webnovel

Among the Cloudy Dark

RayneRainne · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
8 Chs

Kabanata 5

Kabanata 5

Almost

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon gaganapin ang event na ilang araw din na pinaghandaan ng mga teachers.

Matapos ang nangyari nung nakaraang gabi ay hindi na muli kami nag kausap ni Ayden. Madalang ko na rin nakakasalubong si Gael sa bahay dahil narin sa sobrang busy.

Dahil ang Asteria ang may pinakamalaking gymnasium sa buong lungsod ay dito gaganapin ang laro mamaya. Open para sa lahat ang event na ito kaya paniguradong mag kakaroon na naman ng away.

Before kasi napaaway sila Gael sa kabilang school dahil lang sa upuan. Nagulo ang event dahil parehong hindi nakikinig ang dalawang panig kaya swerte ngayon at naulit pa.

Siguro ay pinag sabihan na rin sila ng coach na huwag makipag away. Ang alam ko babae ang puno't dulo nun hindi upuan. Ang mas malala pa ay sa labas nila tinuloy ang rambulan.

I've started to hate Gael simula nun dahil nagalit samin sila mommy at biglang nag iba ang kanilang pakikitungo, simula noon ay halos kamalian na namin ang lagi nilang nakikita. Kaya minsan masaya na din ako kapag wala sila dahil ramdam ko malaya ako.

Dahil hindi naman ako marunong mag drive ay mag c—commute na lang siguro ako. Onting lakad lang palabas ng village ay sakayan na agad ng bus.

Lumabas na ako ng bahay at nag simulang mag lakad. Dahil maaga pa naman ay hindi gaanong mainit. Dahil lunes ngayon walang tao sa bahay, dalawang kasambahay lang ang kasama namin dahil nag day off ang iba. Ilang linggo na rin ang lumipas at hindi ko padin nakakausap sila mommy.

Wala na rin akong balak alamin kung nasaan sila dahil puro trabaho naman ng inaatupag ng dalawa. 

Nahinto ako sa pag lalakad ng may pamilyar na itim na sasakyan ang huminto sa gilid ko. Bumaba ang bintana ito at sumalubong ang maaliwalas na muka ni Eira.

"Hey, bakit ka nag lalakad?" Tanong nito. "Wala kasi si Gael, papasok ka na ba?" I asked back.

"Oo, sumabay ka na sakin."

"Sa ACC ako, diba sa HCC ka?" umiling ito at may kung anong pinindot.

"Diretso ako sa school niyo may event diba?" Pumayag na ako at pumasok sa loob. Pag kapasok ko ay agad niyang pinaandar ang sasakyan.

Paminsan minsan ay nililingon ako nito sa salamin ay nginingitian.

"Sila Gael uli yung lalaban?" She asked while eyes are on the road.

"Yeah, sa inyo sila Caelum padin?" tukoy ko sa kaibigan nitong lalaki. "Hindi na injured kasi, tyaka this past few days ay kakaiba ang kinikilos niya.

May lungkot sa tono ng boses nito. "Aw, so ibang player ang maglalaro?"

"Ganun padin maliban lang kay Caelum." Naging mabilis ng byahe dahil walang traffic. Mabilis kaming nakarating sa school. Nag pasalamat muna ako sa kanya bago bumaba. Hindi na muna kasi ito sasabay papasok dahil may dadaanan pa siya sa coffee shop.

Dumaan muna ako sa room dahil baka nandoon si Nirvana. Hindi pa ako nakakapasok ng makatanggap ako ng text mula sa kanya.

Nirvana: Dito kami sa room locker room, baba ka.

Ako: Sige.

Binalik ko sa bulsa ang telepono at inayos ang bag na nakasabit sa balikat. Naglakad na ako at binati ang iilang kakilala. Kahit maaga pa lang ay maraming tao ang pakalat kalat sa school ground.

Nakarating ako sa locker at diretsong pumasok sa men's room. Nakaupo ang tatlo habang nakatayo naman si Nirvana sa harap ni Kylo.

Nilingon nila ako at sinalubong naman ako ni Nirvana ng halik sa pisngi.

"Mag bihis ka na kaya muna?" She said. Napakunot ang noo ko. "Ng alin?" lito kong tanong.

"P.E bhie, wala ka bang dala?" Umiling ako.

"I have pants here wala nga lang T-shirt." Inabot ni Gael sakin ang pants niya.

"Diba may T—shirt ka sa locker mo Ayden? Pahiram mo muna kay Asty." Marahang saad ni Kylo.

Napintag naman ang tenga ko. "Hala hindi na, baka meron pa si Nirvana." Nakangiti kong tanggi.

Nag tama ang paningin naman at halos mapamura ako ng makitang bagong gupit ito. Bakit parang ang fresh niya today?

"Gaga, wala." Marahan ako nitong hinampas at pinandilatan. "It's fine you can use mine." Tumayo na ito kaya sinundan ko ng tingin. Nag tungo ito sa kanyang locker at nag labas ng nakatuping puting T-shirt.

Hindi na ako nakatanggi ng inabot niya ito sakin. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap iyon. Rinig ko na naman ang marahan na pag buntong hininga ni Gael.

"Ibabalik niya yan ng doble."

"Kahit hindi na Gael." Ayan na naman ang nakakapanindig balahibo niyang boses.

Bigla naman akong nahiya sa boses ko na parang laging nakikipag sigawa.

"Kahit hindi naman pala e, mag bihis ka na."

"Be fast Asty wag ka ng mag paganda." Sinamaan ko ng tingin si Gael sa kanyang sinabi.

"Wala na akong igaganda pa." Hinawi ko ang buhok ko at lumabas. Nakasalubong ko ang ilang player na papasok ng locker room. Binati ako nito at ng iilan.

Pumasok na ako sa katabing girls locker room at nag bihis. Walang ibang tao sa loob kaya nag madali ako at pag katapos ay lumabas na.

Nag hihintay naman sila sa labas at umayos ng makita ako.

"Kain muna tayo." Gael suggested. "Oo nga gutom na baby ko e." Napangiwi ako ng haplusin ni Nirvana ang dibdib ni Kylo.

"Kumain ka ba?" tanong ni Ayden. Hindi ko alam kung bakit ako umiling kahit kumain na ako sa bahay.

"Then let's eat first." Nag lakad na kami palabas ng building at nag tungo sa coffee shop. Crowded na naman ang paligid kaya na pag desisyunan nilang si Gael ang umorder at mag hahanap naman kami ng makakainan.

Kanina ko pa na raramdaman ang malalamig na titig ni Ayden sa akin. Minsan ay nahuhuli ko pa ito pero ngumingiti lang siya bago umiwas ng tingin.

I'm really sure that this guy is flirting with me! Ramdam mo naman sa sarili mo diba kung may something or interest keme sayo.

Sa kaso niya ay pinapahalata niya talaga. Medyo lumayo naman ako ng mag dikit ang mga braso namin. Para namang akong kinuryente dahil sa lambot ng balat niya. Napahimas ako sa mag kabilang braso dahilan ng pag kakahinto niya.

Nahinto na din ako at tiningnan siya. "Are you cold?" Parang tanga niyang tanong. Sinong lalamigin sa ganto kainit panahon? Hindi niya ba napapansin na dahil sa kanya ay nagiging ganito ako.

Umiling lang ako at nag patuloy na sa pag lalakad.

"Hey may problema ba." Napapitlag ako ng hawakan nito ang pala pulsuhan ko.

"H-huh? wala naman baliw ka?" Kabado akong tumawa. Napangisi naman ito.

"Are you avoiding me?" He casually ask.

"Hello? Nandito kami kung hindi niyo napapansin, mag lakad na nga kayo." Sabay kaming napabitaw sa lakas ng boses ni Nirvana.

Sa likod nito ay si Kylo na nakabusangot.

Pansin ko naman na nakatingin na samin ang ibang studyante kaya napalayo ako at nauna ng nag lakad.

"Is it about last night? Sorry na hindi na ako manghihingi ng kiss."

Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi.

Pati ang dalawa ay napahinto sa narinig. Nanuot ang mapanghusgang tingin ni Nirvana sakin at hinawakan ang mag kabilang braso ko.

Napakunot ang noo ko ng niyugyog niya ang katawan ko habang nag papaulan ng walang kwentang mga tanong.

"Nag kiss kayo?!" Napalakas ang boses nito dahil nag singhapan ng mga studyante sa paligid. "Sumbong ko kayo 'kay Gaelan." Walang pakundang singit ni Kylo.

Sasagot na sana ako ng may nag salita na para sakin.

"Almost, sayang nga e hindi natuloy." Ngayon ay kay Ayden naman ako napalingon. May malaking ngisi sa labi niya habang nakatingin sa akin.

"Anong almost? Are you out of your mind? Nag sisinungaling siya bhie hindi ko magagawa yun." May pag mamakaawa na sa tono ng pananalita ko.

"I can't believe you nakikipag halikan ka na ngayon?!" Napa sabunot ako sa sarili ko ng malakas na tumawa si Ayden.

"Who's nakikipag halikan?" Bungad ng kararating lang na si Gael.