webnovel

ADORE HIM

Maru excused herself to the stranger. "Wait," pigil nito. "You don't look okay. Your lips are pale," pansin nito sa labi niya. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi. "Must be my nude lipstick," kaila niya. "Excuse me, Sir, pero kailangan ko na pong bumalik sa trababo." Magalang na aniya at inalis ang pagkakahawak nito sa kanyang kaliwang braso. Maging ito ay nagulat na nakahawak pala ito sa kanya. Ngunit bago pa siya makalayo ay tuluyan siyang bumuwal at bumangga sa dibdib nito. Umiikot na ang paningin niya at sigurado siyang hindi na niya kayang lumakad o kumilos mag-isa. Marahas na napamura ang lalaki at naramdaman na lamang niyang umangat ang kanyang mga paa sa sahig. Binuhat na siya nito at hindi na siya nakatanggi pa lalo na nang lumapat ang mukha niya sa matipunong dibdib nito. Hindi rin sinasadyang nasamyo niya ang panlalaking amoy nito na humahalo sa amoy ng alak. "Ang bango mo," wala sa sariling pansin niya rito. Mas lalo niyang binaon ang mukha sa dibdib nito Marahas itong suminghap at bahagyang dumiin ang pagkakahawak sa kanya. "Don't move too much. Baka mahulog ka," matigas ang tinig na sambit nito.

jadeatienza · perkotaan
Peringkat tidak cukup
18 Chs

More

Chapter 12. More

GUMISING si Maru nang magha-hating gabi na dahil nakaramdam siya ng gutom. Even she's hungry, she woke up with a smile on her face remembering the wonderful moments she just had. But her smile disappeared right away when she noticed she's inside her room.

"Was that just a dream?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Mabilis na bumangon siya't napahiyaw nang maramdaman ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Patagilid siyang humiga at niyakap ng mahigpit ang kanyang unan para maibsan ang kirot na nadarama.

"Nope," then, she sighed in relief. "That's definitely not a dream."

Ilang sandali pa ay narinig niyang bumukas ang pinto. She plastered her sweetest smile when she saw JD coming inside the room, wearing only pajama and carrying a food tray.

Her heart thumped wildly as he lovingly stared at her.

"Good evening," bati niya rito.

Nilapag nito ang tray sa bedside table at umupo sa gilid ng kama. Pagkatapos ay walang sabing siniil nito ng malalim na halik ang kanyang labi. "Good evening," ganting bati nito matapos ng halik.

Napalunok siya nang mapagtantong gusto pa niyang damhin ang labi nito.

Have I been this horny before?

"Kumain ka na. Alam kong nagugutom ka na," sambit nito.

Tumango siya 'tsaka dahan-dahang umupo. Napangiwi siya nang maramdamang muli ang kirot sa kanyang pagkababae.

"I should've been gentler," may pagsisising untag nito.

"Nah, I'll be fine. Normal lang ito sa mga first timer."

What's not normal is that losing a woman's virginity in a standing position. —she wanted to add. There's a moment of silence afterwards.

What now?

"Uhm," panimula niya. "Hindi ka ba busy?"

Umiling ito't mabilis na pinaliwanag na nasa bakasyon ito ngayon.

"You also mentioned about your cousin. I didn't know you and Lexin are related."

"Now you know."

Huh? Ang cold namang kausap.

"Buti pala rito mo napiling magbakasyon?" pag-iiba niya sa usapan.

"I want a fresh environment."

Napatangu-tango siya. "Magtatagal ka ba?"

"Hindi."

Ang hirap namang makipag-usap dito. Bakit parang ayaw na nitong kausapin siya? She just started eating the food he brought, which tasted really delicious, by the way, and just focused on eating.

"I'll just, uh, go to my room," paalam nito.

Wala sa sariling tumango siya't lumukot lalo ang mukha nang lumabas na ito ng kwarto. Nawalan na siya ng ganang kumain kaya hindi na niya tinapos ang pagkain. Ilalagay na lang niya iyon sa ref.

Lumabas din siya ng bahay at nagpasyang maglakad-lakad sa dalampasigan. Gawain niya iyon araw-araw ngunit ito ang unang beses na lalabas siya sa gitna ng dilim. But it isn't dark as she expected because the moon's shining so bright, giving her the light she exactly needed.

She sighed heavily and tried to drive away her thoughts but she failed to do so. Gustong maghinanakit ng puso niya dahil sa malamig na pakikitungo ng lalaki matapos ng nangyari sa kanila.

"Was he not satisfied because I didn't know how to make him feel good?" bulong niya sa sarili habang sinisipa-sipa ang mapinong kremang buhangin.

Tumigil siya sa paglalakad at tumitig sa kalangitan. This is what she likes about the island, the moon shines so bright. Ang dami ring mga butuin ang kumukuti-kutitap kumpara sa siyudad.

"It was my first time so it's understandable if I didn't know how to pleasure my partner," pagpapagaan niya sa loob.

Again, she sighed heavily.

"You are pleasurable." Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses. It's JD's deep but soft voice, who was standing near her place.

Napakislot siya sa biglaang pagsasalita nito. Lagi na lang siyang ginugulat ng lalaki.

"You don't have to lie just to lighten up my mood. Sa susunod, gagalingan ko na." Napanguso siya habang sinasabi iyon. Huli na nang mapagtanto ang sinabi.

"Sa susunod..." pabulong na ulit nito.

"I m-mean... Ah! Nagugutom na ako."

Naningkit bigla ang mga mata nito. "Didn't you just eat?"

She pouted more. "I put the food in the fridge," amin niya.

Nangunot ang noo nito. "Hindi mo ba gusto ang pagkain? Ano'ng gusto mo? Ipagluluto ulit kita."

Ipagluluto ulit? "Niluto mo ang nga iyon?"

"I did. So tell me what do you want to eat."

"You can cook," she stated. Hindi siya makapaniwala. Ang dami namang talent ng lalaki samantalang siya'y paprito-prito lang. Dinadaan lang niya sa plating ang mga piniprito niya para magmukhang napakasarap. Kaya nga ba wala siyang future na maging cook sa tinatayo nilang eatery business ng nanay niya, eh.

"Yes, I can so let's go back inside. Tingnan mo kung ano ang gusto mo sa stocks, ipagluluto kita."

Umiling siya. "I'll eat your crab soup and the buttered shrimps. Masarap, eh."

"Huwag mo nang pilitin kung ayaw mo," malamig ang tinig na untag nito.

Did she offend him?

He came closer and grabbed her right hand. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito nang hilahin siya nito.

Nang makapasok sa bahay at dumiretso sila sa kusina. He opened the fridge widely and gave space for her in front of it so she could freely look at the foods inside.

"Ano'ng gusto mong kainin?"

She pointed out the food she stored a while ago.

"No, Maru, you don't like that."

Napakurap-kurap siya nang marinig niyang sambiting nito ang ngalan niya. "You know my name..." hindi makapaniwalang bulalas niya.

"Of course, I know you. We met many times."

She scowled. "Many times?"

Saglit itong natigilan. "Huwag mo nang kainin iyan. Ipagpi-prito na lang kita ng hotdogs at itlog. Napansin kong gustung-gusto mong kinakain iyon."

"Hindi nga. Itong niluto mo ang kakain ko."

"Ayaw mo nga nito," pilit ni JD.

"Gusto ko. Nawalan lang ako ng gana kanina," humalukipkip siya nang isiwalat iyon.

"Bakit?" tanong nito. Napalitan ng pag-aalala ang itsura nito.

Napakagat-labi siya. Nagtatalo ang kanyang isipan kung sasabihun ba niya ang dahilan o hindi. Sa huli ay napagpasyahan niyang sabihin iyon.

"You were so cold. Pakiramdam ko'y ayaw mo na akong kausap kasi nga nakuha mo na ako."

"What?!" iritadong bulalas ni JD.

"Tapos, hindi ka natulog katabi ko. Hindi ka pa nakuntento, nilipat mo ako sa kwarto ko."

He suddenly looked like he couldn't believe what she's saying. Napakagat-labi siya't yumuko sa sobrang kahihiyan.

"My baby wants to cuddle."

Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi.

"Don't bite your lips too much."

"Why?" tanong niya. "Is it not allowed to hope for that?"

Nawala ang mapaglarong ngisi sa labi nito.

"Maybe because it's my first time so I was hoping for a cuddle." Nag-angat siya ng tingin. "Don't worry, the next time we do that, I won't ask for anything." Napapaiwas siya ng tingin habang sinasabi iyon.

"The next time, we will make love on the bed."

Napakurap-kurap siya't pumirmi ang mga titig sa gwapong mukha nito.

"Yes, sexy, there will be a next time. Perhaps, more next time."

She gulped. She's been saying 'the next time' without thinking that there will be really next time.

"And the reason why I brought you to your room was I've been really turned on that I wanted to pound you so hard on my bed."

Napasinghap siya.

"Even when you're sleeping, I badly wanted to feel your body once again. Kaya nga ba't kahit tulog ka, nagawa pa kitang romansahin. Kung hindi lang ako nakapagpigil, paniguradong nahihirapan ka nang lumakad ngayon."

"H-Huh?"

"Hindi ka makagagalaw ng maayos dahil papagurin kita— Damn!" Napapikit ito ng mariin, tila kinakalma ang sarili. At nang magmulat ay napatitig ito sa katawan niya. "Your body is full of my love bites from my aggressive kisses..." malat ang tinig na siwalat nito.

Wala sa sariling napatingin siya sa sariling katawan subalit balot na balot siya ng mahabang pantulog kaya hindi niya makita ang sinasabi nitong mga pulang marka sa balat niya.

He then got the food inside the fridge and finally closed its door.

"Iinitin ko lang ang pagkain mo. Lumamig na."

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mailagay na nito ang pagkain sa oven. Pagkatapos ay hinila nito ang upuan sa dining table.

"Dito ka na umupo."

Tahimik na sumunod siya't nang makaupo ay pasimpleng sinilip niya ang kanyang katawan. Her eyes widened with what she saw on her breasts. Even her abdomen has! Hindi na siya magtataka kung pati sa leeg hanggang balikat, o maging sa braso ay mayroon siya. He wasn't lying when he told her that she's full of love bites now.

Tahimik na sinundan niyang muli ng tingin ang lalaking abala na ngayon sa paghahanda ng hapag.

"Stop staring, Maru. Kumain ka na. Hihintayin kitang matapos."

"Hindi ka kakain?"

"Kumain na ako kanina."

"Ano'ng oras?"

Hindi ito sumagot. Tama ang hinala niyang hindi pa rin ito kumakain ng matino.

"Saluhan mo na akong kumain," alok niya.

Ngumuso ito.

"Dali na," aniya at tinapik ang upuan sa tabi niya. Sumunod naman ito at umupo roon.

Tiim-bagang lang siya nitong tinitigan habang kumukuha siya ng ulam. Natagalan pa siya dahil binalatan niya ang hipon.

"I should've done that already," komento nito. Tila kinkastigo ang sarili.

"Okay lang. Matrabaho naman talaga ang pagkain ng hipon," sagot niya't tinusok ang nabalatang hipon gamit ang hawak na tinidor. "Now, open your mouth," utos niya rito. Gustung-gusto ni Maru ang takbo ng kung ano ma'ng namamagitan sa kanilang dalawa ni JD. Oo nga't masyadong mabilis ang mga pangyayari pero hindi ba't mas mainam iyon? Mas madaling kilalanin nila ang isa't isa kung magiging malapit na sila agad.

Teka, ano ba'ng mayroon kami?

Umiling siya para iwaglit ang naisip.

Marahan siya nitong tinitigan at tila ayaw siyang sundin. Napansin din niyang pulang-pula ang mukha nito.

"Dali na. Ahh..." ulit niya.

Ngumanga ito ng bahagya at sinubuan niya ng pagkain. His face turned red even more while he's chewing the food. Hindi na rin ito makatingin ng diretso sa kanya.

"You are blushing," she stated.

"I am not," kaila nito.

"Yes, you are. And you're so cute!" komento niya't bahagyang kinurot ang pisngi nito. Pagkatapos ay tumayo siya, "Saglit lang. Ikukuha kita ng pinggan."

This is the first meal they shared together and she must say, she wants more of this. She wants more of him.