Parang ayoko na
Yaan ang sabi ko sa'yo kanina
Ano'ng ayaw mo na
Ang makausap ako, ok at nawala ka ng bigla.
Walang alinlangan, walang babala
Biglang nagdesisyon ka
At nawalang parang bula
Napakadali sa'yo ang iwan ako'ng mag-isa.
Akala ko ako sa iyo'y mahalaga
Pero ako pala ay umasa sa wala
Akala ko ako sa iyo'y may importansiya
Pero ako pala ay umasang parang tanga.
Mahal kita pero masakit na
Lalo at nakita kitang masaya
Sa piling ng iba na sabi mo noo'y wala na
Kaya mas maganda pa ang lumisan na
Bago maibigay sa'yo ang lahat lahat na.
Arrette
Maaga pa lang ay gising na ang lahat dahil kailangan nilang umalis ng maaga para makarating agad sa paggaganapan ng 4x4 off road race. Minsan kasi ay depende sa host kung paano ang magiging pagkakasunod-sunod ng mga lalaban sa karera. Minsan ay draw lots, minsan naman ay ang pagkakasunud-sunod sa registration. Halimbawa, kung sino ang nasa number 1 ay siya ang unang sasabak sa race track.
"Okay na ba ang lahat?" Tanong ni Logan sa mga pinsan at nagsipag-thumbs up naman ang mga ito. "Lakad na tayo." Sabi ni Oliver sabay lakad papuntang pinto. Pagbukas ng binata ay bumungad sa kanya ang isang napakalaking teddy bear at isang bouquet of white roses na halos tumakip na sa may dala nito.
"Morning sa inyong lahat." Pinilit na lakasan ni James ang boses para madinig ng lahat pero ang totoo ay nahihirapan siya sa mga dala-dala pero hindi niya ininda iyon dahil ang lahat ay titiisin niya para sa dalagang nililigawan. "Wow, dre, ngayon na talaga ako naniniwala na may lahi kang Intsik." Natatawang sabi ni Elijah. Sila Angela at Lyza naman ay itinutulak papunta sa harap si Billie. Si Logan naman ay nangingiti sa hirap na nakikita sa kaibigan pero humanga din siya dito dahil ngayon lang talaga niya nakita ang mga ginagawa nito. "Billie?" Tawag ni James sa dalaga. "Nasa harap mo na." Sabi ni Angela sabay tulak para lalong mapalapit ang pinsan sa binata. "Billie, para sa'yo." Kahit hindi nakikita ng binata ang dalaga ay pilit niyang iniabot dito ang bouquet of white roses. "Thank you." Mahinang sabi ni Billie. Dahil nabawasan ang hawak ay nagawa ng maipakita ni James ang mukha at napuno ng tawanan ang buong bahay ng mga Pascual. Si Billie naman ay tiningnan ng masama ang mga pinsan kaya kahit papaano ay nabawasan ang mga tawa nito.
"Kamusta na 'yang..." Nguso ni Billie sa bukol na nasa noo ni James. Ito ang napala niya ng mawala sa sarili kahapon. "Ito?" Napangiwi si James ng hawakan ang noo pero hindi siya nagpahalata. "Okay lang, malayo sa bituka." Nakangiting sagot ng binata. "Tingnan nga natin kung malayo talaga sa bituka." Sabi ni Logan sabay lapit kay James at hahawakan na sana ang bukol ng kaibigan pero naiharang naman nito ang malaking teddy bear na hawak. "Logan!" Tawag ni Billie sa pinsan sabay hila para mailayo kay James. "Parang titingnan lang eh." Nangingiting sabi ni Logan.
"Para sa iyo din pala ito." Sabi ni James sabay abot ng teddy bear sa dalaga pero dahil sa hawak pa nito ang rose ay hindi din malaman paano kukunin ang teddy bear. Kukuhanin sana ni Angela ang bouquet pero iniwas naman ito sa kanya ni Billie sabay belat dito na ikinatawa ng dalaga. "James, tara sa kwarto." Aya ni Billie at nagtaasan ang mga kilay ng mga lalaking Pascual. Nangiti naman sila Angela at Lyza. "Bilis naman gorl." Biro ni Lyza. "Subukan mo lang at ngayon pa lang mababali na tadyang mo." Banta naman ni Logan. "Pwede bang magsitigil kayo. Ilalagay lang namin ang mga ito sa kwarto ko para makalakad na tayo, okay?" Kunyaring pagtataray ni Billie sa mga pinsan. "Ahh, 'yun naman pala." Sabi ni Angela sabay tapik sa balikat ni Logan. Naunang naglakad si Billie papasok ng bahay at ng hindi niya maramdaman ang binata na sumunod ay lumingon siya at nakita niyang nakaharang sila Logan, Elijah, at Oliver sa dadaanan ng binata.
Napailing na lang si Billie at nilapitan si James. Nagulat ang binata ng hawakan ng dalaga ang kamay niya sabay hila papunta sa kwarto. Wala naman nagawa ang tatlong Pascual na lalaki at hinayaan na lang ang dalawa.
Pagpasok ni James sa kwarto ng dalaga ay naamoy niya agad ang scented candle na nagsilbing pabango sa loob nito. Hindi tulad ng ibang babae na pink ang makikitang kulay sa mga gamit nito, halos puti ang buong kwarto na nahaluan lang ng konting blue. Tama ang pagpili niya sa mga white roses. Sa susunod ay blue naman ang bibilin niya, nasa isip ng binata.
"Pakibaba na lang diyan sa kama ang bear." Sabi ng dalaga habang ibinababa naman nito ang bouquet sa kanyang study table. "Kukuha lang ako ng vase." Sabi ni Billie at pumasok sa washroom nito. Pinagmasdan ni James ang kwarto ng dalaga. "Napakalinis at organize." Bulong niya. Pagbukas ng pinto ng washroom ay dala na ni Billie ang vase. "Mamaya ko na aayusin ang mga ito. Tiyak na maiinip ang mga iyon kapag hindi pa tayo bumaba agad." Nakangiting sabi ni Billie. "Oo nga." Nangiti din si James ng maalala ang pagkatok na ginawa ni Angela at Lyza kahapon.
Magkasunod silang lumabas ng kwarto ng dalaga at natawa sila sa mga taong nag-iintay sa kanila. Lahat ng mga ito ay nakatingin sa direksyon nila at seryoso ang mga mukha. "Kung gagawa man kami ng kalokohan ay hindi dito." Nakangiting sabi ni Billie na ikinagulat ni James. "Subukan mo lang ang paliliparin kita ora mismo papuntang Canada." Seryosong sabi ni Logan. "Masyado kasi kayong seryoso sa buhay. Chillax!" Sabi ni Billie sabay pingot sa ilong ni Logan. "Kukutusan kita diyan eh." Sabi ni Logan pero bago niya maabot ang noo ng pinsan ay nakatakbo na ito sa labas ng bahay.
Naiwan naman si James sa loob at bago pa siya makatikim sa mga kaibigan ay nag-peace sign na siya sabay takbo na din palabas. Iiling-iling na naiwan ang lima sa loob. "Kung kalokohan at kalokohan din naman ang pag-uusapan ay tiyak na magkakasundo ang dalawang 'yun." Nakangiting sabi ni Elijah. "Sinabi mo pa, tiyak na magiging mas magulo dito sa bahay pagnagkataon." Dugtong naman ni Oliver. "Basta huwag ko lang makikitang umiiyak si Billie at walang magiging problema." Sabi naman ni Logan. "Don't worry, hindi iiyak si Billie, uungal lang." Nakatawang sabi ni Angela. "Korak! May kasama pang lupasay." Dugtong naman ni Lyza. Nagkatawanan sila ng maalala ang ginawa ni Billie ng mamatay ang alaga nitong aso.