webnovel

ADORE HIM

Maru excused herself to the stranger. "Wait," pigil nito. "You don't look okay. Your lips are pale," pansin nito sa labi niya. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi. "Must be my nude lipstick," kaila niya. "Excuse me, Sir, pero kailangan ko na pong bumalik sa trababo." Magalang na aniya at inalis ang pagkakahawak nito sa kanyang kaliwang braso. Maging ito ay nagulat na nakahawak pala ito sa kanya. Ngunit bago pa siya makalayo ay tuluyan siyang bumuwal at bumangga sa dibdib nito. Umiikot na ang paningin niya at sigurado siyang hindi na niya kayang lumakad o kumilos mag-isa. Marahas na napamura ang lalaki at naramdaman na lamang niyang umangat ang kanyang mga paa sa sahig. Binuhat na siya nito at hindi na siya nakatanggi pa lalo na nang lumapat ang mukha niya sa matipunong dibdib nito. Hindi rin sinasadyang nasamyo niya ang panlalaking amoy nito na humahalo sa amoy ng alak. "Ang bango mo," wala sa sariling pansin niya rito. Mas lalo niyang binaon ang mukha sa dibdib nito Marahas itong suminghap at bahagyang dumiin ang pagkakahawak sa kanya. "Don't move too much. Baka mahulog ka," matigas ang tinig na sambit nito.

jadeatienza · Urban
Not enough ratings
18 Chs

Langoy

Chapter 13. Langoy

NAGING madali kay Maru ang pagtatrabaho sa ancestral house lalo pa't may kausap na siya sa tuwing umaalis ang ilang mga tauhan. Sa loob ng isang linggo ay mas naging malapit siya kay JD at pakiramdam niya ay may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa.

Of course there's something special. You gave in to him, right? Sarkastikong untag niya sa isipan.

"Maru," mahinang tawag ni JD sa kabilang pinto. What she likes about him is that even though they shared the same bed many times, he still respects her privacy. Hindi kaagad ito pumapasok sa kwarto niya't laging kumakatok.

"Pasok," she said.

"Can I sleep with you?" tanong nito. Nakasuot ito ng puting t-shirt at boxer shorts. Mukhang katatapos lang nitong mag-shower kasi medyo basa pa ang buhok nito. Alas nueve pa lang ng gabi at halos katatapos lang nilang kumain ng hapunan.

Mabilis na tumango siya't tumungo sa closet.

"Why are you wearing swimsuit?" pansin nito sa kanya.

"Magpapalit lang ako saglit." Mabilis na hinarap niya ang closet para kumuha ng damit pantulog. Napakislot siya nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa likuran niya't bahagyang pinaglandas ang isang palad sa kanyang tiyan.

"Are you going to swim?" mahinang tanong nito, halos makiliti siya sa paraan ng pagsasalita nito. "You are sexy wearing this black strapless bikini. But I'm worried you might catch cold."

Pinilit niyang huwag pansinin ang init na nadarama niya mula sa bahagyang pagdama nito sa kanya. "K-Kaya nga magpapalit na ako."

"Don't. Let's swim together instead," awat nito.

"Pero, nakaligo ka na."

"We can just take a shower later."

"W-We?" Napalunok siya sa isipang iyon.

"Yes," namamaos nitong untag. "...we."

It's been a week since she gave herself in him. Masusundan na ba iyon?

"Tara," yaya niya. Pinagsiklop nito ang mga kamay nila at inayos ang pagkakasuot niya sa roba 'tsaka na sila lumakad.

Ngunit nasa dalampasigan pa lamang sila ay namataan nila ang chopper papalapit sa isla. Sabay silang natigilan ni JD habang tinatanaw iyon.

"Are you expecting visitors tonight?" she asked.

Umiling ito.

Ilang sandali lamang ay lumapag ang isang eroplano at bumaba mula roon ang isang sopistikadang babaeng nakasuot ng pulang dress at halos lumuwa ang dibdib nito roon. Inalalayan ito ng isang lalaki sa pagbaba.

Humigpit ng pagkakahawak ni JD sa kamay niya't narinig niya itong bumulong, "Reina."

Nangunot ang kanyang noo nang bumaling dito't bumalik ng mga tingin sa mga bagong dating. Halos hindi na siya humihinga ng maayos sa sobrang tensyon na nararamdaman. Bakit pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari?

Hindi siya nagkakamali nang mabilis na lumapit ang babaeng nagngangalang Reina sa direksyon nila, partikular na sa kinatatayuan ni JD at sa isang iglap ay yumakap ito sa batok ng lalaki 'tsaka siniil ng halik.

Gulat na gulat man ay pinilit niyang bawiin ang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki at nag-iwas ng tingin. Sakto namang tinapos ng babae ang paghalik dito at humiwalay ng bahagya nang bumaling siyang muli rito.

"I miss you so much, JD."

Tuksong huminto naman ang ingay ng chopper nang sambitin nito ang mga katagang iyon.

"Kumusta naman ang fiancé ko sa pag-e-ermitanyo rito sa isla?" Napakalambing ng tinig nito habang kinakausap si JD.

Fiancé...?

Paulit-ulit na namutawi iyon sa kanyang isipan.

"Uh, excuse me. M-May gagawin pa pala ako." She tried her best to sound normal so she could excused herself.

"Hi there! Ikaw ba ang katulong dito? Can you get me some water? Nauuhaw na ko, eh. Pero mas uhaw ako sa mapapangasawa ko," baling ni Reina sa kanya.

"Don't talk to her that way, Reina." Matigas ang tinig ni JD nang sambitin iyon.

"P-Pasensya na, hindi maganda ang pakiramdam ko," aniya. Hindi pinansin ang lalaki.

"Maru, wait—"

Hindi na niya ito pinakinggan at nagsimula nang lumakad pabalik sa loob ng bahay. Habang naglalakad ay nanlalabo na rin ang paningin niya dahil sa luhang nagbabadyang pumatak. Natisod siya pagpasok sa bahay kaya't inalis na niya ang suot na tsinelas at pinunasan ang mga luha. She still couldn't believe she'll be shattered as fast as how she gave herself in to him. And he already has a fiancée!

At nakuha na niya ako ng buung-buo!

Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Imbes na sa kwarto dumiretso ay lumabas muli siya ng bahay, sa likod siya dumaan. She isn't even wearing her slippers now.

Tumuloy siya sa mabatong bahagi ng dalampasigan at doon iniyak ang lahat ng sakit na nadarama.

Hindi niya masisisi ang lalaki sa mga pangyayari sa kanilang dalawa. Sa kabila ng lahat ay siya mismo ang bumigay rito. Hindi siya kailanman pinilit ng lalaki dahil buong-puso't walang pag-aalinlangan niyang ibinigay ang sarili rito.

Bumuntong-hininga siya at nagpasyang lumangoy na lamang sa karagatan. Ang malamig na ihip ng hangin ay hindi nakatulong sa kalungkutang nadarama niya. Gayon din ang marahang paghampas ng alon sa kanyang balat.

Hinayaan niyang magpaanod sa agos habang nakatulala sa mga bituing nagniningning.

HINDI alam ni JD kung paanong paaalisin si Reina ora mismo lalo pa't naramdaman niya ang marahang panginginig ng kamay ni Maru.

"Reina," bulong niya nang makita ang dating kasintahan.

He was about to say she should go back but she suddenly kissed him and he felt Maru moved away.

Umiigting ang mga panga niya nang tapusin nito ang halik. He pushed her away to make her stop kissing her.

"Kumusta naman ang fiancé ko sa pag-e-ermitanyo rito sa isla?"

His jaws clenched as he looked at Reina, who's now looking at Maru.

"Uh, excuse me. M-May gagawin pa pala ako." Maru sounded really tensed.

No, baby. You don't have to be nervous.

"Hi there! Ikaw ba ang katulong dito? Can you get me some water? Nauuhaw na ko, eh. Pero mas uhaw ako sa mapapangasawa ko," baling ni Reina kay Maru.

"Don't talk to her that way, Reina." Matigas ang tinig niya nang sambitin iyon.

"P-Pasensya na, hindi maganda ang pakiramdam ko," paalam ni Maru.

"Maru, wait—"

"Come on, JD. Didn't you miss me?" Malanding tugon ni Reina't direktang hinawakan ang pagkalalaki niya. "I can feel that you want me already. Let's fuck here."

Tinabig niya ang kamay nitong pilit na pinapaloob sa loob ng suot niyang boxer shorts.

"Hindi ikaw ang dahilan ng matinding pagnanasang ito, Reina."

"Ouch!" Walang emosyong sambit nito. "That's fine. Pwede mong ilabas sa akin iyan. You never had the chance to taste me before, right?"

Naningkit ang mga mata niya. Hindi ito ang Reina na kilala niya noon. Oo nga't hindi totoo ang pagpapakilala nito sa kanya ngunit hindi kailanman naging ganito ka-bold ang babae noon. "What happened to you?" tanong niya.

Saglit itong natigilan at pagkuwa'y lumakad na papasok ng bahay.

"I'll wait for you in your room. I'll just take a shower and let's have sex," dagdag pa nito.

Wala siyang pakialam kung kahit saan pa ito pumunta. Kailangang puntahan niya si Maru ngayon para paliwanagan ito. Iniwan niya si Reina at patakbong pumasok sa loob ng bahay.

Dumiretso siya sa kwarto ni Maru at hindi na nag-abalang kumatok pa. Nang wala ito sa kwarto ay naisip niyang baka nasa loob ito ng banyo. Kumatok siya roon at tinawag ng ilang beses ang pangalan ng babae.

"Maru... Please, let's talk."

Pinihit niya ang seradura at nagtatakang pumasok sa loob ng banyo. Nakapatay ang ilaw at walang bakas na galing doon ang babae.

Kinabahan siya't mabilis na bumaba. Napansin niya ang magulong pagkakalapag ng isang pares tsinelas nito sa may sala at ang isa'y nasa may kusina.

"JD," si Reina na kapapasok lamang sa loob ng bahay.

"Umalis ka na. I don't have any time to play games with you."

"Hear me out first." Humawak ito sa braso niya. "Please fuck me..."

Lalong uminit ang ulo niya sa narinig at kinabahan nang mapansing nakabukas ang pinto papalabas ng kusina. "Fuck yourself, Reina!" Marahas na tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso at tuluy-tuloy na lumabas siya sa backdoor.

"Maru!" tawag niya sa ngalan ng babae.

Patakbo niyang tinungo ang rock formations kung saan ang pinakamalapit na maaaring puntahan ni Maru. Hindi siya nagkamali nang mamataan niya ang puting robang suot nito kani-kanina lang na nakalapag sa may batuhan. Dumagundong ang puso niya nang may makitang palutang-lutang sa dagat, malayu-layo sa dalampasigan.

He didn't think twice and swam to come closer to her.

"Maru!" he called her, but she didn't answer him at all.

Nakita niya kung paanong unti-unting lumubog ang katawan nito sa tubig kaya natatarantang nilangoy niya ang distansya sa pagitan nilang dalawa.

Subalit hindi niya makita ang katawan ni Maru kaya nilangoy niyang muli ang pinakamalapit na direksyon.

"Please be safe..." hininingal na dalangin niya habang lumalangoy at hinahanap ang babae.