webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Teen
Not enough ratings
34 Chs

Chapter 14

Ethan's POV

I'm now fixing my polo when I heard a knock on my door

"Who's that?" i asked pero walang sumagot

I brushed my hair using my hands habang papunta sa pintuan skaa binuksan iyon

"Dad"

"Are you ok now?"

"Why are you asking?" tanong ko pabalik

"You need to go to San Andres"

Kunot noo ko syang tiningnan "Why?"

"You're fiancé is there. Zahra Veronica Dela Franco, the heiress and the only Daughter of Mr. & Mrs. Dela Franco is there"

What the hell?

"No.." kailangan ko pa makausap si Eliana tungkol sa nasabi ko kahapon

"Dela Franco's are expecting you to bring their daughter back"

before he left, i asked him "Why? Why are you doing this?"

tumigil naman sya sa paglalakad saka hinarap ako "Because you're going to get married so it's your responsibility"

"No. I mean.. this, everything. Bakit mo ginawa kay mom 'yun? Mas importante pa ba ang trabaho mo kaysa sa kanya noon?"

I want to know everything about the past. Ilang taon akong nagtanim ng galit sa kanya, sa daddy ko.

"Matagal na naming alam ng mommy mo na may sakit sya at malala na iyon. Tanggap na rin nya na hindi nya masasaksihan ang paglaki mo ng matagal pero ako hindi. At para hindi ka mag alala masyado ay nagpagamot sya ng patago. But cancer can still kill you. Hindi ako huminto sa pagpapagamot kahit na sinabi nyang hindi na rin nya kaya. Pero nang dumating na ang araw na kinatatakutan ko ay hindi ko kinaya na makita sya sa ganoong lagay. Pinilit ko na maging matatag para sayo, anak, kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagtatrabaho at sa ganoon ay makalimutan ko rin ang sakit"

hindi ako makatingin ngayon sa kanya ng diretso dahil sa hiya. buong buhay ko, sya ang sinisi ko dahil wala syang pakielam kay mom pero sya pala itong mas nahirapan.

I saw a tears escaping from his eyes "I'm so sorry, son. I'm so sorry if I let you feel the pain alone. Noong lumayo ang loob mo sa akin ay naintindihan kita. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo"

That's it. That's what I need to know for years.

He walked towards me and hugged me.

"I love you too dad. And I'm sorry"

Humiwalay sya sa yakap saka sya nagsalita ulit "No, son. I'm sorry for everything. Nakaramdam ka ng hirap noon dahil sa pinagdaanan natin. And this time, you felt this thing again. I'm sorry if I need you to arrange a marriage to the Dela Franco's heiress. We need them para hindi tayo bumagsak dahil sa kinakaharap ngayon ng Jimenez Company"

What the fvck?

Sa sobrang wala akong pakielam, hindi ko tuloy alam ang nangyayari sa business namin

"What's happening to our business?"

Napailing si Dad "Someone want us to go down. And we need the Dela Franco para mapanatili tayo sa pwesto natin"

"And I need to marry Veronica" walang gana 'kong sagot

"I'm sorry about that. Gagawa ako ng paraan para hindi kayo magkasira ng girlfriend mo. I can feel that she's the one for you and you love each other very much. But son, let's stick to this plan first"

She's the one for me?

we love each other very much?

Hahahha my dad is a joker, isn't he?

Eliana's POV

"Oh hindi ka pa rin ba susunduin ng nobyo mo, nak?"

Nahinto ako sa paglalakad papalabas nang magsalita si Mama. Hindi ko rin sya nakakausap simula noong madischarge sya sa hospital. Pero isa pa ring palaisipan sa akin ang sinabi nya noong huli kaming mag usap.

Pasimple 'kong chineck ang cellphone ko. Nagbabakasakali kung nagtext na ba sya.

pero wala pa rin eh

"Ah ma busy pa sya kaya hindi muna nya ako masusundo dito"

"Oh sige. Mag ingat ka" nagpaalam na ako agad para hindi na rin ako tanungin nang tanungin.

Nang makarating ako sa JU ay mga mapanuring tingin na ang bumungad sa akin.

Hindi ko na lang tiningnan at pinansin saka naglakad na papasok ng campus.

"Bakit mag isa lang sya ngayon? Where's King?"

"Baka nagsawa na sa kanya"

"Pinagpalit na yan for sure"

"Kapalit-palit naman talaga sya. Look at her, ni wala sa kalingkingan ng mga babae na na-link kay King noon. Mas maganda pa nga ako sa kanya, girls"

Napatingin ako sa babae na huling nagsalita. I know her. She's Crystal, the cheerleader. Kasama nya sila Mandie at Victoria na kaibigan nya. Pare-pareho silang may gusto sa miyembro ng DKG. Magaganda sila kaso hindi naman maayos ang ugali. They are known as bullies and brats. Kaya dapat nilalayuan ko yan para hindi na ako madamay.

Pero ang ma-link sa isang miyembro ng DKG, hindi maiiwasan iyon.

Mahigpit ko na lang na hinawakan ang bag ko saka nagmadaling maglakad papunta sa room.

Pagpasok ay naabutan ko silang tatlo na nag uusap-usap. Kaya naman lumapit na rin ako saka naupo sa pwesto ko kung saan katabi ko si Juliana.

"Bakit hindi yata kayo magkasama ni King ngayon?" tanong ni Juliana

"LQ?" taas kilay na sabi ni Akilah

"o break na?" natigilan naman ako sa tanong ni Natalie

Humarap sa akin si Juliana "I'm thinking about that too, Eliana. Have you heard na nahanap na si Veronica? Ang heiress ng Dela Franco at ang fiancé ni King"

"Totoo?!" - Akilah

"OMG! Paano na si Eli?!" - Natalie

"They're just pretending, right? Pwera na lang kung maging totoo ang relasyon nila KUNG mahal nila ang isa't isa at narealize—"

Nilapit naman nilang tatlo ang mukha nila sa akin kaya halos magkakadikit na kami

"Do you like, Ethan?" sabay sabay nilang sabi pero medyo mahina lang para siguro walang makarinig sa amin

Ramdam ko ang pag init ng mukha ko sa tanong nila. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang mga ginawa naming pagpapanggap.

"Ah hindi.. hindi" umiling iling pa ako saka ngumiti

Lumayo naman si Juliana saka nagkibit balikat "sabagay. Nahanap naman na si Veronica Dela Franco kaya siguro wala si King dahil pumayag na syang maikasal doon noh?"

Tumango-tango naman ang dalawa pa.

Kaya naman pala wala kang paramdam ay dahil nagdesisyon ka na.

"Hmm.. tumpak ka girl!" - Natalie

"Then the deal is finally done!" - Akilah

Tama. Siguro nga tapos na rin ang deal.

Nanahimik na lang ako at nagsiayusan na rin sila sa pwesto nila dahil dumating na si Prof. Pascual at nasa likuran nito nakasunod sila Kevin, Lucas, at Marco.

Nasaan si Ethan?

Nang maupo sila sa pwesto na malapit sa amin ay tinawag ko ang pansin nilang tatlo.

"Nasaan si Ethan?"

"Bakit? Miss mo noh?" pang aasar ni Kevin kaya hindi na lang nya ito pinansin

"He's at San Andres" tipid na sagot ni Lucas

"Sinundo ang fiancé nya" dagdag pa ni Marco na may ngiting nakakaloko

"Si Veronica?" paniniguro ko at tumango naman sila nang sabay-sabay

"Selos ka noh?" pangungulit pa ni Kevin

Pero natigil ang pangungulit nya nang may biglang sumigaw "Mr. Santiago! Quiet!"

Bigla namang sumagi sa isipan ko sila Ethan at Veronica. Panigurado mahuhulog agad si Ethan doon. Maganda at gwapo ang genes ng dela franco kaya panigurado na maganda ang unica ija.

Kasama nya na siguro iyon sa mga oras na 'to. Kaya ba hindi nya manlang ako nasundo at nasabihan?

Sabagay.. NAGPAPANGGAP nga lang pala kami.

Ethan's POV

Papauwi na kami ni Veronica ngayon. May nakasunod sa aming sasakyan na panigurado ay bodygurads ng Dela Franco. I didn't use my own car since I don't like someone ride with me.

At hindi ko rin alam kung bakit si Eliana ay pinayagan ko samantalang itong si Veronica ay hindi

Habang nagmamaneho ay bigla 'kong naisip si Eliana.

Since Veronica is now here, what will happen next? Itutuloy pa ba talaga ang kasal at tatapusin na rin namin kasabay no'n ni Eliana ang deal?

I'll miss her—

Nahh.. the 'one lie, one kiss' is the one I'll surely miss.

When we arrived at Dela Franco's residence, natanaw ko na ang mag adawang Dela Franco at ang panganay na anak na si Mr. Nathan

Bumaba ako at pinagbuksan ng pinto si Veronica. She smiled at me but my mind is still occupied at Eliana's face.

Tangna. Ginayuma yata ako ng babaeng 'yun

Tumakbo naman si Mrs. Elise papunta sa amin saka niyakap si Veronica. I can also see how he tears rolling down. Kasunod no'n ay ang paglapit nila Mr. Edmund at Mr. Nathan. They hugged each other and then si Nathan ang naunang humiwalay.

"Let's go inside"

Tiningnan ko naman sila Mrs. Elise at si Veronica. Umiiyak pa rin si Mrs. Elise kaya naman napatingin ako sa mata nito. Mrs. Elise's eyes is color hazelnut while Veronica is purely black. Tiningnan ko rin ang mata ng dalawang lalaking dela Franco. Mr. Edmund has light brown eyes, same with Nathan.

Bakit pure black ang kay Veronica? Is that even possible?

I looked at Mrs. Elise's eyes again but Eliana's face suddenly popped up in my mind.

ARGHHH!!! I'm not falling for Eliana!!!

I'm not!

Tangna lumayas ka sa isipan ko!

Eliana's POV

Pagkasabing-pagkasabi ng prof ko na 'class dismissed' agad 'kong inayos ang gamit ko. At nang matapos ay walang gana 'kong isinukbit ang bag pero bigla akong hinarangan ni Juliana.

"Nagmamadali? Nagmamadali?"

"3:32 pa lang ah. 4pm pa shift mo eli diba?" sabi naman ni Natalie habang nakatingin sa relos nya

"Kanina ko pa napapansin na wala ka sa mood. Dahil ba 'to sa bali-balita tungkol kay King at sa fiancé nito?" pagtatanong naman ni Akilah

"Wuyy!! Sabi na eh, nagseselos ang GIRLFRIEND" halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa bandang likuran ko at pagtingin ko ay sila Kevin na naman pala

"Shh! They're just pretending kaya bakit maaapektuhan si Eli?"

"Kasi nafall na sya kay King" - Marco

"ANO?!" napasigaw pa ako, buti na lang kami-kami na lang ang nandito sa room

"Inlababo!!" sigaw ni Kevin at hinampas hampas pa ang lamesa na parang drummer

"Ang ingay, kev" naiiritang sabi ni Akilah na syang ikinatihil ni Kevin tapos tumayo na lang ng tuwid

"HAHAHHA Ang ingay, kev" ginaya pa nung dalawa ang tono ng pananalita ni Akilah nang sabihin nito yon

"Fvck u!" itinaas pa nito ang middle finger

Nilingon naman nya si Akilah nang mapasinghap ito at mukhang narealize ang ginawa at bigla itong nag sign of the cross

"Papa God, sorry"

Anong nangyayari kay Kevin?

Bigla namang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa. Dali-dali ko itong binuksan at si ate Anne pala iyon.

"Ahmm mauna na ako ha. Kailangan na kasi ako sa cafe"

Tumango sila Juliana at Natalie sa akin habang si Akilah ay kausap pa si Kevin.

Mabilis akong nagtungo sa waiting shed para maghintay ng tricycle pero iba ang huminto sa tapat ko.

That car seems familiar...

Biglang bumaba ang bintana sa banda ko at hindi nga ako nagkakamali

"Ihahatid na kita"

"Hindi na kailangan, Ethan. Magcocommute na lang ako" sabi ko saka naglakad papalayo doon

pero hindi sya nagpaawat, sinundan pa ako

"Tara na. Ihahatid na kita gaya ng dating gawi" hinawakan pa nya ang braso ko pero nagpumiglas ako

"Tapos na ang deal kaya hindi na kailangang ihatid-sundo ako" mariin 'kong sagot at nahalata ko sa mukha nya ang pagkalito

Bakit? Ipagpapatuloy pa rin ba ang deal? Ang usapan ay hangga't hindi nahahanap ang fiance nya ay tuloy ang deal pero nahanap na, edi tapos na rin ang deal

"Wala akong sinabing tapos na ang deal"

Hindi naman ako makapaniwalang makatingin sa kanya "Ano? Nahanap na ang fiance mo diba? Edi tapos na rin ang role ko sa buhay mo"

Nagdilim ang kanyang paningin at ramdam ko ang ganoong aura. Bigla naman nya akong hinila papunta sa sasakyan nya. Hindi na ako nakaangal dahil pagkasakay na pagkasakay nya ng sasakyan ay agad nyang pinaandar ang kotse.

"The deal is over, Ethan. Tapos na ok? Tapos na tayo"

"No. I still need you"

Naiinis ko naman syang nilingon na ngayon ay nagddrive

"Kailangan mo ako? Bakit ba kasi hindi mo na lang pakasalan si Veronica? Bagay naman kayo, mayaman sya, ikaw din. Parehong pabor ang pamilya nyo na magsama kayo kaya walang problema"

Mahigpit akong napakapit sa seatbelt ko nang biglaan nyang ihinto sa gilid ang sasakyan

Nilingon nya ako saka medyo inilapit ang sarili sa akin "I don't want that idea, Eliana. Hindi mo ba maintindihan talaga? Hindi ako magpapakasal sa babaeng iyon kaya tayo pa rin. Maliwanag ba?"

<3