito sa JU. Sila Crystal, Victoria, at Mandie. Sila yung mahilig mambully kaya sana naman ay hindi mahawa ng mga ito si Veronica na mukha namang mabait.

"Hello! Pwede ba kami makitable sa inyo? Wala na kasi g pwesto eh" tanong ni Veronica sa akin nang makalapit sila sa table namin ahabang may hawk na tig-isang tray na may lamang pagkain

Nilingon ko muna ang tatlo. Tumango lang si Akilah tapos si Natalie ay tipid na ngumiti pero itong si Juliana ay hindi man lang tiningnan itong si Veronica. Maattitude yan eh. Kapag ayaw, ayaw talaga. Kaso nakakahiya naman.

Pero hindi pa man ako nakakatango ay nagsiupuan naman ang tatlong kasama ni Veronica kaya naupo na rin ito sa bandang kaliwa ko.

Nakaupo kasi si Juliana sa bandang kanan ko habang nasa harapan namin nakapwesto sila Natalie at Akilah. Ang katabi nila Natalie ay sila Crystal at Victoria habang katabi naman ni Veronica ay si Mandie.

"Hello, I'm Zahra Veronica Dela Franco. We're classmates in Prof. Carlos' class if i'm not mistaken"

"Ahmm hi, Natalie Jane Ramirez, President of JU Student Council"

"I'm Akilah Rodriguez. Nice to meet you"

Nagpakilala na yung dalawa pero si Juliana ay parang wala pa ring pakielam. Kinalabit ko na lang pero inirapan lang ako. Tiningnan ko sya saka binulungan na magpakilala

"I'm Juliana Santiago" halata sa boses ang pagka masungit ni Juliana pero si Veronica ay nginitian lang sya ng tipid. Nahalata siguro na ayaw ni Juliana sa kanya. Ganyan kasi yan eh. Kapag ayaw nya sa isang tao, ipapakita nya talaga na ayaw nya.

Nagpatuloy na lang kaming lahat sa pagkain hanggang sa biglang tumayo si Beronica kaya napatigil kami.

"Ethan! Here!"

Nanigas naman ako sa kinauupuan ko nang makita ko silang apat. At nang makalapit naman sila sa table namin ay biglang nagtama ang paningin namin ni Ethan.

"Close pala kayo ni Ethan?" napatingin naman ako kay Juliana na bigla na lang nagtanong. Ang mata nito ay parang nanunuri

"Oh kapatid!" pagbati ni Kevin kay Juliana pero hindi naman sya nito pinansin kaya naman nabaling ang tingin nito kay Akilah

"Hey pretty Aki. Kamusta naman ang araw natin?" Ngiting ngiti pa ito pero nawala lang nang sagutin sya ni Akilah

"Ayun, mainit pa rin"

"PFFTT. HAHAHAHHA" - Lucas

"BOOM BASAG" - Marco

"Sa totoo lang ay kanina ko pa sya naririnig na kinakabisado ang line na 'yan" mahinang sabi ni Ethan pero rinig naman namin kaya mas lalong inasar si Kevin

"Tuwang tuwa? Happy pill nyo talaga ako noh?" nakangising sabi ni Kevin at magwawalk out na sana at susunod na rin ang tatlo nang biglang sumingit si Veronica

"Ahmm.. Ethan, before you leave, ipapakilala ko muna ang new friends ko"

"Para saan pa? I'm busy" masungit na tanong naman nito kaya naman nang magtama ang paningin namin ay pinanlakihan ko ng mata. Wala namang ginagawang masama si Veronica tapos ginaganun nya pa

"Fine" Buntong hininga nito at saka naman nagsimula na kaming ipakilala ni Veronica

Tahimik lang ako habang nagsasalita si Veronica. Una nyang ipinakilala ang tatlo nyang kaibigan at sumunod naman kami

"Paano kayo nagkakilala ni Ethan? Close agad kayo?" inulit na naman ni Juliana ang tanong nya kanina at ngayon ay sumagot si Veronica pero hindi namin inaasahan na marinig ang sagot nya

"He's my fiancé" she looked at Ethan while smiling sweetly.

<3