webnovel

Among the Cloudy Dark

RayneRainne · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Kabanata 4

Kabanata 4

kiss

"Shut up Ayden hindi ka nakakatuwa." Kinakabahan kong sagot. How can he say sensitive words like that? Is he making fun of me?

"Kidding let's just go please, huwag ng makulit." Nauna na itong lumabas habang naiwan akong naka tulala. Grabe na yung pag w-wala ng puso ko sa mga simpleng bagay na ginagawa niya.

Gusto ko na ba talaga siya? Bakit ngayon lang sa tagal na naming magkakilala. I mean hindi naman kami close pero why?

Ipiniling ko ang ulo at napag pasyahang sumunod. I need to clarify my thoughts kung totoo ba na gusto ko na siya.

Or baka intimidated lang ako dahil kilala siya at pinag kakaguluhan sa buong campus? Baka I'm one of that stupid crazy girls kilusan.

At kung gusto ko siya ano naman? It's just crush, hindi naman nito mababalik ang 7 billion na ninakaw ng philhealth.

Napailing na lang ako sa mga naiisip. Bumaba na ako sa hagdan at nag tungo sa dining area. Hindi pa ako nakakapasok ay rinig mula dito ang pag uusap nila.

"Akala mo hindi ko nakita yung ginawa mo kanina." Napahinto ako. It's Gael voice pertaining to Ayden. Nakatalikod ang tatlo habang nag sisimulang mag sandok ng pag kain.

Nagtago ako sa gilid at nakinig sa kanilang usapan. "You saw what?" sagot naman sa kanya ni Ayden.

"Kanina yung pa sandal—sandal mo." Irritation were on his voice. "And?" walang interest na sagot ni Ayden.

Tahimik namang nakikinig sa kanila si Kylo. "Do you like her?" Napataas ang kilay ko.

Sigurado ako na ako ang pinag uusapan nila. Gusto ko pang marinig ang sasabihin niya kaya mananatili muna ako dito bago pumasok.

"Why'd you ask?"

"Just answer the damn question—"

"Anong ginagawa mo d'yan?" Halos takasan ako ng kaluluwa ng mag salita si Nirvana sa likod ko. Sabay sabay namang napalingon ang tatlong lalaki sa gawi namin.

Hinampas ko siya sa braso at hinila papasok ng dining area. "I was waiting for you, let's eat na." Pinanlakihan ko siya ng mata.

Naguguluhan itong tumango at naupo. Naupo na din ako sa parte na hindi sila katabi. Kabado naman ako dahil baka isipin nila na nakikinig ako. E totoo naman...

"Bakit nandyan ka? Come closer here!" Inirapan ko si Gael. "I'm good, pass the pasta please." Hindi ito gumalaw at tiningnan lang ako.

"What are you looking at? Pass the pasta to me wala ka bang kamay?" Hindi makapaniwala itong tumingin sa akin.

"Really Astraea Celestine, really?" Parang gago itong iling ng iling.

"Don't really me gutom na ako." Singhal ko. Tatayo na sana ito ng inunahan na siya ni Ayden.

Sinundan ko siya ng tingin ng mag sandok ito ng pasta at nilagay sa plato ko. Hindi ako nakagalaw sa nangyari. Pasimple kong nilingon si Nirvana pero nakangiti lang siya habang naka focus sa kinakain.

"I though your full na?" he softly asked.

"May sinabi ako?" Hindi ito sumagot kaya inirapan ko siya.

Masama naman ang timpla ng muka ni Gael at tahimik lamang si Kylo. Nang mapansin na medyo madami ito maglagay ako pinigilan ko na siya.

"Konti lang." Rinig ko ang singhap ni Gael sa narinig.

"What's with the soft voice?" Halata naman sa kanya na wala pang nakakagawa ng mga bagay na ito kaya nag tunog bitter.

Hindi ko siya sinagot at nag pasalamat kay Ayden. Halos matunaw ang katawan ko ng ngumiti ito bilang tugon.

Inilagay ko sa likod ng tenga ang iilang hibla ng buhok bago nangiting kumain.

Bakit parang tanga ang mga tao ngayon? I can feel something weird inside my chest with his simple gesture.

"Fuck you Vermillion, not my sister." bubulong bulong ni Gael. "Shut up Gael, sobrang bitter mo talaga. Suyuin mo kasi para hindi ka tumandang binata." Napaangat ako ng tingin kay Nirvana.

"Si Kylo ang daldal ng bunganga." Natawa kami sa sinabi ni Gael kaya mas lalong bumusangot ang kanyang muka.

"So are you gonna pursue her?" Ayden curiously asked.

"No way!"

"Why?" ako naman ang nag tanong.

"She's a psycho papayag 'daw siyang magpaligaw basta sa akin siya mag papapraktis ng turok." Nangiwi nitong sagot. Kaya mas lalo kaming natawa.

"Sayang bro parang kagat lang naman ng langgam." Nakikisali na ngayon si Kylo.

"Langgam na ano? Kasing laki ng aso. Patayin niyo na lang ako." nabuo ng tawanan ang silid bago napag desisyunang mag si-uwian ng bisita.

Habang nag lilinis ang katulong ay tumutulong din si Ayden sa pag liligpit na lalong kina talon ng puso ko.

Para siyang house husband na inaasikaso ang kanyang asawa. Swerte ng pamilya nito in the future. Full package.... gwapo, matalino, basketball player, at engineer.

Nagsisi talaga ako kung bakit ngayon ko lang sila naging close kung kailan napaka tagal ko na silang nakakasalamuha.

Nataranta naman ako ng bigla itong lumingon kaya pasimple akong umiwas ng tingin at kunwari inaayos ang lamesa. Kahit wala namang dapat ayusin doon.

Narinig ko naman ang marahan niyang tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napatikom ito ng bibig at bumalik sa ginagawa.

Lumabas na ako ng kusina at nilapitan si Nirvana.

"Uuwi ka na?" I asked. "Oo ihahatid ako ni Kylo." Pinakuha niya dito ang bag na naiwan sa itaas. I'm really jelous of her healthy relationship.

Kahit minsan parang tanga at hindi siya maintindihan ay pilit siyang inuunawa ni Kylo. Lahat ata ng babae ay pangarap na makahanap ng lalaking mahaba ang pasensya.

"Kita na lang tayo sa school bukas." Tumango ako at tumayo na ito ng nakababa si Kylo. Lumabas na din ng kusina si Ayden kaya hinatid ko na sila sa labas.

May kausap kasi si Gaelan sa telepono kaya mukang hindi ito makakasunod.

Nauna na akong lumabas at pinag buksan sila ng pinto. Nilagpasan lang ako ng dalawa samantalang hinawakan naman ni Ayden ang hamba ng pinto at tinuro ang labas.

"You go out first." Tumango lang ako at lumabas na. Hindi ko na siya hinintay at lumapit sa dalawang mag jowa.

"Drive safely," hinalikan ko na si Nirvana sa pisngi bago ito pumasok. Pumasok na din si Kylo at pinaandar ang sasakyan, tinted ang bintana ngunit kumaway padin ako.

Tumabi ako at humarurot ang sasakyan nila paalis. Ngayon kami na lang dalawa ni Ayden ang nasa labas.

Hinarap ko siya at nakitang nakatayo ito sa tapat ng kotse niya. Agad akong lumapit at nagsalita.

"Drive safely." Nakangiti kong saad. Ngunit seryoso lang ang muka nito.

Lahat ata ng kagandahan na sakanya, ugali, muka, katawan. Wala ba siyang panget na katangian?

Nang hindi ito gumalaw ay nag salita muli ako. "Sabi ko drive safely bakit naka tunganga ka d'yan?" Nawala ang pagiging seryoso nito at bahagyang natawa.

"You really know how to ruined the mood." may pa iling iling pa itong nalalaman.

"Sige na papasok na ako umalis ka na." Pagtataboy ko.

Hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig sakin. Bigla tuloy akong na concious sa itsura ko.

I think I'm mukang nanay tingnan sa ayos ng buhok kong naka messy bun. Confident pa naman ako sa tuwing naka ganito dahil feeling ko ang ganda ganda ko.

"Where's my goodbye kiss?"