webnovel

Addicted (BoyxBoy)

DISCLAIMER: MATURE CONTENT R-18 This story may contain content of an adult nature. Reader discretion is advised. - Meet Ace Ezekiel Montemayor, a man with a painful past. And this is his story.

heyitskristoff · LGBT+
Peringkat tidak cukup
31 Chs

Act 24

ACE 

"Siya nga." 

"Grabe baby. Umalis lang ako, may ibang nanliligaw na agad sayo," kunwari ay nagtatampong sabi ni Clark. 

Yumakap ako sa braso niya. Na-miss ko siya. Na-miss ko ang pamilyar na amoy, ang init ng kanyang katawan, ang maganda niyang ngiti. Na-miss ko ang lahat-lahat sa kanya. Masaya ako na nandito na siya ngayon sa tabi ko. 

Tumikhim si Ben. "Pasintabi po sa single."

"Pero hindi ko na siya nakita matapos ko siyang mahuli ng gabing iyon. Hindi na rin siya nagpadala ng rosas," patuloy kong pagkukwento. Tuluyan na akong nahiga sa sofa. Umunan ako sa malamang hita ni Clark. 

Nilaro-laro niya ang buhok ko habang nakatitig kami sa isa't isa. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang nakapagwapong lalaking ito ay kasintahan ko. At ikakasal na kami. 

"Bahala nga kayo diyan," tumayo si Ben hawak-hawak ang mangkok ng biscuits na dala pa ni Clark mula sa London. Umakyat siya papunta sa kwarto niya. 

At ngayon, solo na namin ni Clark ang sala. 

"Baby, sa bahay ka matulog," sabi niya. 

"Ayoko," nakangising sabi ko. "Gagahasain mo lang ako doon, eh." 

"Bakit doon pa? Pwede namang dito na agad?" 

"Loko-loko. Gising si Ben. Baka mahuli tayo." 

"Edi mabuti," pang-aasar niya pa. 

"Sira ka talaga," nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Pero seryoso ang imbitasyon ko, baby. Darating ang tito at mga pinsan ko. Gusto ka nila makilala," sabi pa niya. 

Natigilan ako. Parang hindi ko kayang humarap sa ibang tao. Lalo na sa mga kamag-anak niya. Paano kung hindi nila ako makatanggap? Wala pa naman akong maipagmamalaki. Isa lamang akong hamak na tambay. 

On top of that, broken... and unstable. 

"Don't worry. Matatanggap ka nila," nakangiting sabi niya na parang nabasa kung ano ang nasa isip ko. "They will love you." 

=== 

"Ano bang inaalala mo?" tanong ni Ben. "You're a very lovable person, Ace. Magugustuhan ka nila. Mga magulang nga ni Clark, tanggap ka, eh. Ano pang pakialam mo sa sasabihin ng iba?" 

Tama naman siya. Ano pa nga bang pinapangamba ko? Alam ko naman kung gaano ako kamahal ni Clark? Tanggap ako ng parents niya at maayos ang relasyon namin. 

"Chin up," utos ni Ben. Isinuot niya ang itim na necktie sa akin. "Ayan! Mas pogi ka na ngayon!" Ngumiti si Ben

Pero biglang nabago ang hitsura niya.

"Ayan! Mas pogi ka na ngayon!" Si Will na ang nasa harapan ko ngayon. Proud na proud pa siya sa ginawang pag-aayos sa akin.

"W-Will?" nanginginig ang kamay na tanong ko. I tried touching his face.

"Ace?" nag-aalalang tanong ni Ben. Imbes na mukha ni Will ang hawak ko, sa pisngi niya nakalapat ang kamay ko. "Okay ka lang ba?" tanong pa niya. Pinunasan niya ang luhang hindi ko namalayan ay tumulo na pala.

"May naalala lang ako," sagot ko.

"Basta, pinsan. Kahit anong mangyari, nandito lang ako. Kapag kailangan mo ng tulong ko, tawagan mo ako agad."

Muli ay nag-iba ang lalaking nasa harapan ko. Si Will ulit. Nakangiti siya sa akin. 

"Good luck, Ace," sabi ni Will.

Umiling ako. Muli ay si Ben na ang nasa harapan ko.

Bumaba na kami ni Ben nang marinig namin ang busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Nakaabang na sa amin si Clark na gwapong-gwapo sa suot nitong itim na polo at gray na pants. Ang galing talaga ni Clark magdala ng sarili. Halata ang confidence niya.

"Hi baby," nakangiting sabi niya.

"H-Hi," ganting bati ko. Bakit naman ako nauutal? Para namang ito ang first time na nakita kong ganito si Clark. Para namang ito ang unang beses na pinabilis ng lalaking ito ang pagtibok ng puso ko.

"Pare, ikaw na ang bahala sa kanya," sabi ni Ben.

"Oo naman," sabi ni Clark. Binuksan ni Clark ang pinto ng sasakyan at sumakay na ako. Sumakay na rin siya. "Bago tayo umalis, can I take this opportunity na sabihin kung gaano ka kagwapo, baby?"

Napatungo ako. Alam kong namumula ako sa biglaang papuri ni Clark. "B-Bolero."

"I wouldn't dare, baby."

"I-Ikaw rin, baby. Sobrang gwapo mo," sabi ko.

Totoo naman kasi. Minsan nakakahiyang tumabi sa kanya. Medyo patpatin ako. Ang ganda ng katawan niya. Normal lang ang features ng mukha ko. Si Clark, kahit walang gawin, talagang lilingunin at tititigan ng kahit sino. Ganoon kalakas ang appeal niya.

"Ang cute mo kapag nahihiya," may pilyong ngiti na sabi niya. 

Hindi na lamang ako nagsalita. Nagmaneho na siya. Dumiretso kami sa isang mamahaling restaurant. Nang makarating kami doon, hinatid kami ng isang waiter sa isang private room kung saan naghihintay sa amin ang mga magulang ni Clark.

May isang matandang lalaki na sa tantiya ko ay nasa 40s na. Ito siguro ang tito ni Clark. May tatlong iba pang tao roon. Isang batang babae na sa tingin ko ay pitong taong gulang. Isang binata na parang wala pang kinse anyos. Wala itong pakialam sa ibang nasa silid. Nakatutok lamang ito sa hawak na cellphone. At isang babae na nasa 20s na.

"Here you are, my baby," nakangiting pagsalubong sa akin ni tita Megan, ang mommy ni Clark. Binigyan niya ako ng isang yakap at nag-beso kaming dalawa.

"Pasensya na po na-late po kami," sabi ko.

"Walang problema. Halos kararating lang din namin," sabi ni tita. "Maupo na kayo."

Naupo na nga kami ni Clark sa dalawang bakanteng upuan. Napapagitnaan ako ni Clark at ng nakatatandang babaeng pinsan niya. Nginitian ako nito na ginantihan ko rin ng isang ngiti.

"Aki! Stop playing with your phone," pagalit na sabi ng tito ni Clark sa binata. Agad naman itong sumunod.

"Let's start. Shall we?" si tita Megan. "I would like to introduce to everyone the fiance of my son, Ace."

Tumayo ako at yumuko. "Magandang gabi po sa inyo."

"Gwapong binata naman pala," narinig kong papuri ng tito ni Clark.

"S-Salamat po," nahihiya kong sabi at bumalik sa pagkakaupo.

"Hi," masiglang sabi ng babae sa tabi ko. "I'm Kate, pinsan ni Clark. Nice meeting you."

"Nice meeting you too," sabi ko at nagkamay kaming dalawa.

"Huwag ka nang mahiya sa amin. Pamilya ka na namin," sabi niya.

"Sabi sayo, eh. They are gonna love you," bulong ni Clark. Nginitian ko siya.

Sobrang sarap sa pakiramdam ng mainit na pagtanggap nila sa akin. Parang nagkaroon ako ulit ng bagong pamilya - bukod kay Ben at kay tita Wendy. Maswerte na nga ako kay Clark sa pagmamahal niya, may kamag-anak pa siyang tanggap ako. Tanggap kami.

Nagkakilalan na kami habang umoorder ng pagkain para sa gabing iyon. Si tito Maxwell, kapatid ng daddy ni Clark. Naka-base sa Zamboanga. Dumayo lang daw sila rito para makilala ako dahil nalaman nga nilang engaged na si Clark.

Si Katherine, or Kate, ang panganay na anak ni tito Max. Twenty-three years old. Nag-aaral ng Masters sa Business Administration ngayon para makatulong sa pagma-manage ng negosyo ng pamilya. Si Zoren, ang pangalawang anak. Thirteen years old. High school student. Mahilig sa online games na natural sa mga batang nasa edad niya. At si Chloe, ang bunso sa magkakapatid. Pitong taong gulang at nasa grade school. Napaka-giliw ng batang ito.

"Kuya Ace, sino ang nanligaw sa inyo ni Kuya Clark?" tanong ni Chloe.

"Ako syempre," mabilis na pagsagot ni Clark sa tanong ng pinsan.

"Pero pareho kayong lalaki," segunda ni Zoren.

"Anong masama doon, kuya? Ang sabi ni daddy, hindi mali ang magmahal kahit sa kaparehong kasarian. Basta wala kang sinasaktan at tinatapakang ibang tao," sabad ni Chloe.

"That's my baby girl," nakangiting sabi ni tito Max. Niyakap pa nito ng mahigpit ang bunsong anak. Halatang proud na proud sa anak.

"Gaano na kayo katagal?" tanong ni Kate.

"Actually, mag-aapat na buwan pa lang kami," sagot ko. "Eh kaso nag-propose agad itong si Clark."

Ngumiti si Kate. "Ayaw ka nang pakawalan ng pinsan ko."

Niyakap ako ni Clark. "Syempre. Baka maagaw pa ng iba, eh."

Maya-maya nag-alarm ang phone ko na nakapatong sa lamesa. Dinampot ko ito. Nakita ko rin ang maraming missed calls ni Ben. Marami rin siyang ipinadalang messages.

"Ace! Nasaan ba kayo ngayon? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Naiwan mo ang gamot mo!" ang pagbasa ko sa huling mensahe ni Ben.

Napatayo ako. Napatingin silang lahat sa akin.

"C-Clark..." sabi ko. Parang sumisikip ang dibdib ko.

Bakit ko nakalimutan ang gamot ko? Paano kung atakihin ako? Paano kung masira ako? Paano kung ipahiya ko ang sarili ko sa harap nila? Paano kung ipahiya ko si Clark?

"B-Baby?" nag-aalalang tanong ni Clark. Tumayo na rin siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni tita Megan.

Ang tanga-tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Sa sobrang pag-aalala ko at sa sobrang excitement ko, nakalimutan ko ang pinakaimportanteng bagay na hindi ko dapat makalimutan.